webnovel

Pinky Promise (chingniii)

What if kailangan mong magpanggap bilang kakambal mo. Ang malala pa pati sa boyfriend nito. Matatagalan mo ba? Makakaya mo bang hindi mafall? Ehh, paano kung yung boyfriend ng kakambal mo ay ang childhood sweetheart mong matagal mo nang hinihintay dahil sa "Pinky Promise" nyo? Tunghanayan ang istorya ni Laine.

chingniii · Teen
Not enough ratings
11 Chs

Chapter 8

Chapter 8

Pagdating ng break ay ako lang mag-isa ang nakain. Hindi ako sumabay kay Jerimae, kasi hindi ko makalimutan yung sinabi nya knina.

Tahimik at nakayuko akong naglalakad mag-isa. Ganto naman talaga ako. Mag-isa at laging mag iisa, at isa pa ay wala akong kilala sa kanila. Kung makikihalubilo naman ako ay baka malaman pa nilang nagpapanggap ako, mas mabuti na din ito.

Nakayuko ako, kasi ang daming natingin sa akin. Hindi ako sanay. Pagkapasok ko palang ng Canteen ay madami na ang nakatingin sa akin.

Dumaretso ako sa bilihan at bumili. Pagkatapos ay inilibot ko ang aking paningin sa buong Canteen. Madaming tao, napatigil ako ng may makita akong isang babaeng nerd na kasama ng dalawang babae.

"S-Sorry." nauutal na sabi nung babaeng nerd sa dalawang babae.

Nakita kong basa ang blouse noong isa sa dalawang babaeng kaharap noong nerd. Natapunan nya siguro?

"Anong magagawa ng sorry mo?! Matutuyo ba ko nyan!?" sa pag sigaw ng basang babae na yun sa nerd ay madami ang napatingin sa kanila.

Napailing ako, nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Siguro naman may magagawa ako diba? Ako naman si Liane ngayon diba? Kaya mo yan Laine! Aja-aja!

Nakita kong akmang pupunasan nung nerd ang babaeng basa ang blouse subalit tinabig nito ang kanyang kamay sanhi ng kanyang pagkatumba. Hindi ako nakatiis at nilapitan ko sila.

"Miss, hindi naman ata tama na itulak mo sya at sigawan." sabi ko sa dalawang babae, sa pag sulpot ko ay nakita kong namutla ang dalawa at hindi makakibo.

"Miss, tulungan na kita." tinulungan kong tumayo ang babeng nerd. Pagkatayo ay hinarapa ko ulit ang dalawang babae.

"Wag nyong tangkaing balikan sya. Or else ako ang makakalaban nyo. Lets go nerdy." pagbabanta ko at inaya nang umalis sa Canteen.

Tumigil kami sa isang bench, umupo kaming dalawa doon. Nakayuko lang sya sa tabi ko. Naaalala ko ang sarili ko sa kanya.

"T-Thank you." mahinang sabi nito, pero umabot pa din sa tenga ko.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko na medyo nag aalala. Ang lakas ng pagkakatulak sa kanya, sigurado akong masakit iyo.

"O-Oo, ayos lang ako. S-Salamat ulit." mahinang sagot nito. Tumango naman ako at ngumiti.

"Chesca nga pala." pakilala ko, kahit siguradong alam nya. Napatingin sya sa akin na nagtataka. Doon ko nakita ang mga mata nyang natatakpan ng makakapal na salamin.

"A-Alam ko. Sino baman ang hindi makakakilala sayo diba? D-Dapat hindi mo na ginawa yun ihh." sagot niya at muling yumuko.

Napabuntong hindi ako sa sinabi nya.

"Ganoon ba kasikat si Liane?" wala sa sarili kong na banggit. Muli syang tumingin sa akin na puzzle.

"B-Bakit? Ikaw naman si Liane ahh?" sabi nya dahil sa sinabi ko. Napailing ako doon na lalong ikinakunot ng noo nya.

"Sana nga ihh. Pero hindi ihh. Kakambal nya lang a--." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla nalang may tumawag sa pangalan ko.

"Chesca!!!" napalingon kami pareho ng kasama ko sa tumawag sa akin.

Namamadaling naglakad si Steven palapit sa akin.

"Chesca, ayos ka lang ba? Nalaman ko yung ginawa mo ahh?? Akala ko mapapaaway ka na naman ihh." nag aalala nyang tanong sa akin habang sinusuri ako.

Mapapaaway? Ibig sabihin nakipag-away na dati si Liane? Kaya ba ganoon nalang ang takot ng dalawang babae sakin noong nakita ako?

Nakita kong napansin nya ang kasama ko.

"Hi, ikaw ba ang tinulungan ni Chesca? Rence nga pala." tanong at nag pakilala din dito. Pero tulad ng kanina ay ganoon ulit ang sinabi nya.

"Kilala ko kayo. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa inyo." mahinang sabi nito. Napasimangot naman si Steven na parang na disappoint sa sinabi nito, pero maya maya lang ay ngumitl din.

"Mitchie Valdez right? Ang Valedictorian natin noong high school. Sino baman ang hindi makakakilalala sa iyo ihh ang tali-talino mo." pambawing sabi nito na ikinagulat ni Mitchie.

Nakita kong namula ito. Medyo na weirduham ako sa asal ng dalawang ito kaya sumingit na ako.

"Ehem," kunwaring ubo ko.

"Ay, Time na. S-Sige alis na ako." paalam ni Mitchie at tsaka umalis.

Nagkatinginan kami ni Steven, nakita ko sa mata nya ang kaninang pa aalala ay nawala at napalitan ng lamig.

"Tara na. Hatid na kita." sabi nya sakin kaya tumayo na ako. Tahimik kaming dalawa habang naglalakad papunta room hanggang sa makarating ng room.

"Intayin kita mamayang uwian ahh?" tumango naman ako at pumasok na sa loob.

Tamik na bumalik ako sa upuan ko. Habang nag-iintay ng hihintay ay nakatingin ako sa bintana.

Nag-iisip ng mga bagay bagay. Tulad nalang ng nangyari kanina.

**

"Mitchie Valdez rigth? Ang Valedictorian natin noong high school. Sino baman ang hindi makakakilalala sa iyo ihh ang talitalino mo."

**

Bakit parang may something na hindi ko alam?

Natigil ako sa pag-iisip nang dumating ang teacher. Dalawang subject pa ang dumaan hanggang sa mag lunch. Mag isa akong kumain sa canteen, pagkatapos ay sa Library nagpalipas ng oras.

Mabilis lumipas ang oras, hanggang sa dumating ang uwian. Pinaka huli akong lumabas ng room. Hindi ko din masyadong napapansin. Lagi kasi syang nawawala.

Pagkalabas ko ng pintuan ay sumulpot agad sa akin si Steven.

"Tara na?" aya nya agad at kinuha sa akin ang mga bitbit kong libro. Tumango nalang ako at ibinigay sa kanya.

Tahimik kami pareho nang may biglang nagtext sa akin.

From: Ate Akie

Hindi ka masusundo ni Mang Mario, magbyahe ka nalang daw mag-isa.

Nagulat ako sa text ni Ate Akie. Paano ako nito?! Hindi ako nagsalita sa amin dalawa hanggang sa makalabas ng gate.

"Hmm? Dito nalang ba?" tanong nya na ikinagulat ko kaya tumango agad ako.

Hindi nya ba hinahatid si Liane? Hmm. Siguro nga hindi, kaya nga naaksidente si Liane ihh.

"Ahm, oo. Dito nalang ako. Salamat sa paghatid." sabi ko bago sya tuluyang umalis.

Hays. Anong klaseng boyfriend ba sya? Ang alam ko dapat lagi mong hinahatid ang girlfriend mo pauwi at hindi pinapabayaan.

Paano ko makakauwi nito? Ni hindi ko nga alam ang address nila Liane ihh. Paano ako nito? Huhuhu. I wish someone will help me.