webnovel

Bonfire

Hindi ko na namalayan ang pagkatulog ko sa byahe. Hanggang sa nagising na lang ako na nakahiga na pala ako sa balikat ni Topher. Noong na-realize ko iyon ay agad akong humiwalay sa kanya, dahil doon ay siya naman 'yong napahiga sa balikat ko.

Napasilip ako sa mukha ni Topher. Tulog pa siya kaya naman hinayaan ko na lang. Tulog rin si Janica na naka-neck pillow at nakasandal sa bintana ng bus. I checked the road at nasa madilim na. Nasa probinsya na part na rin kami. I wonder kung anong lugar na ito?

Sinubukan kong luminga kahit mahirap dahil nakasandal sa balikat ko si Topher. Ang tanging nagawa ko lang ay ang lumingon, which I wish I didn't do dahil nagtama lang ang mga mata namin ni Nico.

Kumurap ako't saka umiwas ng tingin. I can still feel na nakatingin siya sa gawi namin kaya naman I closed my eyes again.

9PM na nang makakarating kami sa Aliya Surf Resort sa Baler, Aurora. Halos nasa walong oras rin ang byahe... hindi na namin namalayan. May mga stop overs naman sa kalagitnaan ng mga byaheng iyon kaya hindi naman masyadong sumakit ang pwetan namin.

Halos magsigawan ang lahat sa sobrang excitement, lalo na noong nagsibabaan na ang mga taong lulan ng tatlong bus.

"Guys, again, bawat isa ay may assigned room, mayroon naman na kayong kopya ng room plan right?" Anunsyo ng isa sa parang tour guide na empleyado rin naman sa JCG Firm. Lalaki siya at may autoridad ang tinig kaya naman lahat, kahit gaano pa karami ay nakikinig. "Before going to your respective room, go to the restaurant first for our dinner."

The nice thing I've noticed about this company is walang VIP Treatments. I mean, kahit sina Topher ang may-ari ay parang part pa rin sila ng community ng company. People can freely talk to them, laugh with them and have dinner with them.

"Matutulog na ba agad kayo after this?" Tanong ni Amiel.

Tulad ng instruct ni Sir Robbie, 'yong sinabi kong tour guide, kumain muna ng dinner. Sobrang ganda ng lugar lalo na ang interior nitong restaurant na pinagkakainan namin. Food are served as buffet, tapos tanaw pa mula dito sa pwesto namin ang pool at ang beach sa hindi kalayuan.

Madilim na nga lang at tanging ilaw mula sa buwan ang nagrereflect sa tubig-dagat. Rinig rin namin ang hampas ng alon, at ramdam rin naman 'yomg lamig.

Okay naman sana. Kasabay naming kumain sa iisang table ang DANGER, si Sir Robbie, pati... sina Nico at Hazmin.

Kahit anong sarap ng pagkain ay hindi ako kumportable kaya naman halos wala akong ganang galawin ang nasa plato ko.

"Don't you like the food, Via?" Bulong ni Topher sa akin habang busy ang iba sa pagkukwentuhan.

"H-Ha? Ah... hindi. I mean, okay lang naman, wala lang akong gana."

"Wala ka pang kinakain. Baka naman you're on a diet?" Marahan siyang humalakhak.

"Haha, medyo."

"Let's jam naman before sleeping! Sayang 'yong night sky, ang ganda pa naman!" Napatingin kami sa nagsalitang si Ethan.

"Oo nga, tapos let's have a bonfire and a light drink na rin. Who's up for that?"

Marami ang nag-react. Mukhang nasa 20 people rin ang gusto ang idea na 'yon, mayroon namang katulad ko na pagod sa byahe at gusto na munang mahiga sa kama.

"Via, sama tayo! Sigurado ako masaya 'yon!"

Kung hindi lang siguro dahil kay Janica ay hindi na ako sumama. We go to our respective room muna and put our things there para mas maayos. Magka-room kami ni Janica habang nasa room naman ng DANGER si Topher.

Napapikit na lang ako noong iniisip kung saang room si Nico... at si Hazmin?

Shit...

"Tara na? Huy..." nagising ako mula sa pagkatulala noong kinausap ako ni Janica.

"Sorry, oo."

Lamig ng hangin ang unang humampas sa balat namin noong lumabas na kami ng restaurant. Mabuti na lang at naka-jacket ako at naka-jogging pants. Alam ko kasing malamig at uupo kami sa buhangin kaya ito ang napili kong suotin. Naramdaman ko rin ang paglubog ng tsinelas ko sa buhangin.

"OMGEE, nakakaexcite." Komento ni Janica habang tinatanaw na namin ang grupo ng mga taong nakabilog sa isang bonfire.

Habang papalapit ay rinig namin ang tawanan nila at kwentuhan. May dala pang gitara ang isa sa kanila kaya naman ang iba ay kumakanta.

"Via! Janica!" Tawag sa amin ni Topher nang matanaw kami. Ang awkward dahil napatingin rin sa amin ang lahat. "Dito kayo," saka itinuro ang bakanteng space sa tabi niya.

"Sir Topher, sino po sa kanila ang girlfriend niyo?" Nagsihiyawan ang lahat dahil sa tanong ng isang lalaking hindi ko alam ang pangalan.

"Ano ba kayo!" Tatawa-tawa lang na sagot ni Topher.

Tumawa na lang rin ako kahit deep inside ang awkward. Potek.

"O, para sa mga bagong dating..." sabi ni Topher sabay bigay sa amin ng bote ng root beer. Tinanggap namin iyon at ininom.

Mabuti na lang at hindi na nasundan pa ang topic tungkol sa pangaasar sa amin ni Topher. Nagpatuloy lang ang kwentuhan nila. Paminsan minsan ay nakikitawa ako at nakikipagusap.

"Topher, dahil birthday mo, kantahan mo naman kami!" Singit ni Garem noong matapos siyang kumanta at maggitara.

"Huwag ako, I'll perform tomorrow, baka magsawa na kayo sa akin!" Tatawa tawang sagot ni Topher.

"Huwag na si Topher, may special performance 'yan bukas sa stage, e. Right, Topher? Kailangang ireserve ang boses niya," ani ni Hazel. Dahil doon ay napatingin ako sa kanya... pagkatapos ay kay Nico na nasa tabi niya.

Buong oras ay iniwasan kong tignan sila... iniwasan kong intindihin pero hindi pa rin maalis sa isip ko 'yong fact na iisa lang sila ng kwarto ngayon.

What do you they'll do? Malamang ay ang madalas na gawin ng magpartner na napagisa sa isang kwarto! Fuck it!

"Nico, ikaw, kantahan mo naman kami!" Dugtong ni Hazel sa sinabi niya. Mukhang nabigla si Nico at noong una ay tumanggi habang humahalakhak. "Sige na...? Sing something for me? Please?"

"Yun oh! Ang sweet naman!"

Stab.

Parang bigla na namang may kumurot sa puso ko. Napayuko ako dahil doon. Kunwari'y nilalaro ang mga buhangin sa paa ko pero ang totoo ay ayaw ko lang talagang tignan ang mga nasa harapan ko...

Ang sweet. I almost wanna stand up and leave them all, kaya lang ay ayokong gumawa ng eksena na ipagkatataka nilang lahat.

I just remembered how he played the guitar for me six years ago... yun nga lang ay sa tawag lang. Samantalang para kay Hazmin ay tutugtog siya sa harap ng mga taong nandirito.

[Now playing: Out of My League. Please listen to this song while reading]

Nagsimula na niyang kalabitin ang mga kwerdas nito. Ngiting-ngiti naman si Hazmin, habang ang lahat ay pumapalakpak. Syempre dahil alam niyang para sa kanya ang kantang kakantahin ni Nico ngayon.

"OMG, ang gwapo lalo ni Nico, now he's holding a guitar no? No wonder magkapatid nga sila ni Topher," bulong ni Janica sa akin.

~~~

It's her hair and her eyes today

That just simply take me away

And the feeling that I'm falling further in love

Makes me shiver but in a good way

~~~

Tumagos sa bonfire ang tingin ko kay Nico... I almost got blinded. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko or he's really looking at me right now?

Kasabay ng pagliliyab ng apoy sa pagitan naming dalawa ay ang pagkakaroon ng init sa pisngi at buong katawan ko.

His voice's so nice and calming, na sumasabay ng tunog ng nagliliyab na kahoy. Ang lahat ay tahimik lang habang nakikinig sa kanya.

I bit my lower lip saka umiwas ng tingin.

~~~

All the times I have sat and stared

As she thoughtfully thumbs through her hair

And she purses her lips, bats her eyes

And she plays with me sittin' there slacked jaw

And nothing to say

~~~

He was perfect, pero ngayong hawak na niya ang gitara ay hindi ko na alam kung paano siya idi-describe. Tila ba nabuhayan ang mga paru-paro sa tyan ko lalo na ngayong boses niya ng pumupuno sa tenga ko.

~~~

'Cause I love her with all that I am

And my voice shakes along with my hands

'Cause she's all that I see and she's all that I need

And I'm out of my league once again

~~~

Ngunit sa huli ay hindi ko rin maiwasang masaktan. I almost got carried away. Parang may kumurot sa puso ko nang tignan ko si Hazmin na katabi niya ngayon. She's looking at him as if she's madly inlove, na para bang damang-dama niyang kinakanta iyon ng lalaking mahal niya para sa kanya.

Cause I love her with all that I am

Hindi na nga pala para sa akin ang kantang iyon.

 Iniwas ko ang tingin kay Nico ngunit napadpad iyon sa isang pamilyar rin na tao doon sa bilog na iyon...

Kumunot ang noo ko upang kilalanin siya.

Si Jason... na ngayon ay nakangisi habang tinitignan ako. He raise his drink saka mapang-asar na ininom iyon habang hindi inaalis ang tingin sa akin.

Kunot ang noong umiwas ako ng tingin.

People are too busy watching Nico kaya naman sinamantala ko iyon upang magpaalam kina Janica at Topher.

"A-akyat na ako sa kwarto," bulong ko sa dalawang katabi ko without looking to anyone.

"Hmm? Why?" Tanong ni Topher.

"Hmm, medyo masama ang pakiramdam ko. Dahil yata sa haba ng byahe."

"Gan'on ba? Sige samahan na kita." Tumango lang ako sa suhestyon ni Topher.

"Sige Via. Magpahinga ka na, sunod na lang ako sa kwarto natin maya-maya." sabi naman ni Janica. Tumango lang ako.

"Okay."

Tumayo na kaming dalawa ni Topher. Kahit ayoko na sana magpaalam e, dahil kay Topher ay napilitan ako. Napatingin tuloy ako sa mga tao sa bilog at hindi sinasadyang napatingin rin ako kay Nico.

Nakatingin rin siya sa akin. Hindi ko kinakaya kaya naman umiwas agad ako ng tingin.

"Guys, we'll head back na sa mga kwarto namin. Hindi raw maganda ang pakiramdam ni Via." Paliwanag ni Topher.

"Bakit?" Kumalabog ang dibdib ko sa tanong ni Nico.

"Probably because of mahabang byahe, kuya." Sagot niya.

"Awe, you should take a rest, Via." Ani naman ni Hazmin.

"Thank you, sorry sa istorbo... uhm, sige alis na kami." Iyon lang ang sinabi ko bago tuluyang tumalikod.

"Sige, guys, ha?" Narinig kong paalam ni Topher.

"Sige, Topher... enjoy-- I mean... ingat! Haha!" Rinig kong asar ni Amiel.

Hindi ko na lang inintindi dahil totoo namang pagod ako dahil sa byahe. Gusto ko na lang humiga... sumubsob sa unan.

O di kaya'y tumulala sa kisame.

I don't want to remember anything from six years ago.

I wish I could also forget about you, Nico...

...the way you forget about me.