webnovel

Since Day One

Do you believed on love at first sight? Of course you do.Every person fell Inlove at first sight.Naniniwala din ba kayo na tadhana ang mag pakana pag nagkikita kayo on exact places and time?

Honeyahh · Teen
Not enough ratings
32 Chs

Twelve

SHEIN

Kumakain kami ngayon sa isang hapag kasama si Mom,Dad,ako at si...Thor.Dinala ko na siya rito noong napag alaman ko na nasa bahay na sila mom and dad.Disidido naman talaga si Thor na umakyat nang ligaw sakin.

Tumikhim si daddy kaya natuon ang pansin namin sa kanya "Why so fast?"nakatingin siya samin ni Thor kaya sa amin ang tanong na iyon.

"What do you mean dad?"

"Ilang araw palang kayong magkakakilala ay nagbalak ka nang umakyat ng ligaw?"tiningnan ni Dad si Thor na deretso ang tingin kay dad na parang hindi natatakot.

"Hindi ko naman po siya pinepressure.I just want to ask if I can court her.Kaya po ako nagpunta dito dahil gusto ko lang sabihin na mahal ko po ang anak niyo.Kaya ko siyang protektahan,kaya sana po,payagan niyo ako"magalang ngunit matapang na saad ni Thor kay dad.

Si mom naman ay napangiti ng bahagya kaya nabunutan ako ng tinik,pero si dad ay seryosong tiningnan si Thor.Naramdaman kong hinawakan ni Thor ang kamay ko sa ilaim ng lamesa.Mahigpit iyon na para bang ayaw akong pakawalan.

Nagsalita si Mommy "I guess we should trust you,Thor.Nakikita kong disidido ka talaga na papayag kami.Me and my husband....or it's just me na pumapayag sa pag akyat mo nang ligaw sa anak ko"napangiti ako sa sinabi ni Mom.Nagkatinginan kami ni Thor at ngumiti sa isa't isa.I mouthed 'Thank you' to mom.She just smiled.

Napatingin kami kay dad nung pabagsak niyang binitawan ang kubyertos niya.Heto na ang kinakatakutan namin ni Thor,ang isa sa mga magulang ko ang humadlang samin.Ayaw ko iyon,ayaw kong malayo si Thor sakin.

"Pumayag ka na ba,Shein?"biglang natanong ni Dad.

Napalunok ako "Ahmm....Y-yes,dad"

"Ang asawa ko pumayag na,si Shein pumayag na rin.So ano ako? Alangan namang magpaiwan akong mag isa? Syempre papayag nalang ako hahaha"biro ni Dad.

Napatawa na rin ako sa pagiging palabiro ni Dad.Pati rin si Thor ay halos mapatalon sa sinabi ni dad.

"Thank you po"nag hug si dad at Thor.

"Just make sure na hindi mo sasaktan ang unica hija ko ha? Kase sa oras na paiyakin mo iyan....ipapadala kita sa Uranus"biro ulit ni dad

"Huwag po kayong mag aalala...kung iiyak man si Shein,sisiguraduhin kong sa kasal na namin.Papaiyakin ko siya sa sarap hindi sa sakit pero pwede din naman sa sarap at sakit"ngiti ni Thor sabay kindat sakin.Pinamulahan na naman ako ng pisngi.

Tumawa si dad and mom.Mukhang magkakasundo ang tatlo ah?

"Thank you din ,tita"baling ni Thor kay mom na halos maiyak.Hindi ko alam kung bakit siya umiiyak,siguro iniisip niyang magkaka boyfriend na ako hehe.

"You're welcome,hijo.Puwede ka minsan dito sa bahay,minsan din naman kaming wala ng tito mo kaya si Shein lang mag isa dito kasama ang mga katulong at si nanay pag walang pasok.Mag bonding kayo pero,"huminto si mommy at tinuro si Thor "huwag sa kwarto...dito lang kayo sa sala,kase baka anong gawin nyo dun!"

"Mom!"sabi ko para manahimik na siya.Nakakahiyang marinig iyon.

"At kapag tulog si Shein huwag mong pagsamantalaha--"

"MOM!"

"What?"maang-maangan niyang tanong.

"No worries,tita.Hindi po ako ganyang lalaki.Pinapahalagahan ko po ang lahat nang meron si Shein.Pag ginawa ko po iyong mga sinasabi niyo...sisiguraduhin kong si Shein ang mag request"

"THOR!!"sa sobrang hiya ko ay napatungo ako sa lamesa.Parang gusto kong maiyak,sa tuwing nahihiya ako gusto kong umiyak.Napatigil ako nang may naramdaman akong kamay sa likod ko.Niyakap ako ni Thor.

Narinig ko pang mahinang natawa ang parents ko.

"Shhh....Joke lang naman 'yun eh."patahan niya sakin "Kailangan kitang pasayahin...huwag ka nang umiyak please?"

Tumango ako at hinalikan niya ang noo ko. Binaba ang tingin sa labi ko at dahan dahang nilapit sakin.Napakayo kami sa isa't isa nung tumikhim si dad.God! Nakalimutan kong nasa hapag pa pala kami!

"Mamaya na nga iyan! Jusko,"nasapo ni Dad ang noo niya,napatingin siya kay mom "Love...antok na ako"malambing na saad ni dad.

"Hmmm? Sige mauna ka na,maglilinis lang ako ng hapag"

"No...sabay tayo,please?"

Makapagsabi si dad na mamaya na kami ni Thor pero sila naman ni mom ang naglalampungan ngayon! Tumatawa si Thor ngunit mahina.Siniko ko siya ng bahagya.

"Ihatid na kita sa labas"

"Ha? Ayaw mo na ba akong kasama?"

Umiling ako "Hindi naman sa ganun,kaya lang may pasok ka pa bukas baka ma late ka pa.."

Tumango siya at hinawakan ang kamay ko.Nag holding hands kami papunta sa labas.Magpapaalam pa sana siya kay mom and dad pero hindi namin sila maestorbo kaya dumeretso na kami dito sa labas.

"Dito ka nalang"ani niya.Nasa malapit kase sa guard house ang sasakyan niya kaya malayo layo pa.

"Bakit? Pwede naman kita ihatid patungo doon"sabi ko

"Tsss...dito ka nalang para hindi ka na mapagod."

Nag buntonghininga ako "Okay...ingat ka ha?"

"Yes,my Shein"sumaludo siya sakin kaya napatawa ako.

"Sige na nga umalis ka na.Text me if you already home"paalala ko

"Of course sasabihin ko kaagad para walang may mag aalala."sabi niya sabay halik ng mabilis sa labi ko.Hindi pa ako nakabawi sa gulat nang magsalita siya "Kanina ko pa gustong gawin iyan pero ayaw ko naman mawalan ng galang sa parents mo."

"I love you"sabi ko

"I love you...Always and forever."

Hinalikan ko siya sa pisngi kaya namula siya.Gusto kong tumawa pero huwag muna ngayon.

"Sige na..Ingat ka!"

"I love you!"

"I love you too!!!"

***

Paglabas ko galing banyo ay nakatanggap ako ng text galing kay Thor.

Thor of Avengers:Nakauwi na ako.Na mi-miss na kita:(

Talagang sad emoticon pa talaga ha?

Ako:Miss na rin kita...Anong ginagawa mo?

Thor of Avengers:Nakahiga..ikaw?

Ako:Kakatapos ko lang maligo.Matutulog na nga ako eh

Pag send ko nun ay may tumawag.Si Thor ang caller.

"Shein?"panimula niya

"Hmmm?"

"Kailan kaya kita makakatabing matulog?"

"Ewan ko? Pag kasal na siguro tayo?"

"Ha?! Pag kinasal pa? Ang tagal pa nun eh"pagmamaktol niya.Kahit sa kabilang linya siya ay nakikita ko ang imahe niyang nakasalubong ang kilay tsaka nakapout.

"Sige,pag naging official nalang tayo"

Narinig ko na napabangon siya sa kama.

"Talaga?!"

"Oo nga.Pero 'yun nga lang..hindi pa kita masasagot"

"Hahaha ikaw talaga.Manliligaw na ko simula bukas kaya humanda ka.Sisiguraduhin kong lilipad ka sa kilig"

Tumawa ako "Talaga? Kaya mo akong paliparin? Wow! Cool!"kunwaring mangha kong sabi

"Tsk.Kaya ko nga iparamdam sa iyo ang heaven eh"panunukso niya.

"Ewan ko sayo."

"Joke lang naman.Sige na matulog ka na baka ikaw pa ang malate sating dalawa bukas"

"Goodnight,my Thor"

"Goodnight,my Shein"

Sabay naming pinatay ang cellphone.

***

Nagising ako nang mas maaga.Naunahan ko pa nga ang alarm clock ko na naka set sa 6:00 am.Alas kwatro palang naka ready na ako.Hindi ko alam kung bakit parang excited ata ako.Siguro excited ako sa sinabi ni Thor na 'manlilgaw' siya sakin ngayon.Now, I finally know how it feels.Malalaman ko na rin ang pakiramdam nang nililigawan.Nakakakilig kaya? Nakakhiya? O nakakakilig ulit?

Chinarge ko kanina ang cellphone ko kaya full batt na ulit.May isang text na bago lamang

Thor of Avengers :Goodmorning ,my love;) <3

Napangiti ako sa nisend niyang text.Nang dahil kay Thor naging mababaw ang kaligayahan ko.Kunting text niya lang o tawag ay napangiti agad ako.

Ako:Goodmorning too@_@

Nag reply agad siya.

Thor of Avengers: Nasa'n 'yung My love?

Ako:Kailangan pa ba nun?

Thor of Avengers:Hindi naman....gusto ko lang sana mabasa.

"Sus,nag eemote na naman ito"

Ako:I love you,Thor.

Hindi agad siya nagreply kaya nilagay ko na 'yon sa bag ko.Maaga ako ngayon kase ihahatid ko si ate Rielle sa university.Hindi pa namin nasasabi sa parents ko na buntis siya.Tsaka na lang pag napakulong ang may gawa 'nun.Ayaw sabihin ni ate ang name nung may gawa sa kanya kaya nahirapan akong mag file nang warrant of arrest sa kanya.Si uncle Onie na ang bahala sabi niya,pinsan siya ni dad.Isang sikat na detective si uncle kaya no problem.

"Ate ready kana?"tanong ko sa kanya nung palabas siya sa front door ng bahay.

Tumango siya at tipid na ngumiti "Salamat ulit dahil pinasakay mo na naman ako,S-Shein"

"Ate naman eh! Huwag ka ngang mahiya sakin.Tayong tatlo palang ni kuya Sef ang may alam na buntis ka kaya huwag ka nang mahiya."Pasok ka na sa loob ate"iginaya ko siya sa loob.Hindi ko alam kung paano mag alaga ng buntis kaya naman naghanap ako sa internet bago ako matulog kagabi.

"Tara na kuya"umandar na ang kotse patungong university na pinapasukan niya.Hindi kase kami pareho ng university ni ate dahil na kick-out ako doon dati.Aaminin kong sobrang pasaway ko talaga dati pero nagbago lang ako nung halos mag away kami ni Mei.

Nasa harap na kami nang unibersidad.Valester University ang name nang school, Dashel University naman ang sakin.

"Ingat ka ate ha? Papadalhan nalang kita ng vitamins at pagkain mo mamaya.Huwag kang papalipas ng gutom"paalala ko sa kanya,tumango siya at ngumiti at niyakap ako

"Salamat sa pag aalaga.."

Yumakap ako pabalik "walang ano man ate!"

"sige alis na ako"kumaway siya sakin.

Pag alis ni ate ay umalis na rin ako.

***

"Thank you kuya"bumaba na ako ng sasakyan at tumungo sa gate ng school.

"I.D"sabi nung palaging security na nag chicheck ng I.D ko.

Inabot niya agad sakin "Salamat po"

Umakyat na agad ako sa classroom ko.Pagdating ko doon ay sobrang tahimik ng room.Matagal pa ang hihintayin bago mag start.Seven palang kase,eight thirty pa dadating si sir.

Umupo ako agad sa upuan ko.As usual tulog na naman ang katabi ko.Palagi namang tulog itong si Van Gogh eh.Hanggang ngayon hindi ko parin alam ang first name nito.Simula noong nangyari sa canteen ay hindi ko na siya nakakausap pa.

Magtatanong tanong nalang ako mamaya if alam nila ang first name ng kupal na ito.

"Hi!"bati ko doon sa nerd kong kaklase na si Ridge.Mailap siya sa mga tao ,ako lang siguro na classmate niya na may lakas loob na kausapin siya. "Puwede magtanong?"Hindi niya ako pinasin pero gagawin ko lahat mapansin lang niya.Gusto ko kase ng hindi plastik na kausap. "Alam mo ang first name ni Van Gogh?"

"Please?"pakiusap ko ulit.

Sinara niya ang librong binabasa "Sunshine...Sunshine Van Gogh"sabi niya.

"S-Sunshine? Lakas makababae name nung kupal ah"tatawa tawa kong bulong.Pero aaminin ko ha maganda ang pangalang Sunshine sa personality niya. "Salamat...ako nga pala si Shein"pakilala ko in case hindi niya ako kilala

"Wala akong pake"suplado niyang sabi saka tinalikuran ako

Ouch! iTz ReAlLy HuRtZ </3

Sumakit iyong kamay ko sa pagtype nitong chapter.New year kase maya dapat mahaba hahaha

Honeyahhcreators' thoughts