webnovel

Pinky Promise (chingniii)

What if kailangan mong magpanggap bilang kakambal mo. Ang malala pa pati sa boyfriend nito. Matatagalan mo ba? Makakaya mo bang hindi mafall? Ehh, paano kung yung boyfriend ng kakambal mo ay ang childhood sweetheart mong matagal mo nang hinihintay dahil sa "Pinky Promise" nyo? Tunghanayan ang istorya ni Laine.

chingniii · Teen
Not enough ratings
11 Chs

Chapter 7

Chapter 7

"Chesca," nilingon ko si Rence ng nakangiti.

"Bakit?" masaya kong tanong. Lumapit sa akin si Rence at pinisil ang pisngi ko.

"Ang cute, cute, cute mo!! Ang taba mo! Ang lulusog ng mga pisngi mo!" natatawa nya sabi, habang pinipisil ang pisngi ko.

"Aray! Huhu. Ang sakit ng kurot mo." daing ko sa sakin, natawa pa din sya ng itigil ang kurot sa pisngi ko.

"Ang lulusog kasi talaga ng pisngi mo. Hihi." pang aasar nya pa na lalo kong kinanasimangot.

Napatingin ako sa bitbit nyang plastic bag.

"Ohh? Ano yan?" takang tanong ko.

"Ito?" kinuha nya ang laman at ibinigay sa akin. Napangiti naman ako.

"Ice cream at cupcakes, para hindi mamayat ang pisngi mo."

**

"Laine, gising na. May pasok ka na." naalimpungatan ako sa nagsalita.

"La naman. August pa pasok ko ihh." sabi ko, tsaka nagtalukbong.

Ang ganda ganda ng panaginip ko ihh. Naging bata ulit ako. Kasama ang kababata kong si Rence.

"Laine naman. Ikaw ngayon si Liane, kaya tayo na." napabangon ako doon.

Oo nga pala. I'm Liane now, at wala ako sa amin. Wala rin si Lola.

"Luh! Late na ata ko!" nasambit ko at agad na tumayo.

"Don't panic okay? 7:30 pa ang klase mo. 6 palang. One more thing, hindi kita masasamahan kaya wag na wag mong kakalimutan ang notebook na binigay ko sayo. Ayan ang bag ni Liane, at yan ang uniform." bilin nito bago sya lumabas ng kwarto.

Nakita ko sa study table ang bag at ang mga libro, sa upuan naman ay ang uniform.

Kinuha ko ang towel bago pumasok ng banyo para maligo. Nang matapos ay sinuot ko na yung uniform.

Hindi ako sanay sa iksi ng palda kasi medyo mataas ng kalahating dangkal sa tuhod, ihh taas ng tuhod ang sinusuot ko.

Nang patapos akong magbihis ay pinalitan ko ng bagpack ang bag ni Liane. Mas sanay ako sa bagpack.

Bitbit ko nalang ang mga libro, nasa ibabaw nito ang notebook information. Bumaba na ako para makapag almusal na.

"Whoa! Liane! Ikaw na ba yan?!" gulat na tanong nya sa akin. Napasimangot na lang ako.

"Joke lang. Ang ganda mo kasi. Sana ako lang nakakahalata noh? Sana ako lang." sabi nya na hindi ko nalang pinansin at kumain na.

"Tandaan mo yung mukha nung bestfriend ni Liane na si Jerimae, sya yung nilagay ko na nasa second page." tumango naman ako. Nang matapos at inihatid ako ni Mang Mario. Habang nasa byahe ay tinitignan ko ang notebook.

Nathalie Jerimae Ortega

16yrs. old

January 12,****

Bestfriend ni Liane

Hobbies: Volleyball, Singing, kumain at matulog

She was the only bestfriend of Liane since Grade1. They have the same personality.

"Ma'am, nandito na po tayo." sabi ni Mang Mario kaya lumabas nako.

"Salamat po sa paghatid." sabi ko isara ang pinto ng kotse. Umandar at umalis na ito.

Napabuntong hininga ako. Mag-isa na naman ako. Ang malala pa, dito sa school nila Liane.

Ano kayang status ni Liane sa school nila? Halata naman. Sobrang layo namin sa status ng isa't isa. Yung tipong isa sya sa mga campus princess, ako? Miss Nobody, Loner, etc.

'Laine, kaya mo yan.' naglakad nako papasok ng gate. Ipinakita ko ang I.D. ko para makapasok na ko. Pagkapasok ko palang bumungad na sa akin si Rence.

"Hi Babe." bati nya sa akin. Nginitian ko nalang sya.

"Hatid na kita sa room nyo." tumango naman ako. Tahimik lang kami pareho hanggang sa makarating kami sa room ko.

"Mamaya nalang ahh?? Iloveyou." paalam nya na parang nagmamadaling umalis. Hindi ko nalang yun pinansin.

Pumasok na ako sa loob, pero hindi ko alam kung saan uupo. Inisa isa kong tignan ang mga pangalan ng upuan, hanggang sa nakita ko ang Franchesca Liane S. Briones sa tabi ng bintana, kaya doon ako umupo.

Tinignan ko ang oras, 6:50 palang tinignan ko ang mga notes ni Liane, para hindi ako nga-nga mamaya sa klase.

"Hey, kailan ka pa nagpanerd?" bigla nalang may sumulpot na babae sa harap ko.

Ahh!? Sya si Jerimae? Ang ganda nya naman. *o*

"Alam ko namang maganda ko. Wag mo na kong titigan baka mainlove ka pa sakin. kawawa naman si Rence nyan." ngumiti nalang ako sa kanya. Napansin kong kumunot ang noo nya sa ginawa ko.

"Alam mo, may kakaiba sayo. Iba yung ngiti mo. Parang hindi ka si Chesca!" nanlamig ako sa sinabi nya. Hindi ako nakakibo. Nagulat ako, nang bigla nya kong yugyugin.

"Alien ka ba? O sinapian ka?! Masamang espirito, lumabas ka sa katawan ni Chesca!" para syang sira na kung ano ano ang sinasabi sa akin.

"Ahh! Teka nga! Itigil mo ang pagyugyog mo sa akin. Ako to ohh. Si Chesca! Ano ba ireh!" tumigil naman sa sinabi ko, pagka tapos ay niyakap ako ng mahigpit.

"Waaahhh!! Namiss kita Chesca! Ilang araw ka nang hindi nagpaparamdam sa akin. Huhu, akala ko kung napaano ka na ihh." hindi ako nakakibo sa ginawa nya.

Naiyak sya? S-Sa akin? Hala, anong gagawin ko? Hindi ako marunong mag comfort.

"Chesca, huhu. Sobrang nag aalala ako sayo. Buti nalang ngayon nandito kana." duktong nya pa habang nakayakap pa din sa akin. Hinimas himas ko nalang ang likod nya bilang pagcomfort.

"Shh, hayaan na natin yun. Sorry kung hindi ako nagparamdam sa iyo. Na hack at nawala phone ko." paliwanag ko para gumaan ang pakiramdam nya.

Medyo naramdaman ko namang tumahan na sya, dahil lumuwag ang yakap nya sa akin. Maya maya ay kumawala na sya sa yakap.

"I miss you." natigil ang pagdadrama ni Jerimae ng dumating ang prof.

Tahimik ang lahat sa buong klase, may iba naman na hindi masyadong nakikinig. Habang ako focus lang sa prof habang nagnonotes.

"Okay class. Dismiss." nag unahang lumabas ang mga kaklase ko. Habang ako ay naka upo pa din. Tinitignan ang notes ni Liane.

Tahimik lang akong nabubuklat, nagbabasa ng notes.

"Whoa! Sipag ahh!" napatingin ako sa nagsalita. Nginitian ko lang sya.

"Nawala ka lang sumipag ka na ahh?" natawa nyang sabi, napailing nalang ako. Hindi nalang ako umimik at nagpatuloy sa ginagawa ko.

"Chesca, alam mo nag aalala talaga ko sayo. Akala ko na naaksidente ka, na nabangga yung kotse mo kaya hindi ka nakapasok." napatigil ako sa sinabi ni Jerimae. Tinignan ko sya.

Paano nya nasabing ganun nga? May alam ba sya.

"Bakit mo nasabi yon?" seryosong tanong ko habang nakatingin sa mga mata nya. Agad syang umiwas ng tingin.

"H-Ha? W-Wala!" napansin kong hindi sya mapakali, maya maya ay tumawa sya.

"Hahaha, Akala ko lang naman ihh. Ikaw talaga. Ay! Ayan na pala si Prof." agad na syang bumalik sa upuan nya.

Buong klase ay hindi ako masyado nakapag focus. May kutob kasi ako.

Paano nya na sabi iyon? Lalo sa bestfriend. Hindi kaya?