webnovel

Since Day One

Do you believed on love at first sight? Of course you do.Every person fell Inlove at first sight.Naniniwala din ba kayo na tadhana ang mag pakana pag nagkikita kayo on exact places and time?

Honeyahh · Teen
Not enough ratings
32 Chs

Eleven

SHEIN

Kinuha ko ang isa pang plato ng kanin na kakaorder ko lang dito sa cafeteria nila at binigay kay ate "Kain ka lang,ate.."

Inabot niya yun at nilagyan ng panibagong ulam.Ang lakas pala kumain ni ate,kung sana hindi natapon yung pagkaing dala ko kanina ay mas masarap ang kinakain ni ate ngayon kumpara sa adobong sitaw na meron lang dito.Ano ba namang cafeteria 'to.Wala man lang manok or baboy na siniserve,sabagay kase naman puro healthy ang tao dito.May garden kase sila sa likod nitong building,doon sila kumukuha ng nga lulutuing ulam dito.Nalaman ko lang 'yan kay ate.

"Ang lakas niyo naman po kumain.Dahan dahan lang po baka mabilaukan ka"paalala ko sa kanya.

Inabot ko ang tubig sa kanya noong napaubo siya."Sorry ha? Gutom lang talaga ako,ma'am"magalang na sagot niya.

Hanggang ngayon hindi ako kumportable sa pagiging magalang ni ate.Sinabi ko na sa kanya noon na huwag na akong tawaging ma'am pero she insisted.

Inabot ko ang panghuling bowl na naglalaman ng sabaw na may langka "Sana sinabi mo po kanina sa text para nagmadali ako"nag pout ako.

"Nahihiya na talaga ako sa'yo,at isa pa may class ako nung time na 'yun.Bawal pa kami lumabas"paliwanag niya.

"Hindi ka po ba kumain kaninang umaga?"

"Nagmamadali kase ako kanina."

"Eh sana sinabi niyo po sakin para nakapag drive-thru tayo!"

"Kalimutan niyo na po iyon"

Uminom nalang ako sa mineral water sa harapan ko.Ito nalang ang nasa harap ko kase pati kanin at ulam ko ay binigay ko na kay ate.Ayaw kong nagpapagutom siya.Dahil alam kong nagkakasakit ang isang tao pag gutom.

"Nga po pala,ma'am.Akala ko po nauna na kayo dito kanina pero ako pa po 'yung nauna.May nangyari ba nung pumunta kayo patungo dito?"curious na tanong ni ate.

Pinahinga ko ang likod ko sa upuan.Naalala ko naman ang kumag na iyon!

"May nakasagupa kase akong alien este lalaki"pauna ko "Tapos aksidente niya akong nabunggo kaya tumilapon 'yung pagkaing sana ay sa'yo.Nag away kami dahil dinumihan ko daw ang sapatos niya pero hindi naman masydong madumi 'yun! Umabot lang ng ilang minuto ang away namin.Babayaran niya sana ang natapong pagkain,1000 pa talaga.Syempre hindi ko tinanggap kaya nung pagtalikod niya ay pinulot ko iyong mga natapong pagkain at binato sa mismong mukha niya"nanggigigil kong kwento.

Nakatingin lang si ate sakin at maya maya'y naduwal siya.Sa sobrang taranta ay tumakbo siya patungo nang CR.Nakakasuka ba iyong kwento ko? Siguro nakakasuka naman talaga ang pagmumukha nang lalaking iyon.Tumayo ako na may dalang tissue at sinundan si ate.Pangalawang suka niya na ito ngayong araw ah.Kinatok ko ang isang cubicle kung saan siya sumusuka. "Ate,ayos kana?"tanong ko.

"Oo,ma'am."sabi niya saka lumabas na.Naghugas agad siya ng kamay sa gripo,pati labi niya.Inabot ko ang tissue sa kanya para punasan ang mukha niya. "Salamat po talaga,ma'am.Masyado na po akong nakakaabala..."nahihiyang saad niya.

"Ano ka ba,ate! Sabi ko nga diba magkapatid tayo? Syempre tutulungan kita!"ani ko

"Salamat talaga"humagolgol si ate.Hindi ko man alam ang nararamdaman niya ay niyakap ko siya.Mas lalo siyang humagolgol sa dibdib ko. "Buntis ako.."natigilan ako doon sa inamin niya.Dagli ko siyang pinaharap sakin.Kita ko ang mata niyang puno nang luha.Nakayuko siya na para bang may malaking kasalanang nagawa.

Tahimik kaming bumalik sa upuan namin.Wala ni isang nagtangkang bumasag ng katahimikan.Ininom ko na ang panghuling lagok ko sa mineral water ko.Pansin kong panay ang tikhim ni ate kaya tumayo ako at pumunta sa counter.Bumalik na ako at inabot sa kanya ang binili kong tubig.Napatingin siya sakin kaya ngumiti ako nang tipid.Alam ko kung bakit ganyan si ate ay dahil na g-guilty siya,nag-guilty siya dahil kami ang nagpapaaral sa kanya.Nag-guilty siya dahil hindi niya natupad ang pangako niya samin,lalong lalo na kay dad na siyang nagbigay ng scholar sa kanya.Napatingin ako sa tiyan niya na manipis.Hindi pa naman gaanong makikita ang bukol doon.

"Ate.."binasag ko ang katahimikan samin "Paano ka nabuntis gayong wala ka namang boyfriend?"takhang tanong ko.

Napayuko si ate at nagsimulang lumuha ulit.

"Wala akong boyfriend..."nakinig lang ako kay ate "P-pero...may isa akong kaibigan n-na may g-gusto sakin,sabi niya kung hindi niya ako makukuha sa mabuting paraan niya ay kukunin niya ako sa dahas.."nanginginig ang bibig ni ate.Hindi ko makaya ang mga sinabi ni ate pero hinayaan ko muna siyang magsalita "..Kaya nung gabing nagkayayaan kaming magkakaibigan...kasama siya roon.Hindi ko.nalang siya pinansin kase baka pagpinansin ko ay hindi na ako tantanan.Nagkainuman ang iba pero ako lang ang hindi.Hindi naman talaga ako umiinom eh,pagkatapos nun ay nagbanyo muna ako para umihi,tapos pagbalik ko ay tulog na halos lahat ng kabigan namin.Umupo nalang ako sa isang upuan nang may naramdaman akong tumabi sakin,napatayo agad ako.."

"Siya lang pala,yung kaibigan konb lalaki na may gusto sakin ang tumabi.Nagdalawang isip pa ako nun kung pabayaan ko siya tumabi pero nung nagsalita siya nang "Sorry...hindi ko naman ginusto ang pagbabanta ko sa'yo.You're my friend afterall,kaya sana mapapatawad mo ako sa lahat ng pagbabanta ko" sinabi niya 'yun sakin.Kaibigan ko parin siya kaya pinatawad ko.May bigla siyang inabot na juice sakin kase alam niya na hindi ako umiinom.Tinaggap ko iyon at ininom kase uhaw talaga ako noon.Hanggang tumatagal ay naramdaman kong nahihilo at dumilim na ang paningin ko,"lumuha siya pero agad niya iyong pinunansan "Nagising nalang ako na nasa isang magandang kwarto ako...hubo't hubad din ako kaya alam ko ang posibleng may nangyari.Tapos nun ay lumabas siya mula sa CR,sa kanya pala ang kwartong iyon kaya halos bugbugin ko siya sa sama ng loob.Pinagsamantalahan niya ako habang wala akong malay...ginawa niya akong baboy..walang hiya s-siya!!"hinagod ko ang likod niya dahil pati ako ay nasasaktan.Naglatuloy siya. "sabi niya panangutan niya ako pag nakabuo kami! Ni hindi ko nga siya mahal kaya hindi ko sinabi sa kanya na buntis ako..Ayaw kong magkaroon ulit kami ng ugnayan,gusto ko na siyang mawala.."humagolgol si ate.

"Shhhh...ate,gagawin ko ang lahat para mapagbayaran niya ang ginawa niya sa'yo..."

****

"Ate magpahinga ka na sa bahay,may pupuntahan lang ako"paalam ko sa kanya at pinasakay siya sa sasakyan namin.Hindi na ako sasabay sa kanya kase kailangan naming magkita ni Thor ngayon.Miss ko na siya,hindi man lang kase tumawag o nag text.Sasabihin ko na sa kanya na ipapakilala ko siya kay dad and mom.

"Salamat talaga...Shein"ani ate.

"Okay lang po yun! At saka huwag mong kakalimutan na Shein ang pangalan ko at hindi ma'am,ate ha?"tumawa siya kaya natawa rin ako.

Kumaway nalang ako sa kanila nung umalis na.Pumara agad ako ng taxi papuntang kabilang side.Doon kami magkikita sa unang café kung saan ko naiwan ang slingbag ko.Habang nasa byahe ay biglang nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko 'yun mula sa bag ko.

Thor of Avengers:I'm already here,where are you now?

Ako:Papunta na.

Huminto ang taxi kaya bumaba na ako.Pumasok ako sa loob,kaonti lang ang tao ngayon pero kumpara nung huling punta ko rito ay mas madami ito.Natanaw ko kaagad si Thor sa isang mesa na may pandalawahang upuan.Naglakad ako patungo sa kanya,hindi niya ako nakita kase busy siya sa cellphone niya.Sino kaya ang katext nito?

"Hi."Bati ko sa kanya nang makarating sa table.

Nag angat siya ng ulo at napangiti nang makita ako.Pinanghila niya ako ng upuan.

"Thank you"

"You're welcome"

May dalawang kape na agad at isang banana flavor na cake na nakahanda sa mesa kaya hindi na kami oorder.

"So,kumusta ang school?"tanong niya

"Ayos lang naman"simple kong sagot.

Umayos siya nang upo "Ahmm...about what happened earlier,sorry doon"

"About what?"

"'Yung sumagot sa'yo kanina ay si Zyra iyon."binanggit niya palang ang pangalang Zyra ay parang bumigat ang paghinga ko.Naalala ko pa 'yung sinabi ni Mei na si Zyra ang isa sa maraming babae na patay na patay kay Thor.

"Z-zyra? Sino siya?"kahit alam ko na ay gusto ko parin marinig kung ano nga ba si Zyra sa kanya.

"She's just a friend of mine."

Friend of mine? Really?!

"Oh? So bakit siya ang sumagot kanina at hindi ikaw?"may pagdududang tanong ko.

Hindi pa nga tayo ,nagtataksil ka na?

"Nasa comfort room ako ng boys kanina at naiwan ko ang bag ko sa labas kaya hindi ko nasagot ang tawag mo.Siguro kaya si Zyra ang sumagot kase narinig niyang nag ri-ring"

"Ah ganun ba?"

"Nagalit ka ba?"

Hindi obvious?

"Hindi naman...nagtatampo lang"sumimsim ako ng kape.Sayang naman kase pag lumamig.

"Nagtatampo?Bakit ka nagtatampo?"inosenteng ani niya.May pakiramdam ba ito or palabas lang niya?Tsk.

"Hindi ka man lang nag text or tumawag pagkatapos.Kaya ako heto,nag aantay parin ng kahit isa text man lang"niyuko ko ang ulo ko.

*BEEP*

Humuni ang phone ko kaya kinuha ko sa loob ng bag.Nakalukot na lahat ng parte ng mukha ko dahil sa nabasa.

Thor of Avengers:Sorry na.

"Bakit ka nagtext?"nakataas ang kilay ko

"Sabi mo kase hanggang ngayon ay naghihintay ka parin ng kahit isang text ko kaya nag text ako.Ayaw kase kitang paghintayin.."namula ang mukha ko doon.

"Sira"tumawa ko "Okay lang...hindi ko naman kailangan nang kahit na anong paliwanang kase pagiging loyal mo lang sakin sapat na"matamis na ngiti ang pinakawalan ko sa kanya.

"Ang bait talaga ng nililigawan ko"sabi niya sabay yakap sakin mula sa likuran ko.Hindi ko alam kung pinagtitinginan na kami ngayon ng nga customer pero ang tanging alam ko lang ngayon ay pulang pula ang buong mukha ko.Bumibilis ang pintig ng puso ko. "Nalaman ko kanina sa Lazaro's Hospital na nakalabas na si Dad mo.Gusto ko na silang ma-meet nang mommy mo"sabi niya sabay halik sa ulo ko.

"Hmm? Sige kung 'yan ang gusto mo"

"I love you,my Shein"

"I love you too,my Thor"

Hinalikan niya ako sa pisngi.

HAPPY NEW YEAR,MY LOVES;)

WELCOME YEAR 2021!! :)

Honeyahhcreators' thoughts