webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 132

Mabilis na rin ang mga itong lumakad papasok ng Jade Auction House habang mabilis na tumakbong muli ang karwahe. Malamang ay babalik ito mamaya dahil masyadong makitid ang lugar sa labas kaya ilalagay ito sa mas ligtas na lugar.

"Hoy pulubi, aalis ka ba o hindi? Kanina ka pang paharang-harang dito eh." Sambit ng isang bantay sa kaliwang bahagi ng gate. Masyado na itong naiinis at masakit sa mata.

"Bingi ka ba? Hindi ka ba nahihiya ha?!" Sambit ng isa pang bantay. Masasabing hindi maaaring baliwalain na mayroong importanteng nilalang ang nasa likuran lamang ng matandang pulubing ito. Makikita na masyadong nakakahiya na ang pangyayaring ito.

Tila nalipat muli ang atensyon ng mga ito sa matandang pulubing kani-kanina pa nakaharang sa harap ng gate.

"Hay naku, bingi pa talaga ang matandang lalaking iyan? Kanina pa to ha!" Naiinis na sambit ng isang lalaki habang malakas nitong pinasaringan ang matandang pulubi.

"Oo nga, sarap kaladkarin na ito at ipatapon sa labas ng bayan!" Sambit ng isa pang lalaki na kanina pa tahimik sa isang sulok.

"Nakakahiya na sa Yì Family ito! Hoy pulubi, maaari bang umalis ka na rito?!" Pabulyaw na sambit ng isa pang lalaki na payat. Tila ba ang mga bagay-bagay na ito ay nais niyang ipakita ang kaniyang sariling halaga.

Maging ang ibang mga kalalakihan ay hindi na rin makatiis sa isang sulok at gusto ng magpapansin partikular na rito sa magandang dalagang si Yì Hua. Nakita nila sa kanilang sarili na ang matandang pulubing ito ang magiging biktima nila lalo na ang Jade Auction House.

Ang kababaihan ay tila madilim ang mukha ng mga ito lalo na ang tatlong mga babaeng kaninang nakaw atensyon sa mga kalalakihan ay hindi na sila pinansin. Tila na-outshine ang kanilang sariling taglay na ganda sa dalawang magkapatid na diyosa sa kagandahan. Tila nagmukha silang basahan sa mukha ng mga kalalakihan kumpara sa heavenly beauty ng dalawang maharlikang magkapatid mula sa maimpluwensyang pamilya na Yì Family.

"Palayasin na yan, nakakairita na sa mata ang pulubing iyan." Naiinis na sambit ng isa pang binatang lalaki.

"Oo nga, nakakabuwiset talaga ang matandang pulubing iyan." Paggalit na sambit pa ng isa pang binatang lalaki.

"Malamang mamalimos yan sa loob kasi maraming mayayaman sa loob ng Jade Auction House. Hay naku!" Sambit ng isa pang lalaki. Masyadong naiinis na siya sa pulubing matandang ito.

Napangiti na lamang ang batang lalaking si Li Xiaolong sa mga sinasabing ito ng mga kalalakihan sa kaniya maging ang mga kababaihan kanina. Tila ba ang mga bagay na ito ay alam na alam niya.

"Hay naku, nakakita lang magandang babaeng maharlika o kilalang pamilya ay tila naging madaldal na ang mga ito. Ang mga kababaihan naman ay napatahimik na lamang dahil sa paglitaw ng magkapatid na ito. Tao nga naman, nangangarap ng gising. Kung wala silang lakas at puro tsismisan lang o kaya paninira ang gawin nila, niloloko lamang nila ang kanilang sarili." Tila nakangising sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong. Para sa kaniya ay mas nakakahiya ang mga ito, kaya nga hindi sila pinapansin ng tatlong maharlikang magkapatid at ng isang nakarobang matandang lalaki ay dahil sa wala silang katiting na interes sa mga makikitid ang utak at basurang pag-iisip ng mga nilalang na ito. Worthy to be called as Noble Family.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang batang lalaking si Li Xiaolong sa anyo niyang ito na pulubing matanda ay mabilis niyang inilabas ang isang jade token mula sa Jade Auction House.

Nang makita ng mga nilalang na nakikiusyuso lalong-lalo na ang naninira sa kaniya ay mabilis na tumahimik ang paligid.

Nang makarecover ang mga taong nakikinood dito sa labas ng Jade Auction House at nakita nila ang nilabas ng nasabing pulubing matanda ay mabilis na nagsalita ang mga ito.

"Totoo ba ang nakikita ko? Hawak ng matandang pulubi ang isang token ng Jade Auction House?!"

"My god, this can't be. Isang Jade Token iyan?! How can this be?!"

"Mukhang hindi pulubi ang matandang iyan. Hay naku!"

Ilan lamang iyan sa paunang pahayag ng napakaraming taong saksi sa pangyayaring ito. Tila ba ang mga nakikita ay parang hindi totoo.

Maraming mga nilalang na naririto ang tila ba hindi kumbinsido sa pangyayaring ito. Talagang hindi sila makakapayag na mangyari ang hindi nila gustong mangyari. Sa pagkakataong ito ay mas io-all out na nila ang kanilang paninira by hook or by crook. Ayaw nilang mapahiya at ayaw nilang basta-basta na lamang makakaalis ang matandang pulubing ito at mamalimos sa loob ng Jade Auction House o gumawa ng katarantaduhan.

"Hmmp! Isang jade token mula sa pulubi? Does this jade token can be everywhere?!"

"Malamang peke iyan. Napulot lang siguro nito sa bangketa!"

"Sinabi mo pa, talagang nag-upgrade na ata ang palilimos ng mga pulubi!"

"Malamang ay ginamit lang siya ng mga taong nauto ito. Tunay na grabe namang krimen ito!"

"Tama, peke lang iyang hawak niyang jade token. Kapag napatunayan na peke iyan ay goodluck na lamang sa matandang pulubing iyan!"

Tila maririnig ang mga nakakapanghilakbot na patutsada ng mga naging sakaling rito lalo na ang naninira sa tila inaakala nilang matandang pulubi. Hindi sila makakapayag na mangyari ang bagay na ito lalo na at matagumpay na makapasok ang matandang pulubing ito. Kung mangyari iyon ay talaga namang nakakahiya sila.

Kaibahan sa paninira ng mga taong nasa labas ng Jade Auction House ay tila pinagpawisan naman ng malapot ang dalawang nilalang na bantay sa labas ng bahay-subastahan.

Trained na sila sumuri ng jade token at mas nahilakbot sila kung anong uri ng jade token ang hawak ng inaakala nilang naligaw lamang na matandang pulubi rito dahil ang hawak ng matandang pulubing ay hindi lang basta jade token kundi isang privilege jade token na para sa mga taong nagpapasubasta ng mahahalagang bagay.

Ang jade token ay isang uri ng token na para lamang sa mga imbitado rito o yung VIP. Jade Scroll naman ang para sa ordinaryong imbitasyon habang ang Privilege Jade Token naman ang para sa mga mahahalagang nilalang o indibiduwal na pinahahalagahan ng mismong Jade Auction House. Sisiraan o babanggain mo sila ay katumbas na rin ito sa paghamon ng awtoridad sa loob ng Jade Auction House.