webnovel

8

"Here..."

Inihagis niya sa akin ang ilang piraso ng papel na halatang punong-puno ng letra. Ano na naman kaya ang mga ito?

Pati ba naman sa wastong pag-aabot, di rin niya magawa? Pinulot ko na lang ang mga ito at sinimulang basahin. Listahan pala iyon ng mga schedule na lalakarin niya sa buong linggo. Naku naman, daig pa niya ang mga sikat na celebrities sa napakahectic niyang schedules.

Tagaytay, Bukidnon, Baguio, Palawan, Boracay, Ifugao, ilang lamang sa mga lugar na nakaprinta sa papel na aking nabasa. Plano yata nitong libutin lahat ng lugar sa Pilipinas.

"Nagtataka ka?"

Hindi ko alam na binabasa rin pala niya ang mga iniisip ko.

"Ahhh..." HIndi ako makasagot o wala lang siguro akong masabi.

"Siyempre, as a model. I need to go to this places. Hindi sapat ang mag-edit lang. Dapat real yung background ng bawat shoot ko."

So...? Ewan ko, pero parang ang yabang talaga niyang magsalita.

"Of course, you have to be ready too. Cuz your my PA."

'AKO?!" Nagulat ako sa sinabi niya.

"AHUH..."

"Ano?'

"Ayaw mo?" Nais kong nguniti dahil sa tanong niyang iyon. Ibig sabihin maari o hindi ako maaaring sumama sa kanya. Nakakapagod kaya iyon. Hindi rin naman ako matakaw sa mga magagandang tanawin kaya wala akong pakialam kung saan siya pupunta. Pilit kung sumagot ng "oo ayaw ko' pero gumuguhit sa kanyang mga mata ang pagbabanta na para bang nagsasabing.."pag hindi ka sasama, that means you're fired, tapos!'

Hindi, hindi maaari...

"Siyempre, sasama ako. Trabaho ko naman yun di ba?" :) Poker face ang dating ko sa kanya. Alangan naman tanggihan ko. It's my job. Wow! English yun ha. Hahaha.

"So, kailan to si-i-ir?" Talagang inim-phasize ko pa ang pagkakasabi ng sir.

"tomorrow night, babyahe na tayo."

"Ano?"

"Yes!"

"No!"

"Yes."

Para kaming mga batang nagtatalo kung sino ang mananalo sa pagbigkas ng yes or no. Hindi ako makapaniwalang over-the-bakod na talaga ang mga pinaggagawa niya. Haiishh.. Sana lang ha. Sana lang payagan ako nina mama at papa.

Naku!Naku! Naku! Naku! Hindi! Kapag ganitong sitwasyon, presko pa ang nangyari sa akin. Siguradong hindi nila ako papayagan. Wala na akong ibang magawa kundi ang .... hhhhhmm (sigh)

"Ahh... m"

"Opps.. dapat maghanda ka na. Gusto ko walang  maiiwan  sa lahat ng mga gamit ko. Dapat ready lahat. Do you understand me?"

"OPO siiirrrr.."

"Good"

Pagkatapos nun, agad na siyang umakyat patungo sa kwarto niya.

"Hayyy..."

Napabagsak ako sa pag-upo sa couch na nasa likod ko. Napaka-insensitive naman niya.. 

Seeeesss!!! Kung hindi ko lang kailangan ng trabaho... Kung di ka lang gwapo..

"Opps!" Agad kong ibinaling sa ibang bagay ang aking mga iniisip. 

The time has come... ayun! Dalawang oras na lang aalis na kami. Tapos ko nang inihanda ang lahat. Ano ba naman tong lalaking to? Daig pa ang isang Hollywood star sa dami ng gamit. Tsk! 

"Liza? Ready na ba lahat?"

"Opo sirrrr.... kunti na lang."

"Bilisan mo dyan."

Humihirit pa kahit andun siya sa shower habang ako namay busing-busy sa pag-eempake ng ilan niya pang mga gamit.

Habang nag-aayos kanyang mga gamit, naglaro sa aking isip ang mga bagay na di ko dapat isipin.

Ano kaya hitsura ng mayabang na to pag naliligo?

Nababaliw na ata siguro ako. Kumunot noo, sumimangot, at kung ano-anong kakaibang gestures pa ang aking pinaggagawa. Napakalikot ng aking naiisip. Inilibot ko ang aking mga mata sa buong kwarto.  Napatigang bagang ako. Andito ako sa loob ng kwarto niya. Sarado ang pinto at siya namay nagsa-shower.

Diyos ko, Lord...

Yinakap ko ang aking sarili na para bang kung sinong re-rapin ng kanyang amo. Napatigil ako sa aking ginagawa.

No! No! No...way!!

"Are you ok?"

Maya-maya nabasag ang aking pagdeday-dreaming... Right in front of my eyes was Sir Mayabang.. H-half naked. Eventually, my eyes trailled from his half naked body to his face. Pakiramdam ko namutla ako sa aking nakita. Yeah, I couldn't possibly be wrong. Kahit ngayon lang ako nakakita, seeing his six pack abs absolutely took my breath away.

"Hey! Can't you just give me some clothes to wear?"

"H-huh?" Tulala pa rin ako. Naku naman!!!! Napakatanga mo talaga Eliza. Sobrang nakakahiya.

Agad akong kumuha ng isang polo shirt na kulay maroon at isang pantalon mula sa aking mga iniayos na mga damit saka inihagis sa kanya. That was so embarassing.

"Tindi naman ng reaksyon mo. Ngayon ka lang ba nakakita ng ganitong abs?" Sabay tapik sa mga ito.

I rolled my eyes trying to deny everything that happened.  Ayokong maging sobrang mayabang pa siya. Baka akalain niya lahat na lang ng babae mahuhulog sa kanya. Ipinagpatuloy ko na aking ginagawa with heads totally lowered down.

Bigla na lang niyang hinawakan at iniangat ang baba ko at inilapit ang kanyang mukha sa akin so that our eyes met together. Pakiramdam koy para akong nailagay sa ref ng ilang oras. Nanigas ang aking buong katawan. What is he trying to do?

" Look Miss Eliza", said he while still holding my chin. I can feel the heat from his chest na ilang pulgada lang layo mula sa akin.

"You can never fall in love with me. " sabi niya. His voice was blunt that it feels like I've been stabbed. Ini-release niya ang kanyang kamay at ipinagpatuloy ang pagsusuot ng kanyang damit.

"You're not my type!" Dagdag pa niya.

Ang kapalllll!!!! Lumaki ang mata ko sa sinabi niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko.  Matapos kong mailigpit ang mga gamit ay agad akong tumayo.

"Hoy! Mr. Thomas Willis. Yes! Gwapo ka, pero mas marami pa akong nakilalang lalaki na mas gwapo, mas mabait, at mas type ko kesa sayo.!" And then I went straight out of the door. Kahit ilang layo na narinig ko pa rin ang paghirit niya. "E di, type mo pa rin ako haha.!"

Mag-aalas sais na ng gabi. Everything is ready. Nakahanda na ang sasakyan and reading-ready na si sir Thom sa byahe. Napakaraming bag ang kinailangan kong ibaba mula sa kanyang kwarto.  Magsho-shooting lang e para namang pupunta na ng ibang bansa.

"Eliza, bilisan mo. Male-late tayo." Sabay tingin sa kanyang relos.

Nasa sala lamanh sya at hindi man lang tumulong sa akin sa pagbubuhat ng kanyang mga gamit.

Eh kung tulungan mo na lang kaya ako dito mayabang ka. Para naman mapabilis to. Ang dami mo naman kasing gamit.

Nasa gitna na ako ng hagdanan buhat-buhat ang panghuking maleta na akala moy semento ang laman sa bigat.

Ano ba kasi ang dinagdag mo dito? Parang may lamang mga bato ang bag niya.

At nang makita niyang muntik na akong matisod sa hagdanan...

"Hey, careful! Baka malaglag ang bag na yan."

Parang may matalim na bagay ang tumirik sa dibdib ko.

What?! Mas nag-aalala pa siya sa bag niya?!

"You don't know how valuable you ... That bag is."

Finally, we're on our way. Mag aalas dies na ng gabi pero parang hindi pa kami kumakalahati sa layo ng lugar na aming pupuntahan. Mabilis ang takbo ng sasakyan at masyadong madilim ang daang aming tinatahak so I make sure to fasten my seatbelt. Two more hours bago kami makakarating sa Baguio. Kaming dalawa ni Mang Gerry ang nasa frontseat while Mr. Mayabang took the backseat. Pa cool cool lang ang dating. I took the chance to take a glimpse of him on the mirror sa harap. Yeah... Hindi maipagkakaila, he really has a mature or should I say very manly figure. He gently make his fingers dance while having his headset on and eyes closed. And yeah... He's handsome. Totally...

Wait.. Bawal kang mahulog Eliza.

Napabuntong hininga na lang ako at muling bibinalik ang mga pagkakatitig sa harap ng sasakyan. I think I need to take a nap din. Wala nang dapat ika worry kay Mang Gerry dahil isa naman syang professional driver and he's way older than me in terms of years in service sa pamilya ni Sir Thomas. Eh ako.. Hamak na mag iisang buwan pa lang.

I slowly brought myself to sleep habang pinakikiramdaman ang pagduyan ng sarili sa bawat galaw hagalpak ng sasakyan sa daan. It's good to sleep naman dahil malamig ang gabi at maaliwalas ang daan na aming tinatahak.

AUTHOR'S POV ON THOMAS WILLIS

Hindi naman talaga siya natutulog. Sadyang nakapikit lang talaga ang kanyang mga mata upang makinig sa musika na kanyang pinakahilig.. Ang kahit anong instrumental. But, right at this moment ang cover ng The piano guys na Secrets. Makailang beses na itong pabalik-balik dahil isi-net niya ito sa repeat. Matiim niyang pinakikiramdaman ang bawat tunog ng pinaghalong mga music instruments tulad ng violin, flute, piano at kung ano-ano pa. Pakiramdam niyay relax ang kanyang pag-iisp pa iyon ang kanyang pinakikinggan.

But, beyond all this, hindi niya pa rin malilimutan ang dahilan ng kanyang biglaang pag-uwi sa Pilipinas. Yes he's a model at totoong marami siyang projects na gagawin sa Pilipinas. Pero not like before, nagagawan niya itong paraan na maicancel upang huwag mahiwalay sa nobya sa Amerika na si Carla.

They've been together for almost 5 years and yet he's truly, madly, deeply in love with her every day of his life. Dahil simula nang tumuntong siya sa USA at makilala niya ito ay nahulog na ang kanyang loob even when he was just 14 years old, 2 years younger than Carla. And him.. Being in love with her took advantage of having her as their neighbor.  Kaya mabilis niyanitong naligawan at sinagot din naman siya nito. Although, that wasn't clear... enough.

Carla was a fine lady. Matalino, maganda, at mahinhin. But, he wasn't so sure until such time....

That was Sunday night.Hindi siya sanay na mag-isa sa kanilang bahay. Galing siya noon sa school for practice  sa  Basketball. Magkatabi ang bahay nila ng nobyang si Carla pero wala ito roon dahil nakasanayan ng pamilya na puntahan ang kamag-anak sa Fayetteville (isang lugar sa North Carolina, one hour trip)  tuwing Sunday for family reunion. But when he was about to enter the house, he heard some noise from the other. Mga halakhak... ng isang babae. And he was sure that it was Carla's voice. He thought, maybe they just came home early. Or... Maybe she was with her friends. Excited siyang pumunta sa kabilang bahay... He planned to surprise her and hug her tight like he always did but that all changed....

Napatigil siya sa kanyang nakita. She was also shock to see him but he took no waste of time and punched the guy on his face. He couldn't believe it...seeing Carla kissing with another guy na ngayon lang niya nakita.

"What's wrong with you, Thomas!!??"

Napuno siya sa galit at patuloy na pinagsusuntok ang lalaki na no'y wala nang kalaban-laban sa kanya dahil sadsad na sa lupa ang katawan nito.

"Thomas!!! Stop it!!"  Hinablot siya nito sa likuran at doon lamang siya napatigil. Sinampal siya nito ng pagkalakas-lakas.

"Anong problema mo?"

Nangunot ang kanyang noo. Knowing that he was her boyfriend pero parang against ito sa kanya.

And he went back to his senses. Kahit nakapikit ay ramdam niya ang mga matang nakatitig sa kanya. And yes, hindi niya alam kung bakit, hindi niya alam kung paano ngunit bumilis ang tibok ng kanyang puso.