webnovel

Perfectly Unique

"Yes I am a rebel but not totally because I have my horns under my halo." She almost had everything. The money, freedom and fame but she's not happy with it. She is looking for love and attention- she just found it in her friends but suddenly figured out that she is just more than friends to them and leaving her confused thinking what would she do and choose.

Purplaxx · Teen
Not enough ratings
7 Chs

Chapter 6

"I like you."

Gusto kong matawa sa sinabi niya. Ako, gusto niya? Gustong ano? Maikama? Kaibigan? Ka-ibigan? Psh.

'I like you' lang iyan Nel hindi 'I love you'

Nginitian ko lang siya. Hindi ko na inisip kung anong ibig sabihin ng sinabi niya. Prente lang siyang nakaupo. Naka patong pa yung braso niya sa katabing monobloc.

Maya maya pa ay may pumasok na dalawang lalaki. Siguro ka age lang namin. Kumuha sila ng tatlong beer at mani na pulutan. Pagkakuha no'n, isinunod ang ice bucket at baso. Panay ang tawanan nung dalawa habang umiinom pero hinahayaan nalang namin. Tutal inuman naman ito at di 'yun maiiwasan.

Nagkuwentuhan lang kami pero minsan talaga hindi maiiwsang mapunta tungkol sa mga magulang at buhay ko ang topic. Panay kasi ang kwento ni Hannah tungkol sa mga ganap ng birthday niya pagkatapos ako naman ang sinabihan niyang magkuwento. Ngumiti lang ako sa kaniya at hindi na nagsalita. Hindi naman na niya ako pinilit.

Saktong paglagok ko ng laman ng shot glass ay siyang pagpasok ng apat na lalaki. Hindi ko alam pero sa amin sila nakatingin. Kumuha sila ng apat na beer at pumuwesto sa tapat namin sa harap, isang lamesa ang pagitan. Tahimik lang silang umiinom. Pilit ko naman silang hindi pinansin. Pilit kasi pa'nong hindi mo mapapansin eh puro sila mga naka Black, parang galing sa patay amputa.

Mahigit sa kalahati na ang naubos namin, ramdam ko na rin ang pag-iinit ng pisngi ko. Medyo tinatamaan na pero kaya pa naman. Tatayo sana ako para bumili ng pagkain nang magulat dahil biglang tumayo yung medyo matangkad sa mga lalaking nakaitim at agad na sinugod at sinuntok si Laurel. Masyadong mabilis yung kilos niya kaya sobrang na bigla kami. Napuruhan siya sa kaliwang pisngi. Napatili si Hannah at nang makarecover ay agad na dinaluhan si Laurel na nasa sahig na.

"Ay putang ina!" sigaw ko sa gulat. Napatayo ako at masamang tinignan ang sumuntok.

Nagulat ako ng makita na pati yung tatlong bugok nakatayo na rin. Putang ina, apat laban sa isa? Hindi pwede 'yun!

Susugurin ko na sana yung lalaking sumuntok kay Laurel nang makita ko yung dalawa sa kabila ng mesa na nakatayo na rin. Hindi ko alam kung bakit, pero nakatingin lang sila sa tatlo. Parang minamanmanan ang bawat kilos. Napatingin din ako sa tatlo pero nanatili lang silang nakatayo roon. Ilang sandali pa nasa katabing lamesa na namin sila mismo. Malapit sa likuran ni Laurel na nakaupo.

"Ano 'bang problema mo ha?" inis na tanong ni Laurel na ngayon ay nakatayo na sa lalaki na medyo matangkad.

"Problema ko?!" at agad siyang sinuntok sa kanan naman.

Sa lakas ng suntok ay napaupo ulit sa Laurel pero agad ring tumayo at sinuntok iyong lalaki na tumama sa kanan niyang mata.

"Gago ka ah! Nakaka dalawa ka na, tang ina ka."

Pipigilan ko na sana ng biglang nagrambol na din yung dalawang lalaki na nasa katabing mesa at tatlo pang lalaki na kasama ng sumuntok kay Laurel. Iyong moreno sa katabing lamesa ay sinuntok iyong medyo matangkad na lalaki. Iyong chinito ay agad sinugod iyong susuntok sana sa morenong lalaki patalikod.

Hindi ko alam kung paano kong tinakbo mula sa pwesto ko papunta roon sa pwesto ng chinito para hilain siya dahil nakita kong sasaksakin siya nung isa pa. Pagkahila ko ay naisaksak nung lalaki sa ere iyong maliit na kutsilyo, agaran kong hinila iyong pulsuhan ng kamay niyang may hawak na patalim saka tinuhod at agad na inagaw iyong hawak niya bago siya nawalan ng balance at mahilo hilong napaupo. Nanginginig at nanggigigil kong hinawakan iyon, nagdidilim na ang paningin.

"Hindi mo ba alam na pwede kang makapaty gamit 'to? Kung hindi mo alam, susubukan ko sa'yo."

Nakita ko kung paanong mas lalo siyang nainis sa sinabi ko habang sapo ang ilong niyang namumutla at dumudugo. Pamilyang ang signature na pocket knife na hawak ko kaya tinignan ko ang kanang braso niya, naghahanap ng kung anong senyales. Napangisi ako ng makita iyon.

"Alam mo ang parusa kapag lumalabag tayo sa batas hindi ba?" habang nakatingin sa braso niyang merong marka.

Sa umpisa ay nagtataka pa siya pero nang ginawa ko ang senyal at nang makita kung saan ako nakatingin ay nakita ko kung paanong parang nawalan ng dugo 'yong mukha niya. Nilaro laro ko naman iyong kutsilyo sa kamay ko, nangangating ibato iyon diretso sa kaniya.

"Bago ka umatake, siguraduhin mo munang kilalang kilala mo yung susugurin mo dahil hindi mo alam kung anong kahihinatnan mo kapag nagkataon. Para kang sumugod ng giyera na wala kang dalang kahit ano."

Nakita ko kung paano siyang lumunok sa kaba. Nakakatawang isipin na kahit papaano ay may pakinabang din pala ang may nalalaman ako kahit tungkol dito.

Pinigilan ko ang sarili kong ibato ng tulyan sa kaniya yung patalim na hawak ko dahil mahirap na, baka sa DSWD ang diretso ko. Lumingon ako sa likod at nakita kong iyong moreno ay nadehado dahil napahiga na siya at pinatungan na nung lalaki ng ka samahan noong mga nakaitim.

Agad akong tumakbo at sinipa siya sa kanang bahagi ng ulo niya Sorry nakayuko ka kasi.

Hindi ko alam kung gaano ka lakas iyon dahil napahawak siya sa bahaging nasipa ko at namaluktot sa sahig. Iyong chinito ay nawalan na ng kasuntukan dahil inawat na nung nakausap ko kanina.

Agad akong napalingon nang makita ko iyong moreno na biglang sinuntok iyong matangkad na lalaki na siyang sumuntok kay Laurel na ngayon ay nakahiga na. Isasaksak na sana nito yung hawak niyang kutsilyo doon sa moreno nang pigilan siya ng dalawa sa mga kasamahan niya. Gumawa ng senyal at saka galit na patingin kay Laurel.

"Babalikan kita." Banta niya kay Laurel bago siya tuluyang umalis kasama yung tatlo pa.

"Jusko. Ayos ka lang ba Laurel?"  tanong ni hannah na dinaluhan si Laurel.

"Ayos lang ako."

"Sino ba 'yon? Bakit bigla ka nalang sinugod?" kalmadong tanong ko.

"B-baka jowa nung isa sa mga naka... Ano."

"Ano?" tumaas ang kulay ko sa tanong.

"Alam mo pre, nakaka bawas ng life percentage 'yang pagiging fuckboy mo." sabi nung moreno na lalaki ng tumulong sa amin.

Iniabot nung chinito iyong kamay niya kay Laurel. Tinanggap niya naman ito saka siya nagpaalalay para makatayo. Pinagpagan niya pa ang sarili.

"I know. Iniisip ko na ngang mag bago eh." saka siya sandaling sumulyap sa'kin saka ibinalik ang tingin sa katawan.

Nagkaroon siya ng sugat sa parehong siko at braso. Namamaga rin iyong kaliwang pisngi niya at bitak ang itaas na labi. Shete.

"Magtutuloy pa ba tayo? Napaaway na eh."

"Seryoso ka? Nabugbog na akong lahat iinom parin tayo?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Laurel.

"Pwede naman kaming uminom ng wala ka. Umuwi ka na kung gusto mo, wala namang pipigil." nagkibit ako ng balikat saka preskong umupo ulit sa upuan ko kanina.

Inayos na ni Hannah iyong mga natumba ng mesa at upuan kanina. May isang upuan na nasira at lamesa. Bayaran ko nalang siguro mamaya? Marami naman akong perang dala.

Umupo na si hannah sa katapat na upuan ko, yung moreno at chinito sa kanan ko. Si Laurel ay nagbuntong hininga na umupo sa kaliwa.

"Kuha pa nga kayo ng beer. Eto bayad." utos ko roon sa dalawang bago. Nagkatinginan lang sila, maya maya pa ay tumayo iyong chinito par siya na ang bibili.

"So, lagi ba kayo rito?" tanong ko sa moreno.

"Lagi mo ba kaming nakikita?"

"Bakit ba kailangang tanong din ang isagot mo sa tanong ko?"

"Eh bakit ba kasi ganiyan ang tanong mo?"

"Tang inang 'yan. Tinatanong ko lang."

"Pikon." saka siya tumawa. Anong nakakatawa?

"Hindi bago lang kami dito. Ngayon nga lang kami napadpad dito tapos ganun pa madadatnan namin. Lagi ba yun?"

"Lagi mo ba nakikita?" panggagaya ko.

Napakamot nalang siya ng batok at saka tumawa nanaman. Ano bang nakakatawa? May sayad ba 'to?

"Ang pikon mo talaga."

Bumalik si chinito na may dalang isang case. Uh, okay? Atay, kapit lang. Mahal kita.

Tinutungga nalang namin iyong beer. Panay ang tawa ng dalawang bagong dating. Panay rin ang pamimilosopo. Minsan natatawa nalang ako dahil nagkakainisan na si Hannah at iyong Jaime, si moreno.

"Pwede bang sumagot ka naman ng maayos, yung may sense na sagot."

"May sense naman ang sagot ko ah? Tama naman ako. Tanong mo saan kaminlaging umiinom, sabi ko sa baso. Anong mali do'n?"

"Ang ibig kong sabihin, kapag umiinom kayo ng alak, saang specific na place kayo lagi?"

"Minsan sa bar, minsan sa mga tulad lang nito na inuman. Ganun." si Clyde na yung sumagot, si chinito.

Natatawa nalang ako sa kanilang dalawa.

Sa ganiyan nagkatuluyan lolo at lola ko noon. HAHAHAHA!

Hindi na namin naubos iyong natirang kalahati na case ng beer kaya ipinatago ko nalang muna tutal ay kilala ko naman iyong may-ari. Saka ko napagdesisyonang magpahinga kaming lahat sa hotel nalang.

"Ano?! Hindi! Kawawa naman ang katawan ko. Ayaw ko pang maging ama. Hindi pa ako handa!" Madramang sabi ni Jaime.

"Gago. Nasa iisang kwarto tayong lahat, sabihin mo paano ka magagahasa roon?" si Laurel.

"Malay ko ba kung pagtulungan niyo kami. Baka kakampi ka ng dalawang iyan." Si Clyde naman ngayon.

"Ulol. Tara na. Antok na ako. Bilisan niyo bago pa magbago isip kong pumunta ng bar mamayang gabi."

"Diba hindi pwede ang minors sa club?" si Hannah na ngayon ay nagtataka sa sinabi ko.

"Trust me. I am like BDO. I find ways." I smiled and winked at her.

I saw how she blinked her eyes few times because of the wink. Natawa nalang ako sa kaniya.

Bago pa ako tuluyang makalabas ay sumunod na siya sa akin.

Hey guys. This story is also published on the Wattpad app and I also had the same username there, maybe you can try it there? Thanks for the 725 reads. Love looooots.

Purplaxxcreators' thoughts