webnovel

Chapter 24: Crowded hallways

Magisa ko na naman sa bahay, specifically in my room. Nakaabang lang ako sa phone ko. Nababakasaling may matanggap akong tawag o kahit text man lang mula kay Makee. Pero kahit matuyo na ang mata ko kakatitig sa phone ko walang nagingay. Tanging ingay lang na nangibabaw ay musika.

Just close your eyes, the sun is going down

You'll be alright, no one can hurt you now

Come morning light, you and I'll be safe and sound

Wala parin akong natanggap na reply o tawag pabalik kay Makee ng araw na yun. Hindi ko na rin binalak pang pumunta ulit sa bahay niya. Masakit lang sa ulo isipin na kasama niya ang gag* niyang boyfriend.

Don't you dare look out your window, darling, everything's on fire

The war outside our door keeps raging on

Hold onto this lullaby even when the music's gone, gone

Sinunod ko na lang ang utos ni Hannibal na gawin ang trabahong pinapagawa. Tama naman dahil kagagaling ko lang sa opisina ni Quinn, ay gagawa na naman ako ng mali. Sisirain ko ang gabi nila. Para din naman iyon sa ikakabuti ni Makee.

Ngunit iba maglaro ang tadhana. Nagmadali pa ako sa pag set up ng lahat, wala rin lang pala akong makikita sa kaharap kong monitor. Walang laman ang folder na nasa phone kung saan naka tago ang mga screenshots na sinend ni Hansel sa akin. Wala rin sa dalawa ko pang back up: sa drive at sa email na ginamit ni Hansel upang ipadala ang mga litrato. Wala na rin ang email. Tila na reset ang phone ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa phone ko. Dahil bago pa man ang insidente, nasa akin parin iyon.

Natakot ako tawagan si Hannibal para ipaalam ang nangyari. Naduwag akong sabihin na nagkamali na naman ako. Ayokong mawala sa akin ang trabaho ko. Pero sa nagyayari tila hindi na ako maka focus. After three consecutive years, why now? Kung kailan ang dami ko nang natapos na trabaho. Kung kailan malapit nakong makaalis dito.

Gusto kong ibalibag ang phone ko at maski ang hawak kong laptop. Nakakainit ng ulo. Di tulad ng kanta, I'm not safe and sound. There is something or someone hindering me. It acted as if it was my conscience or does it?

Dahil ng sa nangyaring pambubugbog kay Rick, nasiguro kong. hindi muna siya nakapasok ng araw na iyon. Para sa akin, isang malaking katiwasayan sa buhay ko iyon. Masama mang hilingin ang ikapapahamak ng kapwa, hindi ko iyon alintana. Naipit rin naman si Damien sa ganitong sitwasyon pero he still insisted to do what he knew was the right thing to do. Iyon naman ang tamang gawin. Ang ipitin si Rick sa sarili niyang paraan. He wanted torture and pain so we had to give it to him.

Malaya akong nakapaglakad sa pasilyo na dati kong dinadaanan. Pero hindi ako malaya sa pangamba. Hanggang sa mga oras na iyon, iniisip ko kung nasaan ang laman ng phone ko. Yung mga screenshots tsaka yung naging usapan namin ni Hansel. Para akong nabudol.

Iilan lang ang mga estudyante na naglalakad sa pasilyo pero pakiramdam ko ang dami nila. Pare-parehas silang nagchichismisan habang nakatingin sa mga phone nila. Hindi man sila nakatingin sa akin habang naguusap, malakas ang pakiramdam kong kasali ako sa pinaguusapan nila.

Hanggang sa makarating nako sa klase ko ng oras na iyon, rinig ko parin ang mga bulungan ng mga kaklase ko. Bago pa man magumpisa ang klase namin, nagawa pa akong lapitan ni Marifeh na nakaupo sa harap ko.

"Beh, nakita mo yung nakapost sa website ng campus?" Pabulong na tanong niya kahit alam niyang ang ingay ng mga kaklase namin.

Napakunot ako kaagads dahil hindi ko alam bakit hindi niya napansin na wala akong ideya sa mga nangyayari.

Bigla siyang napatakip sa kanyang pulang labi. "Hala siya... Sang planeta ka galing at hindi mo alam.... Eto o!"

Tinapat kiya sa akin ang isang posted news sa website ng campus. Daig pa nito ang tabloid na ibinebenta sa bangketa kung makabalita. Nakalagay kaagad sa headline ang balita tungkol sa isang kolehiyalo ng CPU na may karelasyong Teacher sa ibang school. Agad kaming nagtingin ni Marifeh dahil parehas kami nang naiisip. Buti nalang at hindi namin na banggit ang pangalan ni Makee dahil mayayari kami kapag nagkataon.

"Bakit hindi ko alam 'to lutang ka or-"

Hindi pa ako nakakasagot ay may natanggap kaagad si Marifeh na mensahe mula sa kung sino. Hindi ko na nakita kung sino iyon. Nanahimik na lang ako kahit gusto kong sumigaw sa mga oras na iyon.

Alam kong hindi ako ang may gawa noon. Hindi ko gagawin kay Makee. Hindi ko gustong saktan si Makee. Si Hansel lang ang target ko kahit siya ang may utos ng trabahong iyon.

Sa buong oras ng unang lecture, hindi huminto sa pagpalpitate at pangangamba ang mga tao sa utak ko. Nagaaway na sila. Hindi ko sila mapigilan. Hindi ko naman kasi alam kung among gagawin ko. Kumalat na ang balita sa buong campus pero ako eto nakaupo sa klase na parang naliligaw.

Nang umalis si Marifeh at nagpaalam na nagtext sa kanya si Nick, lalo na akong kinabahan. Lalo na nung ang tono ng pananalita niya ay derestyahan. Alam ko ang katapusan ko na iyon. Alam na nilang ako ang source kung bakit nabuo ang balitang iyon.

Nagring ang bell pero naiwan ako doon sa classroom na kinukurot ang sarili ko. Pilit kong ginigising ang sarili ko dahil baka nananaginip lang ako. Pero nahinto lang iyon nang tawagin ako ng instructor namin na naiwan papala sa classroom na nagutos na dahilhin sa office ng dean ang attendance namin ng mga oras na iyon.

Habang naglalakad ako sa pasilyo patungo sa office ni Ma'am Gui, naglalayag ang isip ko. Pakiramdam ko, ang daming tao ng hallway kahit hindi naman. Mga taong sinusuportahan ako na akala mo sasabak sa boxing match. Naghihiyawan sila ng 'Go Jerrylyn!'. At imbes na papel na nakalakip sa folder ang hawak ko ay naging guitara ito.

Lalong lumakas ang tibok ng puso ko nang pihitin ko na ang door knob at bumungad sa akin si Ma'am Gui na nakipagkamay kay Makee.

Sh*t ...

"This song is for this one person who cares for me the most. Tahan by munimuni" Sambit ng boses sa utak ko.

Unang nagkatagpo ang mga tingin namin ni Makee. Wala mang salitang nasambit mula sa aming mga bibig, halata sa mga tinging iyon na parehas kaming nagtatanong ng...

"Anong ginagawa mo dito?"

Sa paglabas niyang iyon, nabunggo o binunggo niya pa ang braso ko. Napatitig nalang ako kay Ma'am Gui na ginunita ang pagpasok ko.

"Pinapadala niyo... Daw po... Etong-"

"Sige iha, maupo ka."

Naupo nga ako sa itinuro miyang upuan.

Hanggang dito na lamang ang 'yong mga luha

Tama na, tahan na

Hihilumin ang iyong mga sugat

Pighati'y wakas na

"Humaharap ngayon ang university sa isang kontrobersya. Buti nalang at napigilan kaagad ang mabilis na pagkalat nito outside the campus. Though, it can still be seen..."

Mabilis niyang hiniharap sa akin ang monitor.

Mga himig na inilaan sa 'yo

Kunin at ibaon sa puso mo

"On our respective page... Buti nalang at nagawan ng mga IT ng school to refrain any students, staffs or faculty members to take screenshots, copy-paste the information posted on the website."

Kung ako si Marilyn, kanina ko pa tinanong ng deretsyahan si Ma'am Gui kung bakit ba ako naroroon. Hindi na ako magpapaligoyligoy pa.

Bagong araw ay paparating

Hintayin ang pagkakataon

"Dahil sa paghahanap namin ng mga lead sa insidenteng ito, we came across with your name. It seems that you are friends with our Ex-SBO President Mr. Makee David. The man who is facing the issue."

Gusto kong sabihing hindi lang kami friends. We're more that just friends. I see him as more than that but explaining it to her at that moment was not necessary. I just let it be.

(Insert chorus)

"Ma-Ma'am ako lang po ba ang pinatawag dito? Si-si Franco, Franco Tabor po ang basically ang pi-pinaka malapit sa kanya."

Ngumiti lang siya sa akin na alam ko sa likod noon ay may malagim na sikreto.

"Ano sa tingin mo ang sagot Ms. Gabino?"

"Ma'am bakit feeling ko ako po ang napag-alaman niyong source... Ma'am kahit tignan niyo po yung phone ko. Wala po akong kinalat na ganun. Wala po akong kinausap na kung sino para lumabas yung balita."

Nakakalito na ang ikot ng tyan ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Nararamdaman ko ang pawis na nagsimulang tumagaktak. Nagumpisa ring mamanhid ang gitna ng tyan ko. Anumang oras, mabilis lang itong makakaabot sa paanan at ulo ko.

"Maaari kong makita ang phone mo?"

Hindi ako nagatubiling ibigay sa kanya ang phone ko dahil malakas ang loob kong wala na doon sa phone ko ang mga ebidensya dahil nakuha na ni Rick ang mga ito.

Nanatiling nakatingin si Ma'am Gui sa monitor niya pero wala nang ngiti sa labi niya. Naka-steady lang din ang hawak niya sa mouse.

"Ikaw pala si Morris..."

Nagsimula ng kumabog ang puso ko at magpawis ang palad ko.

"Ho?"

"Deserve mo palang maging D.L. hindi ka lang academically inclined, street smart ka rin."

"Ma'am, sino po si-"

"Don't worry, alam ko kung ano ung pinirmahan kong kontrata. At sana ganun ka rin." Muli na naman niyang iniharap sa akin ang monitor niya. Doon sumampal sa akin pabalik ang mga salita ko. Nagkamali ako ng akala. Naroon ang mga screenshots at digital copy ng kontrata. Hindi man niya binuksan ang emails at conversation namin ni Hansel pero malakas na ang pakiramdam kong naroroon iyon.

"Tinanggap mo yung pera ko, parehas nating pinirmahan yung kontrata kaya anything that will be leaked out about Mr. Rajah's death. Sana naman hindi tayo umabot sa ganitong sitwasyon na makikita kita upang patawan ng kaukulang parusa."

Tila na semento ako sa kinauupuan ko. Panay ang balibalikong pagikot ng tyan ko at ganun na rin ang paghinga ko. Hindi ko pinahalata na nahihirapan na akong huminga.

"Mukhang kinakabahan ka, uminom ka muna." Sabay abot niya sa akin ng bottled water. Agad ko rin itong binuksan at nakakagulat ay naubos ko ito nang ganun-ganun lang.

"Pwede ka nang pumasok sa next class mo."

Tumayo nga ko at nag-bow ako ng bahagya. "Pasensya po ma'am. Hindi ko pa naingatan ang impormasyong iyon. Pero sinisuguro ko po na ang sikreto niyo ay nakatago ng mabuti."

Binaybay ko ang pasilyo pabalik sa klase ko na tila nakikisayaw din ang paligid. Alam kong bulong ang pagtawag ko sa pangalan ni Makee pero sa pandinig ko, nag-eecho ito.