webnovel

7

"Oho! Oho! Oho!"  Heto ako ngayon, nakalugmok  sa kama. Ang taas ng lagnat ko at may ubo pa. Pinayagan akong mag-leave ni mam Cha dahil sa nangyari. Akala ko patay na ako. Huli kong maalala ay may nagligtas sa akin at hinablot ako mula sa ilalim ng tubig. Akala ko katapusan ko na yun. 'Oho! oho! oho!"

"O anak, gising ka na pala."

Ang sarap matulog dito sa bahay. Matapos sa ospital. Iniuwi agad nila ako. Inihatid nila ako sa bahay. Hindi ko makakalimutan ang reaksyon ni mama at papa nang malaman nila ang nangyari sa akin.

"DIOS KO! DIOS KO! Ano bang nangyari?! Okey ka lang ba?! Ha? Anak?"

Hindi ako makapagsalita sa mga oras na yun dahil hinang-hina pa ang aking buong katawan. Mabuti na lang sa tulong ni bunso napakalma si mama. Kundi, baka sumugod na siya sa mansyon. Wala namang ibang may kasalanan sa nangyari kundi ako lang. Ewan ko ba. Nagpadala sa feeling? Nagpadala sa hangin? O sadyang itinulak ang aking sarili?

"Eto gamot mo. Bumangon ka muna. Kailangan mong uminom ng gamot anak."

"Salamat ma."

"Atte..! Gising ka na!'   Eksaherada naman si bunso habang sumisilip sa may pintuan kasama si papa. 

"Oo, bunso gising na ako."

"Anak, okey ka na ba?" Pag-aalalang tanong naman ni papa.

"Oo pa, okey lang ako. Ang totoo sinadya ko naman po yun. Alam niyo naman pong hindi ako takot sa heights. Masyadong maganda lang po talagang maligo dun."

Sinadya kong sabihin upang palakasin ang kanilang loob upang mabawasan ang kanilang pag-aalala sa akin.

"Sige, magpahinga ka muna."

"Sige po ma, pa. Salamat po."

Ririiriririinngggggg...!!!!!

Bigla na lang ruming ang cellphone ko at sa pagtingin ko ay si SIR MAYABANG. 

"He-hello?"

"Hello!"  

Bahagya kong inilayo sa tenga ang cellphone. Masyadong malakas ang boses niya.

"Anak sino ba yan?" Pagtatakang tanong ni mama na nakatitig ang mga mata sa akin, lalo na si bunso at si papa.

"Ahh, wala po ma." 

"H-hello. Jenny, mamaya ka na tumawag ha. Magpapahinga muna ako."  Ini-off ko agad ang cellphone. " Sige ma, okey lang ako. Gusto ko po sanang magpahinga na muna ma pa, bunso.'

"O sige, alis na kami ha?'

"Opo ma, paki-lock na lang po ng pintuan."

Nagdadalawang isip sila sa sinabi kong iyon.

"Ma, ano ka ba naman. ANo ba naman pinag-iisip niyo. Ayaw ko lang ppong maisturbo kahit ilang oras lang po."

"Ahhh, sige anak ha. Iwan ka na namin."

Sinagot ko sila ng malumanay na yango.

Ting!

YOU HAVE TO ANWER MY CALL. IT'S VERY IMPORTANT!

Tignan mo nga naman ang walang pusong lalaking ito.

Riiiiinngggg-rrr-rrriiinnnggg..!!!

 "Hello."

"I just wanna ask you. Ilang araw mo balak mag-leave? You still have a job to be done."

"A-----"

"If you're still sick, It's not my fault that you fell from the cliff."

"An----"

"Hurry! Come back here. If you still want this job. Bumalik ka na as soon as possible."

Tick...

Grabe naman tong taong to. Walang puso. Alam kong kasalanan ko. Pero--- Haissshh!!!!!

H-Hindi man lang ba siya naawa sa akin? "Oho, ho ho hoh ho!' 

Bahala ka! Matutulog na ako. 

Ngunit, bigla na lang akong napatalon sa kama. Naisip ko. Paano kung makiusap siya kay ma'am Cha na maghanap na lang siya ng ibang PA? Naku! Mawawalan ako ng trabaho. Napalundag muli ako at nagmadaling pumunta sa kusina. Kailangan kong gumaling agad. Uminom agad ako ng gamot. Biogesic okey na 'to para mabawas-bawasan ang sakit ng ulo ko. 

"Anak, ba't ka lumabas? Magpahinga ka muna."

"Naku nay, hindi ako gagaling kung lulugmok-lugmok lang ako sa kama."

Agad akong lumabas ng bahay suot-suot ang isang manipis na jacket. Kailangan kong mapgpalakas at makalanghap ng preskong hangin. Ayokong mawalan ng trabaho. Kahit papano. Malaki din naman ang sinisweldo nila sa akin. Teka? Tatawagan ko muna si sir Mayabang. Kailangan kong ikompirma sa kanya na babalik ako agad.

"Hello?"

Buti na lang sinagot niya agad.

"O hello Sir Maya--- ahhh," muntik pang madulas ang dila ko. "Ahhh, I mean, sir!"

"So ano? Babalik ka na?"

"O-op sir, Bukas babalik na ako."

"Make sure lang na darating ka dahil maghahanap talaga ako ng iba. Hindi ko pa nas--"

"Naku po, sir. Huwag po!"

"Teka? Bakit bukas pa?"

'Ahh-ehh, basta po sir. Please, bigyan nyo pa po ako ng chance. Oho! ho! ho! ho!"

'Sige, bilisan mo bukas."

Buo pa rin ang kanyang boses habang kinakausap ako. Walang bakas ng akhit kunting pagmamalasakit sa kalagayan ko. Disidido talaga akong pabalikin agad sa trabaho. Napakunot-noo ako sa harap ng cellphone.

"Anak? Sino yung kausap mo?"

"Ahh, wala po ma. Si- si Jen po ma. Kinakamusta niya po ako."

"Ahhh, yung kaibigan mo?'

"Opo, ma."

Sigurado akong magagalit si mama kapag sinabi kong tungkol sa trabaho ang kausap ko sa cellphone.

"Okey ka na ba anak? Ba't nagbibilad ka sa araw?"

'Maaa... okey lang po ako. Hindi naman po masyado mainit kasi umaga naman po eh. Mas nakakabuti pa nga raw ang init ng umaga."

"O siya, siya. Sige, panaaalo ka na."

Buti na lang maintindihin si mama. Hindi niya ako kinukulit pagdating sa mga bagay-bagay.

Eeeee... hindi ko alam ang pakiramdam ko. Sobrang malamig ta's mainit. Nalilito na ako. Alin ba ang dapat gawin? Nginigin o pawisan? Kaya, kailangan ko talagang magpagaling. Kaya ko 'to.

Kinabukasan...

Three days din akong hindi nakabalik dito. Tumingala muna ako sa langit bago pumasok sa mansyon. Hindi pa maganda ang pakiramdam ko pero kailangan kong pumasok.

"o ija? Okey ka na ba?" Unang sumalubong sa akin si Aling Bering. 

"Naku, nakakatakot naman yung nangyari sa'yo. Kung ako siguro, mamatay na ako dun."

"Naku Aling Bering, okey lang po ako. " Binigyan ko siya ng isang ngiti.

"O siya sige, pumasok ka na." hinihintay ka na ng amo mo..." dagdag pa niya ng pabulong.

Pagpasok ko sa loob, napakatahimik. Pakiramdam ko walang tao. 

"Kayo lang po ba?"

"Umalis si Ma'am Cha. May gagawin yata sa kompanya." Alam mo bang sobrang alala nun sa'yo?"

"Talaga po? Buti na lang hindi po siya pumunta sa bahay. Akala ko nga po. Ipa-fire out niya po ako eh."

Tumango-tango lang si Aling Bering. Para bang may gustong sabihin ngunit hindi masabi. Parang mayroon siyang itinatagong ngiti sa gilid ng kanyang mga labi ngunit ayaw niyang ipalabas.

"O, andito ka na pala. Pumunta ka sa kwarto ko. Linisin mo at pagkatapos labhan mo lahat ng nasuot kong damit."  

 Parang tinik na pumapasok sa tenga ko ang mga salitang ito na galing sa bibig ni Mr. Mayabang. Kakarating ko pa nga lang, iyon na agad isinalubong niya sa akin. Ni hindi man lang ako kinumusta sa kalagayan ko.  Patience Eliza, Patience.... rrrrrrrrr

"Opo SIr, masusunod po." 

Hindi ko siya tiningnan at umakyat na kaagad sa itaas ng walang paglingon sa kanya. Kitang-kita na nagtataka siya sa ginawa ko.

Ahhhhhh.. ang kalat naman ng kuwarto niya. Buong akala ko, malinis siya sa lahat ng gamit niya.      Napakagulo! May mga brief pang nakasabit sa gilid ng kama. Mga hinubad na t-shirt at pantalon na nagkalat sa sahig. At kung ano-ano pang nakasampay sa bintana. Tsk tsk tsk. Anong klaseng tao ba 'to? Hinablot ko ang isang basket sa likod ng pintuan at sinumang pulutin ang mga nagkalat. Hay naku, may basket naman pala dito. Hindi man lang ini-shoot na lang?

"Ayusin mong paglilinis ha? Kahit anong oras ka pa matapos, basta't maayos ang pagkakalinis. "  nagulat ako, andyan na pala siya sa pintuan nakatunganga. "Ang tagal mo ring nawala, kaya expected na."  dagdag pa niya at tuluyang umalis. 

Ano bang nakain ng taong ito? 

Tick tock tick tock tick tock...

Kunti na lang matatapos na ako. Grabe punong-puno na ang basket ng mga damit niya. Pupunasan ko pa ang sahig bago ako lumabas. Lalabhan ko pa mga damit niya. Kung maaari nga lang sana ay bukas na. 

Tick tock tick tock tick tock...

Ilang minuto pa, natapos na rin. Handa na akong lumabas, Napakabigat ng basket pero kinaya ko itong buhatin. Halos di ko na makita ang hahakbangan ko palabas ng kwarto. Bigla kong nabangga ang aparador malapit sa pintuan. Mula dito bumagsak ang iba't ibang klase ng DVD albums at mga notebook. Bahagya kong inilapat ang basket at sinimulang pulutin ang mga bagay. Wow, mahilig din naman pala tong taong to sa mga instrumentals. May modern songs na inirevised katulad na lang ng kay Daniel Jang at Sungha Jung. Kumpleto siya sa mga cover ng mga ito. Ngunit, nagpapaagaw pansin sa akin ay ang isang malaking photo album na kulay asul at may disenyong unique lines at spirsal shapes. Lalaking-lalaki ang dating. 

"Huwag!" 

"A-araaayyy!"

Napakalakas ng pagkabangga ng mga ulo namin. Halos mabilog na ako sa sakit. Parang bang hinampas ako ng basball bat sa sobrang sakit. Napaka-eager niyang hinablot mula sa akin ang album. 

"Huwag mo tong pakialama."

"A- hindi ko naman pinakikialaman yan ah. Nahulog kasi kaya pupulutin ko na sana."

Balot na balot ng pagkatakot ang kanyang mata. Gaano kaya kalaki ng sekretong nakatago doon at ganun siya kung maka react. 

"Ahhh... talaga?"  agad naman siyang kumalma. 

"Hay naku, napaka-eksaherada mo naman. Ikaw na lang magligpit niyan. Hmmp!"

Dinampot ko na ang basket at agad na timungo sa ibaba. 

Medyo kumukulimlim na ang paligid. Kitang-kita ito mula sa transparent na dingding ng mansyon. Ilang oras ba ako naglinis? Hindi ko napansin ah. 

Dumiretso na agad ako sa labahan. 

"Eliza!"     Ayon, kumukokak na naman siya.

"Sir, ano po yun?"

"Tapusin mo lahat yan, ngayon din."

"Yezzz sirrrr.."

Hayyyyyy,.....

Hindi na nakontento, pati sa labahan ay sinusubaybayan pa rin ako. Humiga siya sa isang maliit na malasofang silya at nakinig ng music mula sa kanyang headset na nakakabit sa Ipod.  Bahagya nitong ipinikit ang mga mata na animo'y planong doon na matulog. Alas singko na ng hapon. Ewan ko kung bakit makulimlim na kaagad. Ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa hanggang ako'y natapos. 

Rrrriiinnngggg...

"O ma?"

"Anak! Kumusta ka? Bakit kailangan mo pang tumakas para pumunta dyan?"

'Ma. okey lang po ako ma. Wag na po kayong mag-alala. Pakisabi na po kay papa na ayos lang po ako dito."

"Sigurado ka ha."

"Opo ma, Sige ma. May ginagawa pa po ako."

Kanina pa siguro nag-aalala si mama at papa sa akin dahil umalis ako ng hindi nagpaalam. Paano? Baka hindi nila ako payagang umalis. 

Buti pa si Sir Mayabang, napakahimbing ng tulog. Ulanin ka sana dyan. hahaha

Kunti na lang din, matatapos ko na ang paglalaba. Buti na lang din at hindi gaano kadumi ang mga damit niya dahil di ko na kailangang mag-exert ng too much effort. Isa na lang at maisasampay ko na lahat. 

"Lagyan mo ng fabric conditioner yan ha. Ayokong nag-aamoy sabon ang mga damit ko.'

Aba, nagising na? 

"Opo sir."