webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
213 Chs

Chapter One Hundred Thirty

Nakatingin silang tatlo sa akin with twinkling eyes. Ayoko nalang sagutin. Wala rin naman akong mapapala. Mas ginulo lang nila ang isip ko. Hindi naman sila nakatulong. Ang sakit ng ulo ko. Gusto ko nalang muna na pumunta sa tahimik na lugar.

"N-Nakalimutan ko may pupuntahan pa nga pala ako. S-Sige alis na ako! BYE!" Tumakbo na ako palabas ng kwarto nila.

"SAMMY!!!!!! MADAYAAA!!" narinig kong sigaw nila mula sa kwarto.

Mas naguluhan lang ako sa pagpunta ko dito. Pero iniisip ko ang sinabi ni China. Hindi ako magmamahal ng iba kung naging sapat ang pagmamahal ko kay Timothy. Hindi nga ba naging sapat ang pagmamahal ko kay Timothy kaya nagawa kong magmahal ng iba? Lumabas na ako ng bahay. Uuwi na ako.

Sa Perez Estate ako nakatira ngayon dahil nandito sina Mama at Papa at dahil na rin pasko kaya gusto namin sulitin ang mga araw na magkakasama kami. Nandito sila hanggang New Year. Si Jared naman nasa bahay din sya ngayon ng parents nya. Tinignan ko ang cellphone ko, naka-off. Buksan ko kaya? Kaso natatakot akong buksan eh! Baka... Baka nagtext sila pareho anong gagawin ko kapag may isang nagyaya sa kanila na ilabas ako?

BEEEEEEEEP

SHIZZLEBERRY!!! Napahawak ako sa dibdib ko. Sobra akong nagulat nang may bumusinang sasakyan. Napalingon ako sa itim na sasakyan, isang aston martin. Tumigil ang sasakyan sa tabi ko. Kanina pa kaya sya nakasunod sa akin? Lumabas ang driver.

Halos hikain ako nang makita ko ang driver. Hindi ako makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko! Kainiiiiis! Ano na ang gagawin ko?! Too late na para mag-tago! Shiiiiz!

"Get in," utos nya. Hindi parin sya nagbabago ah. Ganon parin sya, pala-utos. Fuuu.

"Bakit?" Tinignan ko lang sya.

Isang matigas na ingles lang ang isinagot nya sa akin. "Just get inside the car Miracle."

Fuuuuu. Tinawag nya akong Miracle. Ang sarap naman pakinggan! Teka! Hindi ako pwedeng sumama sa kanya. Pinilig ko ang ulo ko. Kailangan ko munang mag-isip! Ano ba?!

Umiling ako at seryoso syang sinagot."Ayoko, may pupuntahan ako." Lumakad na ako palayo. Ganon nalang ang gulat ko nang hilahin nya ako sa braso at lumakad kami papunta sa kotse nya.

"I see. Ang tigas parin ng ulo mo Miracle." Pinaupo nya ako at nilagyan ng seatbealt. "Sit. Don't. Move," utos nya bago isara ang pinto sa side ko.

Pinanood ko lang syang umikot sa sasakyan para makapunta sa driver's seat. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinikilig ako. Naalala ko tuloy dati noong nag-date kami at yung mga araw na lumalabas kami. Haaaaa! Nakaka-miss yung mga ganon. W-Wait! Ano ba ang nangyayari sa akin?! Kanina lang ang laki ng problema ko ah! Bakit ako nagbabalik tanaw sa nakaraan?! Balik tanaw? Saan ko nakuha 'yun? Ang lalim kasi magtagalog ni Red minsan eh.

HINDI ITO PWEDE!! Hindi ko dapat isipin si Red kapag kasama ko si Timothy. Pero kapag si Red naman ang kasama ko, iniisip ko din naman si Timothy ah. Pero ayoko pa munang mag-isip ngayon! Gusto kong lumabas ng kotse ni Timothy! Pero ayoko ring lumabas dahil sobra ko syang na-miss! Maiiyak ako sa sobrang pagka-miss sa kanya! Gusto ko syang halikan at yakapin! Pero ayoko! Hindi pwede! Kailangan kong lumayo kay Timothy! Lalayo muna ako sa kanilang dalawa! AAAAHH!!! Ang sakit ng ulo ko!

Late ko na narealize na umaandar na pala ang kotse. Tumingin ako sa paligid. Hala!

"Saan mo ko dadalhin Timothy?"

"Magde-date tayo," pormal ang mukha na sabi nya.

Fuuuuu. Ayan na naman sya sa mga ganyan nyang attitude yung walang pakialam—HAAAAAAA?! HOLY SHIZLEBERRY! ANO RAW?! REWIND!

"D-Date? M-Magde-date tayo?"

"Yes."

Ang tagal na naming hindi nakakapag-date. Almost three years ago pa yung huli naming date. Saan nga ba yun? Nung sumama ako sa kanya sa beach house. Nag-away pa nga kami nun kasi ayaw nya sa damit ko. Masyado daw. Hindi ako mapakali sa upuan ko. Gusto kong tumalon talon sa tuwa. May date kami ni Timothy!

AAAAAAAAAAAHH! P-Pero paano si Red? Kapag nalaman nya 'to... Nagi-guilty ako. Nagi-guilty ako kasi masaya ako na kasama ko si Timothy samantalang... si Red. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko. Naka-off parin. Dapat ko bang sabihin sa kanya na kasama ko si Timothy?

Pero alam na kaya nya na nandito na si Timothy? Bumuntong hininga nalang ako at muling ibinalik ang cellphone sa bulsa ko. Pagkatapos ng araw na ito, hopefully may desisyon na ako sa mga tanong ko.