webnovel

Chapter 19: Stranger, Danger

Pangalawa at huling araw ng palugit na hiningi ko para tuluyang tanggapin ang trabaho. Hanggang ngayon, nakatatak parin sa isipan ko ang usapan namin ni Makee. Hindi ko siya mailigtas sa kahihiyan. Wala na akong maisip na paraan para pagaanin ang magiging epekto ng gagawin naming trabaho. Nakakainis talaga. Hindi niya rin tinitignan ang paghingi ko ng tawad. Nakakahiya talaga ang nangyari kahapon.

Nanatili akong nakaupo sa hagdanan patungo sa third floor ng building. Inaantay kong sagutin ni Makee ang tawag ko pero hindi siya sumasagot. Mauubos na nga ang load ko pero hindi parin niya magawang sagutin ito. Wala parin. Hindi ko na itinuloy pa ang pangapat kong pagtawag sa kanya. Ngunit isang notification ang nagpakita.

"Good morning po Ms. Jerrylyn. As of today po ma'am there are only 5 remaning seats para sa event. Would like to proceed na po sa reservation?"

One ace down, three to go. I'm not just a woman. I'll prove it to them and especily to him.

Wala kaming klase sa kanya. Mabuti iyon at hindi magpipintig ang tenga ko. Walang sisira ng araw ko. Pero syempre, akala lang iyon. Biglang umingay ang tahimik naming klase.

"Hello. Good morning." Bati miya sabay baba ng clearbook at pen niya sa lamesa.

"Ah yes. Ok wala si Ma'am Dell pero may ibininilin siya saakin."

Ang sakit ng boses niya sa tenga at ang sakit sa mata ng yellow niyang polo. Nagmukha tuloy panagbenga ang malamig na Enero.

He was mocking me. He knew I knew that style. She wore that style every wednesday. That yellow color. I know. She was under my surveillance scheme.

Dumadaldal siya sa harap pero pagdating sa diwa ko, nanlalabo lahat ng mga sinasabi niya. Although, I knew what we'll do. So, I see no point of listening to him.

As usual, ako ang inutusan niyang magdala ng mga papers namin. Porket ako ang malapit sa pinto. Nakakainis talaga. Hindi ko na nga rin siya iniimik habang naglalakad ako dalawang metro ang layo sa kanya.

"Huwag mong sabihing wala ka na namang naaalala. Ms. Jerrylyn."

"Tigil-tigilan mo ko. Sir. Cua. Tigil-tigilan mo ko sa mga pakulo mo. Nananahimik na sila."

"Roses are red. But not for the bride. Daisy is not the lover, You already knew that."

"Go on. Let the players be played. After all, we're just starting. Mr. Cua."

Mabilis kong ibinigay sakanya ang mga papel tsaka ako mabilis na naglakad palayo. Dali-dali akong lumabas ng gate at sumakay ng taxi. Gusto kong maabutan ang appointment ko kay Quinn.

Wala akong inaalalang shift kaya nagtagal pa ako sa klinika ni Quinn. I feel safe around these four corners. I feel relaxed talking to him. Marami akong nakwento sa kanya dahil eto palang ang unang pagkakataon na nakita ko siya. Ang boss namin ni Hannibal. Hindi ko nga rin inaasahan na siya iyon. What a small world. Unang pagkakataon ko palang kasing nagka memo. Samantalang si Hannibal ay marami na. Totoo nga ang sabi ni Hannibal. Maayos siyang kausap.

Buti nalang at therapist ang ginawa niyang front. Sa ganoong paraan, hindi talaga malalaman ang nasa likod ng mga salitang gagamitin namin sa pagrereport.

Na kwento ko rin sa kanya ang tungkol kay Hansel. Sinabi ko ang mga nalalaman ko tungkol sa mga nakita ko at mga nangyari noong nakaraang araw. He was listening very keenly as if all of the words come out of my mouth will be published on the main page of the Midland Courier.

"Sa tingin mo, sino ang mali sa kanilang dalawa?"

"Parehas sila. No exception or what."

Lahat ng mga sinabi ko sinusulat niya sa clipboard niya. Ayos lang naman para saakin. Kung mahuli man kami o kung may mag-leak mangusapan dito, puro tunkol lang ito sa rant ng isang pasyente tungkol sa buhay niya.

××× OOO ×××

Natapos ang usapang iyon nila ni Jerrylyn na madilim na. Mga alas cinco na ng hapon. Dahil malamig parin ang panahon, mabilis paring dumidilim ang kalangitan.

Naglakad lang siya papunta ng convenience store na madadaanan sa kanto papasok sa kanila. Pumupunta lang siya roon kapag badtrip siya at tama lang ang araw na iyon. Hindi siya sumakay ng jeep o sumakay ng taxi. Gusto niya lang mapag isa kaya naglakad na lang siya papunta roon. Tahimik ang lugar na iyon dahil wala halos sasakyan na dumaan, tanging bisikleta lang ang pwede at motorsiklo. Naisip niyang suotin ang headset niya at makinig ng musika. Nasa playlist niya ang Safe and Sound

Naupo siya sa labas ng convenience store pagkatapos niyang bumili ng ready-made ng grilled cheese sandwich at iced tea in a bottle. Puno siya ng stress nang araw na iyon kaya wala siya sa mood. Habang kinakain

niya ang sandwich ay napansin niya ang stall sa tapat ng convenience store.

Pinipilahan ito.

Mukhang mainit ang tinitinda nila. Nang matapos niyang kinakain niya ay naisipanniyang lumapit sa stall. Nagtitinda pala sila ng mainit na balut, lomi, mami, arroz caldo, at bulalo.

Naalala niya si Marilyn. Paborito niya iyon at ng kanyang ina ang lomi. Sinubukan niyang bumili bago naglakad pauwi.

Pasimple niyang pinatigil ang pagtugtog ng kanyang phone upang marinig ng

malinaw ang yapak ng sumusunod sa kanya. Hindi naman ganun kadilim ang daan

dahil bawat kanto ay meron naman din poste ng ilaw. Nakakakilabot lang talaga

yung pakiramdam na para bang may sumusunod sa likod mo.

Hindi na siya naglakad kundi humakbang na lang siya para hindi halatang tumatakbo siya. Napansin ng sumusunod na nakasumbrero ang pagbabago sa bilis ng paglalakad ni Jerrylyn.

Binilisan niya rin ang paglalakad. Naisipan ni Jerrylyn na lumiko sa isang daanna palabas na ng ibang kalsada ang dulo nito. Wala na siyang pakialam dahil gusto niya lang matakasan ang humahabol sa kanya. Nahinto at naginhawaan siya ng mapansin niyang wala na yung sumusunod sa kanya.

"Nakakapagod yun ah."

Kinausap niya ang sarili para mabawasan ang takot niya. Ng walang anu-ano'y may

panyo ang tumakip sa kanyang bibig. Nahirapan ng huminga si jerrylyn ngunit

pinilit niyang kumawala sa mahigpit na pagtakip nito sa kanyang bibig.

Unti-unting nababalot ng kadiliman ang paningin ni Jerrylyn na naging sanhi para

mawalan siya ng malay. Isang lalaking nakasuot ng white jacket pero naka sarado

ang zipper nito hanggang sa kanyang leeg at walang hood. Naka sumbrero lang siya

ng itim. Naka black jeans at nakasuot ng rubber shoes.

Kung titignan ay parang binuhat niya lang si Jerrylyn sa kanyang likod na tila kapatid niyang lasing. Naglakad sila papunta sa isang kotse na nakapila at mukhang nakaparada sa likuran ng mga jeep na nag garahe na. May pinindot ang lalake sa kanyang susinghawak at nagkusang nawala ang lock ng sasakyan. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat. Doon niya pinahiga ang walang malay na si Jerrylyn. Nilagyan niya ng handcuffs ang kamay at paa. Nang ayos na ang lahat ay pinaandar na ulit ng lalaki ang sasakyan

××× OOO ×××