webnovel

Chapter Five

ILANG minuto rin ang lumipas bago siya nagdesisiyon na lumabas ng banyo. Sa kaniyang paglabas ay bumungad sa kaniya ang lalaki habang payapa itong nakaupo at nakasandal ang ulo sa headboard ng kama.

Suot pa rin nito ang damit at bahagya lang nakabukas ang ilang butones sa may bandang dibdib nito. Napalunok pa siya habang nakatitig sa guwapong mukha ng lalaki. Nakapikit ito kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na pagmasdan ito nang mabuti.

Aaminin niya, unang pagtatagpo pa lang ng kanilang mga mata kanina ay nabihag na nito ang kaniyang puso. Kahit sinong babae naman siguro ay ma-a-arouse sa malakas nitong sex appeal. Kaya siguro nahihirapan siya ngayon sa gagawin ay dahil sa hiya.

Nakaramdam siya ng matinding pagkapahiya dahil naroon sila ngayon para sa pera nito.

"Come and sit beside me," napaigtad pa siya nang biglang magsalita ang lalaki.

Pakiramdam niya ay nagkaroon siya ng mini-heartattack nang dahil doon. Dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata at pinagmasdan nang mabuti ang kaniyang mukha.

Sinalubong niya ang mga titig nitong nakapapaso. Pinakatitigan siya nito mula ulo hanggang paa. She was wearing a grey classic style hotel bathrobe.

Alam naman ni Carmina kung ano ang dapat niyang gawin, kaya naman hindi na niya kailangan pang magpabebe at mahiya sa lalaki. Isa pa, kailangan niya ng malaking halaga. Kailangan niya ang lalaki at ng pera nito para sa kaniyang ina.

Nang maalala ang nanay na may sakit at nakaratay ngayon sa ospital, biglang nawala ang pag-aalinlangan ni Carmina. Ang kaninang takot na bumabalot sa puso niya ay parang bula na biglang naglaho.

Humugot siya ng malalim na hangin bago taas-noong naglakad papalapit sa kama kung nasaan ang lalaki.

Nang marating ang dulo ng kama ay muli siyang lumunok bago nagtungo ng ulo. She started untying the belt around her waist and stripped in front of him.

Sumilay naman ang ngiti mula sa mga labi ng lalaki habang nakatitig sa hubad na katawan ni Carmina. Tumayo ito mula sa pagkauupo at dahan-dahang naglakad hanggang sa dulo ng kama. Umupo ito roon at muli siyang pinagmasdan nang malapitan.

Si Carmina naman ay dumoble ang bilis ng tibok ng puso nang matitigan ang malamlam na mga mata ng lalaki. Kumikislap iyon habang nakatitig sa kaniya. Pakiramdam tuloy niya ay may mga paruparong nagliliparan sa loob ng kaniyang tiyan.

Nagsimula siyang humakbang upang mas lalong makalapit sa lalaki, ibinuka niya ang kaniyang mga hita at umupo sa kandungan nito.

"Anong gusto mong gawin ko?" tanong niya mula sa malambing na boses.

Pinilit niyang hindi mangatal sa pagsasalita. Ayaw niyang ipahalata rito na kinakabahan siya, kahit na parang sasabog na ang kaniyang puso sa sobrang kaba at kahihiyan.

Napasinghap si Carmina nang maramdaman ang kamay nito sa kaniyang likod. Hindi naman niya napigilan ang sariling mga kamay na gumapang mula sa batok nito at pataas sa buhok.

Marahang hinaplos ng lalaki ang likod niya, habang ang isang kamay nito ay naglakbay sa kaniyang hita.

Hindi nito inaalis ang mga mata sa pagkakatitig sa kaniya at ganoon din siya rito. Muli siyang lumunok bago ito binigyan ng mapang-akit na ngiti at ngumiti rin naman sa kaniya ang lalaki.

Naroon pa rin siya at nakakandong dito nang bigla siyang buhatin nito at marahas na hiniga sa kama.

Napasinghap pa si Carmina nang maramdam ang malambot na kama sa kaniyang lingkod. Nakahawak ang lalaki sa dalawa niyang kamay na waring pinipigilan siyang gumawa ng anumang kilos. Dahan-dahan nitong ibinaba ang ulo at inangkin ang kaniyang mga labi.

Naramdaman niya ang malalambot nitong labi sa mga labi niya. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga habang hinahalikan siya nito. Hinayaan niya ito sa ginagawa ngunit hindi siya tumugon. Iyon ang unang halik niya kaya wala siyang alam tungkol sa pakikipaghalikan. Hinayaan lamang niya ang sarili na namnamin ang matamis na bagay sa kaniyang mga labi.

Nag-umpisang gumapang ang kamay ng lalaki mula sa kaniyang pisngi pababa sa kaniyang dibdib. Nilaro-laro nito ang kaniyang hinaharap at pinisil-pisil.

Naramdaman ni Carmina ang unti-unting pag-iinit ng kaniyang katawan. Lalo pa nang bumaba ang mga halik nito sa kaniyang hinaharap. Napapapikit siya habang ninanamnam ang ginagawa ng lalaki.

"S-Sir . . . " pigil niya rito nang biglang sumagi sa isip niya ang pera.

Hindi siya sigurado kung ilan ang eksaktong ibibigay sa kaniya ng lalaki. Naalala niyang hindi nila pala iyon napag-usapan bago siya nagdesisiyong maghubad sa harap nito.

"Sir, s-sandali l-lang—ugh!"

Napasinghap si Carmina nang bumaba ang kamay ng lalaki sa kaniyang pagkababae. Nararamdaman pa niya ang mainit nitong hininga sa kaniyang dibdib.

Narinig niya itong umungol bilang tugon sa kaniyang tawag. Habang nasa katinuan pa ay pinilit niyang itulak ito mula sa harapan niya upang kausapin, pero mabilis na hinawakan nito ang kaniyang mga kamay at hinila siya paupo.

Nagtagpo ang kanilang mga labi nang tuluyan siyang makaupo sa kandungan nito. Muli nitong inangkin ang mga labi niya at sa pangalawang pagkakataon ay hinayaan niya lang ito.

Hindi nawawala ang kamay nito sa kaniyang pagkababae kaya para siyang nagdideliryo habang nakapikit at hinahayaan ito sa mga gustong gawin.

Inipon niya ang natitirang lakas at habang nasa tamang katinuan pa ay muli niyang itinulak ang lalaki. Napaungol naman ito sa kaniyang ginawa. Hinawakan niya ang kamay nito at inilayo bago tinakpan ang sarili.

Kumunot ang noo nito habang nakatitig sa mukha niya. "Ano ba ang problema?" mahinahon nitong tanong.

Ibubuka na sana niya ang bibig, pero bigla ring natigilan. Muling nabuhay ang hiya sa kaniyang katawan. Nasa kalagitnaan sila ng pagmi-make out at pinigilan niya ang lalaki para lang sa pera? Medyo tinablan siya ng hiya dahil doon.

Ngunit maagap na hinawakan ng lalaki ang kaniyang kamay. Akala niya ay ginawa nito iyon upang alisin ang pagtatakip niya sa sariling katawan, pero nanatiling nakahawak ito sa kamay niya at nakatitig nang mabuti sa kaniyang mukha.

"Tell me, what's wrong?" maagap nitong tanong.

Nag-aalala siyang tumitig sa mga mata nito. Mababa na nga siya sa paningin nito, pero ayaw niyang mas bumaba pa dahil sa usapang pera. Pero iyon naman ang dahilan kung bakit sila naroon, isang beses niya lang itong gagawin, kaya mas mabuti pang gawin niya nang tama upang hindi na ito maulit pa.

"A-Ang pera . . . " bulong niya rito.

Nawala ang kunot sa noo ng lalaki at nanatili itong nakatitig sa kaniya. Si Carmina naman ay biglang nawalan ng lakas ng loob dahil doon. Wala siyang ibang nagawa kundi ang magtungo ng ulo.

"Do you need it now?" he asked.

Sandali pang nanatiling tahimik si Carmina bago muling nagsalita.

"K-Kailangan ko ng kalahating milyon," wika niya sa pabulong na paraan.

Natatakot siyang magalit ang lalaki o tanggihan nito ang bayaran siya. Sa pagkakaalam niya kasi ay ang bayad na iniwan nito sa kaniyang manager, ang siyang pera na pagkukunan ng bayad sa kaniya. Ni hindi siya sigurado kung makakakuha ba siya ng fifty thousand man lang doon.

Hindi sumagot ang lalaki. Nanatili itong tahimik kaya nagdesisiyon siyang muling magsalita.

"S-Sir, k-kailangan ko lang po talaga ng pera, para n'yo nang awa. Nasa ospital po ang nanay ko, nag-aagaw buhay siya."

Naramdaman niya ang pamamasa ng gilid ng mga mata. Mariin siyang pumikit nang marinig ang mahinang tawa mula sa lalaki.

"That's what they all say," sabi nito sa mababang tinig.

Nag-angat siya ng mukha at sinalubong ang mga titig nito. Natigilan naman ang lalaki nang mapansin ang mga luha niya.

"Hindi pa ako nakikipag-sex kahit kanino. Kung ayaw mong maniwala sa rason ko, bayaran mo na lang ang pagkababae ko. Tutal, ikaw ang makakauna sa akin. Ngayon kung ayaw mo, sabihin mo lang dahil maghahanap ako ng ibang—"

Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang muli nitong angkinin ang kaniyang mga labi. Sinubukan niya itong itulak, ngunit mas malakas ito kaysa sa kaniya. Muli siya nitong nahawakan sa dalawang kamay at itinaas iyon malapit sa kaniyang ulo.

"Fine, I'll pay you half a million," he said between their kiss.

Hindi na niya nagawang tumanggi rito nang marinig iyon. Lalo na nang magsimula itong maghubad sa kaniyang harap. Buong oras ay nakatitig lang ito sa mga mata niya at waring inaakit siya.

Hindi natapos ang gabing iyon nang hindi siya nakukuha nito nang paulit-ulit. He promised her he'll double the price if she'd let him have her for the whole night.

No rests, no buts. Just the two of them having sex for as long as he want.