webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 115

Naging maayos naman ang buong paglalakbay ng batang lalaking si Li Xiaolong. Halos mahigit dalawang oras ang paglalakbay nila. Mabuti na lamang at magbubukang-liwayway pa lamang ay nakalakbay na sila kung hindi ay baka tinanghali na sila ng punta dito dahil baka mag-stop by pa sila sa mga nadadaanan nilang mga kabahayan.

Kasalukuyan siya ngayong nasa tapat ng malaking pintuan ng malaking branch ng Feathers Guild sa loob ng bayan na ito. Napakaganda at napaka-lively ng bawat lugar at sulok ng bayan kaya tila masasabing hindi nakaramdam ng anumang pagkakaproblema sa nasabing kapaligiran na kinaroroonan ngayon.

Nakapagpaalam at nagpasalamat ang batang lalaking si Li Xiaolong sa nasabing tindero na sinakyan niyang kabayo. Masasabi niyang napakabait nito at masasabi niynag nagsusumikap talaga ito sa buhay.

Sa kabilang banda, Kabaliktaran naman sa Feathers Guild ay nakatayo lamang ang nasabing branch nito sa isang tahimik na sulok sa bayan. Hindi naman ito agaw pansin sapagkat masasabing ang parte ng lugar na ito ay kaunti lamang ang dumadaan at tila ilan ilan lamang ang pumipili ng rutang ito.

Sa pangalawang pagkakataon ay pupunta ang batang lalaking si Li Xiaolong dito. Wala siyang dalang anumang kayamanan dito kundi isang papel lamang na tila napakaluma pa at masasabi niyang walang magkakainteres dito dahil karaniwang papel lamang ito sa kasalukuyan. Kung may hahablot at kukuha pa sa kaniya nito ay hindi niya alam kung paano magrereact.

"Kaya mo to Li Xiaolong. Kahit wala kang salaping dala, ano naman hmmm..." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikita ang labis na pagpapalakas ng kaniyang loob nito.

Pagkapasok na pagkapasok niya pa lamang sa loob ng nasabing malaking establishimento ng Feathers Guild ay bumungad ang napakagandang loob ng nasabing lucar na ito. Nagsusumigaw sa karangyaan at kasinupan. Sino ba ang mag-aakalang ang bagay na naririto ay naghahalaga ng hindi matutumbasan na halaga.

Paano niya masabi? Hindi naman siya tanga para hindi malaman ito. Sa paraan ng pagkakasabi ng magandang babaeng na loob ng pambihirang lugar ay napakalakas nv nasabing Feathers Guild na ito malamang ay sa karangyaan ay hindi ito nagpapahuli.

Mabilis na lumitaw sa harapan niya ang isang babaeng nakasuot ng isang kulay sky blue na uniporme katulad ng nasa ibang mga pabalik-balik na mga tao rito na ganon din amg suot.

Alalang-alala niya na ganito ang mga suot ng nag-assist sa kaniya. Maging ang nakasabit na isang tila badge sa kaliwang dibdib nito ay eksaktong-eksakto sa logo ng nasabing Feathers Guild. Hindi siya magkakamali dahil isa itong empleyado ng lugar na ito na nag-aassist sa sinumang customer nito na papasok dito.

"Magandang araw bata. Ano ang maitutulong ng aming Feathers Guild sa iyo?!" Nakangiting sambit ng magandang babaeng nasa harapan ng batang lalaking si Li Xiaolong.

"Magandang araw din po Binbini. Nais ko lamang makausap ang may pinakamataas na tungkulin sa Feathers Guild. Maaari po ba?!" Direktang sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong matapos nitong mag-greet pabalik. Masasabi niyang tila ang mga bagay na nangyayari at gusto niyang mangyari ay madalian lamang. Atat na rin siyang makakuha ng tulong mula sa Feathers Guild.

Mistula namang nagulat ang magandang babaeng nag-aassist sa batang lalaking nasa harapan niya ngunit mabilis itong napangiti.

"Ah eh, maaari ko bang malaman ang pangalan mo bata?! Tsaka yung sinabi mo ay medyo nagulat ako doon ah. Maaari ko bang malaman kung bakit mo gustong makausap ang may pinakamataas na opisyales ng Feathers Guild?" Magalang na sambit ng magandang babaeng nag-aassist sa batang lalaking si Li Xiaolong. Kahit na gulat na gulat o nagulantang siya sa sinabi ng batang lalaking ito ay hindi niya maaaaring iwala ang kaniyang pagiging unprofessional.

"Ah eh, Ako nga po pala si Li Xiaolong. Pwede bang nasa pribado tayong lugar mag-usap? Masyado kasing maselan ang pag-uusapan natin kung dito tayo mag-uusap hehe..." Awkward na pagkakasabi ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong. Tila hindi nito sinagot ang huling tanong ng magandang babaeng nasa harapan niya.

"Ako naman si Lu Lan. Pwede naman. Halika at sumunod ka sa akin. Maari naman tayong pumunta sa interrogation area hehe..." Sambit ng magandang babae habang nakangiti pa ito sa batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong. Nagtataka man ay ayaw naman niyang maging bastos dito.

Napatango na lamang ang batang lalaking si Li Xiaolong sa magandang babaeng nasa harapan niya.

Mabilis naman itong naglakad papasok sa nasabing Interrogation Area daw.

Tila ang mga tao naman na narirrito sa loob ng Feathers Guild ay nagtataka naman ang mga ito. Tila napakaraming mga Martial Artists ang pumunta sa loob ng Feather Guild na naririto.

Nang makita nila ang batang nakasunod sa likod ng nasabing magandang babaeng nag-aassist sa mga dumadayo rito ay mabilis na nagbulong-bulungan ang mga ito.

"Kailan pa naging lugar ito para sa mga batang ito?!"

"Oo nga eh, hindi ko alam na pwedeng magdala ng bata rito o magpapasok ng mga bata rito."

"Hmmm... Sang-ayon nga ako sa sinasabi mo. Paanong nakapasok rito ang isang bubwit na bata sa Feathers Guild?!"

"Dapat ma-report ito sa manager ng Feathers Guild. Hindi maaaring pagala-gala lamang ang bata rito."

"Unang beses kong pumunta rito pero pwede pala ang batang pumunta rito!"

"Pakihinaan mo sinasabi mo dahil baka marinig ka nila!"

"Hmmp! Pakihinaan? Ulol ka ba? Matagal na kong pumupunta sa lugar na ito at ngayon ko lamang ako nakakita ng isang bata."

"Oo nga, napakaano naman ng lugar na ito. Mukha bang playground ito?!"

"Sinabi mo pa, masyadong napakaunprofessional naman ng lugar na ito."

"Unang beses ko lamang din pumunta rito pero ito lang ang bubungad sa akin?!"

"Ako din, lugar para sa mahahalagang impormasyon ito pero hindi naman dapat itong gawing kiddy area."

"Napakaluma ng damit ng batang lalaking iyon. Mukhang pinabayaan ng magulang."

"Napakadugyot kamo, baka nga pinapabayaan na ito ng magulang nito. Bakit pa ito ini-entertain ng mga emplayado ng lugar na ito?!"

"Napakaunprofessional naman ng gawain ng mga ito. Nakakadismaya!"

Tila puno ng negatibong mga pahayag ang bigla na lamang umalingawngaw matapos nilang masaksihan ang pangyayaring ito. Tila ba ang mga bagay na ito ay masasabing tila nagkaroon ng negatibong impresyon ang mga martial artists na naririto lalo na't mga eksperto sila.