webnovel

Naramdaman ko na ligtas ako

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Aksidenteng nahawakan ni Ye Wan Wan ang leeg ni Gong Xu at nagulat siya nung naramdaman niya na basang-basa ito ng pawis.

Kinakabahan pala talaga ang lalaking ito...

Naramdaman ni Gong Xu ang maingat na kamay na bumabalot sa kanyang leeg at dahan-dahan din nitong hinahaplos ang kanyang balat. Siya ay patang tuta na walang tali sa leeg dahil pinakawalan na siya ng amo niya at dinala siya sa kanyang tahanan.

Naramdaman ko talaga na ligtas ako...

Biglang tumibok ng malakas ang puso niya noong naramdaman niya ang malalambot na daliri ni Ye Wan Wan sa kanyang leeg, hanggang sa nakalimutan na niya ang rason kung bakit siya kinakabahan...

Bago i-anunsyo ang nanalo ng Best Actor, bigla munang humarap ang camera sa mga nominees at pinakita rin ang ilang mga cast, crew at mga boss ng mga kumpanya.

Parating nakaharap ang camera kay Pei Heng at Ye Yiyi, na parang may pinaparating sila...

"Okay, tama na ang daldalan. Iniimbitahan na namin ang aming guest presenter na si Directle Sun Dong Yu, para sabihin sa atin kung sino ang nanalo ng Best Actor Award! Welcome, Director Sun!"

Ito na ang oras kung kailan i-aanunsyo ang panalo...

Tinanggap ng guest presenter na si Sun Dong Yu, ang envelop sa host at sinabi, "Maganda gabi. Malaking karangalan sa akin na maimbita dito para ipresenta sa inyo ang award na ito…"

Halos mapunta sa ngalangalahan ang puso ng mga manonood sa sobrang kaba. Sa screen, makikita ang kaba sa mga nominees kahit na pilit nilanh tinatago ito at pinapakalma ang kanilang mga sarili.

"Si Ji Wen Jing yata ang panalo. Talentadong aktor talaga ang artista ng Worldwide na si Wen Jing. Tatlong beses na siya na-nominate, kaya baka siya naman na ang panalo ngayon?"

"Maangas rin ang pagpapakilala ng dark horse na si Han Yi…"

"Ah, tama na ang panghuhula, hindi ito nakakasabik. Si Pei Hemg siguro ang panalo? Retirado na siya noong una. Daang milyon ang ginastos ng Emperor Sky Entertainment para lang tanggalin sa pagre-retiro si Pei Heng, at para makuha niya ang award na ito! Determinado talaga silang manalo!"

"Malaki ang tsansa na si Pei Heng ang mananalo. Napanalunan na ng Luo Shen's Legend ang Best Director ag Best Film. Ang mga awards na ito ay marka na makukuha rin nila ang Best Actor at Best Actress!"

Si Pei Heng talaga ang inaasahan nilang mananalo ng Best Actor.

Sa ilalim ng entablado, mayabang na nagsalita ang producer na katabi no Ye Yiyi. "Huwag kang mag-alala, Miss Yiyi! Napanalunan naman na ng Luo Shen's Legend ang Best Director ag Best Film, kaya panigurado na makukuha niya ang Best Actor! Pinaghandaan ko na ang selebrasyon para dito!"

Nanatili ang seryosong itsura ni Ye Yiyi habang humahangang nakatingin sa kanga ang mga tao, at tumango siya. "Salamat sa kasipagan mo, Producer Xue."

Sa taas ng entablado, nag-usap muna sila Sun Dong Yu at ang host hanggang sa matagal nilang pinahintay ang mga tao bago niya binuksan ang envelope. Nawala ang mga nagdadaldalan at kahit ang mga maliliit na mga tunog ay naririnig.

Ang lahat ng mga mata ay nakatinginkay Sun Dong Yu.

Nagsimulang magsalita si Sun Dong Yu, "Para sa Golden Orchid Awards ng taong ito…"

Kalmado lamang si Ye Wan Wan at si Ye Mu Fan ay nakatitig ng maigi sa entablado. Huminga ng malalim si Luo Chen at sinara niya ang kanyang mga mata.

Nagpatuloy si Sun Dong Yu, "Ang nanalo ng Best Actor ay si Luo..."

Tumingin ang mga tao kay Pei Heng nang marinig nila ang sinabi ni Sun Dong yu na "Luo."

Ah, nanalo pala ang Luo Shen's Legend tulad ng inaasahan ng lahat...

Kalmado lang rin ang itsura ni Ye Yiyi habang ang nakangiti na si Producer Xue ay naghahandang yakapin si Pei Heng.

Gayunpaman, sumigaw ng biglaan si Sun Dong Yu at halos sumabog ang tenga ng mga manonood. "Si Luo Chen!!!"

Nanahimik ng isang segundo ang lugar na iyon noong narinig nila ang pangalan niya.

Ano?!

Anong sinabi ni Sun Dong Yu?!?!?!