webnovel

Paalam Muna Sa Ngayon

Kilalanin ang tatlong characters sa kakaibang kwentong di nyo malilimutan... Ito ang aking First Installment sa aking Ibraim Sorrento Novel Universe... Happy Reading at ihanda ang inyong puso sa pagbabasa.

IbraimSorrento · Urban
Not enough ratings
19 Chs

Chapter 3 - RACHAEL

Narating ni Josh ang bahay sa dis-oras ng gabing iyon. Patay ang mga ilaw sa loob at tanging ang malabong ilaw sa balkonahe lamang ang namumukod tanging nakabukas. Pumanhik siya ng ilang hakbang sa hagdan at huminto nang marating ang mismong balkon ng bahay. Gusto niyang kumatok pero wala na siyang lakas gawa na rin siguro ng pagod at hilo dala ng kalasingan. Inikot nya ng tingin ang kabuuan ng balkonahe. May mga paso sa paligid nito na may mga ilang halama't bulaklak na wala namang dating sa binata. Pababa na sana siya ng haldan nang bigla siyang napaupo at napasandal sa gilid nito... kusang pumikit ang kanyang mga mata at tuluyan na siyang nilamon ng antok...

-

Maagang nagising si RACHAEL ng umagang iyon. Matapos ang sandaliang pag-aayos sa sarili ay bumaba siya mula sa kanyang kwarto upang makapaghanda na ng almusal sa kusina.

Kabababa pa lamang niya ng haldanan nang may narinig siyang kaluskos mula sa labas ng kanilang balkonahe. Agaran niya itong sinilip mula sa bintana at nakita niya ang isang lalakeng nakaupo sa hagdan at tila pupungas-pungas...

"Sino ka?!" tanong ng dalaga mula sa loob ng bintana na ikinabigla ng natutulog na estrangherong binata. Papagpag-pagpag na tumayo si Josh upang harapin ang dalaga. Ilang hakbang ay narating na niya ang pintuan at kumatok.

May karagdagang safety chain lock ang pintuan nila Rachael kaya hinahayaan ito na buksan ang pinto na may tamang awang lamamg para mapag-sino ang nasa labas.

Sa labas naman ay tila kinakabahan ang binata lalo na ng marinig niya ang boses ng isang babae mula sa loob ng bahay.

"M-may kailangan lang ako isoli kay... Elijah." nag-aalangang sagot ni Josh.

Alam ni Rachael na estudyante rin ang lalake dahil sa unipormeng suot nito at may isasauli nga raw kay Elijah. Alangan man ay bahagyang binuksan ng dalaga ang pinto upang silipin mabuti ang binata na nasa nakatayo labas.

Namilog ang mga mata ni Josh nang makita ang mukha ng dalagang nakasilip mula sa loob ng pintuan. Maganda ang mukha ito... ngunit tila bakas ang kapaguran.

"May isasauli ka kamo kay Elijah?" kunot-kilay na tanong ng babae na nagpabalik sa kanyang ulirat.

"Ah... oo..." sagot ng binata. At mula sa bulsa sa likod ng kanyang pantalon ay inilabas niya ang nasabing wallet.

Nakilala agad yun ni Rachael. Wallet ito ni Elijah!

Bago pa man muling magsalita si Josh ay may nagboses sa bandang likurang ng dalaga.

"Ate... sinong kausap mo?"

***