webnovel

Paalam Muna Sa Ngayon

Kilalanin ang tatlong characters sa kakaibang kwentong di nyo malilimutan... Ito ang aking First Installment sa aking Ibraim Sorrento Novel Universe... Happy Reading at ihanda ang inyong puso sa pagbabasa.

IbraimSorrento · Urban
Not enough ratings
19 Chs

Chapter 14 - JENIE ANN

Makwento si Elijah sa kanilang paglalakad ni Josh. Marami tuloy siyang nalaman sa mga plano nito na kung ikukumpara sa kanya ay mas bata pa nga kung maituturing. Lihim din siyang humanga sa mga ideas nito sa usaping architecture.

Ganun din naman si Elijah, marami rin siyang nalaman tungkol sa mga larong sinasalihan ni Josh sa kanilang eskwelahan. Kaya lang ay nahihirapan ang binata na ipasa ang kanyang mga grado na naging sanhi rin ng paulit- ulit niya sa highschool. Di na nagtanong pa si Elijah ang dahilan nito. Nag-offer na lamang siya na minsan kung okay kay Josh ay tutulungan niya ito sa mga lessons.

Tipikal na usapang lalake ang umikot sa dalawang binata, maging ang kanilang mga campus crushes ay napag-usapan din nila. Nalaman tuloy ng makulit na si Josh na crush ni Elijah ang isa sa mga pinaka popular sa kanilang eskwelahan... si Jenie Ann.

"Sus! Eh kayang kaya kitang ipakilala dun eh." pagyayabang ng binata.

Hindi naman naitago ang hiya sa mukha ni Elijah, "Naku, Josh, 'wag na... h-hindi naman ako papansinin nun... baka nga mamya tawanan pa ko."

Totoo marahil iyon naisip ni Josh, medyo kilala rin ang grupo nito na may kasalbahian.

Pero pinalakas niya ang loob ni Elijah.

"'Di 'yan."

Sakto naman paparating ang grupo nila Jenie Ann sa direksyon nila. Ewan ba kung anong kalokohang pumasok sa utak ng binata at bigla niyang tinawag ang mga ito. Agad naman hindi naitago ang saya sa mga mata ng mga dalaga nang makita ang gwapong binata at tinungo agad ang kinaroroonan ng lalake.

"Hi Josh. Kumusta?" tanong agad ng isa sa mga kasama nito na Cora ang pangalan.

"Ayos naman." sagot ng binata na nakangiti na nagpalabas ng mga biloy nito sa magkabilang pisngi.

Lalong kinilig naman ang mga dalaga.

"Mag-ccheer kami sa laro nyo." wika naman ng isa habang humawak pa sa braso ng lalake.

Medyo nailang naman dito ang binata dahil girlfriend ito ng barkada nyang si Mark. "Okay. Para lalo kaming ganahan nila Mark sa laro." Sagot ng binata. "Madalas nga pala wala sa practice namin yung lokong yun. Ayos lang ba siya?" Tanong niya dito. Humaba lang ang nguso ni Peaches at nagkibit-balikat na animo'y walang ganang pag-usapan ang kanyang nobyo.

"Syanga pala, I want you to meet, Elijah." pakilala ni Josh sa mga ito sabay baling sa nahihiyang katabi.

"H-hi." mahina ang boses ni Elijah nang bumati.

Nag-hello naman sa kanya ang mga ito ganun din si Jenie Ann. Ngunit medyo walang gana.

"Medyo mahiyain pa kasi ito eh." Dagdag ni Josh.

"Mukha nga." medyo natatawang sambit ni Jenie Ann.

"Kala mo lang." nakangiting sagot naman ni Josh. "Gusto mo magsabay kayo mamyang lunch para makita mo ang kakulitan nito." sabay baling kay Elijah at sinangga pa ng balikat nito ang balikat ng isa. "Di ba?" Di nawawala ang masayang ngiti kay Josh.

"O ano? Mamya?" Direktang tanong ni Josh sa dalaga.

" Kasama ka?" Tanong naman dito ni Jenie Ann.

Medyo nailang ang dalawa sa direktang tanong ng dalaga. "Hinde."

Nawala ang ngiti kay Jenie Ann bigla at nagsabing, " Diet pala ako at di ako magllunch mamya."  Na tila pinipigilan ang pagtawa. Sadya namang natawa ng malakas ang isa sa mga ito.

"Cora!" Saway naman dito ni Peaches.

"Sorry. Sorry." wika nito na nagpipigil pa rin ng tawa.

Parang binuhusan ng malamig na tubig ng mga oras na iyon ang binatang si Elijah. At hindi iyon nakaligtas sa mga maya ni Josh, na gustong sisihin ang sarili na para bang siya pa ang naglagay sa ganoong sitwasyon kay Elijah.

"Ganun ba?" tiim-bagang na tanging nasambit ni Josh.

Nang nagsalita si Elijah, sa mahinang boses nito, ay lalong nagbigay awa sa puso ng sigang binata, "O-okay lang yun, Jenie Ann." may ngiti pa rin sa labi ang binata sa kabila ng lahat. Na tila naman di narinig at binigyang pansin ng magandang dalaga.

"Ganito na lang." mabilis na wika ni Josh. Sabay gumuhit ang gwapong ngiti sa mga labi ng binata ng magpatuloy, na labis nagpakilig kay Jenie Ann at sa mga kasama nito. " Pwede ba ihatid na lang kita sa klase mo? Kung ayos lang." husky ang boses ng binata.

"Sige." Mabilis na sagot ng dalaga na todo ang ngiti.

Habang hindi naman maintindihan ni Elijah ang mga nangyayari.

"Girls... una na kami ni Josh sa inyo ah." maarteng wika ni Jenie Ann sa mga kaibigan na halata ang inggit sa mga mukha.

"Okay." si Peaches.

"B-bye..." si Cora.

Bago pa man gumayak ang dalawa ay nag-iwan ng pilyong ngiti si Josh kay Elijah.

Nang mag-umpisa ng maglakad ang dalawa sa pangunguna ng kumekendeng na balakang ni Jenie Ann ay di namalayan ng huli na hindi pala sumunod sa kanya ang binata. Mga ilang hakbang ay napansin nito na wala ang binata sa kanyang tabi o likuran kaya't agad niya itong nilingon ang kinaroroonan ni Josh. Lahat ng ito ay kitang kita ng apat na naiwang nakatayo sa kanilang pwesto.

Laking pagtataka ni Jenie Ann na si Josh ay di man lang umalis sa kanyang pwesto na nanatiling nakatayo sa tabi ni Elijah. Nandun pa rin ang pilyong ngiti sa mga labi.

Ayun, naiwan mag-isa si Jenie Ann habang pinapanood ang dalawang binata na umiba ng direksyon. Nagmukha tuloy siyang tanga sa harap ng dalawang kaibigan. As usual, di na naman napigilan sa pagtawa ang isa sa mga kasama nito na si Cora.

Tahimik na sumulyap si Elijah kay Josh na maangas sa paglalakad, nakapamulsa, at naroroon pa rin ang pilyong mga ngiti. Tiningnan pa siya nito sabay nagtaas-baba pa ng dalawang kilay at umokey pa sa ginawang kapilyuhan dun kay Jenie Ann.

Alam ni Elijah na binigyang leksyon ni Josh ang dalaga sa ginawa nito sa kanya. At alam din niya sa mga oras na iyon na si Jenie Ann pala ang magiging hudyat ng simula ng isang  pagkakaibigan nila ng sigang binata.