webnovel

Primrose in Wonderland

[COMPLETED] Rich kid. Bugnutin. Spoiled brat. Ganyan mailalarawan ang young businessman at head ng Constantine manor na si Primus. Everything went just fine until one day, he found himself chasing a white rabbit in the woods which brought him into a strange land called Wonderland, a place surrounded by forest and strange circus where people can find 'true happiness'. Mahanap kaya ni Primus ang kaligayahan kung siya ay nasa katawan ng isang babae? Started: March 28, 2020 Finished: April 17, 2020 ©Copyright 2020 All rights reserved

Avaaaaxx · Fantasy
Not enough ratings
17 Chs

VIII - The Vampire Murderer

━━━━━━━༺༻━━━━━━━

Primrose's POV

Maagang nagising ang mga residente nang pumutok ang isang masamang balita:

Vampires strike again: another man was murdered in forest.

Last time, may nakitang bangkay sa parehong lugar na pinangyarihan ng krimen. Tapos ngayon, may pinatay na naman. Ano ba 'to? Murder capital of the world? At ang nakakagulat pa nito, kasamahan namin sa circus ang biktima. Part siya ng second string members pero never ko siyang nakausap.

Who's the killer? What's their motive of doing this? Damn, those are the questions na hindi ko mabigyan ng kasagutan. Only truth will provide answers.

Come to think of it, sobrang tahimik kagabi. Walang sigaw, ungol o anumang ingay na nagsasabing may umatakeng kriminal noong gabing 'yon. Well, to be honest, I can't trust myself. I slept very soundly to the point na hindi ako nabulabog sa pagtulog.

"Hey," untag ko kay Judas pagbalik namin sa tent after naming maki-usyoso sa labas. "Have you heard anything strange last night? Malalim ang tulog ko kagabi kaya 'di ko alam."

"N-No. Nothing at all." Base sa tono ng kanyang pananalita, parang 'di siya sigurado. "Don't ask me 'bout the crime. Kung may nalalaman man ako, hindi ko puwedeng sabihin sa 'yo."

"Why?" Kinukulit ko na siya. May karapatan akong marinig mula sa bibig niya ang katotohanan sa likod ng magkasunod na patayan sa Wonderland.

Walang katiyakan ang safety ng mga tao rito dahil malay ba nating mamayang gabi e, salakayin na kami ng mga bambira sa mismong mga tent na tinutulugan namin? I can't guarantee that the next victim would be me. Ayokong mamatay sa lugar na 'to. Marami pa 'kong nais gawin sa buhay. I can't leave my company at this age. Hindi ko sasayangin ang pinamana sa akin ng mga magulang ko dahil lang dito.

"Basta," ani Judas. Binaling niya ang atensyon sa pag-aayos ng kanyang mga gamit.

Hinawakan ko siya sa braso. "Anong basta? Please, Judas. Tell me everything you know. Promise, I won't tell anyone--"

Judas gave me a deadly look. Nakakatakot na parang kaya ka niyang patayin gamit ang makamandag niyang tingin. "What part of my statement do you not understand? Stay away from this! It's dangerous!"

I kept my mouth shut, naupo ako sa kama yakap ang mga tuhod ko. Judas is hiding something from me, I'm very certain of it. But the question is, ano? Iyan ang misyon ko ngayong araw. I won't rest my head unless the mystery has been solved.

Umalis siya nang hindi nagpapaalam. Susundan ko sana siya ngunit paglabas ko, wala akong makitang bakas ni Judas. W-what? How come? Where did he go?

"Oww..." My stomach growled. Nagutom na ako kakaisip ko sa murder case na 'yan. Perhaps I should take a peek into the kitchen. Hopefully, may maabutan pa akong pagkain.

༺༻

"Moiselle!" tawag ko nang mahagip kong paparating sa direksyon ko si Moiselle. I was sitting on the wooden chair outside my tent. Inaabangan ko ang pagbabalik ni Hudas. "Didn't you hear me? Moiselle!"

Sa ikalawang pagtawag ko ay nakuha ko rin ang atensyon ni Moiselle. People here are so weird nowadays. Kay raming iniisip. Okay, maybe because of what happened earlier. Nag-aalala rin sila hindi lang para sa sarili nila, kundi para rin sa kaligtasan ng kanilang mga pamilya.

Naisip ko lang ha, hinahanap din kaya ako ng tatlong asungot (sina Maylene, Finn at Troy) gayong ang alam nila'y nawawala ako? How about Jude? I wonder if he's still searching for me.

"May problema ba? Tinatawag kita pero 'di mo ako pinapansin," sabi ko nang may pagtatampo sa boses ko.

"Pasensiya na, Prim. N-Naaalarma lang ako sa mga nangyayari ngayon sa Wonderland lalo na't kasamahan natin sa circus ang nadale ng bampira kagabi. Hindi mo maaalis sa 'kin ang mangamba na baka ako na ang susunod na biktima."

Takot na takot siya at gayon din ako. Lahat naman 'ata, e. Kaya dapat may gawin din ako. Oo, maaari akong mapahamak sa binabalak ko pero matapos ang eksena namin ni Judas sa tent, my curiosity wants to take me to the place where the truth was hiding. May tinatago si Judas at aalamin ko kung ano 'yon.

"This sounds cliché but trust me. Walang lihim na hindi nabubunyag. The truth will come out soon. In the right place, at the right time. Matatapos din 'to," I said.

Sana sa ganitong paraan ay maibsan ko nang kaunti ang takot sa puso niya. I swear, before the killer attack once more, I'll definitely stop him.

"Moiselle!" Si Dorofey na biglang sumulpot sa likod ni Moiselle.

'Langya! Nakaraan, si Peter. Ngayon, kapatid niya naman. Sino'ng susunod, si Happy na? Or si Barbara? Pambihira, 'di bale nang si Cheshire o si Labo Magna (Labong Magnanakaw - For-eyes) huwag lang ang malditang 'yon!

"Oh! Ginulat mo naman ako! Bakit ba?" Inis na tanong ni Moiselle. Sumenyas si Dorofey na sumunod sa kanya. "Haist!" Padabog itong naglakad palayo.

"Sama!" I shouted. I was about to follow them but Moiselle stopped me from doing that.

"No, stay here. Mas makabubuting dito ka na lang. Babalik din kami. Pangako, dadalhan kita ng masarap na prutas bilang pasalubong!"

Aw, 'yan ang gusto ko! Gimme anything except jackfruit. Weird pero allergic ako sa langka. Kaya kapag may nagbibigay sa amin n'on, sa tatlo ko pinapakain. Paborito nila 'yon especially 'pag minatamis or bilo-bilo, kung 'di ako nagkakamali ng tawag. They can eat as many jackfruits as their tongue get old.

"Okay! Aasahan ko iyan!"

༺༻

Judas returned at seven in the evening. Buong araw siyang wala sa circus which makes me think na baka may ginagawa 'tong kababalaghan sa labas. Inalok ko siya ng dala ni Moiselle na isang supot ng langka. Hay, naku! Sa dinami-rami naman ng prutas, bakit 'yon pang allergic ako? Tuloy, hindi ko makain at baka tubuan ako ng rashes sa balat. For sure na walang gamot na mabibili rito for allergies so it's better to be safe than sorry.

So as I was saying, I tried to offer him but he refused. Tinanong ko siya kung kamain na, ang sabi niya, mamaya na raw. Kelan pa 'yong mamaya? Bahala siya diyan. I won't wait for him.

I left him to have my dinner with Happy. Ang sarap ng mga pagkaing niluto niya! Ang dami kong kinain na tila 'yon na ang huling hapunan ko. Oh, please. Huwag naman sana!

"You're so good at cooking, honestly. You're a match for my butler!" kumento ko habang binabakbakan ang ka-bundok na pagkain sa aking plato.

"Thank you, I appreciate that. Matanong ko lang, Rose. Nasa'n ba 'yong butler mo? Hindi mo siya kasamang pumunta rito?" he asked.

You have no idea how I wish na sana, kapiling ko si Jude sa mga oras na ito sa halip na 'yang si Hudas. Wala na ngang pakinabang, pabigat pa. Ang dami pang tinatagong sikreto!

"He's taking my responsibilities of handling my business while I'm away," sambit ko.

"Talaga? May negosyo ka? Puwede ko bang malaman kung saan? Gusto ko sanang bumisita." W-what?!

Naku, Primus! 'Di ka na naman nag-iisip! Kuda ka nang kuda ayan, kung anu-ano na ang tinatanong niya sa 'yo!

"Malayo rito! Hindi mo kayang lakarin at maski kabayo susuko sa sobrang layo!" I hope it worked!

"Gano'n ba? Sayang," may bahid ng panghihinayang na sambit ni Happy. In fact, wala rin naman siyang mapapala kung makita niya 'yon. Sasakit lang ang ngipin niya sa dami ng candies doon.

"Maiba lang," panimula ko. I don't wanna talk about Constantine Sweets anymore. Tamad akong i-explain kung gaano kalayo ang distansya n'on mula rito. "Kanina ba, napansin mo si Judas? Maghapon siyang wala sa tent. Nagbabaka-sakali akong nasa practice lang siya or kasama mo the whole day."

Nagbago ang timpla ng mukha ni Happy. He wasn't calm at hindi mapakali. Just as I expected. This person knows something as well.

"Oo, busy siya sa practice. Y-yeah, right. 'Yon nga." He can't look into my eye. Halatang pinagtatakpan niya si Judas. Whatever he did for the past twelve hours, I'm sure saksi si Happy. Ang 'di lang malinaw ay kung binlockmail ba siya ni Judas o intensyon niya talagang maglihim sa akin.

"I see." Pinakita ko sa kanyang napaniwala niya ako. Pero ang totoo, lalo lang akong nagduda sa kung anong ugnayan nilang dalawa ni Judas at ano ang kinalaman nila sa magkasunod na krimeng nangyari kanina at noong nakaraang araw.

༺༻

It's already coming up on midnight and people are now finally snoring. It's time to get off and face the darkness where death is waiting for me. Pero 'di ako natatakot.

Desedido na akong tapusin ang misteryo sa nangyayaring patayan sa Wonderland. I may be human and there's a chance being killed. Huh, if that would be the way for me to leave this place, why not take any chances?

Maingat ang bawat galaw ko upang hindi magising si Judas. Bago ko iwan ang lugar na mistula kong mansyon sa loob ng kulang isang linggo, akin kong sinilip ang lalaking nambuwisit at sumira ng bawat araw ko---what the hell? Nasa'n siya?

"Where on earth did he run off to?" Before I go to bed and pretended that I'm sleeping, 'kita kong nahiga si Judas sa top bed. How come na hindi ko napansin ang kanyang paglabas sa tent gayong nakapikit lang ako at pinipigilan ang sariling makatulog?

Or maybe he's just pissed. Chineck ko ang palikuran. Walang tao. Saan naman pupunta 'yon ng ganitong oras? Something came up on my mind just now.

"Stay away from this! It's dangerous!"

Could it be...

If my guess is right, walang ibang pupuntahan si Judas kundi sa gubat kung saan pinatay ang dalawang biktima ng bampira. At dalawa lang ang posibleng papel niya sa eksenang ito. The victim or the culprit.

Whatever it is, I need to find him at kung kinakailangan ko siyang pigain para magsalita, gagawin ko!

Matapang akong nakipag-sapalaran sa dilim ng kagubatan. Kakamadali ko'y nakalimutan kong magdala ng lampara pang-tanglaw at proteksyon sa sinumang maaaring umatake sa akin. Sadly, I can't go back anymore. Whoever sees me coming from the woods will probably stop me from going in. Doon pa lang, sira na ang plano ko.

"Judas?" I raised my voice, hoping he could hear me. "Judas, are you in here?" Walang sumasagot. Paulit-ulit kong tinawag ang pangalan niya hangga't sa kalaunan ay pahina nang pahina ang boses ko nang marinig ko ang ungol ng isang hayop na sa palagay ko ay lobo.

Nanigas ako sa kaba, I can't even move my feet. It's coming! Habang tumatagal, lalong lumalakas ang tunog ng tila galit na werewolf. Please, somebody help me! I don't wanna die at a place like this! No, I won't!

"N-No! S-Stop it!" The wolf starts to attack me. "Aaaah!"

━━━━━━━༺༻━━━━━━━