webnovel

Eksaktong-eksakto

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang manhid na itsura ni Gu Yue Ze ay nagpamukha na parang hindi nangyari ang ginawa niya noon kay Ye Wan Wan.

Gayunpaman, nakita na ni Ye Wan Wan ang binabalak ni Gu Yue Ze sa kanyang mga mata pa lamang.

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang lalaki sa harapan niya na nagkukunwari na isang gentleman ngunit may tinatagong kamanyakan sa kanyang mga mata. Kaya bigla siyang napatanong, "Gu Yue Ze, nagustuhan ba talaga kita?"

Tumaas ang mga kilay ni Gu Yue Ze. "Anong gusto mong sabihin?"

Nagkibit balikat si Ye Wan Wan. "Wala. Naisip ko lang na baka nabulag lang ako noon, at sobrang gulo lang ng isip ko."

Na-trauma siguro ang utak niya dahil sa pag-atake ng terorista. Kung hindi, bakit niya naman magugustuhan ang isang tao na tulad ni Gu Yue Ze?

Nagulat si Gu Yue Ze kaya nanliit anv kanyang mga mata at bigla siyang ngumisi. "Ye Wan Wan, nananaginip ka pa rin ba at nagde-delusyon hanggang ngayon na gapangin sa kama si Si Ye Han?"

Medyo tumaas ang mga kilay ni Ye Wan Wan. Gapangin sa kama si Si Ye Han?

Hindi naman, 'di ba?

Noong una pa lang, si Si Ye Han na ang gustong makipag-sex sa akin...

May sasabihin pa sana si Ye Wan Wan nang bigla niyang marinig ang mga hakbang sa kanyang likuran. Balisa si Ye Mu Fan na nagmadaling pumunta sa kanya at bigla siyang tumayo sa harapan ng kanyang kapatid. "Gu Yue Ze, anong kailangan mo?"

Ayaw nang ipagpatuloy pa ni Ye Wan Wan ang sasabihin niya kaya agad niyang sinabihan si Ye Mu Fan. "Tara na, kuya."

Gusto pa sanang insultohin ni Ye Mu Fan si Gu Yue Ze pero wala siyang nagawa kundi tumalikod at sundan si Ye Wan Wan.

Nang makarating sila sa kotse, balisa siyang tinanong ni Ye Mu Fan, "Anong sinabi ng g*gong 'yon sayo?"

Inangat ni Ye Wan Wan ang kanyang ulo at walang bahala siyang sumagot, "Siguro gusto niyang magbalik tanaw kami sa nakaraan."

Biglang napamura si Ye Mu Fan. "P*ta! Magbalik tanaw?! G*go! Gusto kang akitin ng g*go na 'yon kasi paragi mo siyang hinahabol noon pero dahil hindi mo na siya pinapansin, sumailalim ka ngayon sa malaking pagbabago at naging maganda ka pa nga! Loko na 'yon! Wan Wan, hindi tayo pwedeng mapalinlang sa kanya! Kilala ko ang mga taong tulad niya!"

Kumibo ang gilid ng labi ni Ye Wan Wan. "..."

Masasabi talaga na siya ay isang tunay na babaero. Masyado niyang kilala ang utak ang mokong na si Gu Yue Ze...

Pagkaalis nila sa kumpanya, kumain si Ye Wan Wan kasama ang kanyang pamilya.

Pagkaupo nilang lahat, biglang pinagsabihan at pinagalitan nila Ye Shao Ting at Liang Wan Jun si Ye Mu Fan.

Sabi ni Ye Shao Ting, "Mu Fan, anong problema mo? Bakit mo tinago sa amin ang isang importanteng bagay? Kinapa at nilakbay ng kapatid mo ang industriya bilang isang babae. Ano na lang gagawin namin kung may nangyari sa kanya?"

Sumagot si Ye Mu Fan, "Hindi ba't ito ang dahilan kung bakit siya nag-disguise nilang isang lalaki? Para lumayo siya sa panganib–"

"Hindi pa rin ligtas kahit na magmukha siyang lalaki!" Umentra si Liang Wan Jun bago pa matapos si Ye Mu Fan sa kanyang sinasabi.

Ye Mufan: "…"

Agad na sumabad si Ye Wan Wan, "Papa, Mama, 'wag niyong siishin si kuya. Ako ang nagsabi kay kuya na tulungan niya akong itago ito sa inyo dahil natatakot ako na baka mag-alala kayo. Tingnan niyo, hindi ba't okay lang ako? Pri-notektahan ako ng maayos ni kuya!"

Agad na nawala ang galit sa saloobin ni Ye Shao Ting, ngunit madilim pa rin ang itsura niya nang sabihin niya, "Wan Wan, ang bahay na ito ay ginawa mong deal kay Chu Hong Guang, tama?"

Noon, sinabi ni Wan Wan na ang bahay nila ay nakuha niya lamang sa kanyang kaibigan, sa tulong ni Ye Bai. Ngayon lang nila napagtanto na ang anak nilang babae ang nagtrabaho ng maigi para makuha muli ang bahay nila.

Lalong kumirot ang puso nila Ye Shao Ting at Liang Wan Jun nang maliwanagan sila sa katotohanan.

"Wan Wan, nagtrabaho ka ng sobra dahil walang kwenta si papa mo!" Punong-puno ng poot at sakit ang mukha ni Ye Shao Ting.

Biglang nagalit si Ye Wan Wan sa sinabi ng tatay niya, "Pa, pamilya tayo! Huwag mong sabihin 'yan! May mga bagay pa kami na hindi alam ni kuya. Naging matagumpay lang kami dahil tinutulungan mo kami noon pa man! Kung wala ka, hindi kami magtatagumpay! Ikaw ang naging ilaw namin!"