webnovel

Stuck Inside the Haunted House with Ten Bad Boys

Maxi_Minnie · Sci-fi
Not enough ratings
23 Chs

Chapter 23: Electric Chair

MARK

Nangangati ang likod ko kaya naman ay kinamot ko iyon ngunit may nakapa akong isang button?

Dahil na-curious ako, pinindot ko ito upang malaman kung para saan iyon.

"Teka nasaan ako? Kent? Ace? Mixxia?"

Nandito ako sa loob ng isang tila isang malaking capsule. Luminga ako sa paligid at nakita ko silang lahat...

Unti-unting dumilim ang paningin ko.

Wala akong makita!

Pagmulat ko ng mata ko ay nandito ako sa loob ng office.

Teka... Parang pamilyar ang lugar na ito.

Sumilip ako sa bintana...

"Hindi maaari... Kailangan malaman ito nila Mixxia! Nililinlang lang kami ni Miss A" bulong ko sa aking sarili.

Akmang lalabas ako sa silid na ito nang makita ko si Miss A na nakatayo sa pintuan. Hindi ako makapaniwala na siya ang adviser namin! Ang tinuring namin na ina! Ang nag-iisang adviser ng highest section!

"Anong sabi ko sa inyo? Hindi ba't kabilin-bilinan ko na huwag kayong tatakas?!" Gigil na gigil niyang sabi habang humahakbang papalapit sa akin.

Paatras ako nang paatras hanggang sa tumama ang likod ko sa dingding. Wala na akong ibang matatakbuhan.

"Anong kailangan mo sa amin? Bakit mo ba ito ginagawa?!" Singhal ko sa kaniya. Kahit na natatakot ako ay pinipigilan ko ang boses ko na pumiyok o manginig.

"Paulit-ulit ka! Nawawalan na ako ng pasensya! Nang dahil sayo, mapaparusahan ang mga kaibigan mo! Ikaw ang may kasalanan Mark! At hindi ako!" Nahawakan niya ang kamay ko at mabilis niyang naposasan ang mga iyon.

Wala akong magawa dahil may tinurok siya sa akin na naging dahilan ng aking panghihina.

"Parang awa mo na... Ibalik mo ako sa pamilya ko..."

"Awa? Yung mga magulang mo ba naawa sa amin?!" Mangiyak-ngiyak niyang sabi ngunit matapang pa rin ang tono ng pananalita nito.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko.

Paano nadamay ang pamilya ko dito? Ano ba ang gusto niyang ipahiwatig? May mga kasalanan ba ang mga magulang namin? Bakit hindi niya dalhin sa maayos na usapan?

"Miss A, please... I'm begging you, for the sake of Mixxia. Di ba anak mo siya?"

"Huwag mong idadamay ang anak ko rito!"

"Matagal mo na siyang dinamay! Wala kang kwentang ina!" Nanggagalaiti na sabi ko.

Ngayon pa ba ako matatakot? Ngayong kaharap ko na siya?

"Matagal na akong nakiusap Mark! Pinakinggan ba nila? Makasarili ka! Kagaya ka ng mga magulang mo! Kung gusto mo talaga makatulong sa mga kaibigan mo, bakit ikaw lang ang nakatakas at hindi sila?" Sarkastiko nitong sabi.

Napaisip na naman ako.

Kasalanan ko ba? Makasarili nga ba ako?

"Sabi ko, ang mga pasaway at hindi sumusunod sa bilin ng mga matatanda ay dapat maparusahan. Mapapanood ng mga kaibigan mo kung paano kita paparusahan. Tignan lang natin kung gugustuhin rin nilang tumakas?" Humalakhak ito nang humalakhak.

Isinuot niya ang isang virtual reality helmet. Ang kaninang nasa office ako, ngayon ay nasa gubat na.

Hindi!

Hindi dapat ako maniwala sa mga nakikita ko!

"Sure ako na mag-e-enjoy ka sa gagawin ko, parang kinikiliti ka lang... Ayoko na malaman nila kung nasaan ka kung kaya naman ay pinalitan ko ang background na makikita mo at makikita nila. Mag-enjoy ka muna gumala diyan sa gubat, Mark. Sa lupa ka nanggaling, kaya sa lupa ka rin babalik HAHAHAHA!" Napatakip ako ng tenga. Sa sobrang tinis ng boses nito ay umaalingawngaw ito sa buong kagubatan.

"Hayop ka talaga! Hayop ka!!!"

Sa halip na magalit ito ay tila ninanamnam pa nito ang mga masasakit na salitang binitawan ko.

Unti-unti kong nararamdaman ang patak ng ulan. Kahit pa sabihin na hindi ito totoo, at minamanipula lang ni Miss A ang mga nakikita namin ay parang totoong-totoo na nababasa ako. Humanap muna ako ng masisilungan kahit na imposible dahil gubat ito.

Tumakbo ako nang tumakbo... Ano to? Bakit parang naririnig ko ang mga boses ng kaibigan ko?

"MIXXIA?! KENT?! SAM?! ACE?! VON?!"

Umikot-ikot ako at nagbabaka-sakaling naririnig rin nila ako.

"VENICE?! VINCE?! ARTHUR?! MIGS?! MADDOX?!"

Pagtawag ko uli ngunit palakas nang palakas ang ulan at sinabayan pa ito ng malalaking butil ng yelo.

"Aray!" Napahawak ako sa ulo ko at pilit na pinoprotektahan iyon laban sa sunod-sunod na paglaglagng mga yelo.

Pumapatak na rin ang dugo sa aking katawan at ramdam na ramdam ko na nanunuot ang lamig at kirot sa aking balat.

Kumulog nang malakas at kasabay noon ang pagkidlat.

"AAAAAH"

Sobrang sakit! Ramdam na ramdam ko ang boltahe na dumadaloy sa aking katawan.

Hindi ko na kaya, nanghihina na ako.

Kahit ganoon ang aking nararamdaman ay pinilit kong tumakbo ng tumakbo. Kahit na ang kidlat ay diretsong tumama sa akin. Sa sobrang lakas ng ulan ay lumambot rin ang lupa. Kaunti lang ang malalaking bato kaya wala akong ibang choice kundi ilubog ang paa ko sa putik. Umaasa na hindi ito "kumunoy".

Patuloy ang pagdaloy ng kuryente sa aking katawan, natanggal ang aking kuko sa kamay at ramdam ko na ganun rin sa aking mga paa. Hanggang tuhod na ang putik at unti-unti na rin akong lumulubog.

"Kaya mo to Mark! Hindi to totoo! Nililinlang ka lang ni Miss A!"

Huminga ako ng malalim at sumipa sa hangin kahit mukhang wala akong matatamaan. Sumipa ako nang sumipa hanggang sa mahulog ang buo kong katawan sa napakalambot na putik. Kasabay nito ang pagsakit ng aking ulo na tila bombang sasabog anumang oras.

"Hindi kita hahayaan na makatakas Mark! Hindi ka magwawagi! Tanggapin mo nalang na katapusan mo na!"

Hindi ako nawawalan ng pag-asa. Kahit nakikita ko na ang balat ko na sunog na sunog ay umaasa pa rin ako na makaka-ligtas ako. Tanging sa Diyos nalang ako kumakapit.

'Diyos Ama, alam ko pong marami akong pagkukulang sa Iyo. Pero sana po, tulungan Niyo ako. Mahal na mahal ko po ang mga magulang ko. Ganun na rin po ang mga kaibigan ko. Pero Lord, kung hanggang dito nalang po ang buhay ko, hinihiling ko nalang po, na huwag mong papabayaan ang mga kaibigan ko. Tulungan Mo po silang makatakas Diyos ko---aaah...'

Isang saksak sa dibdib ang aking naramdaman. Nawala ang kagubatan, at ako'y nandirito muli sa office. Sinulyapan kong muli ang buong kwarto at naaninag ang isang tumatawang babae habang hawak ang isang patalim.

Walang iba kundi si...

Miss A...

Unti-unting pumipikit ang talukap ng akong mga mata. At muli kong sinulyapan ang aking inuupuan. Ang isang electric chair. At ang virtual reality helmet na ngayon ay naalis sa aking ulo.

Hanggang dito nalang ako...

Paalam, mga kaibigan ko. Pasensya na kung hindi ko kayo nailigtas...

Hanggang sa aking huling hininga...

"H-hayop k-ka..."