webnovel

Primrose in Wonderland

[COMPLETED] Rich kid. Bugnutin. Spoiled brat. Ganyan mailalarawan ang young businessman at head ng Constantine manor na si Primus. Everything went just fine until one day, he found himself chasing a white rabbit in the woods which brought him into a strange land called Wonderland, a place surrounded by forest and strange circus where people can find 'true happiness'. Mahanap kaya ni Primus ang kaligayahan kung siya ay nasa katawan ng isang babae? Started: March 28, 2020 Finished: April 17, 2020 ©Copyright 2020 All rights reserved

Avaaaaxx · Fantasy
Not enough ratings
17 Chs

IX - Bloody War

━━━━━━━༺༻━━━━━━━

Primrose's POV

Natagpuan ko ang sarili kong nakakapit sa isang nilalang. Matapang niya akong iniligtas mula sa tangkang pang-atake sa akin ng lobo. Gayumpaman, iniligtas man ako ng taong ito, hindi nangangahulugang dapat akong magpasalamat. I don't know this person and the reason why he saved me. At ano 'tong masangsang na amoy na mula sa kanya? Parang malansang dugo.

Oh, no! He must be the--

"P-please, spare me," I begged when I realized what type of specie he was. Isa siyang bampira!

Tinakpan niya ang bibig ko nang mariin. "Don't move or you die." I know this voice. Hindi ako puwedeng magkamali. It was Judas. Kung gayon, siya ang pasimuno ng mga patayan dito? Bakit?

"Listen to me, Primrose. Kung gusto mo pang mabuhay, huwag kang bababa sa punong ito, naiintindihan mo? Sinabi ko nang huwag kang makialam dahil delikado pero ang tigas ng ulo mo! Paano na lang kung wala ako kanina? Malamang dumanak na ang dugo mo at isa ka na sa biktima ng mga lobo!" he whispered, preventing himself to scream at my face.

What does he mean by that? Ibig sabihin ba n'on ay mga werewolves ang totoong salarin at pine-frameup lang nila ang bampira upang isisi sa kanila ang krimen?

"Yes, they are the real killers. I'm the one who's responsible for biting the victims but I don't kill humans. Werewolves are the ones who finished the job. They tried to make it look like we did it."

Nababasa niya ang nasa isip ko. Hindi ako magtataka. And by the time he told me about being one hell of a Count Dracula, I thought he was joking. So it's true. That's why he didn't eat, that's why he didn't sleep! Marahil ginagamit niya rin ang kanyang supernatural powers to manipulate the knives I used during our circus act and the truth behind his skills in trapeze.

It all makes sense now.

Judas just cupped my face. "Now, promise me, you will stay here until it gets off. Babalikan kita at oras na 'di kita maabutan, hindi ako magdadalawang-isip na tapusin ka."

Jeez, he was just threatening me not to go out. Why would he save me in the first place if he wants me to die? He could just let me bitten by that bloody animal. Gasgas na ang panakot niyang 'yan.

"Jud--" Uh, hindi man lang nagpaalam? Mapa-vampire or human form, nakakabuwisit siya! So what now? Yayakapin ko 'tong branch ng puno na 'di ko alam kung gaano kataas hanggang sa mamuti ang mata ko kahihintay na matapos ang giyera niya kontra werewolves?

Bagama't nababalot ng kadiliman ang gubat at wala akong makita ay ramdam ko ang matinding kilabot dala ng ingay sa kapaligiran. From a single wolf, nadagdagan ito ng dalawa hanggang sa sila'y dumami. May lapaan nang nagaganap, jusko! Judas, I wish you're not alone!

"Aah!" Angil ng isang tao. It's him. He's hurt! Sana may kakayahan akong tulungan siya. But I'm just a human at makakasagabal lang ako. Anong gagawin ko?

"What the devil is happening?!" Primus, do something or else...

"You stay away from my brother, Dorothy!"

Isang pamilyar na boses na naman ang aking narinig at matapang nitong inatake ang tinawag niyang Dorothy. The same woman I saw during the first vampire murder case. Ang babaeng pumigil sa 'king pumasok sa gubat. The circus performer who had enough skills when it comes to animal taming. But this time, she didn't came here to tame the beast. Instead, she's here to end this war.

She's strong, determined and powerful. She deserves to be called a beast. The real one.

"Judas!" Seems the table has turned. Siya naman ngayon ang nasa kamay ng mga lobo at tila humihingi siya ng tulong kay Judas.

"I'm coming!" said Judas. Nagpatuloy ang bakbakan sa pagitan ng dalawang lahi. "Where's Peter?" Teka, si Peter?

"I'm here!" So he's also one of them? All this time, these people are actually not humans?

Ssssss...

"Wait, where's that sound coming from?"

Ssssss...

"Shit, ahas! Ahas!"

Oo nga, hindi ako namatay sa pag-atake ng lobo, pero dito naman ako matutuluyan sa kagat ng ahas. Teka, saan galing 'to? Ba't may ahas sa puno?!

"Judas! Help me, please!" What are you blabbering about, Primus? Judas wouldn't be able to make it! He's still fighting on the ground! Then, who's gonna save me now? I guess, this is my fate after all. I'm done.

I didn't intend to move slightly ngunit iyon ang nagprovoke upang dumulas ako sa kinakapitan kong sanga. This is it, my life is over.

Or so I thought. "Why would you call the vampire when you should be calling a me?" a man asked. He's carrying me. I never thought the heaven sent someone to save my ass. Thank goodness, I'm still alive!

"W-Who are you? Why did you save me?" pabalik kong tanong.

He grinned. "You still have purpose to me. You haven't show to me what kind of business you have. Too bad, you said it's too far, I can't go in there."

No! He can't be!

"H-Happy?!"

Una, si Judas. Pangalawa, si Barbara. Pangatlo, si Peter. Tapos ngayon, si Happy?! Sinong susunod? Si Labo? Si Cheshire? O si Moiselle? Ako lang 'ata ang natatanging pure blooded human sa mundong ito!

"Anong ginagawa mo rito, Rose? You must be staying in your tent. Nagulat ako nang mamataan kita sa punong 'yan at muntikan ka nang kagatin ng ahas na may dalang lason," anito na alalang-alala. Unlike Judas, sa halip na magpakita ng concern, binantaan pa akong papatayin kapag nawala ako sa puno kung saan niya ako iniwan. Leche talaga.

"I went here because I want to end it all. But it turns out I got myself into trouble. I'm sorry."

"Save your apologies for later. We must leave now. I'll bring you to the safest place for a while."

Nanatili kami sa isang abandonadong kubo na may kalayuan mula sa gubat. He checked me if I have wounds but luckily, he found nothing. Besides, I don't feel anything at all. Now is my chance to make him speak and tell me everything he knows. Tapos na 'ko kay Judas at ngayon, kay Happy naman.

"Last time, you introduced Peter as your brother. Judas called him way back earlier. Does this mean that he's one of the vampires and you--"

"You're wrong," paglilinaw niya. "Yes, we're brothers. But only Peter became a vampire. He was bitten by Judas' sister."

"May kapatid si Judas?"

He nodded. "Yes. Barbara and Judas were technically half siblings on the father's side. They grew up together but eventually got separated from each other. That was the time I met her, searching for her dear brother ngunit sa kasamaang palad, bigo namin siyang nahanap hanggang isang gabi nang sinamahan ko siyang mag-hunting sa gubat, may nakita siyang lalaki - duguan ang bibig at sa likod nito ay may isa ring lalaki ngunit may kagat ng pangil sa leeg. Agad nakilala ni Barbara ang lalaking 'yon at tinawag niyang Judas."

"That night... You mean when the first murder was occurred? Kaya pala andoon si Barbara. I've been trying to explore this forest that night kaso nahuli niya ako at pinabalik sa tent," kuwento ko nang aking balikan ang pangyayari nang gabing iyon.

"Judas was really thirsty. He couldn't resist the taste of human's blood. I'm glad hindi ka niya napag-diskitahan."

Huh, I don't think I met his standards when it comes to vampire's dishes.

"Try me or I'll burn him into ashes!" Talaga lang!

"Anyway, at some point, he wouldn't kill humans because of blood loss. Almost all of them. Kaya naman katakataka nang may kumalat na balitang sila ang pumatay sa mga ito."

"Judas told me in the woods that it was done by the werewolves to frame-up the vampires. They do the exact way of killing humans, plus the bite found on the victim's neck. Perhaps, they're just waiting for vampires to strike," depensa ko. "Werewolves here are far different from what we have in my world. They don't hurt humans without provoking them to do so."

"Ano man ang katangiang mayroon ang mga lobo sa mundo mo ay iba sa mayroon ang Wonderland. Here, werewolves are the true demons. Gusto nilang angkinin ang buong kagubatan pati na ang mga taong nakatira rito. But I believe they won't win against the bloodsuckers. Especially, our primary weapon is on the battlefield right now."

༺༻

The war ends by dawn. Matagumpay na nasugpo ng grupo nina Judas, Barbara at Peter ang mga lobo. Walang natira sa mga ito ni isa. May mga nasawi rin sa mga kasama nila but luckily, ligtas na nakabalik ang tatlo.

Nagkaroon na ng kaliwanagan sa akin ang misteryo sa krimeng nangyari nitong nagdaang mga araw. Gayumpaman, sa kabila ng kanilang pagkapanalo, naglabasan naman ang sangkatutak na rebelasyon.

Moiselle's brother Dorofey is not a girl but the opposite gender. Siya si Dorothy, ang werewolf na umatake kay Judas. She was killed by Barbara. Nilinaw rin ni Moiselle na hindi niya talaga kapatid si Dorothy. Nagpanggap lang sila upang may kasama siya sa pagmamanman sa loob ng circus.

Si Moiselle ang mga mata ng werewolves sa circus kung kaya't alam nila ang galawan ng magkapatid na Barbara at Judas. They planned these numerous murders para katakutan ng mga tao ang bampira.

Moiselle is captured by Peter but she's gone missing. One night and everything got ruined because of the bloody war. My friend is on the lose. Ibig ko mang hanapin si Moiselle ngunit pinigilan ako ni Judas. I have no choice but to lock myself in this damn circus. Sila na raw ang bahalang maghanap kay Moiselle.

"Sana walang mangyaring masama sa kanya," sabi ko nang maalala ko si Moiselle. Nakasalampak ako sa kama at walang magawa. Nauurat ako.

Hanggang sa sumapit na naman ang gabi. Susmaria. Sa labis kong pag-aalala kay Moiselle, hindi ako um-attend ng practice sa rehearsal tent. Kain, higa, mukmok. Kain, higa, mukmok. 'Di ko namalayang kumagat na pala ang dilim. Tutal tapos na ang laban, baka naman tapos na rin ako sa pagsagap ng umaalab na rebelasyon, 'no? I've had enough of this!

"Ay palaka!" Nagulat ako nang may nakalusot na nilalang sa tent ko. Puti iyon na malaki kaysa sa daga at may mahabang mga tainga. A-Alois?!

I took him as fast as I can. Kita mo nga naman, oh. Kusang bumalik sa akin ang alaga ko. Siguro hindi na siya pinapakain ni Labo Magna kaya umalis na siya sa poder ng gago. Hahaha! Buti nga sa 'yo, Four-eyes! Magsama kayo ng pruner hook mo!

Hinaplos ko si Alois at niyakap. Ilang araw din kaming hindi nagkasama ng isang 'to pero pinagtagpo pa rin kami. Hay, salamat! At least hindi ko na kailangang dumaan sa katakot-takot na patibong ni Labo.

"Konting tiis na lang, Alois. Makakaalis din tayo rito. Oo, aminado akong malulungkot ako dahil kahit papa'no nag-enjoy rin naman ako sa circus but we both know that we don't belong here. Hayaan mo, babalik din sa dati ang lahat--hey wait!"

Alois slipped from me for the second time. Bakit ba laging nangyayari sa akin 'to? Alois ran away from my tent and went somewhere else. I chased him. Ah! Pagod na akong maghabol! Don't tell me babalikan niya pa si Labo Magna matapos ng ginawa nito sa kanya? Ay, buwisit!

"Now, where are you gonna take me, you stupid rabbit?" Dinala ako ni Alois sa likod ng circus kung saan may dalawang nag-uusap. At ang tinutukoy ko ay lubusan kong kilala.

Nagtago ako sa damuhan upang hindi ako nila ako mahuli. Sinilip ko sila. Alois is now in Four-eyes' custody. Anak ka ng nanay mo. Bahala ka sa buhay mong animal ka!

It's not my nature to eavesdrop in other people's conversation but since I'm already hiding near them, makiki-tsismis na lang ako't mukhang matindi ang pinagtataluhan nila.

"Halos isang buwan tayong nagsayang ng oras sa circus para hanapin ang taong 'yan tapos sasabihin mo sa 'king nasa harap ko na pala siya?" galit na binulyawan ni Cheshire si Four-eyes.

Sumagot naman si Labo Magna, "Nangako ako sa sarili kong hindi ko ipagsasabi ang totoo but the time is ticking. If I didn't do something, it could ruin both our careers.

Last night, I found this letter on his table and he's planning to finish the person who isn't scheduled to die."

"In which the person he's targeting, isn't the same one who's on the to-die list? Is that what you're trying to say? Urr! Sumasakit ang ulo ko sa 'yo, Wilfred!"

Binasa ni Cheshire ang papel na ibinigay sa kanya ni Labo. Hindi ko ma-gets kung anong pinag-uusapan nila, sa totoo lang.

"Now is not the time for blaming. Parehas lang tayong nagkamali. At sa part ko, malaki ang kasalanan ko dahil nilihim ko ang totoo. Hayaan mo akong makabawi, Greta," sabi ni Four-eyes. First Wilfred and now, Greta? Iyon ba ang tunay nilang mga pangalan?

Binuklat ni Cheshire/Greta ang libro na kapareho ng nakita ko sa tent niya nang bumisita kami ni Judas. "This person is scheduled to die in three days. We need to act fast before the time is over."

━━━━━━━༺༻━━━━━━━