webnovel

She Leaves (Tagalog)

MJ Osmeña can get whatever she likes. Will she be able to get the man of her life?

_doravella · Urban
Not enough ratings
47 Chs

The Board Exam

Today is the day I will be judge. Today is the day that all my hardworks will be put into test. Today is the day. Today is the punyemas day!!!!

Few days prior to this, everything about me and Darry were going smoothly. Hindi na namin napag-usapan ang tungkol sa nangyaring iyon. Sa tuwing tinatanong niya ako, ang palagi kong sinasabi ay wala akong maalala dahil sa kalasingan. Hindi rin naman siya nagku-kuwento kung ano kaya pinapalabas ko na baka nga wala kasi parang wala lang naman.

Mas lalo lang akong naging abala sa pagpi-prepare sa sarili ko sa papalapit na boards. Everything is sailing smoothly dahil walang mga problema akong natatanggap. Darry is treating me well, my family is constantly sending me messages and telling me to break a leg and everything, also my friends. Kaso ngayong araw, hindi na ako magbabasa ng mga message. Mas pinili ko kasing ilayo muna sa akin ang phone ko. Si Darry din mismo ang nag-suggest sa akin na lumayo muna sa phone ko para mas makapag-concentrate.

November nine and ten ang exams namin. Dalawang araw naming haharapin ang board exams na may apat na subjects: Mathematics, Hydraulics, Surveying, Design and Construction. Dalawang subjects sa unang araw at dalawang subjects naman sa pangalawa at huling araw. At oo po, alam ko po, subjects pa lang, pamatay na kaya I don't want to elaborate it anymore. Para iwas dugo sa mga utak natin.

I woke up very early. Like mga three am. Maaga rin kasi akong natulog kaya maaga akong nagising. I want to condition myself and my brain for a calmer day ahead. I need to be in a good condition kahit na merong parte sa akin na parang may hindi tama sa lahat ng ginagawa ko ngayon. But I always set aside that thought, baka dahil lang sa kabang nararamdaman ko sa board exam. Minsan na rin kasi akong napagsabihan nina Vad at Maj and my other friends who experienced this kind of situation na normal lang daw na kabahan sa araw ng board exam or days prior to this. Naramdaman na rin kasi nila ang kaba noong sila rin ang nasa posisyon ko.

Mga bandang alas-cuatro ay natapos ako sa pagpi-prepare sa sarili ko. Nakasuot ako ng plain white na polo shirt, black slacks, and black shoes. Dala ko rin ang isang plastic envelope na may brown envelope na kasama sa loob. Nakapaloob sa envelope na iyon ang mga papeles na kakailanganin ko mamaya sa exams, kasama na ang scientific calculator, ballpen, at lapis na gagamitin.

Lumabas ako ng kuwarto na nakataas ang noo at may ngiti sa labi. Isang palatandaan na maganda ang naging paggising ko at handa akong harapin ang araw na ito.

"Magandang umaga, Ma'am MJ," halos sabay na bati ni Alice at Erna.

"Good morning, wife, how's your sleep? Did you sleep well?" Sinalubong ako ng halik sa pisnge ni Darry nang makita niya akong papasok sa dining area.

Kung ganito ba naman bubungad sa 'yo sa paggising mo, sino bang hindi gaganahan harapin ang nakaabang na araw?

Matamis akong ngumiti kay Erna at Alice para sa sagot sa kanilang pagbati bago ako malawak na ngumiti sa asawa ko. Punyemas. Asawa ko.

"Maganda naman, nakatulog ako nang maayos," assurance ko sa kaniya. Kinuha niya ang dala kong plastic envelope at saka inalalayan para makaupo na sa puwesto ko sa dining table, still, naka-alalay pa rin si Darry sa akin. "Thank you," sagot ko sa kaniya nang makaupo na ako.

"Anything for you," sagot naman niya sabay upo. Napatitig ako kay Darry dahil kahit ilang araw ko nang nararamdaman ang ganitong trato niya sa akin, naninibago pa rin ako at may parte pa rin sa akin na hindi makapaniwala sa nasasaksihan ngayon.

"Hala... ang sweet niyo na po talaga. Kinikilig po ako."

Nice.

Natigil lang ang pagkakatitig ko sa kaniya nang marinig ko ang boses ni Erna.

"Erna, tumahimik ka nga, nakakahiya kay Sir Darry, o. Hindi sanay sa mga komentong pabiro natin iyan," mahinang saway naman ni Alice sa kaniya na narinig ko naman and probably, Darry too.

Umiling na lang ako at hindi na pinatulan ang dalawa. Masiyado akong masaya at positibo sa araw na ito para mabahiran ito ng kahit anong klaseng negatibong enerhiya.

Kahit na madaling araw pa lang, I appreciated their efforts in waking up early just to cook for me. Specially Darry, he woke up early, cooked for me, and now, ihahatid pa niya ako sa St. Jude College kung saan ang room assignment ko. Nasa Sampaloc pa 'yon kaya mga nasa thirty minutes pa ang biyahe from our condo. Kung sana walang traffic.

Nasa kotse na niya kami ngayon, kasalukuyang nagbi-biyahe at ilang minuto na lang ay makakarating na kami sa Phinma. Kung naalala n'yo pa, mabilis siyang magpatakbo pero maingat.

Nang matanaw ko na ang mismong school, naging abnormal na naman ang takbo ng aking puso. Hindi ko pinahalata kay Darry na nagsisimula na akong kabahan para wala na siyang masabi sa akin.

"I'll fetch you later. Alam ko kung anong oras matatapos ang exam n'yo kaya one hour before pa lang, nandito na ako para hindi ka na maghintay." Nasa loob pa rin ako ng Camaro niya at siya na mismo ang unang nagsalita habang nakatingala pa rin ako sa building na nasa harapan namin. Napansin ko rin kanina sa paligid na may iilang exam taker na katulad ko na nandito na rin at nakasuot ng pareho kong damit.

Heto na talaga.

"Okay... Mag-ingat ka sa pagmamaneho pabalik at saka 'wag mo na akong alalahanin," sagot ko naman sa kaniya, shaking off the nervousness I'm feeling.

"Remember what we said, specially Mama and Papa's message to you. 'Wag kang papaapekto sa pressure at 'wag kang makikinig sa mga taong nasa paligid mo, mawawala 'yang focus mo kapag nakinig ka sa iba," paalala naman niya.

"Oo! I'll never forget that!" Iwinasiwas ko ang kamay ko para malaman niyang naiintindihan ko ang mga bilin niya. "Papasok na ako sa loob, hahanapin ko pa 'yong room at seat number ko."

"BED Building, fifth floor, room five zero five, seat number nine."

Ha?

"A-Ano?" Nagtataka at naguguluhan ako sa sinabi niya. Puro kasi numero ang narinig ko.

"Sa building na 'yan ang room assignment mo..." Sabay turo sa isang building na kita lang sa labas. "Pumunta ka ng fifth floor at hanapin mo ang room five zero five at kapag nakapasok ka roon, hanapin mo ang seat number nine, doon ka naka-upo."

Wow?

Gulat at namamangha ko siyang tiningnan.

"You knew my room assignment?"

His reponse is just a smirk. Punyemas this man!

"Go on, wife, baka mahuli ka pa." He leaned forward to me and gently kissed me on the lips. It's just a peck but it sent shiver down my spine. Nakakakilabot, nakakakilig.

"Thank you," malumanay na sabi ko at hindi na pinataas ang aming interaction. Lumabas ako ng kotse niya at kumakaway sa kaniya habang papasok na sa mismong paaralan.

Iginala ko ang tingin sa paligid. Medyo marami-raming engineering graduates na gustong maging licensed engineer na katulad ko ang nandito ngayon sa paaralang ito. Katulad ko na naka-puting polo shirt, itim na pants, at black shoes. Pormal na pormal sa mga bitbit nilang mga gamit na sinabayan pa ng kanilang mga seryosong mukha, mukhang kinakahaban katulad ko.

This is it... this is really is it.

Mag-isa kong tinahak ang building na sinabi ni Darry kanina. Umakyat ako sa fifth floor, pinuntahan ang room five zero five. May naka-paskil na list of names ng examinees ang nasa labas. Para makasigurado, hinanap ko roon ang pangalan ko. Nang makita kong nasa ika-siyam na numero ang pangalan ko... I smiled at the back of my head. He really knew every detail of this examinations. Wow, man!

Sakto lang ang dating ko, hindi maaga, hindi rin late. Mga hindi familiar na faces ang nadatnan ko sa loob ng room na iyon. Tahimik ang atmosphere ng room, hindi nag-uusap ang lahat. Mukhang hindi nga nila kilala ang isa't-isa. Mas lalong nakadagdag sa kaba. Punyemas.

Huminga akong malalim at kinalma ang puso ko sa tuloy-tuloy na pagkabog nito.

Everything went fast forward. Halos maubos brain cells ko sa unang subject pa lang ng board exam. But hindi naman sa nagmamayabang ha, I am quite confident enough that I answered everything correctly. Hindi man lahat, pero atleast marami akong tama.

Sa sobrang pagkapiga ng utak ko, wala na akong ibang masabi sa inyo kundi ang pag-uwi ko. Masiyadong na-drain ang utak ko ngayong araw, unang araw pa lang ng board exam pero tuyong-tuyo na utak ko. Punyemas.

"You're so woebegone... mahirap ba ang exams?"

"Ha? Gone? Oo, kaonti na lang at maga-gone na ako. Nakaka-ubos ng brain cells ang board exam ng civil engineering! Punyemas!" Sinalubong ako ni Darry nang makita ko siya sa parking lot ng school na ito. May mga sinabi siya pero gone lang ang narinig ko.

He just snorted a laugh and gently tap my head. That was the only conversation we had that hour. I choose not to talk to him and he choose not to approach me either. Siguro normal lang na ganito kami ka tahimik. Tahimik kasi ako kaya tahimik din siya.

Kinabukasan, ganoon pa rin ang naging situwasiyon. Maaga akong nagising para makapag-prepare para sa pangalawa at panghuling araw ng board exam.

Like the first day, tahimik akong inihatid ni Darry sa same school. Even Erna and Alice were so quiet when we're having our breakfast. They didn't even talked to me with full grown paragraph.

This time, mapapansin na ang pagiging tahimik niya at halatang merong bumabagabag sa kaniya. Gusto kong punahin kaso may laban din pala akong kailangang harapin. Huling araw na lang, ngayon pa talaga ako magpapa-distract?

Matapos niya akong ihatid, pinagmasdan ko ang kotse niyang paalis ng premises ng Phinma bago ko hinarap ang panibagong araw ng laban.

Ngayon, mas doble ang kabang naramdaman ko, mas doble ang kabog ng dibdib ko, mas doble ang panginginig ng kalamnan ko. Pero sigurado ako sa kalooblooban ko na wala itong kinalaman sa exam ngayon. There is something wrong and I don't know what. I just have a gut feeling. A bad gut feeling. And whatever it is, please stay away from me.

"MJ! Mabuti naman at naabutan na kita ngayon!"

I was about to leave the BED Building when I heard someone called my name and tapped my shoulder. Lunch time na at paalis na sana ako. Nilingon ko siya at laking gulat nang makita ko si Raffy.

"Raf?"

"Oo, MJ, ako 'to. Kahapon pa kita hinahanap sa school na ito. Mabuti naman at nakita na kita ngayon," wika niya na may ngiti sa kaniyang mukha. Wala akong ibang nagawa kundi ang ngumiti rin sa kaniya.

He changed a lot. Huling kita ko sa kaniya, marami siyang bugbog sa katawan at puno ng pasa ang kaniyang mukha. Ngayon naman ay isang napaka-aliwalas na mukha ni Raffy Javier ang nasa harapan ko ngayon. And I think it's the sign na he's good. At sabagay nga naman, ilang buwan na rin nang huli kaming magkita.

Oo nga pala, nasa Manila nga rin pala siya. Sa sobrang dami kong iniisip, nakalimutan kong nasa iisang lugar nga pala kami ni Raffy, hindi ko na nagawang hanapin siya sa giyerang nararamdaman ko ngayon.

"Kumusta? Okay lang ba ang exams?" I asked him with casuality.

"Ugh, MJ, 'wag na muna nating pag-usapan 'yan. May isang subject pa tayo mamayang hapon o, ayoko munang pagsisihan ang mga naisagot ko."

"Okay, okay..." Natatawa kong sagot habang siya parang constipated na ang mukha. "Mabuti naman at nahanap mo ako, nakapag-lunch ka na ba?"

"Kaya nga kita hinanap, aayain sana kitang sumama sa amin, sabay na tayong mag-lunch."

"Amin? May kasama ka?" Iginala ko pa ang tingin ko sa may bandang likuran niya para maghanap ng mga tao na nasa malapit lang sa amin.

"Oo, meron. Mga naging kaibigan ko sa review center."

"Oh? Mabuti naman kung ganoon... nasaan pala sila?" Patungkol ko sa mga kaibigan niyang hindi ko naman napapansin sa paligid.

"Nasa loob pa. 'Yong iba naman nasa may labas na ng gate, hinihintay tayo."

"Bakit? Saan ba kayo magla-lunch?" Tumango ako kay Raffy para isenyas sa kaniya na sasama ako kaya dapat ay maglakad na kami palabas, lalo na't hinihintay pala kaming dalawa.

"D'yan lang sa may labas, sa may karinderya. Dapat nga sana kahapon pa kita niyaya kaso hindi na kita nakita sa room mo kahapon, e," aniya habang naglalakad.

"Ay oo, maaga kasi akong nag-lunch tapos doon ako kumain sa may canteen ng school na ito," sagot ko naman.

Nagpatuloy ang usapan namin ni Raffy hanggang sa makita na namin ang mga bago niyang kaibigan dito sa Manila. Isang panandaliang pagpapakilala lang at agad kaming nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang malapit na karinderya. Medyo marami ang tao pero keri pa naman, nagkaroon naman kami kaagad ng puwesto kaya hindi masiyadong mahirap.

Marami kaming napag-usapan ni Raffy habang kumakain, nakikisali rin sa usapan ang mga bago niyang kaibigan. Hindi naman sila mahirap pakisamahan, ganoon din naman ako, kaya naging magaan ang lahat.

Sa karinderyang iyon, may isang flat screen TV ang nasa harapan. Naka-on ito at nag-s-show ang isang sikat na noontime show ng isang sikat na TV station. Paminsan-minsan ay napapasulyap ako sa TV na iyon habang hindi nila ako kinaka-usap. Biglang nag-commercial ang palabas na iyon at isang News Patrol ang sumunod. Napalingon pa nga ako sa may counter ng karinderya nang biglang lakasan ng tindera ang volume ng TV.

"Magandang tanghali, Pilipinas. Narito na ang nagbabagang balita sa oras na ito..." Anang babaeng reporter.

"Raf, ako na ang magbabayad ng mga pinagkainan natin ha? 'Wag ka nang magreklamo, minsan lang 'to," sabi ko kay Raffy bago tumayo para hindi na siya umangal. Pumunta ako sa may counter ng karinderya at nilapitan ang nagbabantay para makapagbayad.

"Sumakabilang buhay na ang isa sa pinakamayamang negosyante ng Pilipinas at patriarko ng Osmeña Business Empire na si Amado Osmeña o mas kilala bilang Senyor Mado..."

Ha?

"Ayon sa isang opisyal ng Osmeña Business Empire, pumanaw daw ang negosyante kahapon dahil sa sakit sa puso sa edad na eighty-four. Pinalago ni Osmeña ang kaniyang negosyong Osmeña Steel Works at nakilala bilang Man of Steel ng Asia..."

Ano raw?

"Bagamat nagpapasalamat ang kaniyang pamilya sa lahat ng nakikiramay, humihingi sila ngayon ng privacy..."

Teka, sandali?

Na-iwan sa ere ang kamay kong nag-aabot ng pera sa cashier ng karinderya nang marinig ang ibinalita sa TV. Gulat na gulat, napalingon ako sa may bandang TV pero wala na roon ang nagbabagang balita na kanina'y naka-flash sa screen.

Ano 'yong narinig ko?

"Hala... kawawa naman, namatay na pala 'yon?"

Automatic akong napalingon sa kahera ng kainan nang marinig ko siyang magsalita.

"Sinong namatay?" matinding paglunok ang nagawa ko para pigilan ang sariling sumigaw. Baka nabingi lang ako at mali lang ang narinig ko. Hindi...

"Si Mado Osmeña... 'yong may-ari ng OBE... hindi mo ba kilala Miss? Mayaman 'yon, lahat ng tao sa Pilipinas kilala siya."

Punyemas?

Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko nang dahil sa narinig galing sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

Hindi kirot ang naramdaman ko nang marinig ko ang pangalan ni Lolo at ang salitang namatay. Hindi kirot kundi isang matinding hampas sa ulo at puso at katawan ang naramdaman ko. Matinding-matindi na parang gusto kong umiyak.

"M-MJ..." Narinig ko si Raffy at naramdaman ko rin ang pag-alalay niya pero wala na ako sa sarili. Bakit ang sakit?

Lumingon ako kay Raffy at hindi na nga napigilan ang sariling maiyak pero tinatagan ko ang sarili ko. Baka mali. Baka mali ang narinig ko. Baka nabingi lang ako. Oo tama, mali lang.

What are the odds na merong kapangalan ang isang mahal mo sa buhay? Is there any odds?

"R-Raffy... ano 'yong balita? Ba-Bakit nasa balita si Lolo?" Para akong bata na nagtatanong sa magulang niya na sana mali ang narinig at tama ang naiisip ko. Sana.

Hindi ko mapangalanan kung anong inilabas na expression ni Raffy ngayon kasi mas importante sa akin ang sarili kong nararamdaman. Habang pumapatak ang bawat segundo, mas lalong pinipiga ang puso ko.

"Hindi mo ba alam, MJ?"

"Ang ano, Raf? Ano ba dapat ang malaman ko?" Hinawakan ko ang magkabilang braso niya at nagmamakaawang tiningnan siya, na parang gusto kong sabihin niya na mali ang narinig ko.

"Hindi mo alam na isinugod sa ospital ang Lolo mo noong nakaraang araw?"

What?

"Ha? Ba-Bakit..." Shit, hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. "Raf... sabihin mo sa akin, please, na mali ang narinig ko sa balita kanina. Na hindi si Lolo 'yon, na ibang tao 'yon... please Raf, sabihin mo sa akin na mali lahat 'yon." Kulang na lang at yugyugin ko ang buong kaluluwa ni Raffy masabi lang niya sa akin na mali ang lahat.

Pero imbes na sumagot... bigla niya akong niyakap nang mahigpit, mahigpit na mahigpit na lalong nagpaguho ng aking mundo.

Tama nga ang narinig ko.

Shit! Punyemas! Isang putang ina! Nakakaputang ina!

"Hindi Raf... hindi si Lolo 'yon. Buhay pa si Lolo Mado, buhay pa siya. Imposibleng magka-sakit siya. Malakas ang Lolo ko. Nag-text pa siya sa akin noong nakaraan, buhay pa siya Raf. Hindi ko 'yon Lolo," patuloy na sabi ko in between my sobs. Trying to calm myself down while Raffy is embracing me in the middle of this chaotic karinderya.

"Okay lang ba siya, Raf?"

"Hala ineng, okay ka lang ba?"

May mga boses akong naririnig pero ayokong i-rehistro sa utak ko. Masiyadong masakit. Sa sobrang sakit, ayokong tanggapin.

"Ssshhh, tahan na MJ, tahan na...'' But even Raffy's voice can't make my heart stop from breaking.

"R-Raf, kailangan kong umuwi. Uuwi ako sa Negros, gusto kong malaman na mali ang balita, gusto kong makita ang Lolo ko, gusto kong makita na buhay pa siya, Raf. Bitiwan mo na ako, uuwi na ako ngayon." Patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha ko... patuloy na animo'y mababago ang mga narinig ko.

Nanghihina na ako. Hinang-hina.

"Oo, alam ko, gusto mo nang umuwi. Pero, MJ, isang subject na lang, tapusin mo muna, please? Isang subject na lang ha?" Kumalas si Raffy sa yakap niya, mataman akong tiningnan and gently caress my face.

"What's the use of finishing this board exam when my Lolo's there in our hometown, dead, without me knowing? Ha?"

"Listen up, MJ... Kailangan mong tapusin ang exams, hindi matutuwa ang Lolo mo kapag bigla kang aalis ngayon at hindi tinapos ang laban na sinimulan mo," aniya "Ikaw na nga ang nagsabi 'di ba, na sa pamilya n'yo dapat pinapanindigan ang bawat desisyon sa buhay? Osmeña ka 'di ba? You should always live by your decisions and principles in life at kapag tinalikuran mo ito ngayon, hindi matutuwa ang Lolo mo."

Dapat ko pa bang ipagpatuloy 'to kung wala na ang taong nagpapalakas ng loob ko?

"Are you sure, Miss, you're done?" Tanong ng proctor ng room assignment namin nang tumayo ako at agad ibinalik sa kaniya ang test questionnaire at answer sheets na binigay niya one hour ago.

With a flinty expression I answered the middle-aged woman. "Yes..." And insisted her the papers.

"You can still change your answers and thoroughly check everything. May oras ka pa, Miss." And she insisted too.

"I am done, Ma'am, please accept the papers, I need to go home."

Napabuntunghininga ang babae at walang nagawa kundi ang pirmahan ang NOA ko at tanggapin ang answer sheet at ang test paper ko.

Pinagbigyan ko si Raffy sa paki-usap niya kanina. Tinapos ko nga ang huling subject ng board exam.

Pinilit ko ang sarili ko kahit na lumilipad na ang utak ko papunta sa Negros... papunta sa Lolo ko. Gusto ko munang iwaglit ang nalaman ko kanina lang pero hindi ko talaga maiwasan, e. Mas lalo lang sumasakit ang damdamin ko sa tuwing iniilagan ko ang mga nalaman ko.

Punyemas! Why?!

Lumabas ako ng classroom with a heavy heart and wala sa sarili. Hindi ko na alam kung mag-iisip pa ba ako. Hindi ko na alam kung anong una kong gagawin. Hindi ko na alam kung paano masasagot ang mga katanungan ko.

Sinasabi ko na nga ba there is something wrong. My gut feeling never failed to acknowledge it. Punyemas.

Pero bakit walang nakapagsabi sa akin? Bakit walang nagpaalam sa akin na may dinaramdam ang Lolo? Bakit walang nagsabi na isinugod siya sa ospital? Bakit walang nagsabi sa akin na wala na siya? Bakit kailangang sa ibang paraan ko pa malaman? At kung kailan patay na, saka ko malalaman? Bakit?

Pinalis ko ang mga luhang sunod-sunod na nagsibagsakan na naman. Wala na akong pakialam kung magmukha akong tanga sa tingin ng iba.

Ang sakit lang kasi. Sobrang sakit. Ayokong tanggapin! Punyeta!

Nakarating ako sa parking lot ng Phinma nang nakalutang pa rin ang isip. Iginala ko ang tingin para hanapin ang kotse ni Darry pero wala. Sabagay, maaga nga pala akong lumabas ng classroom.

Unti-unti akong umupo sa bakanteng bench ng campus at matiyagang naghintay sa sundo ko.

Natatakot akong umuwi... natatakot pa rin ako. Gustong kong magbago ang lahat, gusto kong sabihin nila sa akin na hindi totoo ang balita, na mali lang 'yon, na maling impormasiyon lang ang nasagap nila pero ang totoo ay buhay pa si Lolo at malakas na nagpapagaling sa hospital o baka nasa mansion lang. Basta ang importante ay buhay siya!

Ipinatong ko ang dalawang siko ko sa sementadong bench at tinakpan ang mukha ko. Gusto ko na lang munang umiyak. Baka sakaling maibsan ang nararamdaman.

Iniyak ko ang lahat pero ganoon pa rin, mabigat pa rin sa damdamin. Kahit naubos na ang luha ko, ang sakit na nararamdaman ko ay parang unlimited at walang kaubosan.

Isang oras ulit ang lumipas at may iilang examinee na akong nakikita na lumalabas sa kani-kanilang room assignment, siguro natapos na sila.

Sakto ring papalapit na ang kotse ni Darry sa parking lot ng school nang maisipan kong tumayo. Hindi ko na hinintay na lapitan niya ako, ako na mismo ang lumapit sa kaniya.

Buong lakas kong pinigilan na pangunahan ako ng aking mga luha, with stern and menacing eyes, I look at him.

"May gusto ka bang sabihin sa akin?" Walang paligoy-ligoy, walang pag-aalinlangan kong tanong sa kaniya habang nakatayo at nakaharap sa kaniya. Wala na akong pakialam kung visible sa kaniya ang pamamaga ng aking mga mata galing sa pagkaka-iyak, wala na akong pakialam. I just want to know the truth.

Naiwan sa ere ang ngiting isasalubong niya sana sa akin. Naiwan sa ere ang dapat magaan at maaliwalas na mood na ipapakita niya sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba sa naging tanong ko, sa estado ng mukha ko ngayon, o dahil totoong merong hindi magandang nangyari sa pamilya namin ngayon.

Nag-cross arms ako at taas-noong tiningnan ang bawat expression ng mukhang ipapakita niya. Sa sobrang pagpipigil ng emosyon ko, halos maramdaman ko na ang bawat igting ng aking panga.

"Wa-Wala. Wala akong sasabihin sa 'yo... meron ba dapat?"

Shit. Nice.

Mas lalong umigting ang panga ko dahil sa sinagot niya. Umiwas ako ng tingin at inilahad ang isang palad ko sa harapan niya.

"Can I borrow your phone?" Cool na sabi ko. Actually, trying to mask my chaotic system with my coolness. I heard a deafening silence from him. Hindi agad siya nakasagot kaya wala sa sarili akong napalingon sa kaniya. "Pahiram ng phone mo o di kaya'y dala mo ba ang phone ko? Puwede ko na bang makuha?" Mas malamig pa sa batong inilagay sa ref na sabi ko.

Biglang kikibot ang kaniyang bibig, para siguro sana magsalita pero walang salitang lumalabas sa kaniyang bibig. Naghintay ako ng milagro. Isang milagrong magpapabago sa nararamdaman ko. Si Darry lang ang magbibigay ng milagrong iyon.

Pero bakit tila siya'y pinagkakaitan din ako ng pag-asa?

"I said... can I borrow a phone?" Pag-uulit ko nang makitang nakatitig lang siya sa akin gamit ang paraan ng kaniyang pagtitig na animo'y naninimbang.

He sighed heavily before reaching his pocket. He never leave his stare to me. Nakatingin lamang siya sa akin habang kinukuha niya ang kaniyang phone.

Nilabanan ko ang kaniyang titig. Katulad kung paano ko nilabanan ang sarili kong umiyak at bumigay sa sakit.

Nang mailapag niya ang phone niya sa nakalahad kong kamay ay walang pag-aalinlangan kong pinagtoonan ng pansin ang phone niya. I immediately dialled something and good thing he has a number of my secretary.

Napasinghap ako nang maitapat ko sa tenga ang phone at bumalik ang tingin ko sa kaniya.

I waited... I waited until Aira answered my call.

"This is the office of Miss MJ Osmeña Lizares... This is her secretary speaking, what can I help you po?" Narinig ko ang maamo at magalang na pagbati ni Aira the moment she answered the call.

"Aira... si Boss MJ mo 'to..." Without breaking my stare to Darry, I answered Aira.

"Boss? Napatawag po kayo, Boss? Tapos na po ba ang board exam?" Tuloy-tuloy na tanong ni Aira na parang natataranta pa at hindi malaman kung anong unang itatanong sa akin.

"Ai... please listen carefully..." Seryosong saad ko habang nilalabanan pa rin ang seryosong titig ni Darry sa akin. "Please book me a flight tonight, uuwi akong Negros. Kailangan kong umuwi ng Negros. Please."

Nagtiim-bagang ako habang sinasabi ang mga salitang iyon at sa bawat bigkas ng bibig ko ay ang pag-iiba ng expression sa mukha ni Darry. I think by now, if he is that smart enough, ay alam na niyang may idea na ako sa kung anong nangyayari sa pamilya ko.

"B-Boss? Ba-Bakit po kayo uuwi, Boss? I mean, hindi pa po kayo puwedeng umuwi, 'di ba, Boss?"

What?

Ngayon, ako na naman ang nakakunot ang noo. The longer it takes... the weirder it gets.

"Bakit ako hindi puwedeng umuwi, Aira?" Gusto ko ring itanong kay Darry 'yon kaya hindi ko talaga pinutol ang mga titig ko sa kaniya. Kahit masakit, tiniis ko. "Whatever the reason is, I want you to book me a flight as soon as possible. Kung walang magsasabi sa akin sa mga nangyayari, ako mismo ang aalam sa sarili ko," seryosong saad ko, halos maiyak na.

"S-Sige po, Boss, isi-send ko na lang po sa inyo ang mga details, Boss."

Ibinaba ko ang tawag matapos sumangayon ni Aira. Pabagsak kong ibinigay kay Darry ang phone niya at matalim siyang tiningnan.

"Kung wala kang balak sabihin sa akin, please, 'wag naman sanang magsinungaling." Sa sobrang inis ko, halos maitulak ko siya at mabilis na naglakad paalis sa harapan niya.

I heard him calling and shouting my name but I ignore him. Nakakainis. Nakaka-imbiyerna silang lahat.

Puumara ako ng taxi at nang mailapat ko ang katawan sa back seat ng taxi... doon na sunod-sunod na nagsibagsakan ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan.

Bakit kailangang itago sa akin? Para saan ba?

Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob ko para sabihin sa taxi driver na magpapahatid ako sa BGC. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, ang gusto ko lang ngayon ay ang makauwi na.

Wala sa sarili at para akong nakalutang sa asidong ere nang umakyat ako sa penthouse. Nang makapasok ako ay halos bumigay ang buong katawan ko nang makita ko si Alice at Erna.

"M-Ma'am MJ..." Salubong nilang dalawa sa akin. Mukhang nag-aalala dahil umiiyak pa rin ako nang makarating sa penthouse.

Walang pag-aalinlangan akong yumakap kay Alice at ibinuhos ang lahat ng luha na hindi ko pa pala nailalabas kanina sa taxi at sa Phinma.

"Alam n'yo ba ang nangyari kay Lolo?" Kahit mahirap magsalita, pinilit ko ang sarili ko.

"M-Ma'am MJ..." Erna almost broke her own voice that made my knees wobble a bit because of weakness.

"May alam ba kayo? Bakit hindi niyo sinabi sa akin?"

"Wife..."

Matinding pagpikit ang nagawa ko nang marinig ko ang boses ni Darry habang nasa ganoon akong posisyon. Ilang segundo muna akong nakayakap kay Alice bago ako kusang kumalas.

"Pack all my things, uuwi ako ngayon din." Taas-noong utos ko kay Alice habang pinapalis ang luha ko. Mababakas pa rin sa pagmumukha ni Alice ang pag-aalala at matinding kalungkutan, hindi malaman kung susundin ba ang iniutos ko. "Do it faster, Alice and Erna," dagdag ko para magawa na nila ang iniutos ko.

Mabigat na paghinga ang ginawa ni Alice bago dahan-dahang tumango sa akin at kaladkarin si Erna paalis sa harapan ko.

"Wife, let's talk, let me explain."

Punyemas.

Umigting ang panga ko nang marinig ko na namang nagsalita siya. Wala akong ibang choice kundi ang lingunin siya.

"'Wag na muna tayong mag-usap, Darry, baka mas lalo lang akong mainis sa 'yo kapag may isang salita at explanation pa akong maririnig mula sa 'yo. Kung gusto mong 'wag akong magalit sa 'yo, please, manahimik ka muna at hayaan akong umalis sa puder mo," dire-diretsong salita ko without breaking my own voice.

I look at him with full of disgust before I pace towards my room. I heard him called me again but like the first time, I ignored him.

Nakakaputang ina! Sobra! Hard core! Sagad na sagad.

Wala akong sinabihan na uuwi ako sa amin. Wala na rin naman akong pakialam kung sasabihin ni Darry sa kanila. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, parang namamanhid na rin ang bawat pakiramdam na ilalabas ko. Hindi ko nga rin alam kung may nararamdaman pa ba ako. Is being hurt, enough?

Mag-isa akong umuwi sa Negros. Walang sumundo sa akin kaya kahit malayo ang biyahe, nag-commute ako. Sumakay ng taxi palabas ng airport at nag-bus pauwi sa ciudad namin.

Ang daming tanong na bumabagabag sa akin ngayon. Maraming tanong na maski sino ay hindi kayang sagutin.

Paano namatay si Lolo? The last time I had a conversation with him, he's so fine and physically fit. Kaya paano? Did someone shoot him or killed him? Fuck? Pero ang sinabi sa balita, sakit sa puso... walang sakit sa puso si Lolo sa pagkaka-alala ko, kaya paano?

Saan siya namatay? Saan banda sa ciudad namin siya huling nalagutan ng hininga?

Kailan exactly siya nawalan ng buhay?

Ano ang rason?

Bakit kailangang siya ang kunin? Kumusta kaya si Lola?

Tulala at wala na ako sa sarili matapos ang dalawang oras na biyahe galing airport papunta sa ciudad namin.

Sa bus stop ako bumaba, sa tapat ng BDO na malapit naman sa rotonda. Inilabas ng conductor ang maletang dala ko and only a faint smile is what I can give him.

"MJ!" Kahahawak ko pa lang sa hawakan ng maleta nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. "MJ!"

"Ate MJ!"

"Thank God naabutan ka na rin namin!"

May humawak sa may bandang balikat ko at pagod akong lumingon sa kanila.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin na uuwi ka?"

"Naghintay kami sa 'yo sa airport pero wala ka na, Ate."

"Sinundan ka rin namin sa may bus stop ng Silay pero nakasakay ka na."

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa apat na pinsan kong nandito ngayon sa harapan ko, salitan din sila sa pagsasalita kaya hindi ko na alam kung sino ang nagsabi ng ano.

Steve, Breth, Hype, and Lany are here in front of me.

"Totoo ba?" Pinigilan ko ang sarili kong bumigay kahit sa Manila pa lang ako, bigay na bigay na ako.

"A-Ate MJ..." Ani Hype kaya nilingon ko siya.

"Hyperion, totoo bang patay na si Lolo?! Hyperion, gusto kong makita si Lolo," puno ng pagsusumamong sabi ko kay Hype. "Hyperion, please..."

"Ate MJ..." Pang-aalu naman niya sa akin.

"MJ, umuwi na muna tayo. Kailangan mo munang magpahinga..."

Nilingon ko naman ngayon si Breth.

Nakaka-inis naman? Maliit na pabor lang naman ang hinihingi ko sa kanila, bakit hindi nila magawang pagbigyan? Punyemas naman!

"Gusto ko sabi makita si Lolo, Brethren! Ano ba?!" Iwinasiwas ko ang kamay ko para pigilan sila sa paghawak na gusto nilang gawin sa akin.

"MJ, calm down, we're in the middle of the road. Sumakay na muna tayo sa kotse ni Breth." Pagpapakalma naman ni Steve sa akin kaya buong atensiyon ko, nasa kaniya na naman.

"I-uwi n'yo ako kay Lolo, ngayon din!" Sigaw ko sa kanila at basta lang silang iniwan doon sa kung saan ako huling bumaba galing sa bus.

Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan kami ng mga taong nandito, wala na akong pakialam kung makilala nila kami bilang mga Osmeña. Mas iisipin ko pa ba 'yan kesa isipin ang tungkol sa kalagayan ng sarili kong kadugo? Nang sarili kong Lolo? Iisipin ko pa ba 'yan?

"Punyemas, nasaan 'yong kotse n'yo?" Sigaw ko ulit nang mapagtantong hindi ko alam kung saan sila banda nag-park.

"Na-Nandito, Ate MJ!" Natatarantang sagot naman ni Lany sa akin sabay turo sa kung saan banda sila nag-park.

Buong biyahe papunta sa mansion ng mga Osmeña ay tahimik ako. Ganoon din ang pakikitungo ng mga pinsan ko sa akin, tahimik sila at mukhang tinatantiya kung kailan ako magsasalita o kung masusundan ba ang paninigaw ko sa kanila gaya ng kanina.

Kung totoo nga ang lahat ng ito, may karapatan ako para magtampo at magalit sa kanila. Meron akong karapatan dahil itinago nila sa akin ang totoong kalagayan ng Lolo namin. Namin. Nasa iisang pamilya kami, e, kaya bakit kailangang itago sa akin?

Ilang minutong biyahe ay sa wakas at nakarating na kami sa mansion nina Lolo at Lola. Iginala ko ang tingin ko sa labas ng kotse habang ipinapasok ni Breth ang kotse sa malawak ng garahe ng mansion. Maraming sasakyan akong nakita na naka-park sa malawak na space ng mansion, maski sa labas ng mansion. At kahit anong iwas kong hindi matingnan ang bukana ng mansion, natingnan ko pa rin ito.

Sa labas pa lang, mapapansin mo na ang maraming tao at ang kulay yellow na ilaw na siyang nagpapahiwatig na merong patay sa loob ng isang bahay.

Punyemas.

Kaka-park pa lang ni Breth sa kotse niya ay agad na akong bumaba at walang sabi-sabi na iniwan ang mga pinsan ko roon. Diri-diretso ang naging lakad ko habang mahigpit na nakahawak sa sling ng bag pack na bitbit ko. Naririnig ko ang mumunting sigaw ng mga pinsan ko at iilang bati ng mga taong nakakasalubong ko pero wala sa kanila ang atensiyon ko. Nasa bukana lang ng mansion ang tingin ko at ni isang segundo ay hindi ako kumurap.

Tell me... this isn't happening to me, to us, to our family, to him.

Diri-diretso ang naging lakad ko hanggang sa inihampas sa akin ang mga katotohonang ayaw ko sanang tanggapin.

No one can really run from the truth. I tried running from it. I tried blindly walk past through it... but no, truth will always prevail.

Even though he's smiling widely on his big photo frame, no one will never notice the big golden casket across the grand living room of the mansion. It's beside his big photo frame na pinapaligiran ng mga naglalakihan at nagtitingkarang bulaklak na para sa mga patay lang na may nakalagay na iba't-ibang pangalan galing sa iba't-ibang tao na nagbigay noon.

Unti-unting sumikip ang dibdib ko at ang luhang akala ko ay hindi na babagsak ay nagsibagsakan habang patakbo kong pinuntahan ang kabaong na iyon.

"Lolo!" Sigaw ko nang tuluyang makalapit sa kabaong na iyon. "Lolo, bakit?" Patuloy ko.

"Mija!"

"MJ!"

"Anak!"

"Ate MJ!"

Iba't-ibang klase ng boses ang sumalubong sa akin habang ang buong atensiyon ko ay nasa Lolo kong tahimik na nakaratay sa kabaong na iyon.

Ang sakit. Sobrang sakit. Payapa nga siyang natutulog pero wala na talaga, habang buhay na talaga siyang ganoon.

Bakit? Lolo, bakit mo ako iniwan?

~