webnovel

Riri of the Valley

TadanoTensai · Teen
Not enough ratings
12 Chs

A Series of Mysteries

"E-ehh?", Keil exclaims silently while constantly looking at Rie. "What's with the face?", he asked, as Rie also looks at her, as if trying to tell him something through telepathy.

"Hmmmmmmm..... Hmmmmm!!!!"

Rie just stares, harder each second, and with a face that slowly turns into an angry one. Or maybe an impatient one. Napressure na ng tuluyan si Keil after about two minutes at pinisi ang pisngi ng dalaga.

"Stop!!!", pagpigil pa nito.

Napasigaw na lamang si Rie sa sakit ng pagpisil ni Keil. Agad niyang inalis ang kamay nito at pinalo-palo sa ulo si Keil.

Sumigaw na din ng "ARAYYY!" si Keil, dahilan upang tumingin lahat ng kanilang mga kaklase sa kanila.

Nagkatinginan ang dalawa, both blushing slowly, then looked away from each other. The rest of the class went back to normal after about ten seconds of silence, and they both sigh.

"Hey! This is all your fault! Ano ba meron sa mukha ko at ganun ka nalang nakatingin!?", paninisi ni Keil kay Rie.

"Hmph!"

Napanganga na lamang si Keil matapos siyang isnabin ng dalaga sabay lakad palabas ng classroom.

"What... Ha!? Siya pa yung galit!!??"

Meanwhile...

*Breathe in, breathe out*

Di mapigilan ni Rie ang malakas na pagkabog ng dibdib niya. Halata pa din sa muka nya ang blush nito, habang naglalakad siya patungong washroom.

"He didn't even get it, did he!? I even did that hmmmmhmm thing to make him remember what happened last time!!!".

Tumigil saglit si Rie, at napaisip. "Ano ba kasi dahilan ko para ipaalala sa kanya yun? Am I really that desperate of a person? Nagmukha lang akong weirdo kanina eh...", she said with a face of self-disappointment. Naglakad ulit ito papunta sa cafeteria, nang bigla naman siyang nabangga ng isang lalaki. Agad na humingi ng paumanhin si Rie sa lalaki at tiningnan kung sino ito.

"Si Otep".

Tumingin ito sa kanya at ngumiti, pagkatapos ay dumiretso na ng paglalakad. Tiningnan lamang ni Rie ito ng puno ng pagtatanong tungkol sa misteryosong reaction nito.

"Bro!", bulong ni Sebb kay Keil mula sa pintuan ng classroom. "Psst, Bro!", lumingun-lingon si Keil at napansin ito na nakasilip sa may pintuan. Nilapitan niya ito, at hinila naman siya ni Sebb palabas. "Bro! Big news! Kailangan tong malaman ng buong KUDOS, pero mas mahalagang malaman mo muna. There wasn't a "Mary" among our building!!".

Tumingin si Keil ng matagal kay Sebb. Napaisip ito ng ilang minuto, at napasigaw. "Upperclassman ka nga pala!! Why the hell did I not think of that before?!".

Sebastian is a couple of years older than the rest of the gang, so the rumoured "Mary, Goddess of the Campus" was the same year as him. Keil, who nonchalantly ignored this huge hint all this time, blew his own mind. But then he snaps back to reality, at mas napasigaw pa.

"HINDI TOTOO SI MARY!??"

Napalunok si Keil, at muling nagtanong. "Did you just say there wasn't any Mary the Goddess of Campus at all!?"

Dinala siya ni Sebb sa rooftop, at tinawag na din ang ibang KUDOS.

Nagtatatakbong dumating si Drei, sabay tanong agad kay Sebb. "Hindi totoo si Mary!!??", pasigaw na tanong nito. Kasunod lang halos ni Drei si Otep na bakas din sa mukha ang pagtataka.

"What if multo pala yung nakausap mo that night, Keil? Must be a spooky experience for you hehehe. And for those two na nakita din yung babae", pabirong sinabi naman ni Uno na nauna na pala sa meeting place bago pa dumating sila Keil.

"Guys manahimik nga muna kayo, medyo mahirap to iproseso para kay Keil. Let me explain the results of my super secret undercover spy mission operation", pagyayabang naman ni Sebb habang pilit na pinapaangas ang tono ng boses nito. Agad siyang nakatanggap ng isang head chop mula kay Otep, at napagalitan.

"Just explain everything, napakacorny naman ng pinangalan mo sa operation mo."

"EHEMMMMM!!!!"

"So eto na mga bro... Kahapon, nagtanung-tanong ako sa kabilang klase kung merong Mary sa kanila. They said there was, so hinanap ko agad sya. Turns out there were three of them, kaya napakataas ng kumpyansa ko na isa sa kanila yung orig. Pero nung tiningnan ko sila.... Wala e. Wala man lang lumapit sa itsura nung babaeng nakita namin ni Otep na kausap si Keil. Ni hindi nga tumugma yung mga katawan e. So I searched every other classes, pero still..."

Hiningal na si Sebb sa haba ng kuwento.

"Still.... Wala e", dugsong nito.

"Saka ka pa talaga napagod nung patapos na!??", sigaw ni Otep dito sabay bato ng isa pang head chop.

"Anyway, if Mary is not an upperclassman, then that doesn't really mean she isn't real. Masyadong maraming posibilidad, concerning of course the fact na celeb siya kaya malamang tinatago niya yung personality niya."

Napatungo ang lahat, at sabay na tumango.

...

"Will you find out about me? Or maybe I'll tell you when time's up? Which one could it be? I do hope you find the answer, though. Maybe I'm the only person in the world who would feel glad after having a secret found out, if it would be found by you. All this time, I've just been by your side. Admiring you secretly and hoping that every moment lasts".