webnovel

Paalam Muna Sa Ngayon

Kilalanin ang tatlong characters sa kakaibang kwentong di nyo malilimutan... Ito ang aking First Installment sa aking Ibraim Sorrento Novel Universe... Happy Reading at ihanda ang inyong puso sa pagbabasa.

IbraimSorrento · Urban
Not enough ratings
19 Chs

Chapter 4 - WALLET

Ate? Ang babaeng kaharap ko ay ate nung ninakawan at binugbog ko... bulong ng binata sa sarili.

"Salamat." masayang wika ni Rachael sa lalake. Tila nautal na ng tuluyan ang huli lalo na makakaharap niya ang nasaktang binatilyo.

"Elijah, may nagsoli ng wallet mo." nakangiting sagot ni Rachael dito.

Tumalon naman sa tuwa ang puso ni Elijah at lumakad pa papalapit sa kanyang ate at sa kinaroroonan ng lalake. Ngunit ang ngiting iyon ng binatilyo ay naglaho nang makilala ang lalaki sa labas ng pinto. Gumuhit sa mukha niya ang takot nang magtama ang kanilang mga mata na agad namang napansin ng dalaga.

"B-bakit, Elijah?"

"Ate... s-siya yung kumuha at nambugbog sa akin..."

Sa kabila ng kaba ni Josh ng mga sandaling iyon ay naghari ang awa niya nang makita ang mga pasa sa mukha ng binatilyo. Medyo paika-ika rin ang paglakad nito at hapit ng isang kamay ang tagiliran dahil na rin sa sakit ng mga pasang natamo nito.

"Sorry..." buo ng determinasyon si Josh nang sinabi nya yun. Wala siyang mahagilap na mga salita na ayon sa hinihingi niyang kapatawaran sa sinapit ni Elijah mula sa kanyang kamay.

Nakapako lamang ang tingin niya sa binatilyo kaya naman hindi na niya napansin nang nagpakawala ng isang malakas na sa sampal sa kanyang pisngi at sinundan pa ng mga ilang suntok sa kanyang dibdib mula sa galit na galit na dalaga.

Walang pag-aawat na ginawa ang binata. Sinalo niya lahat iyon at pakiramdam niya ay kulang pa nga ang mga sakit na nararamdaman niya sa nagawa sa nakababatang kapatid nito.

"Ate tama na..." naiiyak at kahit mahina pa ay pilit inawat ni Elijah ang kanyang ate sa pananakit sa binata. Isa pang sampal ang lumatay kay Josh at nalasahan niya ang dugong dumaloy mula sa kanyang labi... "Tama na ate..."

Nakaramdam ng pananakit si Elijah na tumawag ng pansin ni Rachael na buong pag-aalala namang inasikaso agad ang kapatid. Nang mahinto ito sa pananakit ay doon laman napansin ng binata na puno rin ng luha ang mga mata ng dalaga.

Tutulong sana siya sa pag-alalay sa binatilyo na tila nanghihina sa pagkakatayo nang pigilan siya ni Rachael, "Huwag mo siyang hawakan!" Sa pagitan ng pagluha ay nagpatuloy ito, "Anong laban ng kapatid ko sa'yo? May mga mata ka ba ha? Ang payat-payat ng kapatid ko anong laban nya sa'yo?!"

Tila nanliit ang binatang si Josh sa mga tinuran ng dalaga. Totoo ang mga bawat salitang sinabi nito.

"Hindi mo ba alam na-..."

"Ate..." putol dito ni Elijah na tila ba pinigilan niya ang kapatid sa anumang sasabihin nito at muling napailing siya sa matinding sakit gawa ng mga bugbog na tinamo ng mura niyang katawan.

Dali-daling inalalayan ni Rachael ang kapatid ngunit totoong nahihirapan siyang akayin ito. Kahit mas matanda siya dito ay mas mataas pa rin si Elijah sa kanya. Di na nagpatumpik-tumpik pa si Josh at hindi na inindi pa kung anong sasabihin ng dalaga sa kanya. Agad niyang kinuha si Elijah mula sa kapatid nito at buong lakas na binuhat papasok sa loob ngkanilang bahay. Diniretso nya ito sa ay maingat na hiniga ang bugbog-saradong binata sa sofa habang agad namang inasikaso ni Rachael ang mga gamot upang mapainom agad sa kapatid. Umupo si Rachael sa sahig sa tabi ng sofa na kinahihigaan ni Elijah at hinimas-himas ang ulo nito na bakas pa ang pait nang pilit na ngumiti sa kapatid na ang ibig ipakahulugan ay magiging okay din ang lahat at mawawala din ang sakit.

"Ate... importante sinoli niya yung wallet at mga gamot." wika ni Elijah sa kapatid sa pagitan ng mga impit na paghinga at matapos nito ay tumingala naman sa kinatatayuan ng binata. Sa mahinang boses ay nagsalita ito, "Salamat." At marahang ipinikit ni Elijah ang kanyang mga mata na tanda na gusto na niya munang ipahinga ang sarili.

Matapos nito ay tinungo ni Rachael ang kanilang kusina. Doon ay malaya niyang pinakawalanang ang kanyang pag-iyak na pilit niyang pinigilan sa harap ng kapatid. Ito kasi ang ayaw na ayaw niyang masasaksihan ni Elijah. Yung mga ganitong oras na tila tinatakasan siya ng pag-asa.

-

Di tuloy napansin ng dalaga na kanina pa na nasa gawing likudan niya ang binatang si Josh na tahimik lamang na nasaksihan ang kanyang malalim na pag-iyak. Alam ng binata na mabigat ang pinagdadaanan ng magkapatid. Kaya pala bakas sa mukha ng dalaga ang pagod naisip niya.

Nabigla naman ang dalaga nang maramdaman ang binata na nakatayo sa kusina. Tahimik lamang ito sa kinatatayuan. Napansin din ni Rachael ang dugo sa labi nito. Di sanay manakit ang dalaga, dala lamang iyon ng awa sa sinapit ng kanyang kapatid, kaya naman dali-dali siyang kumuha ng yelo sa ref at iniabot sa binata upang idampi sa sugatang mga labi. Nagtama ang kanilang mga tingin. Sandaling katahimikan at binasag ito ng dalaga.

" Hindi ko ihihingi ng tawad kung nasaktan man kita..."

Di iyon pinansin ni Josh. Mas gusto niyang malaman ang kalagayan ng binatilyo.

"Tungkol sa mga gamot at sa kapatid mo?" tanong nito.

Mag-uunahan na naman sana ang mga luha sa pagpatak mula sa mga mata ni Rachae ngunit pinigilan niya ito at tumalikod. Itinutok sa sarili sa paghahanda ng almusal.

Nagpatuloy si Josh, "Ibabalik ko ang pera. Kahit mamya ibabalik ko agad."

Inihinto ni Rachael pansamantala ang ginagawa at nagsalita, "Salamat." Na nananatiling nakatalikod sa binata.

Napaupo ang dalaga na bagsak ang mga balikat, tumingin sa bintana kung saan unti-unti nang pinupuno ng liwanag ng araw ang buong kaulapan.

"Cancer of the bones." tahimik na sambit ni Rachael. "May cancer of the bones ang kapatid ko."

***