webnovel

Chapter 25: Memories in vain

Huminto muna siya sa gilid para ipinikit ang kanyang mata. Muli niyang idinilat ito at tumingala. Doon na niya nakita ang taong

hinahanap niya.

"Makee..." Bulong na tanong niya sa kanyang sarili. Pero hindi niya alam ay pasigaw niya itong sinambit. Muli niyang ipinikit ang mata niya pero nandidilim na naman kanyang paningin kaya sinubukan niya itong kusutin. Alam niya sa mga oras na iyon na lutang na siya. Kahit ang kanyang yapak ay hindi niya marinig.

Nakatalikod man ang lalakeng nakahoody pero pakiramdam niyang likod ito ni Makee. Pinilit niyang tumakbo palapit sa lalaking nakatalikod kahit hindi na kaya ng katawan at hindi na niya maramdaman ang pagbagsak ng kanyang nga paa sa sahig.

Sa tahimik na hallway, isang pagsigaw ng "Makee" ang biglaang nagpalingon kay Rick. Kalalabas niya lang mula sa banyo ng habang ibinubulsa pabalik ang kanyang phone sa kanyang bulsa nang marinig niya ang pagsigaw.

At ang marahang mga pag hagod ng sapatos ni Jerrylyn ang nangibabaw sa tahimik na pasilyo. Napalingon siya sa kanyang kanan at dun na nga niya nakita. Nagtataka at nakatayo lang si Rick habang nakatanaw sa paglapit ni Jerrylyn.

Ngunit huli na nang mapagtanti ni Jerrylyn na hindi iyon si Makee ng nakalahati na niya ang pasilyo. Marahan siyang napailing at napakita ng pagkamuhi kay Rick.

"Demonyo ka..."

Dala na rin ng sobrang pagkahilo ay hindi na alam ni Jerrylyn na pasigaw niya ito sinambit. Akala niya lang ay bumulong lang siya.

Kinunotan lang siya ng noo ni Rick kaya pinili nalang ni Jerrylyn na tumalikod mula sa

kanyang nakikita at naglakad palayo.

Kasabay sa paghinto ng ikot ng mundo ni Jerrylyn sa paglalakad

palayo ang pagtalikod ni Rick.

Kahit nanghihina na si Jerrylyn ay pinilit niyang tumakbo kahit naging dalawa na ang paningin niya. Pinilit niya ang katawan niya ngunit unti-unti nang sinakop ng kadiliman ang kanyang mata. At tuluyan na nga siyang tumumba.

Nabasag ang katahimikan ng hallway dahil sa pagbagsak ni Jerrylyn. Lumingon muli pabalik si Rick kay Jerrylyn na nahulog sa malamig at balot ng tiles na sahig ng pasilyo. Napilitan siyang tumakbo palapit sa

nakahandusay at wala ng malay na si Jerrylyn dahil alam niyang may CCTV na nakatanaw sa kanilang dalawa.

Napilitan siyang buhatin si Jerrylyn papunta sa klinika habang wala pa itong malay. Ngunit nang mapadaan sila sa pasilyo na hindi na sakop ng CCTV ay mabilisan niyang naiturok ang buong laman ng syringe sa hita ni Jerrylyn. Walang kahirap hirap niya itong ginawa dahil na rin sa maliit at balingkinitang pangangatawan ni Jerrylyn.

Pagkabukas ng pinto ay siya namang akmang paglabas ng school nurse nila.

Tila lumabo ang tunog ng mundo. Hindi na malinaw ang mga salitang

lumalabas sa kanilang mga bibig. Tila nagkaroon ng slow motion ang earth.

Inalalayan ng nurse si Rick upang maayos na maihiga si Jerrylyn sa kama. Agad na sinuri ng nurse ang walang malay na Jerrylyn. Maputlang labi at malamig na kamay. Habang si Rick ay inoobserbahan lang ang kanyang relo at si Jerrylyn upang bilangin ang oras ng pagepekto ng likidong itinurok niya kay Jerrylyn.

Hinayaan niya na ang nurse na ang maging bahala kay Jerrylyn kaya umalis muna siya nang maramdaman niya ang saglitang pagtunog ng kanyang phone. Nabasa niya na pinapatawag na siya ni Madam Gui sa opisina nito.

Nagising si Jerrylyn na sakto naman sa paghawi ng nurse sa kurtinang puti. Ngumiti ito at nagtungo sa pinto palabas. Rinig niya na may kausap ito sa labas. Kita niya rin ang hulma nila sa replekayong ng malabong bintana. Ibinalita ng nurse na nakaranas ng panic attack si Jerrylyn. Ngunit ayos na siya. Pagkatapos noon ay hindi na bumalik ang nurse pero si Makee naman ang marahang nagbukas ng pinto.

Tila naniguro siyang hindi maistorbo sa pagpapahinga si Jerrylyn. Ngunit gising na pala si Jerrylyn na nakaupo at hawak ang kanyang phone.

"Hala sige. Social media kaagad."

Biglang napalingon si Jerrylyn sa kanyang kanan. Doon, nakatayo ang

isang lalaki na naka cardigan na white, nakaputing v-neck t-shirt at naka black

pants. Nakatayo siya doon na kala mo isang ina na nagagalit sa kanyang anak. Imbes na mainis si Jerrylyn ay bigla siyang natawa.

"John Lennon is that you?" Biro ni Jerrylyn na kasabay ng masigasig niyang tawa

ay ang paghampas ng kanyang palad sa ibabaw ng puting kumot.

"Hey. It's comfortable." May ngiti sa labi ni Makee sa kanyang pagsumbat sa sinabi

ni Jerrylyn. Agad niyang hinila ang kahoy na upuan mula sa lamesa ng nurse

tsaka itinabi sa kama na kinahihigaan ni Jerrylyn. Patuloy sa pagtawa si Jerrylyn

kaya hinawakan niya sa ulo si Jerrylyn.

"Laugh all you want, Yuko." Biro din ni Makee na naging dahilan para matawa din

siya. "Nakaranas ka ng panic attack kanina."

"Natakot kasi ako."

"Natakot saan? Actually dapat ako ang mag sorry because you were dragged to all my mess."

"I'm sorry kung ako ang naging daan para mangyari iyon at mangyari iyan sayo.

Sumakit ba ulo mo?" Lumapat ang hintuturo at hinlalaki ni Jerrylyn sa noo ni Makee.

Kinuha naman ni Makee ang kamay ni Jerrylyn. Ramdam ni Jerrylyn ang lambot at init ng palad nito. Kaso hindi niya naamoy ang cinnamon nitong lotion.

"Hindi naman. So far, so good."

Ngumiti sa kanya si Makee na naging dahilan ng pagkabog ng mabilis ng puso. Kaso iyon na pala ang pala ang paggising ni Jerrylyn mula sa mahimbing na pagkakatulog.

Bumungad kay Jerrylyn ang puting kurtina na nagsilbing divider ng dalawang kama sa klinika. Nakatakip sa kanyang katawan ang puting kumot na tulad sa kanyang panaginip. Nasa klinika nga siya ngunit walang Makee na nakaupo sa tabi ng kanyang kama. Tahimik lang ang klinika. Tanging ingay lang ng kanyang kama ang naririnig niya.

Magisa na naman siya at iniwan ng lahat. Panaginip lang pala ang lahat. Panaginip lang pa lang may kasama siya. Naisip nalang niyang umalis ngunit ramdam niya ang pagkahilo at panghihina. Tila pinanghahawakan siya ng kama at kumot.

"Sh*t..."

Biglang nahawi ang puting kurtina at bumungad sa kanya ang nakakalokong ngiti ni Rick.

"Nasa empyerno na ba ako? At nandito ka Lucifer?" Sarkastikong tanong ni Jerrylyn sabay taas ng kanyang kilay.

"Wala pa. Pinapasundo ka pa lang ni Satanas." Sagot naman ni Rick na napabungisngis na tila naghahamon ng away.

"Ano masaya ka na? At nakabawi ka?" Matapang ngunit nanghihinang sagot ni Jerrylyn.

"Napasobra yata ang measurement ng dosage."

Inilabas ni Rick mula sa kanyang bulsa ang syringe. Nagdulot ito ng sobrang kaba kay Jerrylyn. Kahit gusto niyang tumakbo palabas at sumigaw ay hindi kaya ng katawan niya.

"Gag* ka talaga... Pinatay mo nalang sana ako nung una palang."

"Yikes. Naguumpisa palang ang laro, Ms. Jerrylyn. Your giving up already? Akala ko ba matapang ka?"

"Tang*na mo... Kapag nabawi ko na ang lakas ko. Makikita mo ang hinahanap mo."

"Really? Baka kainin mo yang sinasabi mo. Wala pa tayo sa exciting part.

Hindi na inabala pa ni Jerrylyn na magsalita at inisip nalang kung paano siya aalis sa clinic nang hindi napapansin ni Rick. Binigyan niya lang ng masamang tingin si Rick.

"Your sudden death is not enough to make you pay."

Napansin niya ang hindi pa magaling nitong tagiliran. Naisip niyang weak point iyon ni Rick. Pwede niyang pilipitin iyon kapag nagawa niyang palapitin sa kanya si Rick.

"Kahit anong gawin mong pagpigil saakin, Jerryln... I will make you pay. Every inch of you..."

Napangisi bigla si Rick. "How far your seemingly innocence can save you, Jerrylyn?"

Naramdaman niya ang binabalak ni Jerrylyn na gawin. Unti-unti siyang napabungisngis ng nakakaloko at tsaka itinurok muli kay Jerrylyn ang syringe. Kahit anong gawin ni Jerrylyn na pagpalo sa braso ni Rick ay wala itong tabla dahil sa sobrang panghihina. Hanggang sa pahina na siya ng pahina.

Hindi na nakasagot si Jerrylyn at nanatiling nakatitig sa kisame. Bumabaha ng mga iba't ibang usapan ang diwa niya sa pagkakataong iyon. Mga tanong na ano ba talaga ang pakay ni Rick sa kanya.

"May pinatutunguhan ba talaga ang nangyayaring ito? o paikot ikot lang talaga tayo at naggagaguhan nalang?" Tanong niya kay Rick na nanghihina. Alam ni Jerrylyn na kapag nilusong niya ang baha, tuluyan na siyang malulunod. Ayaw niyang malunod ulit.

Napailing nalang si Rick dahil sa pagiwas ni Jerrylyn sa tunay na nangyayari at sa tunay na sagot sa mga katanungan. Unti-unti siyang lumapit sa nanghihinang Jerrylyn.

"Vrixthon, remember?." Bulong ni Rick sa tenga niya.

Sa huli, nandilim parin ang kanyang paningin at wala na siyang ideya kung ano na ang mga sumunod na nangyari.

Alas dose na ng hapon nang tuluyang magising si Jerrylyn sa mahimbing niyang tulog na dinulot ni Rick. Mabilis siyang luminga-linga upang siguraduhin wala si Rick sa kanyang paligid. Napansin ng nurse ang muli na naman niyang pagkataranta.

"Oh relax ka lang. Tayong dalawa lang dito."

Unti-unting huminahon si Jerrylyn sa kanyang nalaman. Nakakakalma din ang mahinahong boses ng binibini. Muling napalinga si Jerrylyn upang hanapin ang kanyang phone at texan ang nga kaibigan tungkol sa kanyang sitwasyon. Agad namang inabot ito ng nurse sa kanya na may seryosong tingin dahil sa ibabaw ng kanyang phone ay ang plastic ng drugstore na may resibo pa ng biniling painreliever.

Agad na nanlaki ang mata si Jerrylyn dahil alam na alam niya ang itsurang iyon. Alam niya kung kanino ang mga iyon. Alam niyang nakalimutan niyang ibalik iyon sa totoong may ari noong gabing iyon.

"Hala hin-hindi saakin yan Ma'am! Nagkakamali ka-"

"Kay Ma'am Gui ka magpaliwanag ate. Nurse lang ako dito."

"Ple-please. Hindi po talaga sa-"

Biglang bumukas ang pinto ng klinika at si Madam Gui ang bumungad. Mabilis na nagtagpo ang mata nilang dalawa.

"Ms. Jerrylyn, again... In my office... Now."

Umalis na kaagad si Madam Gui kaya mabilis na naghanda sa pagalis si Jerrylyn. Kinuha na niya ang mga gamit niyang nasa klinika maski ang kanyang bag na naiwan niya kaninang umaga sa kanyang klase.

Naging taimtim at napakaseryoso nang naging usapan nila. Hindi na niya nagawang sabihin na kay Rick ang gamot na iyon dahil wala siya ni isang ebidensya sa kanyang phone na magpapatunay sa kanyang sinasabi. Dahil isang bote ng painkiller ang nakasaad sa kanyang resibong hawak, napakarami tuloy ang naitanong ni Gui sa kanya na naging dahilan para madiskubre na wala namang iniindang sakit si Jerrylyn. Maaari na itong makunsiderang kinaaadikan niya ang gamot na hindi na maganda.

Pinilit niyang magmakaawa kay Madam Gui at kinunsinte sa gawa-gawa niyang kwento.

"Ma'am I know you are not a therapist pero maintindihan mo sana na yang gamot na yan ang tanging nagbibigay saakin ng katiwasayan sa pagtulog. I can't even have a quiet sleep without taking that pill. As if-as if there was a constant pain in-inside that I can't even tell whether... it is physical or mental... A pain that was inflicted years ago but seemed to ache every now and then whenever I'm alone with myself."

Pero hindi talaga eto ang nasabi ni Jerrylyn. Ang mga katagang itong ay nanatili sa likod ng kanyang isipan. Nanatiling nakatayo roon at nagaantay na sambitin ni Jerrylyn. Tanging nasambit lang ni Jerrylyn ng paulit-ulit ay hindi sa kanya ang gamot at napulot lang niya iyon.

Diretso lang ang tingin ni Madam Gui sa kanya habang tumatango. Para bang ang intensyon niya ay mag mukha siyang nakakaintindi kay Jerrylyn. Upang hindi masilip ang tunay niyang intensyon.

"Still, yung mga nangyari after ng paguusap natin ay hindi maitatangging mga sintomas na gumamit ka ng gamot. We cannot remove that fact, Ms. Jerrylyn. I need to talk to your parents bukas, kaharap ang board. And from there, malalaman natin kung ano ang magiging resulta."

××× OOO ×××