webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 128

"Hmmp! Siguradong alam mo na pala ang katangahan mo Guild Master Branch Chen Hui. Sa oras na ito ay hawak na kita sa leeg. Subukan mo lang baliin ang oath mo sa kalangitan ay baka masumpa ka at kampante akong naaksihan ito ni Ginoong Guō Chao ar mukhang nakukuha ko na ang loob nito. Talagang malaki ang naitulong sa akin mula sa pakikipag-usap ko sa magandang babaeng nasa loob ng kwintas na ito. Gagamitin ko ang aking natural na anyo at kaisipan upang makaligtas sa delubyong sasapitin ng Li Clan ngunit hindi ko pa naisasakatuparan ang aking plano na ipinunta ko rito." Sambit sa isipan ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang tila hindi pa ito nakakampante sa bagay na ito. Alam niyang kahit na nautakan niya ang pesteng Guild Master Branch na si Chen Hui ay alam niyang malaking problema pa rin ang makapal na pagmumukha ng medyo may edad na lalaking ito. Siguradong gaganti ito sa ibang pamamaraan sa susunod lalo na kung hindi na nakatuon ang atensyon ng matandang lalaking nakasuot ng kulay puting roba na si Guō Chao na alam niyang kinakatakutan ni Guild Master Branch Chen Hui. Kailangan niyang gumawa ng paraan para makuha ang loob nito lalo na ngayon.

Magsasalita pa sana ang medyo may edad na lalaking si Guild Master Branch Chen Hui dahil sa ipinakitang ito ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong ay mabilis namang nagsalita ang batang lalaking si Li Xiaolong.

"Pwede po bang umalis muna kayo Uncle Chen Hui. Mayroon lang kaming pag-uusapan ni Ginoong Guō Chao. Maaari ba?!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang pinandilatan niya ng kaniyang sariling pares ng mga mata ang may edad na lalaking si Guild Master Branch Chen Hui.

Kahit labag man sa loob ng may edad na lalaking si Guild Master Branch Chen Hui ay mabilis na lamang itong tumango at umalis ng tahimik palabas ng munting silid na ito. Mabilis nitong iniwan ang pesteng malapad na papel na binigay ng bata na may napakapangit na sulat gamit ang tila mumurahing tintang kulay itim. Wala siyang balak dalhin ang napakapangit na drawing na ito palabas kasama niya.

"Hindi ko aakalaing mayroon ka pang guts na kausapin batang Li Xiaolong si Senior Guō Chao ng sarilinan. Ano namang kabulastugan ang gagawin mo?! Sigurado akong ipagpipilitan nito ang pangit nitong drawing sa kay Senior Guō Chao. Buwiset na batang to!" Naiinis na sambit ng medyo may edad na lalaking si Guild Master Branch Chen Hui habang mabilis na din itong umalis palabas ng Interrogation Area. Wala siyang balak na manatili rito para sa bagay na ito.

Naiwan na lamang sa loob ng silid ang dalawang nilalang na sina Li Xiaolong at ang matandang lalaking nakasuot ng kulay puting roba na si Guō Chao.

"Bakit mo 'ko gustong makausap ng sarilinan batang Li Xiaolong?! Mayroon ka bang personal na gustong sabihin sa akin?!" Tila nagtatakang sambit ng matandang lalaking nakasuot ng kulay puting roba na si Guō Chao habang nakatingin ito sa direksyon ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong.

"Opo Ginoong Guō Chao. Maaari po bang balutan niyo ng kakaibang harang ang buong silid na ito? Hindi ako makakampante kung hindi ko masisigurong walang may nagmamatyag sa atin." Seryosong sambit ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong sa matandang lalaking nakasuot ng kulay puting roba na si Guō Chao. Mahihimigan na hindi pautos ang sinasabing ito ng batang lalaking si Li Xiaolong kung hindi ay isa itong request.

Kahit nagtataka ang matandang lalaking nakasuot ng kulay puting roba na si Guō Chao ay napatango na lamang ito sa nasabing request ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong.

Mabilis na ikinumpas ng matandang lalaking nakasuot ng kulay puting roba na si Guō Chao ang kaniyang sariling kanang kamay at mabilis na namuo ang kakaibang enerhiyang bumalot sa buong lugar ng silid na ito.

"Siguro ay sapat na ito Batang Li Xiaolong hindi ba?! Pero nagtataka lamang ako kung bakit mo ko gustong kausapin ng sarilinan." Sambit ng matandang lalaking nakasuot ng kulay puting roba na si Ginoong Guō Chao. Pakiramdam niya kasi ay hindi ito ang kausap niyang batang lalaki kanina dahil pakiramdam niya ay walang mababakas na kainosentehan ang batang nasa harap niya kabaliktaran naman ito kanina lamang sa ipinakita nito.

"Opo Ginoong Guō Chao. Gusto ko lamang na maging pribado ang pag-uusap nating ito. Kahit ngayon lamang kita nakita o nakausap ay alam kong mabuti kayong nilalang. Kumpara kay Uncle Chen Hui ay mukhang mapagkakatiwalaan ko kayo." Seryosong sambit ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong habang makikita ang labis na kagalakan sa tono ng pananalita.

Tila tiningnan naman ng maigi ng matandang lalaking nakasuot ng kulay puting roba na si Ginoong Guō Chao ang batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong at muling nagsalita.

"Sigurado ka ba batang Xiaolong sa iyong sinasabi?! Napakamusmos mo pa lamang ngunit sa nakikita ko ay mabilis kang maniwala sa ipinapakita ng mga nilalang sa iyo. Aaminin kong nasa righteous path ang daang tinatahak ko sa Cultivation ngunit bata ka pa at hindi pa ganoon kalawak ang pag-iisip mo. Walang mabuti at masama sa mundong ito, lahat ay may kaniya-kaniyang problema sa buhay na dapat lutasin at mayroong mutual benefits na nangyayari sa bawat panig." Seryosong sambit ng matandang lalaking nakasuot ng kulay puting roba na si Guō Chao habang makikitang tila gusto nitong ipaintindi ang mga bagay na ito. Aaminin niyang medyo inis siya sa medyo may edad na lalaking si Guild Master Branch Chen Hui ngunit hindi naman ibig sabihin nito ay basta-basta niya lamang itong ipatanggal sa trabaho nito kung nainis siya. Masasabi niyang mayroong malaking silbi o pakinabang sa kaniya ang mga itinalagang mga Guild Master sa bawat branch ganon din ang mga ito sa kaniya. Parang give and take.

Napatawa naman ng bahagya ang batang lalaking si Li Xiaolong sa sinabing ito ng matandang lalaking nakasuot ng kulay puting roba na si Ginoong Guō Chao at mabilis siyang nagwika.

"Hahaha... Alam ko po yun Ginoong Guō Chao. There are always a line between personal hatred and work related. Hindi naman kasi lahat ng bagay ay nasusunod sa ating plano ngunit hindi naman iyon ang gusto kong ipunto rito." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang napakaseryoso nito.

"Ano ang ibig mong sabihin batang Li Xiaolong?! Mayroon ka bang gustong i-discuss sa akin?!" Makahulugang sambit ng matandang lalaking nakasuot ng kulay puting roba na si Ginoong Guō Chao.