webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
213 Chs

Chapter One Hundred Thirty-One

"Timothy kailan ka pa nakabalik? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na babalik ka na pala?" tanong ko sa kanya. Nandito kami sa isang restaurant at kumakain ng lunch. He shrugged his shoulders at humarap sya sa akin nang may ngiti sa labi.

"Wifey say 'ah'," utos nya sa akin bigla.

Hindi ko alam kung gusto lang talaga ni Timothy na maging sweet o gusto nya akong patayin sa laki ng steak na gusto nyang ipakain sa akin. Tama nga si China, hindi marunong maging sweet si Timothy. Isa syang amateur. Totoo naman na hindi sya sanay sa mga ganitong bagay pero sweet na rin sa akin na nag-eeffort sya.

"Ahh..." Ibinuka ko ang bibig ko.

Ngumiti sya nang malapad. Nilapit nya sa akin yung karne habang natatawa sya. Pinagtatawanan ako ni Timothy. Nung kakainin ko na bigla nyang nilayo yung karne. Sabi ko na trip nya talaga— Laking gulat ko nalang nang salubungin nya ako ng labi nya. Nilagay nya ang isa nyang kamay sa nape ko at inayos ang posisyon ko. Sa sobrang gulat ko hindi ako naka-react sa halik nya. Natulala lang ako sa sobrang bilis nang mga pangyayari. WAAAAAAAAAAAHHHHH!!!!

Naka-open pa ang mga mata ko!!!! Hindi ko maipikit!! WAAAAAAAAAAAHHHHH!!!!! Bakit ba nakalimutan ko na isang Kissing Monster si Timothy?!! Hindi ko talaga inaasahan 'yon!!!

Pagkatapos kong makabawi sa pagka-shock ko sa halik ni Timothy. Ang halik na lagpas kalahating taon bago ko ulit naranasan. Mula sa labi ko, kumalat ang virus sa mukha ko pababa hanggang sa paa ko at muling umakyat papunta sa mukha ko. Pakiramdam ko lalagnatin ako sa sobrang init ng mukha ko. Gaano na kaya ako kapula ngayon? AAAAHHHHH!!! Tinignan ko sya sa harap ko at parang wala lang na nagpatuloy na sya sa pagkain nya. Wait! Ako lang ba affected dito? Hinalikan nya ako sa loob ng restaurant! Ang daming tao, nakakahiya!

***

Pagkatapos namin kumain pumunta kami sa lugar kung saan kami unang nagdate noon. Tumingala ako at tumingin sa malaking sign.

WELCOME TO LALA LAND.

Inakbayan ako ni Timothy kaya napatingin ako sa kanya.

Naglalaro ang mumunting ngiti sa kanyang labi. "Let's go."

"Eh? Bakit dito?"

Tinignan nya ako agad. "Ayaw mo?" Ang lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa.

"WAAAAH!" Lumayo ako sa kanya at itinuro sya, shocking! "Ang lapit mo masyado!"

Tinignan nya lang ako. "Retard."

Biglang lumundag ang puso ko, tinawag nya akong 'R-E-T-A-R-D'. Alam ko na dapat mainis ako kasi dapat talaga mainis kapag sinabihan nang ganon pero ang tagal na simula nang may tumawag sakin na retard. Hinawakan nya ang isa kong kamay. In-intertwine nya ang kamay namin, filling the gap between our fingers. He cleared his throat at tumingin sya nang diretso sa Lala Land.

"Let's make this day memorable, Wifey," sabay tingin sa akin nang seryoso.

Nagulat ako at natulala nalang sa mga mata nya. Yung grey eyes nya na palaging tumutunaw sa akin kada titignan nya ako. Na-miss ko nang sobra ang tingin nya sa'kin. Biglang uminit ang sulok ng mga mata ko. Kahit na sobrang tagal na, hindi parin nawawala ang epekto sa akin ng mga tingin nya. Tumango ako at sabay kaming pumasok sa LALA LAND. May dalawang bagay akong napansin nang pumasok kami sa theme park. Una ay sa paligid. Ang daming nadagdag, ang daming napalitan at ang daming tao ngayon. Pero bukod sa mga 'yon napansin ko rin na lahat ng babaeng madaanan namin, lumilingon sa amin.

MALI PALA. Hindi pala ako kasali kaya hindi 'sa amin'. Undo. Undo. Lahat ng babaeng madaanan namin, lumilingon kay Timothy. Parang slow motion ang pangyayari. Bawat step ni Timothy, yung mga babae napapa-singhap na akala mo isda na inalis sa aquarium at hindi makahinga.

Akala mo yung iba hihimatayin kaya napapakapit sa mga kasama nila para hindi matumba. At yung iba naman nalalaglag ang panga. Literally mouth hanging OPEN. OO na! Mas gwapo na si Timothy ngayon kaysa dati. I mean, mas nag-matured na kasi sya ngayon.

He's twenty two years old. At dahil nanggaling sya sa isang kilalang pamilya may aura din sya na talagang mai-intimidate ang kahit na sino. Na pakiramdam mo kapag titignan mo sya, isa syang makapangyarihang tao na kayang bilhin ang kahit na ano o sino. At isa yon sa mga gusto ng mga babae, ang makakuha ng ganitong klase ng lalaki. Hindi lang ubod ng gwapo kundi yaman din.

Teka, mayaman din naman ako. Kung ganon ano ang nakapagpa-attract sakin kay Timothy? Dahil ba matangkad sya? Gwapo? Kayumanggi?

Tall. Dark. Handsome. Pero marami naman gwapo sa mundo, si JG din naman gwapo ah. Pero hindi ko sya nagawang mahalin ng higit pa sa isang kaibigan. Naalala ko tuloy si JG. Kumusta na kaya sya? May girlfriend na kaya sya ngayon? WAAH! Bakit wala akong alam tungkol sa lovelife nya?! Ano'ng klase akong kaibigan? Hindi ako updated maliban nalang sa mga napapanood ko sa TV tungkol sa kanya. May ingay akong narinig bigla. Ingay na nagbalik sa akin sa reyalidad at pumutok sa ulap sa ibabaw ng ulo ko kung saan nandon ang imahe ng pag-de-daydream ko.

"Timo—" Pagtingin ko sa tabi ko wala na sya. Hala! Nasaan na sya?! Bakit nya ako iniwan?!

"YOU F*CKIN' CREEPER!! WHAT THE F*CK ARE YOU STARING AT?! HUH?!"

ANG BOSES NA YON! Kilalang kilala ko kung kanino ang boses na yon! Lumingon ako sa likod ko, nandon sya at may kausap na tatlong lalaki. Agad ko silang nilapitan.

"YOU BETTER NOT BE THINKING SOMETHING PG-RATED WITH MY WIFE OR I'LL F*CKING REMOVE YOUR BRAINS FROM YOUR F*CKING SKULL!!"

Ano na naman ito?! Hinigit ko yung braso ni Timothy. "Timothy, hwag ka ngang makipag-away!" awat ko at pilit ko syang hinihigit palayo sa tatlo. Yung mukha kasi nung tatlong lalaki namumutla na. Mga mukha pa namang bata. Siguro mga nasa highschool at mukha pa silang mga geeks.

"W-Wala n-naman po kaming ginagawa," paliwang ng isa sa tatlong lalaki.

Awtomatiko ang bukas ng bibig ni Timothy. "You lying bastard."

WAAAAHH! "Timothy hwag kang magsabi ng ganyan sa harap nila. Underage pa sila."

"This." Hinila ni Timothy ang camera na nakasabit sa leeg ng isang lalaki. "You were taking my Wife's pictures?! F*ck! Are you going to upload it and put on fake boobs on her and sell it to those f*cking perverted old freaks?! HUH?! DO YOU WANNA DIE?!" Kinwelyuhan ni Timothy ang lalaking may camera.

Napapikit naman sa takot yung lalaki. "HINDI PO KUYA! WAAAH! MAMA!"

Agad syang binitawan ni Timothy dahil sa umiyak na sya. Pictures?

"Eh?" Sinilip ko ang laman ng camera. "Wow! Ang ganda ko naman dito! Ang galing mo kumuha! May potential ka!"

"T-Talaga po?" sabi ng may ari ng camera na biglang tumigil sa pag-iyak.

Sinamaan naman ng tingin ni Timothy yung lalaki. "Miracle."

Napalunok nalang ako nang salubungin ko na ang tingin nya. "Ehehe. Maganda naman talaga oh tignan mo pa," alok ko sa kanya ng camera.

"Ah shit," mura nya tapos bumalik ulit yung tingin nya sa lalaking kumuha ng pictures ko. "Why were you taking my Wife's pictures?" medyo kalmado na tanong nya. "F*CK! SPEAK!" Tumaas na naman ang boses ni Timothy nang hindi sya sagutin nung tatlo

Parang asong nasaktan ang mukha nung tatlo. Naawa tuloy ako.

"P-Para po sana sa contest!" mabilis nilang sagot.

"Anong contest?" nacurious na tanong ko.

"P-Para po dito!" tinuro nya yung malaking poster. "May contest din para sa Sweetest Shot."

"Huh?" tinignan ko yung nakalagay. TEST YOUR COMPATIBILITY! JOIN THE LALA COUPLE-LOOZA CONTEST NOW! Contest para sa mga couples! May ganito na rin pala sa Lala Land. Si Kuya Lee kaya naka-isip nito? Tumingin ako kay Timothy. "Sali tayo, mukhang masaya oh!"

Seryoso ang mukha nya nang sumagot sa akin. "No," matigas nyang sagot sakin leaving no space for argument.

"Sige na Timothy?" Tinitigan ko lang sya gamit ang aking puppy-dog-eyes. At tinitigan lang nya ako pabalik with a blank expression. Pumayag ka na... Pumayag ka na... Pumayag ka na...

"Fine," sa wakas ay pagpayag nya.

"Yehey!" naitaas ko ang dalawang kamay ko sa ere. Mabilis ko rin iyong ibinaba dahil tinamaan ako ng hiya.

Tinignan ko ulit ang poster. Mamayang four pm ang start. Ang first prize ay – trip to El Nido Palawan. Three days, two nights free accomodation. WAAH! Gusto kong pumunta dun!

"Sana po kayo ang manalo!" sabi ng tatlong geeks.

"Sana nga!" nakangiting sabi ko.

Tinignan ni Timothy ang tatlong lalaki at parang mga daga na nakakita ng pusa ang tatlo na mabilis na tumakbo palayo.

"Hehe! Walang atrasan ha, Timothy?"

"Tss."