webnovel

She Leaves (Tagalog)

MJ Osmeña can get whatever she likes. Will she be able to get the man of her life?

_doravella · Urban
Not enough ratings
47 Chs

The Vigil

"Bakit ni isa sa inyo walang nagsabi sa akin?" Kalmado pero puno ng hinanakit na tanong ko sa kanila habang nakatayo at mariing nakatitig sa kabaong ni Lolo. Tuloy-tuloy pa ring umaagos ang mga luha kong hindi na yata maubos-ubos.

"Anak, magpahinga ka muna. Katatapos lang kanina ng board exams n'yo and bumiyahe ka pa from Manila," puno ng pag-aalalang sabi ni Mama sa akin sabay marahang hinaplos ang kaliwang braso ko.

I clenched my jaw and intently look at my Lolo's cadaver.

"Tama ang Mama mo, mija, have some rest. Pagod ka, and also, hindi ka pa nakapag-hapunan. Darry said na kaninang hapon ka pa umalis ng penthouse n'yo kaya for sure hindi ka pa kumakain."

Kung masisira agad ang ngipin ng isang tao dahil sa kakatiim-bagang, baka kanina pa nasira ang mga ngipin ko sa sobrang diin ko sa mga ito. Inis na inis ako. Galit na galit na rin. Sa sarili ko at sa mga taong nakapaligid sa akin.

Bakit sa lahat, si Lolo pa?

"Anak..."

Dahan-dahan kong nilingon ang mga magulang kong nasa harapan ko lang magmula nang makarating ako. Nandiyan sila para aluin ako pero bakit hindi ko maramdaman ang kapayapaan?

Marahan kong inalis ang kamay ni Mama sa braso ko at tuluyan silang hinarap na dalawa.

"With all due respect po... Pero hindi niyo po alam kung kailan ako pagod at gutom. Kakain po ako kung gusto ko po at magpapahinga po ako kung kailan ko rin po gusto. Katulad na lang po nang ginawa niyong paglilihim sa akin, kaya ko pong magdesisyon para sa sarili ko po," mariin kong sabi sa kanila.

"MJ! Mga magulang mo 'yang kausap mo, baka nakakalimutan mo? Ayusin mo 'yang tabas ng dila mo ha."

Nilingon ko si Kuya Clee nang bigla siyang sumingit sa usapan naming tatlo.

"At 'wag dito sa harapan ng kabaong ni Lolo, MJ, kaonting respeto naman." Seconded by Kuya Mikan.

Mas lalong kumulo ang dugong kanina ko pa pinapainit sa loob ng sistema ko. Kung kanina naiinis lang ako, ngayon, tuluyan na akong nagalit. Punyemas n'yo.

"Respeto, Kuya Mikan? Respeto? Bakit? Ako ba ni-respeto n'yo? Ni-respeto n'yo ba ang karapatan ko bilang apo ni Lolo Mado? Ang karapatan na dapat agad kong malalaman kung ano mang nangyayari sa kanila, mabuti man o masama? Ha? Kuya Mikaelo Angelito? Ni-respeto ba ninyo?" Asik ko sa kaniya. Tumataas na ang boses. Punong-puno pa rin ng hinanakit.

"Maria Josephina Constancia, calm the fuck down!" Pagpipigil ni Kuya Clee sa akin na hindi ko pinansin.

Nilingon ko ang parents ko na tahimik lang na nanunuod sa aming magpipinsan.

"Ma, Pa, bakit naman hindi n'yo sinabi sa akin na ganito ang situwasiyon ni Lolo? Pa?" Puno ng pagsusumamong tanong ko sa kanila, most especially to my father.

"Anak... kumalma ka muna please, kumain ka muna tapos mag-uusap tayo pagkatapos nito." malumanay pa rin na sagot ni Mama habang si Papa naman ay nakatingin lang sa akin at mukhang gustong magsalita, pinipigilan lang ang sarili.

"Ma... Paano ako makakakain kung ganito? Punyemas naman kasi, bakit ngayon ko lang nalaman? Nakaka-punyemas lang talaga!"

"Maria Josephina Constancia, do not ever talk to our parents like that. Nawawalan ka ng respeto, ano ba!"

May bagong sumingit sa mumunting sagutan namin dito sa tapat ng kabaong ng aking Lolo. Pumasok si Kuya Yosef sa eksena, kasunod niya ang iilan sa mga pinsan ko at mga Tito at Tita. Nakatingin na rin sa amin ang iilang bisita na nandoon pala at hindi ko napansin kanina nang makarating ako.

"Bakit niyo inilihim sa akin na wala na si Lolo? Bakit sa balita ko pa malalaman? Ni-text ba o abiso ay hindi niyo magawa? Sasabihin niyo lang naman kung anong totoong situwasiyon ni Lolo, e, mahirap ba?"

It's like me against all these people in front of me.

"Maria Josephina Constancia Osmeña, pumasok ka sa kuwartong iyon, doon tayo mag-usap, 'wag dito sa harapan ng Lolo mo," mariin ang boses ni Papa pero ang expression ng kaniyang mukha ay kasing kalmado ng payapang dagat. Akala mo kalmado talaga pero nagpipigil lang ng galit sa loob.

"Tara na, MJ!"

Hindi na ako tuluyang naka-angal nang biglang may humablot sa aking kamay.

Mas lalong akong naiyak dahil sa nangyayari sa akin ngayon. Para akong pinagtutulungan ng libu-libong tao at ang mas masaklap doon ay mismong pamilya ko ang nagtutulong-tulong para talunin ako. Masakit, siyempre.

Dinala nila ako sa isang bakanteng kuwarto rito sa first floor ng mansion. Malayo sa paningin ng nag-uusyosong mata at atensiyon ng mga tao.

Padarag akong binitiwan ni Kuya Yosef na may nanlilisik na mata. Nakasunod naman agad sina Mama, Papa, at Ate Tonette.

"Bakit ba parang ako 'yong may kasalanan dito? Bakit parang ako 'yong naging masama, e, ako lang naman ang huling nakaalam na patay na pala ang Lolo ko? Hindi ba dapat ako ang magalit sa inyo dahil inilihim ninyo sa akin ang lahat? Kung hindi pa ako nakapanood ng balita... hindi ko pa malalaman na, putragis, wala na pala ang Lolo ko!"

The moment ma maharap ko ang pamilya ko ay agad na akong naghuramentado. Ang bigat-bigat na sa dibdib, kailangan ko ng mga sagot sa mga katanungan ko. Punyemas.

"Hindi kami naglihim sa 'yo, MJ. Sasabihin naman talaga namin sa 'yo after ng exams mo," rebuttal agad ni Kuya Yosef nang maging kalmado na siya.

"Sasabihin? Talaga? O baka balak n'yong sabihin sa akin kung kailan ililibing na si Lolo? That's shit, by the way," sarkastikong tanong ko, hindi makapaniwala sa mga rason ng pamilya ko.

"Maria Josephina Constancia, watch your language!" Pagbabanta ni Papa.

Imbes na matakot sa tono ng boses niya, mas lalo lang akong nagsumamo sa kanila ng sagot sa lahat ng katanungan ko. Sising-sisi ako, e.

"Pa!" Muling tumulo ang panibagong luha na leche hindi ko alam kung saan nanggagaling. "Bakit hindi niyo agad sinabi sa akin na may sakit si Lolo? Bakit sa iba ko pa malalaman?" Lumapit ako sa kaniya at halos lumuhod na sa harapan niya, wanting so damn much to answer my damn question. I know it's done but I need an explanation.

"Mija, makinig ka sa akin... Hindi namin agad sinabi sa 'yo ang situwasiyon ng Lolo mo dahil ayaw naming ma-istorbo ka sa board exams mo. Alam namin kung gaano ka-importante sa 'yo 'to kaya hindi namin agad sinabi." He carefully caress my face and let me look into his pleading eyes. Kahit blurry na ang paningin ko, pinilit kong aninagin ang mukha niya.

Punyemas, my father really looks like my Lolo.

"Anak, hindi kami maglilihim sa 'yo."

Naramdaman ko ang presensiya ni Mama sa tabi namin ni Papa pero masiyado na akong mahina para lingunin pa si Mama.

"Istorbo? Kailan pa naging istorbo sa akin ang kalagayan ni Lolo? Mas importante pa po ba 'yong exams ko? You should've said it earlier, back when Lolo's still alive. Pinagkaitan niyo po ako ng karapatang makausap siya sa mga huling sandali niya, e. 'Yon po 'yong masakit, Ma, Pa."

"I told you Ma, Pa, it's a bad idea. She needs to know. Sana naman hinayaan nating makausap niya si Lolo noong nasa hospital pa lang ito."

What?

Buong atensiyon ko ay naibigay ko kay Ate Tonette nang magsalita siya. Kunot-noo at punong-puno ng curiosity, halos umalis ako sa harapan ng magulang ko para lang malapitan si Ate.

"Tama si Tonette, Ma, Pa, sana pinakausap muna natin si MJ kay Lolo, baka naman ma-convince niya ito na magpatuloy sa board exams instead of going home here while he's still at the hospital," seconded by my older brother.

Confusion roll over me. What. Are. They. Talking. About? Damn it.

"Ano bang mga pinagsasabi niyo?" Naguguluhan kong tanong sabay lingon ulit kay Mama at Papa. "Ma? Pa? May alam ba si Darry sa nangyari kay Lolo? Did he knew that Lolo had a heart condition?"

'Pag ito naging tama, hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa sarili ko.

"Si Darry ang unang nakaalam sa pamilya na may sakit sa puso si Lolo. Nalaman niya nang minsang pumunta si Lolo Mado sa Manila to have a secret check-up nang hindi kasama si Lola. One of Lolo's doctor that time happens to be Darry's friend, Doctor Yaspher Maravillas, kaya niya nalaman agad."

What?!

Nanlambot ang binti ko. Hindi ko alam kung makakalakad pa ba ako sa sobrang panlalamig at panlalambot dahil sa nalaman.

Bakit?!

"Pero pare-pareho tayong lahat na walang alam sa kondisyong iyon ni Lolo, MJ, kasi pinili ni Lolo na ilihim sa ating lahat ang situwasiyon niya. He requested Darry and his doctors to keep their mouth shut," sagot naman ni Ate Tonette.

"K-Kailan pa?" Buong sistema ko nanginginig pa kaya hindi ko alam kung saan ko napulot ang lakas ng loob ko para itanong iyon. "Ka-Kailan siya n-nagpa-check up nang hindi natin alam?" Pagka-klaro ko sa naging tanong ko.

Lumapit sa akin si Mama at sinuportahan ako sa aking pagkakatayo. Mas lalo akong bumigay at tuluyang napayakap kay Mama.

Ang sakit. Mas lalong nadagdagan ang sakit!

"January of this year," sagot naman ni Papa.

Fuck shit. Punyemas!

"Anak... tahan na, magpahinga ka muna, please. Alam kong pagod na pagod ka na," bulong sa akin ni Mama habang nakayakap sa isa't-isa.

Tama siya, pagod na pagod na nga ako pero kailangan ko munang malaman ang buong istorya, at saka ako magdi-desisyon kung kailan ako magpapahinga.

"Ngayon niyo lang ba nalaman ang lahat ng ito? Kung kailan isinugod si Lolo sa hospital?" With a stern voice, I asked Ate Tonette that.

"Sinabi ni Mama kay Papa right after Kansas' birthday. It took Mama and Papa a month to tell us, their children, what Papa's condition is."

What?

Natigilan ako sa sinabi ni Papa. Para akong sinabuyan ng malamig na tubig kaya automatic akong napakalas sa yakapan namin ni Mama at mariing tiningnan si Papa.

What is he talking about?

Nalaman ni Lola ang sakit ni Lolo after Kansas' birthday at nalaman nilang lahat a month after that? What the shit?

"Ako ba ang huling nakaalam?" Medyo tumaas na naman ang boses ko dahil sa inis. Oo, naiinis na naman ako.

Nilingon ko ang dalawa kong kapatid nang makitang tahimik lang ang magulang namin.

"Ako ba ang huling nakaalam?" Pag-uulit ko sa tanong ko. Baka kako hindi narinig.

"It was Lolo's request too na 'wag sabihin sa 'yo habang hindi pa natatapos ang board exams mo. He planned to tell you all about his condition and plano niya rin sanang magpa-opera after niyang masabi sa 'yo ang lahat." Ate Tonette is the only one who's brave enough to tell me everything.

Hindi ko na nakayanan ang sakit. Bigla akong napaupo sa kinatatayuan ko at umiyak.

'Tang ina bakit naman ganito?

"Anak..." Mama even broke her own voice while trying to comfort me.

But even her comfort can't take away the pain. This is devastating.

"Ba-Bakit noong na-ospital siya at inatake... Bakit hindi niyo sinabi sa akin?" Lakas loob kong tanong habang tuloy-tuloy pa rin sa paghikbi. Kinakapos na ako sa hininga pero gusto kong iiyak lahat. Walang puwang ang pahinga sa oras na ito.

"Si Darry ang nagdesisyong 'wag sabihin sa 'yo sa pag-aakalang makaka-survive siya sa attack na iyon," si Kuya naman ang nagsalita.

"Josefino!" Nagsalita si Mama at punong-puno ng pagbabanta ang kaniyang boses kaya wala sa sarili akong napatigil sa pag-iyak at tiningnan si Mama na nakatingin lang kay Kuya.

"Ma naman! Stop defending your golden boy. He's also at fault with this one. Tama ang sinabi ni MJ kanina, may karapatan siyang malaman ang kalagayan ni Lolo, kahit 'yong pagkaka-ospital man lang ni Lolo, kahit 'yon lang sana," depensa ni Kuya pero masiyado na akong mahina para intindihin ang mga pinagsasabi nila.

Ang sakit. Sobrang sakit. Walang-wala ito sa mga physical na sakit na naramdaman ko. Wala ito sa mga infatuations and emotional distress na naramdaman ko. Walang-wala. Maski ang mental stress na nararanasan ko, walang binatbat.

Ang hirap, ang sakit, ang gulo. Hindi ko na alam kung anong emosyon ang paiiralin ko para sa sarili ko. I just want to go back to the time when Lolo was still alive. I just want to be with him. I just want to talk to him, again and again. Damn... bakit kasi si Lolo pa?

Sa sobrang sikip ng aking nararamdaman, hindi ko na napigilan ang sarili kong tumayo at tumakbo palabas ng kuwartong iyon, palayo sa kanila.

Sayang na sayang talaga. Sobrang sayang ng mga araw at panahon na dapat ay inilaan ko sana sa kaniya. Sobrang sayang ng mga pagkakataon na sana nakausap ko siya at nakasama sa mga huling sandali. Pero sa sobrang busy ko sa buhay... nang dahil sa board exams ko, nawalan ako ng oras sa kaniya. Sana nalaman ko nang mas maaga, naagapan sana sa pamamagitan ng operasyon ang sakit niya, nandito pa sana siya ngayon, kasama namin.

Pagkalabas ko ng silid na iyon ay agad tumumbad sa akin si Lola. Walang pag-aalinlangan akong lumapit sa kaniya at mahigpit siyang niyakap, doon na rin ako bumigay sa lahat ng sakit na aking nararamdaman ngayon.

I know it's bad to pour every sorrow I'm feeling right now to Lola. Alam kong kung nasasaktan man ako ngayon sa pagkawala ni Lolo, mas double o triple ang sakit na nararamdaman niya ngayon, kaso hindi ko na kasi talaga kaya, kailan ko lang talagang ibuhos lahat.

Lola's hurting, I am hundred percent sure, but here she is, accomodating me, comforting me. Nang kumalma ako, napilit niya akong kumain ng hapunan. Siya lang ang bukod tanging nakapilit sa akin. My parents, siblings, cousins, Titos and Titas, were all convincing me to take a rest and kumain pero kay Lola lang akon nakinig. Feeling ko kasi, pinagtutulungan ako ng lahat ng pamilya ko at si Lola lang ang kakampi ko, ang bukod tanging makakaintindi sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Lola convinced me to eat dinner pero hindi niya ako na-convince na magpahinga at matulog sa grandchildren's quarters dito sa mansion. Nanatili akong nakaupo sa pinaka-unang espasyo, kaharap ng kabaong ni Lolo. Katabi ko si Lola at tahimik kaming dalawang nakatitig sa kabaong ni Lolo. Nakasandal ako sa balikat niya, habang siya ay marahang hinahaplos ang likuran ng aking buhok.

Somehow, I feel that I am safe and fine despite the ache.

Pagod na pagod na ako. Maski ang talukap ng aking mga mata, gusto nang bumagsak. The thought that Lola needs me keep me from being awake. Kung kayang labanan ni Lola ang pagod niya despite her age, I think I can do that too.

Nagising ako dahil sa isang panaginip na akala ko totoo. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at nanatiling nakahiga nang malamang nasa grandchildren's quarters ako. Agad kong nalaman na nasa ganoong kuwarto ako dahil ang unang nakita ng aking mata nang magising ako ay ang kisame ng kuwarto kung saan naka-pinta ang nakakatuwang pagmumukha naming magpipinsan.

Gusto ko sanang bumangon pero masiyadong pagod ang buong pagkatao ko para gawin 'yon. Maybe I slept last night and someone from my family carried me para rito ako makatulog sa kuwarto. It happens everytime kaya hindi na ako nanibago lalo na't nasa Osmeña Mansion kami.

Habang tumatagal ang titig ko sa kisame, mas lalong masakit. Lahat ng ala-ala na kasama ko ang Lolo ko ay nanumbalik sa aking isipan. Na tila ba sila'y parang mga lupa galing sa bundok na bumigay at gumuho, rumagasa pa-ilalim ng bundok, papunta sa kapatagan kung nasaan ang mga kabahayan na siyang maaapektuhan sa avalanche ng lupa.

Avalanche.

This news of Lolo's death is like an avalanche to me. Biglaan nga pero sobrang bigat naman. Ito 'yong biglaan na magtatagal talaga at baka manatili pa ang sakit.

Mahal ko si Lolo kaya ganito ka-sakit ang pagkawala niya. Mahal na mahal ko si Lolo na mas hihilingin ko pang ako na lang sana ang nawala at hindi siya. Mahal na mahal ko si Lolo Mado.

Pinalis ko ang luha kong sunod-sunod na nagsibagsakan habang nakahiga pa rin sa kama.

Bilib na talaga ako sa luha ko, unlimited... parang chicken wings at rice. Punyemas.

'Yong iyak ko ay biglang napalitan ng hikbi hanggang sa maging hagulgol.

Akala ko iniyak ko na ang lahat kagabi, akala ko ubos na ubos na ang luha ko... but another set of tears keep rolling from my tear duct.

If crying is the only way to ease the pain... I am not going to stop my self from crying every now and then. If only crying can take away the pain... Life for sure would be easy.

Is life will be called life if it is easy? Sobrang boring ng buhay kapag walang thrill, sobrang boring ng life kung pa-petiks-petiks lang tayong lahat. Pero diba dapat masaya lang ang lahat ng tao sa mundo? Sana madali lang ang buhay para maging masaya ang lahat ng tao sa mundo. Hindi lang pagmamahal ang makapagbibigay ng kapayapaan sa buong mundo. Even a simple happiness can make the world go around in peace. Hindi lahat ng kasiyahan ay kailangan ng pagmamahal at hindi lahat ng pagmamahal ay kailangan ng kasiyahan.

Nakatulogan ko ulit ang pag-iyak.

Nagising ulit ako at ang unang nakita ng pagod kong mata ay si Darry na tahimik lang na nakaupo sa isang sofa, hindi kalayuan sa kamang kinahihigaan ko.

Nagulat ako sa presensiya niya kaya agad akong bumangon sa pagkakahiga at walang emosyon siyang tiningnan, to hide the pain I am feeling right now.

"Anong ginagawa mo rito?" I said in a low baritone voice, almost broking it.

Masakit mawalan ng mahal sa buhay at masakit ding malaman na pinaglihiman ka ng mahal mo sa buhay.

"Kakauwi ko lang kaninang madaling araw. Kasama ko si Alice at Erna kasi gusto raw nilang tumulong dito kaya isinama ko na sila sa pag-uwi ko," todo explain niya sa akin. Napatayo pa nga siya at humakbang papalapit sa akin. "Kumusta ka na? Did you rest enough?"

Umigting ang panga ko dahil sa tanong niya at masama siyang tiningnan.

"Ayoko munang makipag-usap sa 'yo," malamig na sabi ko sabay lakad paalis sa kaniya.

Naiinis ako... no wait, nagagalit ako. Galit na galit ako sa lahat ng buhay na tao na nandito ngayon, maliban kay Lola. They kept the secret from me. Ang daya lang na nagkaroon sila ng pagkakataon na makasama siya sa mga huling sandali, habang ako nandoon sa malayo, nakatago para mag-focus sa board exams ko. Leche! Napaka-leche!

Napatigil ako sa paglalakad nang hawakan niya ang siko ko. Agad kong iwinaksi ang kamay niya at nanggagalaiti siyang hinarap.

"I'm sorry, wife," he said in his usual baritone voice. I can sense sincerity pero sobrang namanhid na ako sa sakit, wala na ulit akong ibang maramdaman kundi ang sakit.

"Sorry?" Sarkastikong tanong ko sa kaniya. "Bakit, Darry? Mabubuhay ba si Lolo ng sorry mo?"

"I-I-I just want you to focus on your board exams and y-your Lolo asked me to hide it from you for the meantime."

What the shit?

Umatras ako ng isang hakbang palayo sa kaniya at hindi makapaniwala sa dinagdag niyang rason.

"Focus on my boards? Nakaka-putangina naman 'yan, Darry! Isang malaking putang ina!" Sigaw ko sa kaniya. "Ang board exam, puwede ko pang kunin hangga't kailan ko gusto. Puwedeng sa susunod na taon, puwede kong ipagpaliban. Pero ang buhay ng Lolo ko... isa lang 'yon, e, isa lang! Sana hinayaan mo akong makasama siya sa mga huling sandali ng buhay niya, Darry!"

He step forward kaya humakbang ulit ako paatras sa kaniya. I don't want to be near with him.

"G-Gusto ng Lolo mo na maging Engineer ka sa taong ito kaya pinili niyang ilihim sa 'yo ang lahat. He thought he can survive, he really thought," puno ng pagsusumamong sabi niya sa akin.

"Why did you let him hide his condition from us, Darry? Bakit mo siya hinayaan? Wala ka naman talagang kinalaman sa usaping pamilya namin, 'di ba? Sampid ka lang naman ng mga Osmeña dahil sa akin, kaya bakit ka nanghihimasok?"

Punyemas.

Agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya dahil sa sinabi ko. Pero wala na akong magagawa, nailabas na ng bibig ko at wala na akong lakas para bawiin pa iyon.

He didn't answer to my sentiments so he left me with no choice, I left him alone.

Staying at Lola's side is what I can do right now. I don't know how I lasted the day with such pain. Buong araw akong nasa tabi ni Lola, not leaving a bit.

I am like her companion. I am here for her para alalayan siya sa lahat ng bagay. Kung masakit na sa akin ang pagkawala ni Lolo, paano pa kaya siya na asawa niya? Na nakasama niya ng mahigit sa fifty years? I can't even reach Lola's unfathomable pain and sorrow towards Lolo's death. Pero bakit nagagawa pang ngumiti ni Lola sa mga bisita? Bakit nagagawa niya pang alagaan ang mga apo sa mismong burol ni Lolo. Has it been like this since Lolo's first night?

Ang sabi nila sa akin... isang araw na raw nakaburol si Lolo. He got an attack days before my board exams and died on the first day of my boards. He died November 9.

Days got faster and I don't know how I survived each passing day. All I know is that I wake up and sit in front of Lolo's wake and stare at it all day, then the day will end and another day will peek.

Today is the last day of Lolo's wake. Mas pinili ng pamilya na ilagay ang kaniyang mga labi sa bagong gawang administrative building ng city hall ng ciudad. He is, after all, once a public servant of this city. Naging councilor, mayor, congressman, at vice-mayor si Lolo ng ciudad na ito during his active years.

I am dead staring at his coffin when suddenly, I feel a presence of someone beside me. I did not dare to even look at it. I am just too preoccupied to even glance at it. Pero base sa amoy, alam ko na kung sino.

I've been ignoring him for the past five days. I don't know if I am just ignoring him or hindi lang talaga nagpapang-abot ang mga presensiya namin sa lamay. Siguro it's the former, malayo pa lang kasi siya, kapag nakita ko na maski ang kotse niya sa labas ng building, ako na mismo ang umiiwas. I even slept in my car para lang hindi niya makita while he's having some conversation and interaction with my family.

Umagang-umaga and barely slept last night, I intently watch the employees of the city hall while they're watching Lolo's coffin one by one. Nagkaroon sila ng chance dahil in-open sa public ang viewing ng mga labi ni Lolo. Sabi rin nila kanina, mas dadagsa pa raw ang mga taong manunuod sa labi niya kaya nandito ako sa isang sulok, nakasandal sa malamig na pader ng building habang nakamasid sa kabaong ni Lolo.

"Congratulations, wife, you passed the board exams. Engineer ka na!" He broke the silence between us pero kahit ganoon ang sinabi niya, something inside me didn't even bother about it. Parang hindi ako nagalaw.

What's the use for it anyway?

I ignored what he said and just clenched my jaw while looking at the coffin being surrounded by some unfamiliar people.

Na-release na pala ang results? Pero bakit hindi man lang ako natuwa?

"Tita Rose! You saw Ate MJ?"

Naagaw ng medyo malakas na boses ng nakababatang pinsan ko ang atensiyon ko. Napalingon ako sa likurang parte ng conference room na ito para makita ang commotion. Nakita kong si Lourd ang unang lumapit kay Tita Rose.

"Tita Rose! Nakapasa po si Ate MJ!"

"Opo, Tita! She's an engineer na po! Nasaan po siya? Sabi ni Daddy nandito raw po siya sa loob?" Na sinundan naman ni Jest at Hype.

Umayos ako sa pagkakatayo at napa-iling na lang sa nasaksihan.

"Omo! Really?" Tuwang-tuwa na sabi naman ni Tita Rose. Napatigil pa nga siya sa pagkausap sa isang respetadong employee ng city hall para i-entertain ang mga pinsan ko.

Mas lalo akong nainis dahil sa mga reaksiyon nila. Paano nila nagagawang matuwa sa ganitong klaseng situwasiyon?

"Nasaan si MJ?"

Matinding singhap ang nagawa ko nang pumasok na sa loob si Steve kasama naman si Breth at Lany.

Punyemas, ang sarap umalis.

"She's here!" Wika ng baritonong boses na nasa tabi ko. Halos tampalin ko ang noo ko at desidido na sanang umalis nang bigla nila akong nilapitan. Nakisama si Tita Rose sa kanila kaya mas lalo akong walang kawala.

"Ate MJ! You passed it! Congrats, Ate MJ!" Sari-saring bati nila. Isa-isa rin nila akong niyakap pero hanggang ngayon, ayoko pa ring tanggapin ang balitang ito.

It will never change the pain I've been feeling right now.

"We should celebrate, wife. All your hardworks and your Lolo's dream for you are now being paid off."

What?

Inis kong nilingon si Darry nang bigla niyang sinabi 'yon.

"Bulag ka ba? Nakikita mo nang may lamay, mag-c-celebrate ka pa? Respetuhin mo naman ang lamay ng Lolo ko," singhal ko sa kaniya. He was literally taken aback with my sentiment. I don't care. Nakakainis lang kasi, kita na nga'ng namatay ang Lolo ko, mag-c-celebrate pa dahil lang nakapasa ako. That's disrespectful.

Natahimik ang lahat dahil sa pagtaas ng boses ko. Pati nga ang mga taong nandoon ay nakatingin na sa amin at tila'y gustong marinig pa ang kung anong sasabihin ko. Mas lalo akong nainis kaya umalis ako sa harapan niya pero agad din namang natigilan nang humarang sa nilalakaran ko ang isa ko pang pinsan na si Kuya Yohan.

"Sumusobra ka na yata sa pagiging ma-attitude mo, MJ? Na pati asawa mo, nasisinghalan mo na?" Agad na sabi niya.

What?

I scowled at what he said at naiirita siyang tiningnan.

"Lahat tayo rito, MJ, nagluluksa and that's understandable pero nakapasa ka sa board exam mo. Hindi masamang magsaya nang panandalian para lang sa tagumpay mo."

Nailipat ko ang tingin ko kay Kuya Mikan nang siya naman ang magsalita. I scowled again. Ano ba itong pinagsasabi ng matatanda kong pinsan?

"Kung gusto niyong mag-celebrate, mag-celebrate kayo. Isama niyo 'yang asawa ko, kasi ako... hindi ko maaatim na mag-celebrate sa tagumpay ko kung nandiyan ang Lolo ko nakaratay at wala ng buhay. So, go! I don't fucking care!" Asik ko sa kanilang dalawa at tuluyan na nga'ng nilagpasan silang lahat.

Gusto pa sana akong patulan no'ng dalawa pero pinigilan sila ni Tita Rose kaya malaya akong nakalabas ng building.

Maraming nakatingin sa akin habang palabas ako pero hindi ko na sila pinagtoonan ng pansin. Nagkulong ako sa kotse ko at doon inilabas ang lahat ng frustrations na nararamdaman ko. Nakaka-pakshet silang lahat!

Nagpatugtog ako ng malakas at doon ko iniiyak ang lahat habang tahimik na kinakausap ang Lolo sa kawalan.

"Lo, nakapasa po ako. Is this worth it? Is this it? Ito po ang kapalit ng pagkawala mo? Lo, hindi ko po magawang magsaya. Useless na po ang lahat, Lo, wala ka na po, e. Balik ka na po." Pinalis ko ang mga luhang nagsisibagsakan na naman. "'Di ba sabi niyo po, mag-c-celebrate pa po tayo? Papatayuan ko pa po kayo ng rest house po, 'di ba, 'pag naging engineer na po ako? Lo, I passed, engineer na po ako. Bumalik ka na po." And I silently cried inside that cold car.

Nang mahimasmasan sa nararamdaman ay lumabas ako ng kotse ko at nagsimulang maglakad pabalik ng admin building. Nakasalubong ko si Vad. Hindi ko alam kung unintentional ito o sinadya niya talaga para magkasalubong kami. Seryoso ko siyang tiningnan at seryoso rin niya akong tiningnan habang prenteng nakapamulsa lang sa harapan ko.

"I saw the result. You passed, Engineer Osmeña." With a serious face, he open up that topic. Napa-iwas ako ng tingin sa kaniya at saka nagsalita.

"Do I deserve it? Do I deserve passing the board exam?" Tanong ko sa kaniya and probably, tanong ko na rin sa hangin at sa kung sinong makakarinig.

He heavily sighed and slowly move forward towards me and hug me. Hinayaan ko siyang yakapin ako habang nakatingin pa rin ako sa kawalan, iniisip na hindi ko deserve ang lahat ng ito.

"Gusto sana kitang i-congratulate sa milestone na naabot mo pero I heard kanina sa loob na you caused a small commotion dahil hindi mo raw gustong matuwa ang lahat dahil lang nakapasa ka," he said that while still hugging me. Hindi naman mahigpit ang yakap niya, sakto lang, 'yong malalaman ko lang na may kaibigan akong handang damayan ako sa kahit anong oras.

"Sino ba naman kasi ang matutuwa, Vad?" Tanong ko sa kaniya.

"I do understand kung bakit ka hindi natutuwa sa blessing na natanggap mo ngayon but I assure you, blessing ito. Dumating lang sa hindi inaasahang pagkakaton pero eventually ay ma-a-appreciate mo rin ito, hindi nga lang sa ngayonm" dagdag na sabi niya kaya napakalas ako sa yakap na ginagawa niya at masama siyang tiningnan.

"Hindi ko talaga kayang magsaya knowing na wala na ang Lolo ko."

He lazily rolled his eyes to my sentiments.

"Walang nagsabi sa 'yo na kailangan mong magtatatalon sa tuwa dahil lang nakapasa ka. Ang gusto ko lang namang sabihin sa 'yo ay ang magpasalamat ka lang kasi despite sa bad news na natanggap ng pamilya mo, meron at meron talagang susulpot na good news sa inyo and in this case... ang good news ay ikaw. You being the first engineer in your family," aniya "At isipin mo na lang na tuwang-tuwa ngayon ang Lolo mo. I saw kanina na tuwang-tuwa Lola mo sa loob habang wala ka at nagkukulong diyan sa kotse mo," sabay muwestra ng kotse ko.

I rolled my eyes at him at nilampasan siya.

Naka-ilang hakbang pa lang ako nang tumumbad na sa harapan ko si Darry. Masama ko siyang tiningnan.

"Hinahanap ka nina Mama, kakausapin ka raw," seryosong saad niya habang ang tingin niya ay nasa likuran ko. Naiinis ako sa kaniya. Sobrang naiinis talaga kaya walang sali-salita ko siyang nilampasan at pumasok sa loob ng admin building.

Isang ngiti at yakap ang natanggap ko mula sa mga magulang ko. Si Lola naman ay halos maluha dahil sa balitang nalaman nila tungkol sa akin. Pati ang mga Tito, Tita, at iilang kakilala na nandoon ay binati na rin ako.

Ilang congratulations na ang narinig ko pero bakit hindi ko magawang ilagay sa utak ko na isa na akong ganap na engineer ngayon? Bakit hindi ako natutuwa?

Habang tumatakbo ang oras at lumalalim ang araw, mas lalong dumadami ang mga bisitang gustong masilayan ang huling gabi ni Lolo. Maski ang mga kaibigan ko na sina Lory, Lorene, Ressie, Paulla, at Vad ay nandito para makiramay sa pamilya namin. At dahil ilag pa rin ako sa mga tao, hindi ko muna sila sinamahan. Hanggang ngayon, wala pa rin akong ganang makipag-usap sa mga tao. Kung meron man, isang panandaliang pakikipag-usap lang ang ginagawa ko.

Nang dumilim ay itinigil na ang public viewing. Ginawang closed door ang huling gabi ni Lolo. Immediate family, relatives, at close family friends lang ang tanging pinapasok sa loob para masaksihan ang eulogies na magaganap.

Isa-isang nagsidatingan ang mga kilalang pamilya ng ciudad namin at ng buong probinsiya. Meron ding galing pang Metro Manila. At isa na roon ang pamilya Lizares.

Kahit gusto ko mang magtago na lang sa isang sulok, hindi ko naman magawa dahil kailangan kong salubongin at batiin ang pamilya Lizares.

Sabay-sabay silang nagsidatingan suot ang eleganteng puting outfit nila. Agad akong hinagkan ni Mommy Felicity at Daddy Gabriel. They also said their condolences and their congratulations to me but I am too numb to even respond to it kaya ngiti lang ang kaya kong maibigay sa kanila. Sinalubong ko na rin ang mga anak nila. Isa-isa kong bineso ang Lizares brothers kasama ang mga asawa nila. Natigil lang ako sa ginagawa nang nasa harapan ko na si Sonny. I can't even look at him in the eyes kaya ako na mismo ang umiwas at ibinalik ang atensiyon kay Mom at Dad.

Iginiya ko sila sa kanilang puwesto matapos nilang batiin sina Mama at matapos na ring tingnan ang kabaong ni Lolo. They've seen it already at kahit hindi ko man sila makita, alam kong nakasuporta ang pamilya nila sa pamilya namin. But like what I said, I am too numb to even feel anything.

Matapos ang lahat, bumalik ako sa isang sulok para taimtim na magtago at lumayo sa mga tao. My family can entertain them already, they don't need my plasticity to other people.

Sumandal ako sa malamig na semento at iginala ang tingin sa lahat ng taong nandito. I swallowed hard when I caught Sonny looking at me. Ako na rin mismo ang umiwas ng tingin na iyon at hindi na ulit siya pinasadahan ng tingin. Kasama niya si Ayla at ang baby nila. So who am I to even look at him?

Nagsimula ang eulogy at ang video and photo viewing.

I can't describe it. All I did is cry and cry. Silently crying and feeling the intense pain. Sa bawat swipe ng photos ni Lolo, sa bawat videos na nakikita ko sa screen ay mas lalong naglulugmok sa akin sa sakit.

When one of our family home video flash on the screen, doon na ako bumigay. Five seconds pa lang ng video, lumabas na ako ng venue at doon ko iniiyak lahat sa labas. Kung puwede lang sumigaw, ginawa ko na.

Napa-upo ako sa semento, yumuko at dinama ang sakit. That video is one of my favorites. Video namin iyon ni Lolo while helping Lola for her garden.

"Ssshhh wife..."

I heard a baritone voice beside me and kasabay no'n ang maingat na pag-haplos sa aking likuran. But I'm too numb to even notice it. So I cried again.

"O-Of all the people... why him?" Tanong ko sa sarili ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

"MJ..." Another familiar voice ang lumapit sa akin.

Nag-angat ako ng tingin at nang nakitang si Breth at Steve ang nandoon, agad akong tumayo at lumapit sa kanila. Niyakap ako nang mahigpit ni Steve na mas lalong nagpa-iyak sa akin.

"Steve, bakit si Lolo pa?"

Mas lalo akong in-alu ng dalawa. Hindi ko alam kung may hangganan pa ba itong sakit na nararamdaman ko, namin ng mga pinsan ko. Kung masakit na sa amin, paano pa kaya sa mga magulang namin, sa Lola namin?

"MJ, tahan na..." Ani Breth habang ina-alu ang buhok ko. Pinasadahan ko siya ng tingin habang nakayakap pa rin kay Steve at kahit medyo madilim dito sa puwesto namin, alam kong umiiyak na rin siya. Maski si Steve ay panay ang singhot niya habang magkayakap kaming dalawa.

Matagal bago ako napatahan, matagal bago ako kumalma. Buong oras na hysterical ako sa labas ay sinamahan ako ng dalawa kong pinsan. Hindi ko nga rin napansin na wala na pala si Darry sa tabi namin kung hindi pa binanggit ni Breth.

Nakaupo ako sa maliit na hagdan palabas ng admin building habang nakatingala sa ma-bituin na langit. Si Breth at Steve naman ay salitan kung bumuga ng usok galing sa mga sigarilyong hawak nila, katulad ko, tahimik na rin.

"Ano nang mangyayari sa pamilya natin?" Pagbasag ko sa katahimikan naming tatlo.

Hindi naman talaga totally tahimik ang paligid, may iilang taong nandito sa labas. Siguro mga guards ng mga kilalang taong nandoon sa loob para makiramay.

Humithit muna si Breth at pa-iwas sa akin na bumuga ng usok bago nagsalita.

"Ganoon pa rin siguro, except that Lola will be needing us more ngayong wala na si Lolo."

"Mas kailangan tayo ni Lola ngayon kaya the best that we can do is to be with her," wika naman ni Steve matapos bumuga ng usok.

"I can skip finding a job just to be with Lola. Ewan ko lang sa inyong dalawa..." Pa-simple akong umirap para insultohin sila.

Breth snorted a laugh and Steve raised his eyebrow while his cigarette is pointing at me.

"Nakakapang-insulto ka na, okay ka na ba?" Tanong niya na may gulat sa buong pagmumukha.

I look away and scowled a bit.

"Punyemas niyo."

"Seriously, MJ, you're off these past few days, okay ka na ba talaga?" Tanong Breth kaya naibalik ko ang tingin sa kanila.

"I can't be okay and will never be okay."

"Alam mo bang medyo nagtatampo sa 'yo ang mga nakatatandang pinsan natin?" Wika ni Steve kaya napalingon ako sa kaniya.

Seryoso ko siyang tiningnan ng ilang segundo hanggang sa unti-unti akong tumango.

"Alam ko. Ramdam na ramdam ko nga, e. Pero anong magagawa ko, e, masakit naman talagang mapagkaitan ng katotohanan," depensa ko naman.

"Lahat naman tayo nasaktan sa pagkawala ni Lolo, MJ," ani Breth.

"Oo nga. Kaya nga. Lahat tayo nasasaktan pero bakit feeling ko ako ang sinisisi nila sa pagkawala ni Lolo? Kasalanan ko bang hindi ko nalaman agad? Kasalanan ko bang hindi sinabi sa akin? Kasalanan ko bang ipinagkait sa akin ang katotohonan? Kasalanan ko bang ako ang huling nakaalam? Ako nga dapat ang magalit kasi ako 'yong naagrabiyado rito, e," dagdag na depensa ko.

Agad napaayos sa pagkakatayo si Steve at iniharang sa akin ang dalawa niyang kamay.

"Oh, relax, pinsan, hindi ka namin inaaway. Naiintindihan ka namin, okay? Hindi mo kailangang magalit sa amin kasi hindi kami ang galit sa 'yo," with humor na sabi niya pero hindi ako natuwa.

"Kaya nga, naiintindihan ka naman namin, MJ. Ang hindi lang talaga nila maintindihan ay ang pang-i-ignora mo sa asawa mo," ani Breth.

"Yeah, you've been ignoring him since he came. At hindi natutuwa ang mga Tito natin sa inaasta mong iyon. Katulad kanina, mas niyakap mo pa ako kesa sa kaniyang mas na-unang nilapitan ka," wika naman ni Steve na hindi ko na masiyadong pinansin. Walang mararating ang pag-uusap naming ito.

"Iisipin ko pa ba ang relasyon ko sa kaniya? Dapat nga naiintindihan niya ako, e," sagot ko naman.

Hindi na nakasagot ang dalawa kong pinsan nang biglang umingay sa likuran namin. Paglingon ko roon ay nakita ko ang mga kaibigan kong palapit na sa amin.

"Tapos na ba ang eulogy?" Tanong ni Breth sa kanila.

"Yeah, katatapos lang," sagot ni Ressie sabay upo sa tabi ko.

Sumandal ako sa balikat ni Ressie at hinayaan silang mag-usap habang ninamnam ang malamig na simoy ng panggabing hangin.

When do this pain be taken away from me?

~