webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
213 Chs

Chapter One Hundred Forty-Two

Audrey Dela Cruz

"Takte nasan na sila? Tsk!"

Kulang nalang kumain sya ng mushroom sa Alice in Wonderland para humaba ang leeg nya. Hindi namin namalayan na tumakas pala ang star-crossed lovers. Mabuti na rin 'yon para makapagsolo sila. Ayoko kasing napapalapit pa si kuya kay Samantha. Dahil sa tingin ko mas magandang si Samantha at si TOP ang magkakatuluyan. Ayoko talaga syang maging kapatid. Iniisip ko palang parang gusto ko ng ipatapon lahat ng Gucci bags ko.

"Kuya bakit ka ba nang-iispiya sa kanila. Wala naman silang gagawing masama no," naiinis na tanong ko.

Mabilis nya akong tinignan. "Wala? Pano ka nakakasiguro?" Naiinis nyang tanong sa akin. Bigla syang nag-panic. Ginulo na naman nya ang buhok nya. "Kaya nyang hawakan si Samantha sa parte na yon! Takte! Pano kung.. kung pumunta sila sa.."

"Sa motel?" dugtong ko.

"POOOOTEK AUDREY!" sigaw sakin ni kuya.

"Bakit? Yun naman talaga ang iniisip mo diba? Na pupunta sila sa motel at doon magpapalipas ng gabi at magsasalo sa isang mainit na—"

Biglang tinakpan ni kuya ang bibig ko. "Ituloy mo yan at hindi mo na ulit makikita pang humihinga si Omi."

Inalis ko ang kamay nya. "Sige subukan mo lang kuya. Kakalbuhin kita kapag tulog ka na."

"Tss. Gwapo parin naman ako kahit kalbo."

"Yuck kuya! Ang pangit mo kaya, ewan ko ba kung bakit ang daming nagpapaloko sa'yo!"

"Tss. Ang type mo kasi diba yung mga pangit. Kaya ang tingin mo sa mga gwapo pangit at ang tingin mo sa mga pangit ay gwapo."

"Where the freakin hell did you get that idea?!"

"Nag-online ako sa facebook nung isang araw. Binasa ko lahat ng nasa wall mo, kinilabutan ako."

"Kapal mo kuya, mas nakakakilabot kayo ni Aril no. Ang flirt nyo!"

"Hwag mong isama si Aril sa usapan na 'to."

"Whatever, let's go Angelo iuuwi na kita." Hinawakan ko ang kamay ni Angelo at sabay kaming lumakad palayo kay Kuya.

Tiningala nya ako at nagpakita ng nakakaaang expression sa mukha. "But how about Daddy..?"

Sumulpot si Kuya sa tabi ko. "Walang uuwi."

Hinarap ko ulit si kuya. "Seriously kuya, pabayaan mo na sila okay? Hindi mare-rape si Samantha. Ngayon lang ulit sila nagkasama ng matagal, let them be muna. Ano ba ang ikinatatakot mo?" tinaasan ko sya ng kilay.

Hindi nya ako sinagot. Pero tumingin lang sya sa ibang direksyon at naihilamos nya ang mga kamay nya sa mukha nya. Kawawa naman ang kapatid ko, hindi ba nya alam na nakakapangit ang stress?

"Kuya, hindi lang naman ikaw ang nahihirapan dito. Naisip mo rin ba si Sam? Kung ano ang nararamdaman nya ngayon? Hwag ka munang dumikit sa kanya, hayaan mo muna sya."

"Tsk alam ko." Huminga sya nang malalim. "Hindi ko naman sila binabantayan para makasiguro. Gusto ko lang makita kung ano'ng ngiti ang meron sya kapag si TOP ang kasama nya."

I don't get him. What's he talking about?

"Hindi lang naman desisyon nya ang hinihintay ko," bulong nya bago buhatin si Angelo. "Yung sa'kin din."

Ahh.