webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
213 Chs

Chapter One Hundred Forty-Three

Miracle Samanthe Perez

"Bakit ka nakangiti?" tanong ko kay Timothy.

Tumingin lang sya sakin at ngumiti nang mas malapad bago bumalik sa blanko nyang mukha. Magkaganon man, di parin nya maitatago ang kumikislap nyang mga mata. Lihim akong ngumiti.

"Nothing Wifey."

Kabababa lang namin mula sa Ferris Wheel at mula non parang ang gaan na ng aura nya. Naglalakad lakad lang kami dito sa LaLa Land. Napahawak ulit ako sa labi ko. Hindi ko inaasahan na ganon ang mararamdaman ko. Bakit ganon? Parang.. ang laki ng ipinagbago?

"Miracle."

Nilingon ko sya. Nilagay nya ang likod ng palad nya sa noo ko.

"Ano'ng ginagawa mo?" tanong ko.

Kumunot ang noo nya. "Checking if you're sick."

Ahhh. Parang ang sakit nga ng ulo ko. Tinignan ko si Timothy na ngayon ay magkasalubong na ang dalawang kilay.

"Are you cold?"

Kasabay ng pag-iling ko ang panginginig ko. Malamig nga talaga ngayong December, hindi ko napansin.

Hinubad nya ang jacket nya at isinuot sa akin. "Retard," bulong nya habang inaayos ang jacket sa'kin.

Hinawakan ko ang jacket nya. "Bakit na naman?" Mainit pa ang jacket nya at mabango, ang sarap magkulong sa loob kung pwede lang.

"Because you make people worry about you."

"Sa paanong paraan?"

"Miracle." Tinitigan nya ako sa mata. Napalunok naman ako dahil sa seryoso nyang tono. Kapag kasi ganito sya palagi syang may sinasabing ikagugulo ng solar system ko.

"Ano?"

Tinitigan nya lang ako. Maya-maya hinawakan nya yung baba ko at itinaas ang mukha ko. T-Teka lang hahalikan ba nya ako?! AAAAAAHHHHHH!!! Inilapit nya yung labi nya sakin at...

*FUUUUUUFFF*

"There."

Gulat na gulat ako sa ginawa nya. "Timothy bakit mo hinipan ang mukha ko?!"

"May dumi sa mukha mo."

"Dumi?! Pwede naman punasan nalang eh." Akala ko tuloy hahalikan nya ako.

"What if a bird poop on you? Do you want me touch that poop?"

"Ano'ng poop?! Wala namang ibon dito na nagpapaulan ng dumi eh!"

Humalukipkip sya at napatingin ako sa kanyang biceps. Napalunok ako bigla. Bumalik ang tingin ko sa mukha nya.

"What if there is?" pakikipagtalo nya sakin.

"Pupusta ako ng isang milyon walang ganon dito!"

"Cheapstake."

"Eh ikaw ano'ng ipupusta mo?"

"I don't want your money Wifey. I have a lot of those already."

"Eh ano'ng gusto mo?"

"Your kisses."

"Kisses? Mga halik?" Napatakip ako sa bibig ko.

"Yes," diretso nyang sabi.

"Timothy! Bakit naman ganon?! Bakit kiss—AAHHH!!" May naramdaman akong nalaglag bigla sa ulo ko. * "Ano yon?!" pigil hiningang tanong ko.

Hinawakan ni Timothy ang isang kong kamay at nakipag-shakehands sakin. "It's a deal.." sabi nya nang nakangisi.

Namilog ang mga mata ko at bigla akong namutla. Don't tell me... Yung pumatak sa ulo ko... Yung nararamdaman ko na nakapatong sa malambot, makintab at mabango kong buhok ay... Isang...

"Bird shit."

At 'yon na nga ang confirmation na hinahanap ko. AAAAAAAHHH!!!!! Bakit may pumupu sa ulo ko?! Oh My Gaaaaahh! YUUUUCK!!!

"Timothy! Alisin mo!! Alisin mo!!" Hinawakan ko sya sa braso at niyugyog. "Please alisin mo!! WAAAAAHHH!!"

"No."

Maiiyak na ako. "Bakit?"

"Because it's dirty."

"AAAAAHHH!! Timothy naman ehh!! Alisin mo!! WAAAAHHH!!!" Patuloy kong niyugyog ang braso nya. KADIRI. WAAAAAHHH!!! First time kong madumihan ng ibon sa ulo!! WAAAHH!! Ang buhok ko!! "TIMOTHYYYYYY!! ALISIN MO!!!" kulit ko sa kanya.

"Under one condition."

"Oo kahit ano! Basta alisin mo lang yung nasa ulo ko!" nagpa-panic kong sabi.

"Right." May kinuha sya mula sa jacket nya na nakasuot sakin.

Naglabas sya ng isang kulay grey na panyo na may amoy ng male perfume. Inayos nya ang panyo at ginamit yon para tanggalin yung dumi sa ulo ko. Matapos non, inabot nya sakin yung panyo.

"Oh bakit?"

"Do you want to see it?"

"Ang alin?"

"The bird's shit."

"ANO KA BA TIMOTHY?! Natural ayoko!!" Tinakpan ko ang ilong ko.

"Just asking." Pumunta si Timothy sa pinakamalapit na basurahan at itinapon don ang panyo nya.

"Ang baho koooo! Eeeww!" Lumapit si Timothy sakin at inamoy ang ulo ko. "Seryoso Timothy kailangan talagang amoyin?"

"You're right. You smell like a used baby diaper."

WAAAAAAAAHHHHH!!!!