webnovel

Stuck Inside the Haunted House with Ten Bad Boys

Maxi_Minnie · Sci-fi
Not enough ratings
23 Chs

Chapter 22: Doubts

MIXXIA

Hanggang ngayon ay hindi ako pinapansin ni Kent. Nandirito kami ni Von sa may balcony upang pag-usapan ang mga nangyari.

"Hindi pa rin ako makapaniwala Von..."

"Pasensya na Mixxia, hindi ko agad nasabi sa iyo. Natakot lang naman ako sa banta ni Miss A eh..." Nakayukong sabi ni Von.

"Okay lang, naiintindihan ko... Pero if you don't mind, ano ba yung banta niya?"

"Mixxia, papatayin niya ang pamilya ko..."

Ngayon naiintindihan ko na. Pero nais kong malaman kung paano ko siya naging ina. Kailangan, matawagan ko so daddy. Kailangang malaman ko ang totoo.

"Von!"

Nagulat ako nang makitang nakalagpak si Von sa sahig. Kaagad akong lumapit at tinignan kung nagkasugat sya.

"Ano bang problema mo Kent?!" Singhal ko sa kaniya. Napako ang tingin ko kay Venice na nasa likod ni Kent. Nakangisi ito at inirapan ako.

"Mga traydor kasi kayo Mixxia, and for me, dapat lang kayo magsama! Mamatay na kayo!" Gigil na gigil na sabi ni Venice.

Akmang susuntukin uli ni Kent si Von nang pigilan ko siya.

"Tama na nga yan Kent! Napakasama mo!" Itinulak ko nang marahas si Kent at napatumba sya kay Venice.

"Ouch!" Nasasaktang sabi ni Venice habang hawak ang kaniyang kanang paa na kasalukuyang nadaganan ni Kent.

Kitang-kita ang gulat sa mga mata ni Kent. Samantala ay nabaling ang atensyon ko kay Migs na tumatakbo papunta sa amin. Humahangos ito at tila nagpa-panic.

"Nawawala si Mark!"

"Kelan pa?" Kalmadong tanong ni Sam.

Huminga nang malalim si Migs bago tuluyang magsalita.

"Ganito kasi, pupunta dapat ako sa kwarto nya para ibalik yung headphones kaso pagkarating ko doon, maayos ang kwarto niya at wala na ang mga gamit niya---" Naudlot ang kaniyang pagsasalaysay dahil dumating si Ace at Arthur.

"Hinanap na rin namin siya sa lahat ng parte ng mansion ngunit wala siya!" Hinihingal na sabi ni Ace.

Tumayo si Kent sa pagkakabagsak at si Venice naman at nanatiling nakaupo sa sakit. Ni hindi man lang niya tinulungan ito na tumayo.

Lumapit siya sa akin at dinuro ako.

"Ang walang hiya mong nanay ang may kagagawan ng lahat ng ito!"

Sabay na humarang si Sam at Von. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naiiyak ako. I feel guilty. Feeling ko, kasalanan ko lahat ng ito, kaya dapat ako ang umayos.

Haharapin ko si Miss A nang mag-isa...

"Wala siyang kasalanan Kent. Wala siyang alam sa mga nangyari. Biktima lang rin siya." Walang emosyong sabi ni Sam.

Hindi ko alam kung sincere ba siya o hindi sa mga sinabi niya. Pero dahil si Sam ang nagsabi, ay nagtitiwala ako.

Umalis kami at iniwan sila Venice at Kent sa balcony.

Nang makarating kami sa salas ay tinawag ni Vince si Miss A gamit ang isang telepono. Nag-iwan kasi siya nang numero noon upang magamit kung sakaling kailangan namin ng clue sa mission.

Humarap sa amin si Miss A. This time, wala na siyang suot na mask. Napayuko kaming dalawa ni Von.

"Nagtataka ba kayo kung bakit nawawala si Mark? Kabilin-bilinan ko sa inyo, walang tatakas ng mansyon! Pero itong kaibigan niyo, hindi sumunod! Dahil diyan, mage-extend kayo ng stay dito sa loob ng haunted house. Panoorin niyo kung ano ang mangyayari sa kawawang si Mark." Matalim ang tingin ni Miss A sa amin. Kung nakakapatay lang ang titig ay baka  natadtad na kami.

Pinakita niya sa amin ang isang video clip. Tumatakbo si Mark dala ang kaniyang mga gamit na nakalagay sa maleta. Tila nasa isang kagubatan ito. Maya-maya pa ay umulan ng malakas. Sa sobrang lakas ng ulan ay may kasama pa iyong kulog at kidlat. Kitang-kita namin kung paano makidlatan ang kaibigan namin. Nangingisay ito at sumisigaw sa sakit. Tila tuwang-tuwa naman si Miss A na makita si Mark na nahihirapan. Humahagikhik at humahalakhak ito na parang anumang oras ay mababaliw na ito kakatawa.

Hindi ko mapigilan ang mga rumaragasang luha. Ni hindi ko matanggap na nanay ko ang isang demonitang kagaya niya. Mas hinihiling ko na sana hindi na lang ako iniluwal sa mundong ito.

Humigpit ang hawak ni Von sa aking kamay. Si Sam naman ay nanatiling kalmado. Habang ang iba ay nanginginig sa takot at kaba. Nakatitig si Kent ng masama kay Miss A. Pawang hindi ito naniniwala sa sinapit ng kaibigan.

Kahabag-habag ang itsura ni Mark. Ipinakita pati ang paglubog ng buong katawan nito sa putik kasabay ang pagpatak ng malalaking butil ng yelo.

Hailstorm.

Namatay ang screen pati ang mga ilaw. Walang kuryente!

Pumunta kami ni Von sa kusina upang maghanap ng mga kandila. Sa kasamaang palad ay walang stocks.

Narinig na naman namin ang pagbungisngis ni Miss A.

Lumabas ang isang liham na hindi namin alam kung saan galing.

'No food, No electricity. Tubig lang available. Sabi nila mas importante ang tubig. Totoo kaya? Paano kung hindi? Tubig nga ba'y inyong ikabubuhay? O ito ang magiging dahilan para mawalan ng buhay?'

-Miss A

Grabe. Wala ba talagang puso ang babaeng iyon? Nanay ko nga ba siyang talaga? Teka? Asan si ate Maddox?

Tumakbo ako palapit kami palapit sa kanila at nakita ko si ate Maddox na sinasakal si Kent.

"Ate Maddox! Bitawan mo siya!"

Sa halip na pakinggan ako ay tumingin lang ito sa akin.

"Bakit? Pinagtatanggol lang naman kita sa taong to ah! Ahy hindi pala tao! Hayop!" Binalibag ni ate si Kent kaya ay napatumba ito kay Venice.

"Ouch!" Hawak naman ni Venice ang kaniyang balakang. Hindi pa gumaling ang sugat nito sa kanang paa ay mukhang madadagdagan pa ito.

"Ate Maddox tama na please..." Nilapitan ko si ate ngunit kaagad rin akong napaatras dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Tila ba may masamang elemento na nakapaloob dito. Naging pula rin ang kaniyang mga mata.

Mahigpit siyang hinahawakan nila Von, Vince, Sam, Ace, Migs, at Arthur, ngunit sobrang lakas nito at nakaya niyang itulak ang mga ito sa pader.

Namimilipit silang lahat sa sakit. Miski ako ay hindi ko rin alam ang gagawin.

I'll  take the risk.

Unti-unti akong lumalakad papunta sa direksyon ni ate.

"Huwag kang lalapit Mixxia!" Sigaw niya sa akin kasabay ang paghablot niya ng vase.

Napaatras ako at napatumba sa may sofa. Akmang ihahampas na sa akin ni ate ang vase nang bigla siyang mapapikit.

"AAAAH"

Muntikan nang mahulugan si ate ng vase na hawak niya ngunit naagapan at nasalo iyon ni Sam. Napasalampak si ate sa sahig at tulog ito. Wala na rin ang masamang presensya na bumabalot sa kaniya.

"Dalhin ko na siya sa kwarto niya." Mahinahong sabi ni Sam.

Tumango ako bilang pagsang-ayon at kinuha ang cellphone ko sa bulsa upang i-open ang flashlight.

"AAAAAAAAH"