webnovel

Chapter 21: Hide, I’ll find you

Maliwanag. Masakit sa mata yung liwanag. Pinikit ko ulit yung mata kong

upang pawiin ang tila nakakahilong pakiramdam. Muli kong iminulat ang mata ko. Sa

wakas at maayos. Inilibot ko ang aking tingin. Nasa backseat na pala ako ng isang

sasakyan na nakaparada sa parking lot. May malamig na hawak ang kamay ko kaya

ginalaw ko ito at nakarinig ako ng tunog ng

mga maliit na kalansing. Agad kong tinignan ang kamay ko at nakaposas nga ako.

"Buti gising kana." Isang lalaking naka jacket na puti at mapungay ang kanyang

mata. May edad na siguro siya dahil may mga guhit na ng puti ang kanyang buhok.

Nakaupo siya sa driver's seat. Nakatingin lang siya sa kanyang telepono. Tinangka

kong tumayo ngunit pati pala

paa ko ay naka posas rin.

"Maupo kana lang muna dyan." Tila may tinatawagan siya sa kanyang telepono. Hindi

ako nagsasalita. Tahimik lang akong tumingin sa paligid at iniisip kung anong

dapat kong gawin sa sitwasyon na ito.

"Hello, Madam." Napatingin ako sa kanya na nakatanaw sa bintana

"Sorry Madam, ngayon lang nakatawag. Pero Madam. Nakuha ko na siya. Actually

Madam, kagigising lang." Tumango tango siya.

"Yes madam. Ready na Madam." He paused and replied.

"Yes madam." Humarap na siya sakin. Sa gitna namin ay isang uri ng baril na wala

talaga akong kaalam alam, stolen picture ni

Rick at parihabang brown envelope. "Siya ba ang boyfriend ni Hansel?" Napasandal ako sa kinauupuan ko. F*ck, f*ck

talaga. Gusto kong matawa ng pagkalakas lakas. Saan kaya niya nakuha ang ideyang

siya si Makee si Rick.

"Huwag kang

magalala. Wala akong masamang gagawin sayo dahil hindi ikaw ang gusto ng client

ko. Hindi ikaw ang target kundi siya." Itinuro niya ang picture ni Rick.

"Kilala mo siya diba?" Napatango ako.

"O-oo. Pe-pero." Alam kong natatakot ako at naiiyak.

Ibang klaseng takot at lungkot ang naramdaman ko.

"Gusto ko lang malaman kung siya si Makee David. Oo o hindi lang ang sagot."

Natawa ako sa inis at itinuro ang sarili ko. "Kaya ako ang dinukot mo." Napasapo

ako sa ulo ko.

"Oo o hindi. Sumagot ka ng maayos"

Hindi ko alam kung sinong demonyong nanggaling sa impyerno ang tumulong

saakin para malutas ang plano ko. Nakakatakot at nakakakonsensya pero pwede na.

Kahit mag konting kaba sa puso ko, nakapagisip parin ako ng diretso. Kalmado lang

siya para sa

isang kriminal.

"Na-na saan ba ako kuya? Tsaka bakit ako ang kinuha mo?" Hindi ko maramdaman ang

inis sa kanya dahil hindi naman ako ang hanap niya. Tumingin siya sa kanyang

grandfather clock.

"Nasa hotel parking lot ka. Maraming pwedeng mangyaring aksidente sa hotels. Kaya

ok lang na gumawa ng kalokohan dito. Hindi halata." No emotion on

his face. Just a plain short sentence.

"Siya ba si Makee David?" He asked plainly and calmly.

"Siya nga... Siya si Makee David. Please huwag mo akong sa-sasaktan!"

I pleaded as if it was death row. Tumango lang siya.

"Sabihan mong makipagkita sayo." Diretso lang ang tingin niya sakin.

"Ano? Kuya please! palayain mo nako. Kung for insurance. Eto number ng boss ko.

Hindi ako magsasalita tungkol dito. Promise." Mabilis kong sinubukang ipakita sa phone ko ang numero ni Quinn.

May binato siya sakin ng lumabas na siya ng sasakyan. Buti nalang at nasalo

ko dahil susi pala ito.

Isang malakas na kalabog ang nangibabaw sa parking lot kaya napahinto ako sa pagtanggal ng posas na nagsimula

ng sugatan ang pulso ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa labas. Basta

ginamit ko ang pagkakataon na iyon para ipagpatuloy ang pagtanggal ng posas.

Natanaw ko nalang na hawak ni Kuyang Estranghero sa kwelyo ng sweater si Rick.

Ang mukha ng lalaki ay nakarelax lang. Walang bakas ng takot o ng pangamba. Sa

tingin palang ni Rick kala mo tingin ng leon sa kalaban niya. Nabaling naman

sakin ang tingin niyang nag bigay sakin ng nerbiyos.

Ginamit naman ng lalaki ang tyansang iyon para tirahin sa lalamunan si Rick

gamit ang kamao nito. Nahirapan makasagap ng hangin si Rick habang hawak niya ang lalamunan niya. Napabitaw si Kuyang estranghero sa kwelyo ni Rick at dahan dahan siyang napaatras. Minadali kong tanggalin ang posas sa paa ko para maka alis nako .

Sinipa siya ng lalaki sa kanyang tiyan na naging dahilan para tumama ang likod

niya sa pader. Nabigyan naman ako ng daan dahil doon. Mabilis kong tinakbo ang

pinto ng elevator dala ang posas at susi kahit marami na akong naririnig sa aking

likuran na kalabog

at pagbasag.

Nakahinga ako ng maluwag nang makapaglakad nako papasok dito. Isang makasariling desisyon ang ginawa ko sa mata niya pero iyon ang nakikita kong tama. May pagpipilian nga ako pero parehas yun na makasarili. Pero kinakain talaga ako ng

konsensya ko. Pumasok ako sa elevator na nagtatalo ang utak at puso ko. Gusto kong

bumalik pero gusto kong maligtas. Paulit ulit na umikot iyon sa utak ko habang

dahan-dahan na nagsasara ang pinto ng elevator.

Sa huling pagkakataon, pinigilan ko ang pinto sa pagsasara nito tsaka ako

lumabas. Tumahimik muli ang paligid. Nanatili paring malamlam ang liwanag ng

paligid. Pakiramdam ko ay nasa horror movie ako. Na biglang may susulpot na

babaeng nakaputi ano mang oras nito gustuhin sa madilim na sulok ng parking lot. Hindi pa ako nakakalayo ay natanaw ko na si Kuyang estranghero na kaswal na naglalakad habang nagpupunas ng panyo sa kanyang kamao. Pasalubong ang direksyon na tinatahak niya sa akin. Handa na siyang umalis.

Nang magkatagpo na kami ay inabot niya sa akin ang panyong hawak niya na

nakalukot na pabilog. Napahinto ako sa kaba. Naiwan akong nakatayo roon habang

pinanood ko siyang maglakad papasok sa elevator. Sa pagkakataong iyon, malakas na

ang kutob kong dugo ang nasa loob nito. Hindi ko na inabala pang usisain ito

at dali-dali na lang akong tumakbo pabalik sa sasakyan. Bigla nalang nanginig ang

buo kong katawan at gusto kong

masuka. Nagkita ulit kami ng kinatatakutan ko. Sa tabi ng sasakyan, nakahiga at

may dugo-dugo na ang mukha ni Rick na mukhang nanghihina na. Sinusuntok din ng

lalaki ang tagiliran niya. Puro bahid ng pulang mantsa ang damit niya. Duguan na

ang ilong, putok na ang kilay niya. Ang glasses naman na suot niya ay balot na

ng pulang kulay, may mga basag na ang magkabilang salamin at malabo na rin ito

dahil sira na. Pati ang kamay niya ay puno ng pasa at dugo. Marahan na

tumulo ang makapal na pulang likido mula sa noo ni Rick pababa ng kanyang tenga. Kahit napaubo na siya ay nagawa pa niya pang magsalita.

"Wh-who the hell... Was that?"

"Hi-hindi ko alam. Pero ang alam ko kailangan mo ng doctor."

Pinilit ko siyang tulungan na makatayo. Tsaka ka ko lang na unawaan na sasakyan

niya ang pinagtaguan saakin kanina. At nasa Ina Manor Parking ground kami.

"I'll fu-" at muli na naman siya umubo.

Napapikit siya sabay hawak niya sa kanyang noo at sa kanyang tagiliran ng inalalayan ko siya sa pagsakay. Nagsalubong ang kilay niya dahil siguro sa sakit ng sugat niya sa ulo at katawan niya. May sugat rin pala siya sa magkabilang gilid ng kanyang labi. Nakakakonsensya talagap. Hindi ako sumagot kahit may alam ako. Ayoko siyang lapitan pang

muli dahil basa na siya ng dugo. Nasusuka ako sa amoy ng dugo at itsura niya pero

mabilis kong tinapik ang pisngi niya. Binuksan ko ang compartment ng sasakyan

niya. Nakapagtataka lang dahil may duct tape siyang dala. Hindi ko ginustong

gamitin iyon dahil malamang sa malamang, maitatanong iyon sa hospital.

Kinakapkapan ko siya para kunin ang wallet niya. Kinuha ko ang american credit

card niya dahil mukha namang hindi niya magagamit ito dito sa pilipinas. Ngunit

hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko

"Ano? Ayaw mo bang mabuhay?."

"What the f*ck you think you are doing?" Malakas ang paghawi niya sa kamay ko at

tsaka pinilit na tumayo.

Mabilis ko siyang napigilan sa pamamagitan ng pagdiin sa sugatan niyang

tagiliran.

"Hindi ako gold digger gag*! First aid lang to!"

Maawa na sana ako kaso mas nauna ang galit ko sa kanya. Nanatili naman siyang

nakaupo na nagpadali para saakin upang mailapat ng maayos ang card.

"You know .... About this.... Did you?"

Sabay ubo niya. Napalingon ako sa kanya. Hawak niya ang tagiliran niya habang

nakasandal sa passenger's seat. "Hindi ko dudungisan ang kamay ko dahil lang nagsinungaling ako sa kanya. "

"Don't be a f*cking saint" Isinubo niya ang isang stick ng sigarilyo.

Hindi ko alam kung saan galing iyon pero alam kong marlboro black iyon.

Sinindihan niya ito sabay hiphip niya rito. Bumuga mula sa kanyang bibig ang

makapal na puting usok. Ang tapang ng amoy nito kaya napaubo ako ng nalanghap ko ito.

Napatigil siya sa pagsubo pabalik ng stick ng sigarilyo sa kanyang bibig.

Tinaasan ko siya ng kilay na siya namang pagkunot ng noo niya. Dahil doon, hindi

ko na naamoy ang usok na yun. Natahimik na din siya sa kinauupuan niya habang

binabaybay ko ang daan patungo sa BGH.