webnovel

SLAVE

Ang anim na tauhan ni Kevin na natitirang nakatayo ay nagdadalawang-isip na kung susugod paba o hindi na. Ang kanilang kalaban ay hindi isang simpleng teenager lang. Nagkamali sila ng kalkula. Jenny look down to her own self. Maaamoy mo ang amoy ng dugo sa kanya kahit isang dipa lang pagitan nyong dalawa. She tilted her head and look ahead again. Her fierce gaze stop to Kevin who's standing there looking at her really afraid.

Zion also standing near his car waiting for Jenny's next attack. Time flew fast while waiting for when it's going to end.

"E...enough.. Let's stop now.." Nanginginig ang boses na pagsuko ni Kevin.

Napahinga ng maluwag si Zion.. Kahit pa sabihin na walang ibang saksi ang nakakakita sa kanila, hindi pa rin maiaalis ang pangambang may makalabas na balita at makarating yun sa kinauukulan. Kaya nyang akuin ang responsibilidad ngayon at palabasing it's a mission from underground, pero hindi sa makakasiguro dahil unang-una, hindi niya kilala ang kalaban ni Jenny. Maraming DeCordova sa buong Pilipinas and some of them are indeed from rich family. Kung may mga kasamang taga- bantay ang DeCordova na kaharap nila ngayon, masasabi nyang isa ito sa pinakamayaman dito sa Pilipinas. Ang tanong nya, Who exactly is this guy?

"Why should we stop?" Tanong ni Jenny kay Kevin. "You started it.. I'm just helping you to finish it." Aniya pa..

Hindi naka-imik kaagad si Kevin. It's all because he tried to snatch back his money. Hindi nya matanggap sa sarili na matatalo sya ng isang dalagita lang. Akala nya kaya nya itong takutin dahil nga bata pa but he was wrong. He underestimated her. At ngayon 9 na tauhan nya namatay sa kamay ng dalagita na minaliit nya.

"I.... I'll give you the money. Aalis kami kasama yung mga tauhan ko, I'll make sure not to tell anyone about this. And I promise to not show my face in front of you anymore." Takot na pahayag ni Kevin. He meant it. Paano kung balikan sya ng babae kung sakaling mag sumbong sya sa police? Hindi pa secure ang posisyon nya bilang tagapag mana ng buong DeCordova companies. He don't have enough powers yet. He needs to be powerful to defeat this girl.

"Nah... I already owned your money.. I won, so it's mine now." "But you..." Aniya rito habang dinuduro.. "You looked for trouble and I'm here to help you." Galit ang nangingibabaw ngayon kay Jenny. Nakikita nya si John DeCordova sa pagmumukha ng lalaking kaharap. She wants to kill this man right here, right now but she can't. If she wants a perfect revenge she needs more manpower. And a slave that will never betray her.

"Then... Ask me anything and I'll try to do it." Alok ni Kevin. Kailangan nyang kumapit sa patalim ngayon. Kailangan nya magpalakas. And the companies is his first step.

"Alright," sagot ni Jenny. "Firstly, let my men clean all this bodies..." Ani Jenny habang tinitingnan ang magiging reaksyon ng kabilang side. They flinched.

Napatango naman si Kevin. Pwede nyang sabihin sa DCW na namatay ang mga tauhan nya sa pagligtas sa kanya laban mga gustong magpapatay sa kanya.

DCW is a company that trained people to be bodyguards. Maraming malalaking tao at artista ang kumukuha ng bodyguards sa kanila. Sila ang humahawak nun.

"And next?" Tanung nya dito.

"Second" lumapit si Jenny dito. She lowered her voice. "You see, I hate your stepbrother" aniya.. Napatayo ng tuwid si Kevin sa narinig. Napatitig sya sa dalagita na seryoso ang mukhang nakatingin din sa kanya. "I want to help you become an heir to the DeCordova companies, and kick your stepbrother out to the throne. What do you think?" Nakangiting alok dito niya dito.

Zion and anyone can't hear those two. Kaya wala syang ideya kung ano na ang pinag-uusapan ng dalawa. Basta ang nakikita lang nila ang parang natuklaw na ahas na reaksyon ni Kevin.

"So you know me from the start?" Tanong ni Kevin kay Jenny. "You know me that's why you did that back there at the casino?" Nakaramdam ng matinding galit ang binata. "Are you my stepbrother's ex?" Dagdag tanong pa nito.

Jenny remains silent. She really wanted to tell who she really is pero nagpigil sya. Kapag nalaman ng kanyang kalaban ang kanyang totoong pagkatao, maaring mawalan ng silbi ang paghihiganting gusto nya.

"No. Hindi ako ang ex nya." Tugon nya dito. "But the one who's very dear to me.. And he killed her." Puno ng pait at galit na sagot nya dito.

Napakurap ng ilang beses si Kevin. Alam nya na kayang magpapatay ng kuya nya kapag napansin nitong makakasagabal ang taong yun sa mga plano nya. Tulad na lang pagkawala ni Margaret Reyes. Fiancee ng kuya nya. Family Reyes is still not recovering sa pagkawala ng dalaga lalo na ang matandang Reyes.

"What do you want me to do?" Kuyom ang kamaong tanong nya dito. "Kung ang babaeng ito ang makakatulong sa kanya para matalo ang stepbrother nya.. Then he will envelope himself to her.

" well, I can't tell you right now.. Maybe next time when I asked you to meet me. But for now.. I want you to swear your loyalty to me."

Jenny was talking to her Phoenix when Kevin was thinking his answer. At nalaman nyang pwedeng magkaroon ng soul contract ang Phoenix at ang isang tao. Soul contract will only activate kapag ang isang tao ay nanumpa ng naayon sa kagustuhan ng Phoenix. Phoenix has the right to end the life of that person kapag tumaliwas ito sa sinumpaan kahit Hindi nakikita ng Phoenix. She asked her Phoenix to activate that contract kapag sumumpa na si Kevin. And the Phoenix agreed.

"Okay.. I swear in the name of my future throne that I will help Jenny Sanchez to become her spy to my stepbrother for her revenge."

Maaring walang nakakita pero nakita ni Jenny na may hibla ng apoy ang pumasok sa noo ni Kevin. Dahil siguro sa kanyang mata.

"Soul contract complete." Nakangiting sabi nya. "From now on remember this. You will only listen to me. And never betray me.. If you do. Not only your life but also your beloved mother will be miserable." Babala nya sa lalake na muling na estatwa. Napatango naman ito ng makabawi.

Napabuntong hininga si Jenny maya-maya.. Saka nya sinenyasan sina Tommy na damputin ang mga bangkay. At ilagay sa itim na sasakyan ni Kevin. Sumunod ang mga ito, lumapit rin si Zion at inutusan ang mga tauhan nya na gawin ang kanyang inuutos. Kevin and his people get on their car too. Pagkatapos kausapin ni Kevin ang mga tauhan nito ay magalang itong nag bow sa kanya saka tuluyan na ngang umalis.

Humakbang si Zion palapit kay Jenny saka ito binalot ng kanyang jacket na hinubad. Inakay nya ito papasok sa kanyang sedan. Their people also finished cleaning and clearing the area.. Ang mga dugo sa kalsada ay binuhusan ng gasolina na stock ng mga ito sa likod ng sasakyan saka sinindihan. Walang imik si Jenny habang tumatakbo ang sasakyan.. Tinahak nila ang dating kuta nila Tommy.. Pagkatapos paliguan ng gasolina ang loob ng sasakyan na may lamang mga bangkay ay sinindihan iyon saka nila iniwan.

Bumalik sila sa hotel na hindi manlang napansin mga staff dahil nga sa gabing-gabi na. Tanging ang security guard at dalawang staff na lang ang bumati sa kanila. Tommy and his man entered their room, ang ilang tauhan ni Zion ay pumasok din kasama si Aron and Cain.. Cain is hacking the security cameras of the hotel while Aron is just looking for some foods.

Meanwhile in Jenny's room.. She's now inside her hotel's shower room. Silently taking her bath. Removing all the stench of blood from her body.

Zion is making a call at the front desk. Asking if there's still chiefs awake that available to cook. Luckily there has.. He just ordered some noodles for all of them. Sakto pagkatapos ng tawag nya ay narinig nya ang pag bukas ng pinto ng banyo. Jenny is wearing her Bathrobe while drying her hair with big towel. She looks so tired.. Bumaba ang tingin nya sa may tuhod nito hanggang benti.. There's some bruises. Naikuyom ni Zion ang kamao. He's mad but he doesn't know why or to whom. Tumalikod sya at hinanap ang first aid kit na binibigay ng mga hotels sa bawat kwarto. Tinawag nya si Jenny na umupo sa sofa sandali. Tahimik naman itong sumunod na parang robot. Wala itong reaksyon kahit nilagyan nya ng betadine ang sugat nito. Kaya napatingin sya dito.

"What are you thinking?" Di makatiis na tanong nya.

Sinalubong naman nito ang tingin nya.

"Nothing.."

Iniwas na muli ni Jenny ang tingin dito at tinuon ang pansin sa sugat nya na nililinis ng lalake. Zion is very gentle nakita nya kung paano ito magalala sa kanya. Alam nya na gustong-gusto na nitong tumulong kanina kung hindi nya lang pinagbawalan. Her enemies are not his. Gusto nyang laruin ang buhok ng binata but she controlled herself.

Maya-maya pa ay may kumatok. Napatayo ng bigla si Jenny. Alert. Wala syang matandaan na pinatawag nya. Zion pinch her cheek.. And he said..

"Relax.. That's food delivery.. I asked them to cook noodles for us." Anito. Nabawasan naman ang pagiging alerto nya. Tumalikod si Zion para salubungin ang pagkain. Tumawag pa ito sa mga tauhan para kunin ang noodles ng mga ito.

Dinala ni Zion ang noodles sa mesa na nasa harapan nya. Magkasabay silang kumain ng walang imikan. After kumain ay si Zion din ang nagligpit ng kanilang kinainan. Nag toothbrush lang si Jenny at saka pumunta na sa higaan nya. Hihiga na sana sya ng may maalala.

"Kuya..." Tawag nya kay Zion na napakunot naman ng noo. "You sleep on the sofa." Aniya saka tumalikod na ulit at tuluyan ng natulog.

Naiwan si Zion sa may sala na nakatulala..

Did she just called him Kuya again?