webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
213 Chs

Chapter One Hundred Forty-One

Miracle Samantha Perez

"He's gone so why don't you take your hand off of her already?" Napapitlag ako sa narinig ko at kasabay non ang sobrang pagbilis ng tibok ng puso ko. "Or do you want me to remove it myself?"

Unti-unti akong lumingon kay Timothy. Nakatayo sya limang hakbang ang layo sa amin. Hindi ako makagalaw, kahit yung paghinga ko pigil din. Pakiramdam ko sasabog na talaga ako sa sobrang kaba.

Para syang Leon na nakakita ng pagkain. Sobra talaga syang nakakatakot. Sinilip ko kung ano ang reaksyon ni Red. Nakatingin lang din sya kay Timothy. Tatanggalin ko na sana yung braso ni Red sa'kin kaso bigla syang nagsalita.

"Ayoko nga, bleh!" sagot ni Red at mas hinigpitan ang akbay sakin.

WAAAH! A-Ano bang ginagawa ni Red?!

"F*ck."

"Nagagalit ka na ba?" tanong ni Red na may ngisi sa labi.

"What the hell are you doing here?" Lumapit sa amin si Timothy.

Nag-taas baba ang balikat ni Red. "Nagbe-babysit."

Sandali silang nag-tinginan.

"Let's talk."

Kumalas sa akbay nya sa akin si Red at lumapit kay Timothy. "Sasabihin ko na rin sana 'yan, naunahan mo lang ako. "

Biglang nag-iba ang aura nilang dalawa nang magharap sila. GULP! Lagot na. Mag-uusap sila. Sasabihin ba ni Red kay Timothy ang tungkol sa'min?! P-Pero... Pero sa date na 'to ko malalaman ang desisyon ko! Hindi pa ako handa!

"Hinawakan mo ang didib nya, wala sa usapan 'yon loko."

"Spying on us is also not included in our agreement."

"Seryoso TOP, sino ba ang casanova sa'tin? San mo natutunan ang move na 'yon?"

"I may not be a casanova like you but I'm still a guy."

"Sinasabi ko na nga ba. Tatahi-tahimik ka pero marami ka ring alam eh. Loko."

"Tss."

Naguguluhan ko silang tinignan. "Ano ba'ng pinag-uusapan nyong dalawa?"

Pareho silang napatingin sa akin.

"Nothing Wifey."

"Wifey? Pft! Ginagamit nyo parin pala ang tawagan na yan?"

"F*ck Dela Cruz, shut up. Let's talk somewhere else."

"Mabuti pa nga Pendleton."

T-Teka lang! Kung mag-usap sila parang... parang hindi sila nagkahiwalay na magkaibigan ah! Oh baka naman... O baka naman nagkita na sila bago pa man nagpakita sa'kin si Timothy? Posible ba na alam na ni Red na bumalik si Timothy? Pero kung totoo man 'yon, bakit hindi nya sinabi sa'kin? Inilihim nya na nakabalik na si Timothy dito? Ano ba talaga ang totoo? Kainis! Sumasakit ang ulo ko.

"KUYAAAAAA!!!!!!" May malakas na sigaw mula sa likod ko. Paglingon ko, nakita ko si Audrey na buhat sa likod nya si Angelo.

Nalaglag ang panga ko. "Angelo?!"

"Hiya Mommy~!!" tuwang-tuwa na bati sa akin ng kapatid ko.

"Patay," bulong ni Red. "Next time nalang tayo mag-usap," sabi nya kay Timothy.

Tumango naman si Timothy sa kanya. "Mm."

"Kuyaaa..." nakakatakot na tawag ni Audrey na mukhang haggard na sa pagbubuhat kay Angelo. Mukhang malayo ang tinakbo nila. Ano ba ang nangyayayi dito? Kinuha ko si Angelo mula sa likod ni Audrey. Nakita ko naman na agad syang napahinga nang malalim.

Pinulupot ni Angelo sa leeg ko ang maliliit nyang braso. "Mommy~!"

"Angelo ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko habang inaayos ang pagkakabuhat ko sa kanya.

Kuminang ang mga mata ng kapatid ko. "I'm here with Daddy. Daddy! Did you catch the bird?"

Bird? Ano raw? Ibon?

"Hindi Saviel, lumipad nung nakita ako, natakot yata sa maskara ko."

"Leche ka kuya!" Pinaghahampas ni Audrey si Red gamit ang purse nya. "Hinila mo ako papunta dito tapos iiwan mo ko kasama yung batang yon?!"

"Aray! Ah! Aray tama na nga Audrey! Tsk! Potek! Muntik nang tamaan ang mukha ko ha!" angal ni Red.

Pero walang pakialam si Audrey kung tamaan ang mukha ni Red dahil nagpatuloy lang sya. "Alam mo ba kung ilang babae ang gustong magpapicture kasama ang batang yon! Nakakainis sila!"

Lumapit sa kinatatayuan ko Timothy.

"Ooohh~!" Tuwang-tuwa na pumalakpak si Angelo saka sya magiliw na bumati. "Hello brother-in-law!"

B-Brother in law?

"Good boy." Pinat lang ni Timothy sa ulo ang kapatid ko.

"Hindi aso ang kapatid ko Timothy." sabi ko sa kanya.

Tumingin sya sakin at nagbigay ng isang tipid na ngiti na mabilis din na nawala sa mukha nya.

"ARAAAY!"

Napalingon ako sa naghahabulan na magkapatid. Tumatakbo si Red palayo habang hinahabol sya ni Audrey.

"I want to play too!" Nagpa-baba si Angelo sakin at mabilis syang tumakbo papunta doon sa dalawa. "DADDY!" Agad naman nilapitan ni Red si Angelo nang marinig ang tawag sa kanya. Binuhat nya ang kapatid ko sabay takbo palayo kay Audrey.

"BUMALIK KA DITO KUYAAA!" tumatakbong habol ni Audrey sa dalawa.

"Let's run."

Tumingin ako kay Timothy. "Huh?"

Hinawakan nya ang kamay ko at mabilis nya akong hinila patakbo. Waaaahh!! Nakalimutan nya ba na mas mahaba ang legs nya kaysa sa'kin?!

"AAAAHH!! Teka lang Timothy!!"

***

Hinihingal kaming tumigil sa ilalim ng malaking puno sa Lovers Paradise dito sa Lala Land. Para syang malaking park na puro puno at halaman. May malaki ring fountain dito. Dito ang tambayan ng iba kapag pagod na sila sa pagsakay sa mga rides. Isang napakalaking Wonderland ng LaLa Land.

"Wifey."

Lumingon ako sa kanya. Umupo sya sa damo at sumandal sa malaking puno. Nanatili akong nakatayo pero sumadal din ako sa puno.

"Mas bumilis ka na yata tumakbo kaysa sakin. Nahirapan akong sabayan ka," nginitian ko sya.

Tiningala nya ako. "Things change."

Nalungkot ako bigla sa sinabi nya. Hindi ko alam kung bakit pero parang tinamaan ako sa sinabi nya. Nagbabago ang lahat ng bagay. Kasama na kami don. Ayoko man, pero tama naman sya sa sinabi nya.

"How did you meet GD?"

"Si GD?" Umupo ako sa tabi nya. "Nagkakilala lang kami sa school. Classmate ko sya sa ilang subjects ko. Bakit?"

Umiling sya. "Nothing. Just... I want you to stay away from him, Miracle. He's up to no good."

"Hwag kang mag-alala, alam ko na hindi kayo magka-sundo ni GD. Pero hindi ko rin sya kayang layuan since magka-klase kami."

"Ganon ba?"

"Haha! Timothy nag-tagalog ka! Hahaha! Akala ko tuloy-tuloy na 'yang english mo hanggang umuwi tayo eh."

Ngumiti sya. "You're funny. Napaka-big deal para sayo kung ano ang sasabihin ko. Tss." Umi-iling sya habang nakangiti.

"Syempre." Sumandal ako sa dibdib nya. "Kapag may mahal ka, lahat ng bagay tungkol sa kanya big deal." Ngumiti ako na parang walang bukas. Ang komportable sa pakiramdam ng pagkakasandal ko sa kanya.

"Do you really love me Miracle?"

Natigilan ako. Humiwalay ako sa kanya para titigan sya. Seryoso syang nakatingin sakin at naghihintay ng sagot.

"Oo naman, ano bang klaseng tanong yan Timothy?"

"I want to hear it. Say it." Ang seryoso parin nya.

"Mahal kita Timothy, forever and always."

Unti-unti na syang ngumiti. Niyakap nya ako at bumulong sa tenga ko. "Thank you Miracle."

Niyakap ko din sya. Ang init ng yakap nya. Kahit kailan, napaka-komportable sa pakiramdam kapag yakap nya ako. Pero tanungin ko na kaya sya tungkol sa kanila ni Red? Kung nagkita na ba sila bago pa man kami nagkita? Napag-usapan ba nila? Alam na ba nya?

"Can I kiss you now then?"

Kumalas ako sa yakap at tinignan sya. "Hanggang ngayon ba Timothy? Hindi ko kayang mag-PDA!"

"Tss." Tumayo sya. Nilagay nya yung dalawang kamay nya sa bulsa ng pantalon nya. Tumingin sya sa ibang direksyon at sumandal sa puno.

"Timothy." Hindi nya ako pinansin. Lumingon sya sa kabilang direksyon. "Nagtatampo ka ba? Pst! Timothy!" Hindi ako pinansin. "TIMOTHY!!"

"THERE!" malakas nyang sabi habang nakatingin sa isang bagay.

"Ano ba 'yon?" Tumayo ako at tinignan ang tinitignan nya. Ferris Wheel. Niyayaya ko sya na sumakay don kanina, ayaw nya.

"Let's go ride that thing Wifey." Kumikislap ang mata na tinignan nya ako.

Ngayon ko lang sya nakitang ganito ka-excited na sumakay sa isang ride. Para syang bata. Agad akong napangiti nang malapad.

"O sige!"

Kaagad kaming pumunta sa pila para sa ferris wheel. Napaka-haba ng pila. Siguro isang oras pa bago kami makasakay.

Tinignan ko si Timothy. "Sigurado ka ba na gusto mong sumakay dito?" tanong ko.

"Yes." Mukha syang naiinip.

"Kahit matagal?"

"Yes."

Himala. Ano kayang masamang hangin ang dumaan at gusto nyang sumakay dito?

"Timothy isang oras tayo pipila dito, ano?"

"Do you want me to pay these people to let us ride first again?" tanong nya pabalik.

Tinignan ko ang mukha nya. Tinignan lang din nya ako pabalik.

"I have no cash left in my wallet, Wifey. I only got credit cards."

Tumingin na ulit kami sa unahan. Wala na kaming magagawa. Mahaba habang hintayan 'to.

***

Makalipas ang isang oras nakasakay na rin kami sa wakas! Kaming dalawa lang ni Timothy ang magkasama. Unti-unti nang umandar ang ferris wheel. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang hinihintay ko na tumaas kami. Nagdidilim na ang paligid. Nagsisimula nang magbukas isa-isa ang mga ilaw sa LaLa Land.

"Tignan mo Timothy, ang ganda ng view! Ang daming ilaw!"

"I'm not interested."

Tinignan ko sya. Mukhang relax na relax sya habang nakaupo sa tapat ko. "Pero.. nakasakay na tayo sa ferris wheel ngayon, hindi ka ba masaya?" tanong ko.

Naguguluhan ako. Gustong-gusto nyang sumakay dito tapos ngayong nandito na kami parang wala lang? Parang naiinip sya.

"Hindi naman 'yon ang dahilan ko kung bakit ko gustong sumakay dito kasama ka."

"Nag-tagalog ka ulit, ang haba ng sinabi mo."

"Now." Lumipat sya ng upo sa tabi ko. "How about that kiss?"

HAAAAAAAAAAAA??????

"A-Ano? Kiss?"

"Tayo nalang ang nandito, 'yon ang gusto mo hindi ba? Wifey?" Inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko habang nakangiting nakakaloko.

AAAAAHHHH!!! Kung ganon yun pala ang dahilan. Bakit hindi ko agad naisip 'yon?! Para kasi syang inosenteng bata kanina, excited na sumakay sa isang ride. Bakit ko ba inisip na wala syang ibang plano kung hindi ang sakyan lang ito? NA-CORNER NYA AKO!!!

"Well Miracle?" Nag-eexpect ang hitsura nya.

"Ha—? Ah eh. Hehe."

Tinitigan ko lang ang gwapo nyang mukha. Natatawa ako, kinakabahan at nae-excite. Unti-unti kong hinawakan ang mukha nya. At bumaba ang tingin ko sa labi nya na naghihintay.

"Close your eyes Hubby," mahinang sabi ko.

"No, I want to watch you." Ngumiti sya.

Namula ang mukha ko. "Timothy..." reklamo ko. Kung bakit kasi gusto nyang ako ang mag-initiate ng kiss?

"Take your time Miracle. I'm not going anywhere," medyo husky at pabulong ang boses nya.

Naramdaman ko ang init ng hininga nya na amoy mint. Katulad ng sinabi nya, hindi ko minadali. Hindi ito ang unang beses na hahalikan ko sya pero pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa lakas ng pintig ng puso ko. Ganito rin kaya kalakas ang tibok ng puso ni Timothy? Dahan-dahan nagdampi ang mga labi namin. Nagulat ako sa naramdaman ko kaya agad akong lumayo. Napatingin ako sa kanya.

"What's wrong?" nagtatakang tanong nya.

Napahawak ako sa labi ko. Bakit... Bakit parang? Umiling ako at hinigit sya palapit sakin. Hinalikan ko sya ng buong pagmamahal. Alam ko na ngayon kung sino.