webnovel

CHILDISH

Napakunot ang noo ni Zion ng makarinig ng sunod-sunod na katok sa pinto. Gigil na bumangon sya at tinungo ang kung sino mang kumakatok ng mga oras na yun. Kung si Aron or Tommy ang kumakatok makakatikim talaga ito sa kanya ng isang suntok sa sikmura. Binuksan nya ang pinto at handa ng bigwasan ang sino mang nasa labas ng lalong napakunot ang kanyang noo. Ang ekspresyon ng kanyang mukha ay lalong dumilim. Isang lalake ang nakatayo doon, nakasuot ng office suit na kulay blue with black shoes and a rolex watch. Knocking in front of little girl's door like it's normal for him to do it. Isinadal nya ang isang balikat sa hamba ng pinto saka humalukipkip and asked..

"Who are you?" Makikita ang pagiging spoiled na anak sa mukha nya.

"I'm Mr. Tan, I'm here for Miss. Jenny."

Tumaas ata blood pressure ni Zion sa narinig. Lalo na sa confident na nakikita nya sa aura ng lalakeng kaharap. Alam nya si David ay nakilala ng dalagita bago sya, kaya hindi sya nakakaramdam ng pagka-inis sa nasabing doktor. But this guy.. Who the fuck is he?

"How about you?.. Who are you?" Balik tanong sa kanya ng lalake.

Inayos ni Zion ang tindig at willing ng magpakilala sa lalake ng biglang may magsalita sa likuran nya.

"Kuya, sinong kausap mo?"

Marahas syang napalingon kay Jenny. Mukhang nasanay na ang babae na tawagin syang kuya. Bagong gising ang babae na humikab pa habang papalapit sa pinto.

"Miss. Jenny, my Boss wants to speak with you for an urgent matter.. We apologize for disturbing you." Mabilis na paliwanag ng secretary na kasama ng lalake.

Napaisip si Jenny. Sandali, urgent matter.. She got it. It's because of the yesterday's accident. Napatango sya dito.

"Come in." Alok nya sa mga ito.

Mabilis na pumasok si Kiel na inayos pa ang necktie at hindi pinansin ang nakatayong si Zion. Kasunod nito ang secretary na syang nagbigay galang kay Zion. Napakunot ang noo ni Jenny sa napansing eksena.lihim syang napangiti and a silly idea came to mind.

"Let's go to the conference room. " yaya nya sa dalawa. Saka nya nilingon si Zion na nakahanda ng sumunod. "Kuya please order some food.. And don't let anyone follow us.. Even you." Walang emosyon na utos nya dito.

Deritso syang pumasok sa conference room kasunod ang dalawang bisita.umupo sya sa upuan na nasa dulo ng mesa na na roon. She's still wearing night gown from last night.

Mr. Tan looks apologetic but Jenny didn't mind. Mas interesado sya sa ekspresyon ng mukha ni Zion kanina.

"What's the urgent matter?" Tanung nya agad ng makaupo.

Tumayo ang secretary ni kiel at ipinaliwanag sa kanya ang sitwasyon. Kagabi ay pumunta ang anak ng chairman sa hotel para komprontahin si kiel na diumanoy ibinibintang ni kiel ang palpak na nangyari kahapon. Kanina sa general meeting with the chairman, pinanindigan ng anak na wala itong alam sa hidden cameras na nakuha sa presidential suits. Kaya inuutos ng chairman na patunayan daw ni kiel na ang anak nga nito ang nag tanim ng hidden camera. Ang problema ngayon nawawala ang hidden cameras na nakuha nila. Ang hinala ng panig ni Kiel ay ang anak ng chairman ang dahilan ng pagkawala.

"So, you're here to ask my help?"

"Yes Miss. Jenny. " sagot ng President.

Napa tap sa lamesa si Jenny.

"You can't make me a witness. " ilang sandali pa ay sabi nya. Napatingin ng tuwid sa kanya ang dalawa..

"Miss.Jenny.....

" Hindi naman makakatulong ang sasabihin ko.. Dahil ang nakita ko lang ay ang nakatagong CCTV.. Hindi ko nakita kung sino ang naglagay."

"Tama ka.." Ani ng president.

"But there's still a way tho."

"There is?"

"Yes.. But I'm not the one that you need to talk to."

Hinintay ng dalawang kaharap ang pagsabi nya ng pangalan ng pwedeng makatulong sa mga ito pero hindi sya umimik. Sa halip, tumayo sya at lumakad palabas. Sa labas ng conference room sa may sala, nakaupo si Zion. Panay ang laro nito sa cellphone na hawak. Nakababa ang buhok nito sa may noo.. Ahh.. Kung bakit kasi hindi manlang sya na reincarnate sa 25 years old na babae. Kailangan pang sa 18 years old? Sa ilang mga naga-gwapuhang mga lalake na nakapalibot sa kanya sa buhay nya ngayon, lahat ng tawag sa kanya little girl.. It's so unfair!!!! She's already 27! .... Well her soul is old.

Lumakad sya palapit sa binata. And call his attention. Napa-angat naman ito ng tingin at tiningnan sya. Nakakunot parin ang noo nito. Lumampas ang tingin nito sa kanya at tiningnan ang lalakeng nasa likuran nya.. Battle of gaze starts! Naahhh forget it.

"May I talk with Cain?" Jenny is asking him kahit alam nyang papayag naman ito.

Lumipat ang tingin sa kanya ni Zion, ilang segundo din syang tinitigan nito bago nito tinaas ang braso at kinontak si Cain sa pamamagitan ng relo. A device na kung titingnan ay relo lang subalit there's more to it. For sure si Cain ang gumawa ng device na yun. Ah.. She also needs it for her bodyguards. Pinaupo nya ang kanyang bisita habang tinutungo Ang lagayan ng heater at coffee. Sinilip nya ang relo sa braso, it's almost lunch. Tanghali na sya nagising. Malapit na sila mag check out.

Binuksan ni Zion ang pinto ng kumatok si Cain. Bumalik naman sa upuan si Jenny dala ang kanyang kape. Tiningnan nya ang dalawa sa may pinto, ng lumipat sa kanya ang paningin ni Cain alam nya na, sya ang topic ng usapan. Pumasok si Cain at bumalik narin si Zion sa upuan. Tumabi ito sa kanya. Si kiel at ang secretary nito ay tahimik na nagmamasid. Ang malamig na aura ni Zion ay nararamdaman nya kahit humihigop nya ng kape.

"Pinatawag mo ako, little Boss?" Tanong sa kanya ni Cain.

Humigop muna sya ng kape saka sumagot dito.

"En. Ganito kasi..." Nagsimula syang magkwento ng nangyari kahapon pagdating nya sa hotel. "So sinabi ko sa kanila na useless lang ang sasabihin dahil hindi ko naman nakita kung sino ang naglagay." Aniya.

"As a president you let that happened?" Pang aasar ni Zion kay Kiel. Daig pang mortal na mag-kaaway ang dalawa.

"I'm not aware that time because I was not here when they installed it." Paliwanag naman ni Kiel na Hindi na sinagot pa ni Zion.

"So, anung gusto mong gawin ko?" Tanong ulit ni Cain.

"Kaya mo ba i-hack lahat ng camera sa loob at labas ng Hotel and find those original footage na binura?"

"It's easy for me, but."

Nilingon ni si Zion. Ahh... Tauhan ito ni Zion so kay Zion dapat sila magpapaalam.

"You can't ask me. " malamig na sabi kaagad ng lalake.

Hindi rin sya tinapunan ng tingin. What the! So mean! Kulang ba ang tulog nito kaya mainit ang ulo?

"Hindi ikaw ang may kailangan ng ebedensya but him." Turo nito kay kiel. "Tama?" Dugtong pa nito.

Napatango si Jenny. Mainit ba ang ulo ng lalake dahil naistorbo ang tulog nya sa pagkatok ni Kiel sa pinto?

"I.... Am sorry kung naistorbo ko ang tulog mo sa sofa." Hinging paumanhin ni Kiel.

Gustong humalakhak ni Jenny ng marinig ang salitang "sofa". Yeah.. Sa sofa nga natulog si Zion. Nilingon nya si Zion kitang-kita ang paglabas ng ugat sa braso.

" ahmmm..." Imik ni Jenny para maawat ang tension. "Anyway Kiel, this man beside me is Mr. Zion Fuero. He's.. "

"Fuero?" Putol ni Kiel sa sasabihin nya pa. "Nag-iisa lang ang Fuero sa Pilipinas, so ibig sabihin kasama ka sa pamilya ng Fuero na Pinakamayaman sa buong Pilipinas? Their family is very powerful that even the government cant afford to touch. I heard that there's a young man who is now the leader of the their family's main power. THE DRAGON. Is that you?" Mahabang salaysay ni Kiel.

Natigilan din si Jenny sa narinig. "THE DRAGON" parang narinig nya nga ang pangalan na yun dati, hindi nya lang matandaan kung saan. But Zion is the leader? Kung ang PHOENIX assassination group ay lihim na organisation na iilan lang na mayayaman ang may alam. The DRAGON is different. Kilala ang mga ito sa buong Pilipinas at maaring sa buong mundo.

Pinag cross ni Zion mga hita saka sumandal sa sandalan ng sofa. Tumngin ito kay Kiel na para bang tumitingin sa isang bibiktimahin. Gustong matawa ulit ni Jenny, so childish. Hahaha.

"You can't help me Cain?" Diritso nya ng tinanung si Cain. Wala syang aasahan kay Zion. Magmamatigas lang ito kay Kiel.

"I can, but we need approval from Big Boss."

"You said you can, so let's go." Tumayo na si Jenny saka hinila si Cain.

Napa-ayos naman ng upo si Zion at Kiel na parehas din nabigla sa inasal nya.

"Hey! That's my boy, little girl.. Isn't it a bit disrespectful to grab him and ask him to do anything for you without my consent?"

Walang halong galit ang boses ni Zion kaya alam nyang kaswal lang tanong nito. Pero nagkunwari syang apektado. Binitiwan nya ang kamay ni Cain.. Her face become expressionless..

"Oh-oh..." Anang utak ni Zion..

"You're right.." Ani Jenny na malamig din ang tono ng boses. "Well.. Since he can't help me because you won't allow him.. Then I think you two should leave my room now.. I and Kiel will need to solve this problem by our own." Aniya na tumalikod pagkatapos nya tawagin si Kiel para pumasok sa Conference room. Sumunod naman sa kanya ang lalake na puno ng pagtataka ang naka display sa mukha. Thinking kung bakit sya naipit sa pagda-drama ni Jenny at sa pagmamaktol ni Zion.

"Wait! " sigaw ni Zion na biglang napatayo. Inilang habang lang sya nito tsaka hinablot ang braso nya.

Tiningnan lang ito ni Jenny na walang kahit anong tunog na lumabas sa bibig. Napalunok si Zion. The hell! Kailan pa nagsimulang may taong kayang mag overpower sa kanya? He feel scared to think that this girl will hate him. He feel scared by just looking at her talking with other guy.. What is happening? Hindi nya alam ang ganitong pakiramdam.

Si Zion ay dumating sa edad na 26 na hindi manlang nagka-nobya. Single since birth kumbaga. So he's clueless pagdating sa nararamdaman nya ngayon.

Nang hindi parin sya umimik muli syang tinalikuran ni Jenny. Damn it! Anang utak nya.

"Fine! I'll allow it! In one condition! I should be with you guys while working!" Pagsuko nya.

"Really?" Ang mata ni Jenny na walang ekspresyon kanina ay bigla na lang nagkaroon ng maraming bituin.

"The hell?' Hindi na makatiis na bangit ni Zion. " how fast you can change your expression?"

Hindi pinansin ni Jenny ang sinabi nya mabilis itong pumulupot sa braso nya saka sya hinila papasok sa conference room..

"I'll prepare some food." Anito. Saka sila iniwan sa loob.

"The fuck?!" Bulyaw ni Zion na naiwan na nakatayo sa loob kasama ang tatlo pang natulala narin..

"Pfft... "

Nilingon nya ang taong gumawa ng tunog na yun. It's Kiel.. Nakatakip ang kamay nito sa bibig pero halatang tumatawa ito.

"Sorry,," he removed his hand at nakangiting sumuko kay Zion. "Isn't she cute?" Dugtong pa nito na nagpakulo ng dugo ni Zion ng tuluyan.

"You help them." Lingon nya kay Cain. Napatango naman si Cain na nakangiti rin habang inaayos ang suot na salamin.

Ito ang unang pagkakataon na makita nya ang kanyang Boss na mukhang nabigo sa mission dahil sa isang teenager. Hindi na nito na panatili ang pagiging Ice face nito dahil sa ginawa ni Jenny. May topic sila ng grupo mamaya.

Iniwan din sila ni Zion at lumabas ito, sumunod kay Jenny sa labas.

"Your Boss is Jenny's brother?" Tanong ni Kiel. Jenny is very interesting woman. He's 25 and a stable man. Kung sakaling man subukin nyang i-woo si Jenny kailangan nyang harapin si Zion.

"No." Sagot ni Cain na inihahanda ang kanyang laptop na hawak. "But he treat little Boss special that we as he's subordinate needs to follow little Boss orders too."

"What?" Gulat na tanong ni Kiel.. Isn't that mean that Jenny is a sub-leader of the group? "Since when?"

"Oh.. Just a week ago." Diretsahang tugon ni Cain saka nagsimula ng magtarabaho.. Samantalang Hindi na rin nag-usisa pa si Kiel. Thinking.. He needs to forget what in his mind.. He can't afford to deal with his rival.

Outside the conference room.. Jenny and Zion are busy debating with something not important.. May ma-mema lang habang hinihintay ang foods. naisipan pa nilang pumunta sa kabilang room na tinutuluyan ng mga kasama nila. They just checked them. Buti nalang kumain na ang mga ito. Si Aron at Tommy ang nag-order ng pagkain ng mga ito. Nalaman din nila na si Aron at Tommy ang gumamit ng kama sa kwarto.

Parehas na napako sa kinatatayuan sina Jenny at Zion ng magsimulang magkwento ang mga tauhan sa nangyaring kababalaghan kagabi...