webnovel

Mapupunta ang posisyon sa taong karapat-dapat

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sumagot ng seryoso si Ye Hong Wei, "Shao An, sinabi ko na sayo noo. Na ang Ye Group ay ang dugo at puso ko, kaya hindi ako magiging bias sa kahit sino. Mag isang prinsipyo lamang ako: Mapupunta ang posisyon sa taong karapat-dapat."

"Totoo na hindi naging maayos ang buhay ni Mu Fan noon, kaya pinarusahan ko siya. Ngayon, binigyan ko siya ng oportunidad para patunayan ang sarili niya. Kailangan niya rin umalis kung hindi niya aayusin ang trabaho niya."

Tulad ng inasahan ni Ye Wan Wan, hindi pinansin ni Grandfather Ye ang mga pangangamba ni Ye Shao An.

Malaki ang importansya para sa buhay ni Granfather Ye ang kumpanya na pinundar niya gamit ang kanyang dugo. Tulad nga ng sinabi niya—isa lamang ang requirement niya sa taong pagmamanahan niya: Mapupunta ang posisyon sa taong karapat-dapat.

Karagdagan lamang ang kaaya-ayang impresyon na iniwan nila sa matanda; ang isang bagay na kinakahangaan ni Grandfather Ye ay ang tunay na abilidad ng isang tao.

Hindi pa rin magbabago ang isip ni Ye Shao An basta't lumabas ang resulta na pwede nilang ipakita, kahit na ilang beses pa na tumalon-talon at gumawa ng komosyon si Ye Shao An at Ye Yiyi.

Lalo na dahil hindi panatag ang pakiramdam ni Grandfather Ye kay Gu Yue Ze.

Noon, napili si Gu Yue Ze sa posisyon na iyon dahil naging magulo ang estado ng Ye family at wala siyang mahanap na tao para gumanap sa posisyon na iyon, kaya pansamantala siyang sumang-ayon na gawing interim general manager si Gu Yue Ze dahil hinikayat siya nila Ye Yiyi at Ye Shao An.

Kaya ang pagdating ni Ye Mu Fan sa Emperor Sky Entertainment ay natapos ng ganun na lamang.

Natapos na ang meeting nito sa madilim na kaganapan. Hindi pinansin ni Ye Shao An ang advice ni Ye Yiyi at hinampas niya ng malakas ang lamesa bago siya umalis.

Sa labas ng conference room:

Tinago ni Ye Yiyi ang selos sa kanyang mga mata. "Mu Fan, welcome back. Magkasama na tayong magta-trabaho ngayon. Pwede mo akong tanungin sa mga bagay na hindi mo maintindihan."

Suminghal si Ye Mu Fan. Siguro nalinlang siya noon sa malumanay at mabuting pinsan na tratong kapatid, pero sa tingin niya ba ay bobo si Ye Mu Fan?

May sasabihin sana si Ye Mu Fan nang bigla niyang napansin na biglang nawala si Ye Wan Wan at Gu Yue Ze. Pasimple niyang sinabihan kay Ye Yiyi, "Hindi importante ang concern mo. Obserbahan mo ng maigi ang fiancé mo at ilayo mo siya kay Wan Wan. Kung hindi, sarili niya lang ang sisisihin niya sa mga parusang haharapin niya!"

Mabilis na umalis si Ye Mu Fan pagkatapos niyang sabihin iyon, para hanapin si Ye Wan Wan.

Lalong dumilim ang itsura ni Ye Yiyi noong tumalikod si Ye Mu Fan.

Sa dulo ng pasilyo na walang tao:

Tiningnan ni Gu Yue Ze ang kakaiba na si Ye Wan Wan at sinuri niya ito ng mabuti. "Wan Wan, congratulations."

Manhid siyang tiningnan ni Ye Wan Wan. "Maging prangka ka."

Sumagot ng maayos si Gu Yue Ze, "Libre ka ba ngayong gabi? Inom tayo."

Kuminang ang manyak na mga mata ni Gu Yue Ze.

Pinagpilitan ni Gu Yue Ze ang sarili niya sa Ye family sa loob ng tatlong taon, kaya matibay na ang kanyang estado sa kanilang pamilya. Hindi pa rin makuha ni Ye Mu Fan ang posisyon ni Gu Yue Ze noon kahit magsikap pa siya.

Kaya hindi siya nagmadali at nalagay lamang siya sa gilid dahil plano niyang makuha ang posisyon na ito.

Ngunit naging interesado siya lalo kay… Ye Wan Wan...

Lalo siyang nagtaka sa babaeng ito...

Bakit hindi niya nadiskubre noon na ang malaswang bobita na ito ay may ugali pala na malandi?

Ayaw sanang pumunta ni Ye Wan Wan, pero hindi niya alam kung bakit nanaig sa kanyang isip ang concern niya kay Gu Yue Ze, kaya pumunta siya. 

Kaya dahil doon, narinig niya si Gu Yue Ze na naglakas ng loob para yayain siyang lumabas.

Si Gu Yue Ze, na nakikita siya noon bilang isang halimaw, ay inimbita si Ye Wan Wan nang may respeto pa sa kanyang pananalita. Sumisikat yata sa kanluran ang araw.

Kailan ba siya umalis sa likuran ni Gu Yue Ze noon at siya pa ay humarap sa pandidiri at tinalikuran pa siya ng lahat?

Ang mundong ito na dumedepende na lamang sa nakikita ng lahat...