webnovel

Kinakabahan ako

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa That Summer at Luo Shen's palang, pinangunahan na kaagad ng Emperor Sky Entertainment ang parehong box office at ang kasikatan sa taong ito, kaya umani talaga sila sa kanilang mga tinanim.

"Ang natitira na lamang ay ang Best Actor at Best Actress…" malumanay na binulong ni Ye Mu Fan.

Lumisan ang walang pakialam na itsura ni Gong Xu kanina noong nakita niya na susunod nang i-a-anunsyo ang nanalo ng Best Actor sa malaking screen...

Sabik na sabik ang mga tao sa ilalim ng entablado. Biglang nagising ang kaninang mga inaantok na mga manonood dahil sa matagal na proseso ng seremonya at nakatutok sila sa entablado habang nakikipagbulungan sa kanilang mga katabi.

"Ang mga susunod na award na i-aanunsyo namin ay ang tinututukan na award ng lahat, at iyon ang Best Actor! Sino kaya mananalo bilang Best Actor ng taong ito? Tingnan niyong lahat ang screen. Ang mga nominations sa kategoryang ito ay ang Luo Shen's Legend…"

Pinakilala ng host ang limang pelikula na na-nominate sa taong ito.

Noong makarating ang host sa huling pelikula, ang Life and Death Struggle, biglang tinitigan ng mga nagtatakang mga mata ng mga manonood sila Luo Chen at Gong Xu.

"Tut tut, magandang palabas ang mapapanood ng lahat!"

"Tama 'di ba? Mismong inanunsyo ni Gong Xu sa publiko ang sinabi niya mag-livestream raw siya na kinakain ang tae kapag hindi niya nakuha ang Best Actor at sinama niya pa dito si Luo Chen. Wala siyang takot, huh…"

"Tingnan mo kung sino nga naman ito! Kailan ba titikom ang bibig ng Gong Xu na 'yan? Nakakabighani pa rin ang katotohanan na na-nominate siya!"

"Kailangan rin sumikat at ng atensyon ng mga organizers, kaya lalo nilang pinapasikat sa headline ang Best Actor. Hindi naman ito ang unang beses na ginawa nila ito. At tsaka, pinagbawal nang i-ere ang Red Lotus; kaya paano sila ma-no-nominate kung hindi mangyayari ito? Tingnan mo ang ibang mga pelikula, kayang sirain ng mga ito ang pelikuka nila! Nandito lamang ang mga ito para punan ang bakanteng pwesto…"

Pinakita ang snippet ng kanilang pelikula ang makabayaning eksena kung saan si Xue Shao Yang ay nada bingit na ng kamatayan habang hawak siya ni Luo Chen.

Ang sinag ng araw ang katulad ng dugo, at tumulo ang mga luha sa mukha ang patay at madugong mukha ng binata, at mabilis nitong pinaramdam sa mga manonood ang lubhang kalungkutan.

Walang kibo na nakatitig si Luo Chen sa malaking screen at tila pinapasma ang kanyang mga palad.

Umangal at nagreklamo si Gong Xu: "Bakit niyo naman ginamit yung pagkamatay ko, ang malas ko naman…"

Puno ng pag-asa si Gong Xu na tumingin kay Ye Wan Wan, pagkatapos niyang sabihin iyon. "Brother Ye…"

Hindi siya tiningnan ni Ye Wan Wan at sinabi lamang nito, "Gusto mong suotin ko iyon? Manalo ka muna ng Best Actor."

Gong Xu: "…"

Walang puso...

"Napakahirap ng kompetisyon para sa Best Actor ng taong ito. Kasama sa nominees ang baguhan na biglaang nakapasok sa finals na si Han Yi; ang talentadong aktor na tatlong beses nang na-nominate, si Ji Wen Jing; ang talentadong abot langit ng hari na dalawang beses nang nanalo ng Best Actor at karapat-dapat lamang sa kanya ang parangal na ito, si Pei Heng; at gayundin ang dalawang male leads ng A Life and Death Struggle na parehong nominee, sila Luo Chen at Gong Xu…"

Makabagbag damdamin na nagsalita ang host para bigyan ng kasabikan ang lugar na iyon.

Nagaalalang tiningnan ni Ye Wan Wan si Luo Chen. Pinakita ni Luo Chen na okay lang siya pagkatapos niyang huminga ng malalim at pagkasara niya ng kanyang mga mata.

Nakita ni Ye Wan Wan na nagtinginan si Luo Chen at Gong Xu, at kaawa-awa itong bumulong, "Kinakabahan rin ako, Brother Ye…"

Inirapan siya ni Ye Wan Wan ay hindi niya ito pinansin. Bigla siyang may napansin sa gilid ng kanyang mga mata at nagulat siya.

Naninigas si Gong Xu, na kadalasan ay ginagawa ang kahit anong gusto niya, at hindi ito kumukibo...

Inunat ni Ye Wan Wan ang kanyang mga kamay at dahan dahan niyang hinaplos ang balikat ni Gong Xu.