webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
716 Chs

Chapter 114

Nagising na lamang ang batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang pwesto pa rin kung saan ay nakaupo pa rin siya. Masasabi niyang medyo may kalaliman na ng gabi ngunit tila ba pakiramdam niya ay napakatagal niyang nawala sa kasalukuyang lugar na siyang ginagalawan niya.

"Hooh! Hindi ko aakalaing makakapunta ako sa pambihirang lugar na iyon. Ngunit parang kakaiba ata amg oras na ginugol ko sa loob kumpara dito hmmm..." Sambit lamang ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong sa kaniyang isipan lamang. Kung di siya nagkakamali ayon sa kaniyang tantiya ay mahigit isang oras lamang siyang nawala sa reyalidad ngunit tila ba mahaba pa ang panahong nagugol niya sa loob ng nasabing pambihirang lugar.

Agad niyang naalala ang nasabing scroll na naglalaman ng Concealing Technique ngunit hindi niya mahanap ito.

"Hmmm... Saan na kaya iyon?! Bakit parang pakiramdam ko ay nawala ko iyon hmmm... Pero imposible namang mangyari iyon."sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa kInyanv isipan lamang.

Makikitang tila ba aligagang tumayo at hinanap ng batang lalaking si Li Xiaolong kung saan ay hinanap niya ito sa iba't ibang mga sulok sa nasabing lugar na ito. Masasabing hindi naman maaaring baliwalain ang pambihirang bagay na ito.

Napatigil na lamang ang batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang paghahanap at napatamp na lamang sa kaniyang sariling noo.

"Aist, napakaulyanin ko na. Sinabi niyang naging kwintas pala ito." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong kung saan ay mabilis niyang kinapa ang kaniyang sariling leeg.

Hindi nga siya nabigo at mabilis ngang nakapa ang isang taling bagay kung saan ay masasabing kwintas ito.

Maya-maya pa ay narinig na lamang ng batang lalaking si Li Xiaolong ang pamilyar na boses sa hindi kalayuan.

"Xiao², ano pang tinutunga-tunganga mo diyan, di ka ba uuwi?!" Sambit ng kaniyang sariling inang si Li Wenren.

"Opo Ina, andiyan na po!" Mabilis na saad ng batang lalaking si Li Xiaolong habang nakangiti ito.

Masayang umuwi naman ang mag-inang Li Wenren at Li Xiaolong ang daang papauwi sa kanila.

...

Isang linggo muli ang lumipas at masayang nagcu-cultivate pa rin ang pamilya ng batang lalaking si Li Xiaolong kasama ang ama nitong si Li Qide at ang butihing ina nitong si Li Wenren. Masasabing tila ba hindi nito mapigilang makaramdam ng saya.

Masasabing ang kaniyang sariling magulang ay masigasig na nagcu-cultivate. Hindi na naging maramot ang batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang mga magulang at nilabas niya na sa mga ito ang mga High Grade Blood Gem Crystals at masasabing malapit na silang makatapak sa limitasyon ng Huotian Realm.

Sinabi niya sa kaniyang mga magulang na magcultivate ng maigi at hindi na muna nila alalahanin ang mga trabaho sa bukid at naghire na lamang sila ng mga trabahador. Noong una ay ayaw pa sana at tutol ang kaniyang sariling ama sa gusto ng mga ito ngunit hindi rin nagtagal ay nakumbinsi rin ito ng batang lalaking si Li Xiaolong maging ng kaniyang sariling inang si Li Wenren.

Alam naman kasi ng butihing ina ng batang lalaking si Li Xiaolong na mayroong mga bagay na iniisip ang anak nito. Hindi nga lang nila alam kung ano ito pero sinunod na lamang nila dahil hindi naman sila nagdududa na gagawa ng kalokohan ang kaniyang sariling anak.

Isa pa sa pinoproblema nila ay ang mga bayarin nila sa mga trabahador nila na kanilang kinuha. Ngunit nangako ang kanilang anak na si Li Xiaolong na siya ang babayad sa mga ito.

Lingid sa kaalaman ng mag-asawang Li Wenren at Li Qide ay pumunta ang kanilang anak sa sa isang sikat na Auction house na tinatawag na Jade Auction House at nagpa-Auction ng dalawampong High- Grade Blood Gem Crystals. Ang nasabing Jade Auction House na ito ay masasabing kilala sa tanyag nitong reputasyon.

Kung paano nagkaroon ng pagkakataon na makapagbenta ang batang lalaking si Li Xiaolong sa nasabing sikat na Auction House ay dahil bumili siya ng isang mahabng roba na lumalaylay pa sa lupa at isang maskara. Mabuti na lamang at nakalusot siya sa mapanuring mata ng mga miyembro ng sumusuri sa mismong nagpapa-auction katulad niya.

Isa pa ay walang alinlangang tinanggap ng nasabing mga sumusuri ang mga High Grade Blood Gem Crystals ang kaniyang sariling produkto na may ngiti sa kanyang mga labi.

Ngayong araw din ay pupuntang muli ang batang lalaking si Li Xiaolong sa bayan kung saan siya pupunta sa nasabing lugar na balak niyang puntahan liban sa nasabing Jade Auction House kundi ang nasabing branch ng nasabing Feathers Guild.

...

"Oh anak, mag-ingat ka sa iyong paglalakbay papunta sa bayan ha. Napakadelikado pa rin kung hindi ka mag-iingat doon dahil maraming krimen ang nangyayari doon." Malumanay na sambit ng ina ng batang lalaking si Li Xiaolong na si Li Wenren. Makikita sa tono ng pananalita nito ang labis na pagmamahal sa anak nito na may halong pag-aalala.

"Oo nga anak, mag-ingat ka doon. Dapat umuwi ka ng ligtas ha. Alalahanin mong umuwi kaagad ha. Kahit na isa kang Xiantian Realm Expert ay hindi ka maaaring baliwalain ang mga masasamang nilalang na gumagala sa bayan." Paalalang sambit ng lalaking si Li Qide na siyang ama niya.

"Opo inay at itay. Aalalahanin ko po ang sinasabi at paalala niyo sa akin." Magalang sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikita ang labis na pagmamahal sa mukha nito. Kahit hindi man sabihin ng kaniyang sariling magulang ay mag-iingat pa rin siya palagi lalo na sa bayan na puno ng maramkng estranghero at mga eksperto.

Mabilis na naglakbay ang batang lalaking si Li Xiaolong matapos ang usapan niya sa kaniyang mga magulang.

Masasabi niyang panatag ang loob niya. Masasabi niyang tila ba mayroong kakaibang pangyayari mamaya pero masasabi niyang maganda ang kaniyang gising kanina.

Binaybay na niya ang daan papunta sa nasabing bayan. Nakisakay lamang siya sa kalesa sa kaibigan ng kaniyang ama kung saan ay mabilis naman ang takbo nv nasabing transportasyon nila na halos puno lamang ng mga prutas at gulay. Isa kasi itong tindero sa bayan. Mabuti at libre lamang ang pagpapasakay sa kaniya kundi ay wala siyang madudukot sa gagamitin niya kung may emergency na bibilhin doon.