webnovel

WHO'S PROTECTING WHO?

"Anong kailangan mo?"

Tanong ni Jenny sa babaeng lumapit. Nakasuot din ito ng Jacket at sumbrero na black. Ang babae ay nakayuko ng lumapit sa kanya.

"Jenny Capria Sanchez?"

Deritsang tanung ng babae sa kanya. Mabilis naging agresibo si Jenny. Umangat agad ang kamay nya at mabilis na hinawakan ang braso ng babae. Inikot nya ito saka nya kinabig at tinakpan ng kanyang palad ang bibig ng babae. Pagkatapos ay inakay nya ito papasok sa cubicle.

Bago lang sya sa Tagaytay. Sino ang taong nakakakilala sa mukha at buong pangalan nya?

Pinaharap nya sa dingding ng cubicle ang babae saka nya ito idiniin doon. Sa bilis ng pangyayari hindi na nagawang nakareak pa ng babae.

"Who are you? And who sent you?"

Pabulong bagamat puno ng pagbabadya ang boses ni Jenny.

Umungol naman ang babae na nagpapahiwatig na sasagot ito. Ibinaba nya ang palad sa may leeg nito. Isang kamali lang ng babae pwede nya na itong tapusin kaagad.

"Inutusan lang ako na lapitan ka." Sagot ng babae.

Hindi naniwala si Jenny. Ang taong inutusan lang kapag ganito ang sitwasyon, manginginig na dapat sa takot saka iiyak. But this girl is calm. Kaya hinigpitan nya ang hawak sa leeg nito.

"I'm not a fool." Bulong nya dito. "Kapag hindi mo sinabi sa akin kung sino ka at ano talaga ang kailangan mo. I can just easily kill you here."

Mukhang tumalab naman sa babae ang sinabi nya. Nagsimula itong manginig.

"DeCordova, my boss is a DeCordova" sagot nito.

Si Kiel ang nag-utos dito? No. Imposible, nag paalam sya kay Kiel na papasok sa CR. So isa lang pumasok sa utak nya na posibleng sumugo sa babae.

"John DeCordova?" Tanong nya dito na tumango naman ang babae.

Huh! Hindi nya matandaan kung paano nya nakuha ang atensyon ng lalake para buntutan sya. No wait,

"Is it because of Ruby?" Paniniguro nya sa hinala.

"Yes"

The hell! He want that Ruby so badly for him to find her and acted this way? Napa wow si Jenny sa utak nya.

"Your mission is?" Tanong nya sa babaeng nakatingala na dahil sa paraan ng paghawak nya sa leeg nito.

"My mission.... Is... To... Bring... You.. To him"

Napaisip sandali si Jenny. Saka nya muling diniinan ang babae sa dingding. Kinapa nya ang buong katawan nito. She found small knife, a gun and a small pack na hindi nya alam kung ano. Dahil hindi nya makita ang laman sa loob. Inilagay nya lahat yun sa loob ng flush ng inidoro.

"Lead the way." Pinakawalan nya ang babae.

Saka sya lumabas sa cubicle.

Inayos muna nito ang sarili bago sumunod sa kanya.

"Don't dare to make troubles kung ayaw mong mabunyag sa publiko ang plano mo at kung sino ang nag-utos sayo. Maaring makakaligtas ka dito but not from your boss kapag nagkamali ka." Babala nya sa babae. "Act like normal." Dugtong nya pa dito. Tumango naman ito.

Lumabas sila sa CR. Nang mapadaan sya sa may mesa nila ni Kevin, nakita nyang napakunot ang noo nito. Tatayo na sana ito ng senyasan nya na manatili lang. Senenyasan nya rin ang bodyguards nito na I-secure ang lalake. Mabilis namang kumilos ang mga ito. Habang lumalakad ay tinext nya ang lalake.

<Leave this place secretly and do what I told you. John DeCordova found me>

Nang matanggap ni Kevin ang mensaheng yun. Mabilis itong napatayo at walang lingon likod na lumabas pagkatapos mag-iwan ng sapat na halaga para sa pagkain na inorder nito.

While Jenny still following the girl. Sumakay sila sa sasakyan. Ilang minuto din silang nagbyahe ng marating nila ang isang bahay.

What a familiar scene. Bulong ni Jenny sa isip. Sa labas ng nasabing bahay, may mga tao ng nakabantay na nakatago sa likod ng bakod . Nakikita nya ang mga ito sa tulong ng Phoenix eyes. Binilang nya ang kalaban. Just 9. Kasama na ang babae at driver. Pumasok sila sa loob ng bahay.

Nakaupo ang isang lalakeng nakatalikod sa upuan kaharap ang mesa. Nang maramdaman nito ang pagpasok nila saka ito lumingon.

"Hello little girl." Bati nito sa kanya habang hawak sa kamay ang isang kutsilyo.

This kind of acting, it's like scaring the child.

Hindi sya umimik nakatitig lang sya dito. Napansin naman nito ang pananahimik nya.

"Wow! Hindi man lang sya takot?" Namamanghang sambit ng lalake.

Sinisikap ni Jenny alalahanin kung sino ba ang lalakeng kaharap subalit hindi nya talaga maalala. Kaya isa lang ang ibig sabihin nun. Hindi myembro ng PHOENIX ang lalake.

Maaring myembro ito ng DCW.

Nagtawanan lang ang mga kasama nito maliban sa babae, habang sinasabing baka daw nanigas na sya.

Humakbang si Jenny palapit sa upuan na nasa harapan ng lalake upang sana ay makipag-usap dito bago sya magsimulang mag massacre ulit subalit narinig nya ang gulo sa labas ng bahay. Napakunot ang noo nya tsaka tinanggal ang kanyang sunglasses..napatayo naman ang lalakeng kaharap kasabay ng paghugot ng baril ng ibang lalake na kasama nila sa loob. Sakto sa pagtutuk ng baril sa kanya ng lalake ay ang pwersahang pagbukas ng pinto. Pumasok doon ang mahigit sa sampung armadong kalalakihan. Lahat ay may hawak na baril na nakatutuk na sa mga tao sa loob maliban sa kanya. Kasunod ng mga ito ang isang matandang lalake na kung titingnan nya ay mukhang nasa 70 na ang edad. Pumasok ito habang naka-tungkod at kasabay ang isang babaeng nasa 30 na ata ang edad. Kalmado lang itong lumalakad kasabay ng matanda.

"Are you okay, my Granddaughter?" Tanong ng matanda na nagpa-nganga kay Jenny at sa mga taong naroroon.

Ano daw?! Granddaughter? Kailan pa sya nagka Lolo? Pagkaka-tanda nya ni minsan hindi nya pa nakita ang Lolo nya sa side ng kanyang ina. Lalo na sa Ama dahil lumaki syang walang Ama. So sino ang lalakeng to? Posible ba konektado ang mama nya dito na hindi nya alam?

"Oh my God!" "She seems so scared." Ani pa nito. "Ano pang hinihintay nyo? Kill these bastards who tries to kidnap my granddaughter!" Galit na utos nito.

Lalo namang natulala si Jenny sa narinig. Ano daw? Takot sya? Nilingon nya ang lalakeng kaharap kanina. Kahit ito naguguluhan din.

"Our intel told us that Fuero is backing you, but they also said that your boyfriend already left you because he got engaged!" Natatarantang sambit ng lalake.

"Who's backing me? And who's my boyfriend?"

Tanong nya dito. The fuck is going on?! Pamilya ba talaga ng Fuero ang mga bagong dating? But why? And also another why is this old man calling her as his granddaughter.?

"Jen-jen, my apo. Don't be scared okay? I'm here to rescue you from those bad guy..." Anito saka nilingon ang babaeng katabi. "Oh my she's still young! " sabi pa nito.

Muling napalingon si Jenny sa matanda. Sing lalim na ata ng mariana trench ang kunot sa noo nya.

"Don't worry, Lolo will protect you." Muling sabi ng matanda. "Get those bastards!" Sigaw nito sa tauhan. "They dared to kidnapped my granddaughter and make her scared! Kill them! " utos pa nito.

Kumilos naman na ang mga tauhan nito isa-isang itinumba ang mga lalake na nabahag nadin ang buntot dahil sa dami ng bagong dating na kalaban. Dahil busy si Jenny sa panonood sa eksena sa paligid na ang tema ay "to save the princess". Nawala ang atensyon nya sa lalaking kaharap.

Nahablot sya ng lalake at saka iniyakap sa kanya ang isang braso habang nasa likuran nya ito. Ang baril ay nakatutok sa kanya.

" stop!" Sigaw ng lalakeng nanghostage sa kanya. " don't come near me! Papatayin ko to!" Pananakot ng lalake sa kanyang "Lolo".

" you dared to lay a hand on my granddaughter! " gigil na sigaw nito. "Pakawalan mo ang apo ko! Ano pang hinihintay nyo. Paputukan nyo ang lalakeng yan!

" Senior commnder, kapag ginawa nyan baka mapano si young miss. " saad ng isang tauhan nito.

The hell?! Sinong young miss?! Sigaw ng utak ni Jenny.

"Wala kayong gagawin para maagaw ang apo ko?! Give me the gun.. I'll shoot that bastard!" Sinikap nitong agawin ang baril na hawak ng lalake. Na iniiwas naman ng huli.

Cute.. Ani Jenny sa isip. Hindi nya mapigilan ang mapahagikgik. Narinig naman yun ng mga nasa paligid. Kayat napalingon sa kanya. Pinigil nya ang tawa saka muling sumeryoso. Gosh.. She love this scene. Haha. But it's not the time to act like a victim. Kahit papano ay gusto nyang malaman kung sino ba ang matandang ito.

"Nagawa mo pang tumawa?" Tanong ng lalake sa likuran nya.

"En. My Lolo is cute. Isn't he?" Sagot nya sa lalake.

Tuluyan na ngang napahalakhak si Jenny ng makita nyang namula ang mukha ng matanda. Pero kasabay ng kanyang pag tawa.. Ay mabilis at walang emosyon na nahawakan nya ang kamay ng lalakeng may hawak ng baril. Binaliko nya ang kamay nito. Napasigaw ito sa sakit at pagkagulat kaya nabitiwan nito ang katawan nya na yakap nito kanina. Pagkatapos ay saka sya humarap dito at hinakawan ito sa leeg. Gamit ang lakas sa mga daliri dinakma nya ang lalamunan ng lalake saka inikot nya ang kanyang kamay ng 60° .. Mahinang crack ang sumunod na narinig sa loob ng bahay kasunod ang pagbagsak ng katawan ng lalake. Saka sya lumingon paharap sa mga taong gustong magligtas sa kanya.

Nakatulala ang mga ito habang nakatingin sa kanya. Nilingon nya ang babaeng naghatid sa kanya doon. Mababasa sa mukha nito ang pagkabigla at takot.

"Come here." Tawag nya dito.

Dahan-dahan itong lumapit sa kanya habang ang mga lalakeng nakapalibot kasama ng matanda ay unti-unti namang nakabawi sa pagka-surpresa.

Hindi nila akalain na kayang pumatay ng dalagita na wala kang makikitang emosyon. Kung titingnan mo ang ekspresyon nito kanina. Para lang itong pumatay ng lamok. No emotions. Kaya ba parang wala lang din dito ng isa-isa nilang itumba ang mga lalake sa loob? Nanonood lang din ito sa kanila. Higit sa lahat, tumawa pa ito kahit naka tutok na ang baril sa ulo nito.

Sa palagay nila, they have a new monster young miss.

"You can leave, but.. You have to promise me that you're gonna tell your boss that I'm gonna ask the repayment for his actions for today soon." Pahayag ni Jenny sa babae.

"Yes.. Yes.. " sagot nito.

Jenny already asked her Phoenix to get ready to put the soul contract.

"Say to me now, that you promise to not tell your boss that I killed his subordinate."

Alam ni Jenny na mapipilitan paring sabihin ng babae ang nangyari dahil alam nyang ito-turture lang ito ni John pag hindi ito nagsabi ng totoo. At kapag nangyari yun Phoenix can kill the girl.

"I promise not to tell him that you killed our leader in this mission." Sabi ng babae.

Pinakawalan na ito ni Jenny. Lumabas naman ito ng bahay na ligtas. hindi na pinakialaman pa ng kanyang "Lolo".

Nang makalabas na ng tuluyan ang babae saka si Jenny humarap sa mga taong natitira.

"Now.. We can finally talk.. Right "Lolo"? "

Napatikhim naman ang matanda saka sya tinitigan... The girl words means "You can tell me now, who are you?"