webnovel

Remember Me in Your Heart

After the accident happened a few months ago, Luke can't accept the fact that he lost his sight, but fate decides that she will meet a girl named Ma. Esperanza.

qslmons · Urban
Not enough ratings
6 Chs

2

Sa labas pa lang naririnig ko na ang ingay ng bunso naming kapatid na si Victor. Mukhang nagugutom na ang kapatid ko. Naabutan ko si nanay na nagluluto ng lugaw para sa hapunan naming magkakapatid habang buhat si bunso.

"Nay, ako na po riyan." sabay kuha ko kay Victor. Nagsilapitan naman ang iba pa niyang kapatid na si Ruby, Francis at Nina upang siyang yakapin.

"Hi ate Mae!" bati sa kaniya ng mga kapatid. Mae ang tawag sa akin dahil mas madali daw itong bigkasin at mula din naman daw sa pangalan ko na Ma. Esperanza.

"Sige na, doon na muna kayo" mangungulit nanaman kasi sila na bilhan ko sila ng laruan.

"Anak, anong nangyari sa araw mo?" tanong ng kaniya ina na titig na titig sa kaniya.

"Ayun po nay, wala pong bakante pero wag po kayo mag-alala maghahanap po ulit ako bukas" sana lang talaga makahanap ako bukas.

"Pasensya ka na anak at kailangan mong huminto sa pag-aaral para lang tulungan kami." gusto kong umiyak sa sinabi ni nanay pero pinipigilan ko dahil kailangan kong maging matatag.

"Ayos lang po yun nay, kapag umayos na po yung buhay natin saka ako babalik ng pag-aaral" kung papalarin gusto ko maging Architect . Ang taas ng pangarap ko hahaha.

"Oh hali na kayo kain na mga anak! Esperanza pakitulungan mo muna ang mga kapatid mo, dadalhin ko itong pagkain sa tatay mo"

---