webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 129

Mabilis namang kinuha ng batang lalaking si Li Xiaolong ang malapad na papel sa kabilang direksyon at mabilis itong iniangat sa ere ng bahagya gamit ang kaniyang sariling kanang kamay.

"Ito ang gusto kong i-discuss sa iyo Ginoong Guō Chao." Simpleng sambit ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong bakas ang kaseryosohan sa tono ng pananalita nito habang mabilis nitong ipinakita ang nasabing guhit na nakapaloob sa malapad na papel.

Tila nangunot naman ang noo ng matandang lalaking nakasuot ng kulay puting roba na si Ginoong Guō Chao. Wari bagay nagtataka ito kung ano ang ipinakitang ito ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong.

"Ano iyan batang lalaking Li Xiaolong?!" Sambit ng matandang lalaking nakasuot ng kulay puting roba na si Ginoong Guō Chao habang di pa rin ito maintindihan ang nais ipahiwatig ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong. Ngayon niya lamang nakita ang ganitong klaseng bagay lalo na at parang bago lamang ito at mayroong guhit na kung sino man ang makakakita ay mapapangitan talaga dito. Hindi naman siya isang mapanghusga o mapanghamak na tao sa nilalang na nakakasalamuha niya pero talagang napakapangit ng pagkakaguhit.

"Hmmm... Hindi ko aakalaing kahit kayo ay hindi niyo alam ito. Maaari po ba akong huming ng pabor Ginoong Guō Chao?!" Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang inilihis niya ang usapang ito. Makikita ang kakaibang dismaya at lungkot sa mukha ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong dahil sa pangyayaring ito.

Sa kaloob-looban ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong ay tila mahirap pala ang kasalukuyan niyang estado. Masyadong kakaiba ang pamamaraan na ito ng kaniyang pagguhit ngunit hindi man lang alam ito ng matandang lalaking nakasuot ng kulay puting roba na si Ginoong Guō Chao.

Kahit nagtataka man ang matandang lalaking nakasuot ng kulay puting roba sa winika ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong ay mabilis namang lumambot ang kaniyang puso at nakaramdam ng habag sa batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong.

"Oo naman batang Li Xiaolong. Basta kaya ko ay maaaring gawin ko ito. Isa pa ay gusto kong bumawi sa inasal ng mga empleyado rito maging ng mismong Guild Master Branch." Seryosong sambit ng matandang lalaking nakasuot ng kulay puting roba na si Ginoong Guō Chao. Makikitang nahahabag ito sa kasalukuyang sitwasyon ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong.

"Gusto ko pong maihatid ang munting papel na hawak ko sa mismong Guild Master. May paraan po ba para magawa ang bagay na ito na nais kong iparating sa kaniya?!" Magalang na sambit ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong habang makikita ang labis na kaseryosohan sa tono ng pananalita nito.

"Aba'y ang nais mong sabihin siguro batang Li Xiaolong ay Guild Leader hahaha... Kilala ang mismong Guild Leader ng Feathers Guild bilang palakaibigan at mahilig makisalamuha sa mga nilalang na gustong magpaabot ng mensahe o maging ng mga bagay na gusto mong i-discuss rito ngunit sa tingin ko naman ay malabong ma-appreciate ng Guild Leader ng Feathers Guild ang iyong guhit." Sambit ng matandang lalaking nakasuot ng kulay puting roba na si Ginoong Guō Chao.

Tila nabuhayan naman ng loob ang batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong sa kaniyang narinig na ito. Masasabi niyang ang bagay na ito na narinig niya ay mistulang bumukas ang kalangitan sa kaniya.

"Talaga po ba? Okay lang po sa akin iyon Ginoong Guō Chao. Malaking tulong na rin na maabot ko ito sa mismong Guild Leader. Nagbabasakali lamang ako na sa paraan ng bagay na ito ay maihatid ko ito sa kaniya." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikita ang labis na kagalakan sa mata nitong animo'y mayroong kakaibang emosyong namumuo.

Tila nakaramdam naman ng paghanga ang matandang lalaking nakasuot ng kulay puting roba na si Ginoong Guō Chao sa kakaibang fighting spirit ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong.

Sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya nakakita ng ganitong klaseng uri ng batang may kakaibang determinasyon. Yung tipong sa paraan ng pakikipag-usap ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong ay masasabing pinalaki talaga ito ng mabuti at disenteng mag-isip. Unlike sa ibang batang tila mga isip-bata pa pero ang batang lalaking musmos na ito ay malakas ang loob na pumunta rito.

"Kung gayon ay tutuparin ang kagustuhan mong ito ng libre. Inaasahan ko lamang na hindi ka muling pupunta rito para mabilis na mawala ang balitang ito sa Feathers Guild. Ito lamang ang mahihiling ko sa'yo bata at sana ay tanawin ko lamang ito na malaking pabor mula sa iyo." Seryosong sambit ng matandang lalaking nakasuot ng kulay puting roba na si Ginoong Guō Chao. Masasabi kasi nitong ang mga bagay na ito ay maaaring maging pagmulan pa ng malaking sigalot. Ayaw rin nitong malaman na mula ang batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong sa Li Clan dahil maging ang branch ng Feathers Guild ay siguradong pag-iinitan sila ng mga ito.

"Opo naman Ginoong Guō Chao. Isa pa ay medyo malaki nga ang naging dulot ng pagpunta ko rito. Hindi ko aakalaing maglilikha pala ito ng malaking gulo. Ito na rin ata ang huli kong pagpunta rito kung sakaling wala na talagang pag-asang makausap ko ng personal ang Guild Leader ng Feathers Guild." Seryosong sambit ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong habang makikitang parang baliwala lamang ito. Masasabi niya jasing marami na siyang nagawang hindi naman niya kasalanan na mangyari.

"Mabuti naman kung gayon. O siya, umalis na tayo sa lugar na ito." Simpleng sambit ng matandang lalaking nakasuot ng kulay puting roba.

Hindi pa nakakapagsalita ang batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong nang mabilis nitong naramdaman ang kakaibang enerhiyang nagmumula sa hangin at binalutan siya nito kasabay nito ang paglaho niya sa maliit na silid na ito kasama ang matandang lalaking nakasuot ng kulay puting roba na si Ginoong Guō Chao.

Makikitang nanlalaki pa ang pares ng mga mata nito sa pangyayaring ito.

...

POOOOOOOOFFFFFFF!

Nakita na lamang ng batang lalaking si Li Xiaolong ang kaniyang sarili sa isang walang katao-taong eskinita. Wari ba niya ay nakawala siya sa kakaibang bagay o enerhiyang lumukob sa kaniya kanina.

"Tutuparin ko na ang kahilingan mo batang Li Xiaolong. Ipapadala ko na ang guhit mong ito sa Guild Leader ng Feathers Guild. Mukha dito na rin ang pagtatapos ng ating usapan." Simpleng sambit ng matandang lalaking nakasuot ng kulay puting roba na si Ginoong Guō Chao. Makikitang tila ba naglalaman ng kakaibang pakiramdam ang salitang lumalabas sa bibig nito.

Hawak-hawak na kasi nito ang kaninang hawak lamang ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong ngunit nasa possession na ng matandang lalaki ang kaniyang sariling guhit na iyon.

Tila kalmado naman siyang tiningnan ng batang lalaking si Li Xiaolong at pinanood kung paano nito isasagawa ang pagpapadala ng bagay na gusto niyang ipadala.