webnovel

Revenge:Secret Queen

Revenge.. that's what Avery has imprinted on his mind since his brother's death... because that's why he did everything to learn to fight... but what will happen when he finds her...

Annariex_Writes · Teen
Not enough ratings
38 Chs

Chapter 29

Chapter 29

Napahiga ako dahil sa lakas ng pagkakasuntok niya... Ngayon ay nakapatong na siya sa akin at patuloy ako na sinusuntok...

"BITCH! Lumaban ka" sigaw niya sa akin

Pero hindi ko lang to pinansin at nanatiling tahimik at pinapanood siyang sinusuntok ako...

"Lumaban ka Sabi!" Sigaw niya ulit at sinuntok ako...

Sige lang, suntukin mo lang ako... Mamaya ako na naman...

"BWE----- di na niya natuloy ang sasabihin niya dahil bigla nalang siyang tumalsik...

"You have no right to hurt my queen" biglang sabi ni Zian... Bigla naman siyang tumakbo palayo sa amin.. haist.. may araw karin sa aking babae ka...

Inabot niya ang kamay niya at tinanggap ko naman ito...

"Why don't you fight" Galit na sabi niya ng matayo ako...

"Naghihintay lang ako ng tamang tyempo.."

"Tss" Sabi niya at naglakad...

"Nasan sila?" Tanong ko at kinalabit siya...

"I don't know" sagot niya ng hindi ako tinitingnan

"Hoy wag ka ng magalit" sabi ko ulit sabay kalabit sa kanya..

Bigla naman siyang humarap sa akin at itinutok sa akin ang hawak niyang baril....

"HOY----- di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang siyang nagpaputok...

*Banggggggggggggggggg*

"Muntikan na yun ah"

Akala ko talaga papatayin na niya ako... Yung babarilin niya pala ay hindi ako kundi yung taong nasa likuran ko na gusto akong barilin... Kinabahan ako don ah...

"Akala ko babarilin mo na ako" Sabi ko sa kanya...

"That won't happen" Sabi niya at tumalikod at naglakad ulit...

Bigla namang tumunog ang cp ko kaya kinuha ko ito at sinagot...

"Hello bakit ka napatawag?" Tanong ko ng masagot ito...

"A, mamamatay na ako" biglang sabi ni Van na ikinataranta ko..

"N-nasan ka?"

"Nandito na kami sa sasakyan" sagot niya agad ko naman ito pinatay at tumakbo papuntang sasakyan.. ramdam ko namang sumunod sa akin si Zian...

Ng makarating ako sa sasakyan ay agad ko siyang hinanap... Di nagtagal ay nakita ko siyang ginagamot ni Rea...

"Bwesit ka!" Sigaw ko ng makalapit..

"A, bat mo naman ako minumura?" Takang tanong niya...

"Hindi mo talaga alam.. bwesit ka.. Akala ko pa naman tinamaan ka na sa puso." Sabi ko at hinampas siya sa sugat niya... Sa braso..

"Arayyy naman, di pa nga magaling dinagdagan mo pa" Sabi niya sabay hawak sa kanyang sugat..

"Alis na muna ako" Sabi ni Rea at umalis..

Binalik ko naman ang tingin sa kanya at tiningnan siya ng matalim...

"Tinamaan naman talaga ako sa puso.. Tinamaan ni Mia.." baliw na nga siya.. baliw sa pag ibig..

"Gumaganyan ka na ngayon ah" Sabi ko at hinampas ulit siya sa kanyang sugat... Bigla naman siyang tumakbo papunta kila Gil at nagtago sa likuran nito...

Hahabulin ko sana ulit siya pero bigla nalang dumating si Xav...

"Nakatakas po ang iba Queen" biglang sabi niya.

"Hayaan mo na sila, may araw rin sila" Sabi ko

"Uwian na!" Excited na sabi Lena at agad na sumakay sa sasakyan..

Natawa nalang ang kanyang kakambal dahil sa inasal niya..

Nagsipasok na nga kami sa sasakyan at di nagtagal ay nakarating na kami sa bahay...

May araw karin sakin Thea Santos... At sa pagkakataong yun ay hindi ko na hahayaan pang mabuhay ka pang muli...