webnovel

Paalam Muna Sa Ngayon

Kilalanin ang tatlong characters sa kakaibang kwentong di nyo malilimutan... Ito ang aking First Installment sa aking Ibraim Sorrento Novel Universe... Happy Reading at ihanda ang inyong puso sa pagbabasa.

IbraimSorrento · Urban
Not enough ratings
19 Chs

Chapter 15 - DOON SA BALKONAHE

Halos mangangalahati pa lamang ang huling klase bago ang lunch break ay lumilipas pa rin ang isip ni Josh sa mga masasayang mga bagay na gagawin sa araw na iyon. Napagkasuduan kasi nila ni Elijah na dadalhin niya ito dun sa may ihawan na palagiang kinakainan niya kasama ang iba pa niyang barkada. At mamya nga sa kanilang pag-uwi ikakabit na nila ang mga christmas lights sa paligid ng balkonahe, syempre makakatulong niya dito ang dalagang si Rachael.

Maya-maya pa ay nag-dismissed na ng klase ang kanilang teacher. Dali-dali si Josh na lumabas ng classroom para magkita na agad sila ni Elijah. Magkaiba kasi ang kanilang section. Section 1 si Elijah at section 4 naman siya, may pitong section sa kanilang school.

Habang papalabas ay may ilan ring mga barkada ni Josh na umaya sa kanya, sinabihan niya ang mga ito na susunod na lamang sila ng bago niyang barkada. Natuwa pa nga si Josh nang lumabas ang salitang barkada sa kanyang bibig. Si Elijah, oo, barkada na nga ang turing niya rito.

"Pre." may tumawag sa kanya na pamilyar ang boses, hinarap niya upang mapag-sino, kilala nga niya, si Amir, isa sa mga tropa sa basketball, pero di tulad niya, may talino ang binata kaya kaklase ito ni Elijah sa section 1.

"O, pre." Bati niyang pabalik.

"Si Elijah, yung kasama mo kanina." Nakakunot ang noo nito na tila seryoso ang bawat bitaw ng mga salita na nagbigay ng takot sa dibdib ng binata, pero pinili niyang magpakatatag at pakinggan ang mga susunod na sasabihin nito. "... unang klase pa lang namin kay Mrs. Corpuz, nahimatay pre, tinakbo sa clinic, hanggang ngayon wala pa sa klase. Di pa bumabalik."

Agad tinakbo ni Josh ang clinic sa kanilang school at napagkaalaman niya dito na dinala si Elijah sa pinakamalapit na ospital. Buo sa isip ng binata ang susunod na gagawin, hindi na niya papasukan ang iba pang klase, tulad ng dating gawi. Kailangan niyang puntahan ang kaibigan.

Malapit na si Josh sa likod ng kanilang eskwelahan kung saan tinatalon niya ang bakuran ng kanilang eskwelahan para lamang makatakas nang magring ang kanyang cellphone. Lumundag ang puso niya nang makitang number yun ni Elijah.

"Hello?" Sagot agad ng binata sa cellphone.'

"H-hello..." hindi si Elijah ang nasa kabilang linya, boses ng isang babae. Sandaling tumigil ang puso ni Josh.

"Si Rachael to." Pakilala ng dalaga na halata ang lungkot sa boses.

Hindi nawawala ang tatag sa tinig ng binata nang muling magsalita, "Kumusta si Elijah?"

"Okay naman siya." Mabilis na sagot ni Rachael. Alam niya kasi na nag-aalala ang binata sa kalagayan ng kapatid at nais niyang alisin agad iyon, nagpatuloy siya, "Natutulog siya ngayon. Nagising din siya kasi kanina pero saglit lang. Naabutan ko siyang gising dito sa ospital kaya nabilin ka niya agad." Malumanay ang boses ni Rachael sa pandinig ng binata. Naglabas ng isang malalim na buntong hininga si Josh na tanda ng isang takot na kumawala sa dibdib. At narinig iyon ng dalaga mula sa kabilang linya. "Sorry di kita natawagan agad. Nag-alala din kasi ako eh." pagpapaumanhin ni Rachael.

"Wala yun. Pupunta ko dyan. Sang ospital kayo?" Sunod-sunod na salita ni Josh.

"Wag na, may klase ka pa. Saka ayos na naman si Elijah. Makakauwi rin siguro kami kahit bukas. Uuwi ako mamya para magpalit ng damit at kumuha din ng mga gamit ng kapatid ko." paliwanag ng dalaga.

Di na nagpumilit pa ang binata. Kaya halos hilahin ni Josh ang oras para matapos na ang klase sa araw na iyon. Nag-skip ng practice nila sa basketball ang binata, at buo ang plano paglabas ng kanilang school.

Diretso si Josh sa bahay ng magkapatid. Naroroon pa ang kahon ng Christmas Lights sa mesa sa labas ng balkonahe. Binuksan niya ito at nakita ang mga ilaw. Sama-sama sana nilang ikakabit ang mga iyon ngayon.

Bumukas ang pinto ng katapat na bahay at lumabas ang isang matandang lalake. Si Mang Bert ito, asawa ni Aling Lena, na silang palagiang tumitingin sa magkapatid. Nilingon ito ni Josh habang hawak ang kahon ng mga ilaw.

"Anong kailangan mo sa kanila, boy? Wala sila diyan ngayon." Matigas ang bawat kataga ni Mang Bert sa estrangherong kaharap.

At agad naman itong sinagot ng binata,

"Mga pako, hook at martilyo po."

Lubog na ang araw nang dumating si Rachael sa kanilang bahay. Madilim ito ngunit napansin niya agad ang binata na nakatayo sa itaas ng hagdan na nakangiti sa kanya. Pumunta ito sa gilid ng pader ng bahay, at tila ba may inaayos ng kung ano. Nakatalikod ito sa kanya kaya di agad napansin ng dalaga kung ano ba ang ginagawa ng lalaki na ngayo'y nakaupo sa gilid ng pader. Muli itong lumingon sa kanya at kahit madilim tanaw niya na nakangiti ang binata. Buo ang pakay sa dibdib ni Josh na pasayahin kahit sa pinakamaliit na bagay si Rachael matapos ang pinagdaanan ng dalaga ng araw na iyon. Paakyat na sana si Rachael sa unang baytang ng hagdanan nang nagbukasan ang mga nagkikislapang mga ilaw sa paligid na sadyang nagpaliwanag sa kanilang balkonahe at sa kanilang buong kabahayan. Kinabit na pala ni Josh ang mga Christmas Lights....

Naglaro sa mukha ng dalaga ang mga ningning ng mga nagsasayawang mga ilaw at nakita ng binata ang saya sa mga mata ni Rachael.

At sa ilalim ng mga nagkikislapang mga ilaw... doon sa balkonahe... nagtama ang kanilang mga mata.