webnovel

"Ang mahal ng makeup at ang mahal mahal maging babae" masaya na si Tullips sa kanyang magandang mukha, di na niya kailangang mag makeup kasi pulbo at liptint lang ayos na.

Aalis na siya at baka mahuli na siya sa kanyang trabaho bilang attendant sa kilalang sikat na Casino sa lugar. Bakas sa kanyang katawan ang kanyang alindog na mula ulo hanggang paa, kitang-kita ng mga taong nakatambay sa labas ng kalye ang kanyang maamong mukha-maaliwalas na ganda.

"Oy pare ang ganda talaga ni Tullips no?", saad ng lalaking nakatambay na may katabing kumakain ng puto na binili sa maliit na tindahan ni Aling Ingka.

Bumungad sa kalagitnaan ng kalsada si Kael former workmate niya noong unang nagtrabaho siya bilang crew. "Aalis kana?, hatid na kita doon lang naman din ang punta ko", alok na sabi ni Kael sa kanya.

Napabuntong hininga siya sa layo ng paroroonan ng sasakyan ng Jeep kaya napa"Oo" nalang din siya kasi may motorsiklo naman ang binata.

"Mainam kapag nakamotor ka talaga" ani Tullips kay Kael habang umaandar na ang motorsiklo.

"Oo, mas nakakatipid ako kesa sa mga pamasahe sa mga jeep at bus ngayon, nakakapunta pa ako kahit saan ko gusto, kaya, talagang kailangan maging maaga sa lahat ng pupuntahan ko para huwag lang malate", sagot ni Kael kay Tullips habang gumawi na ang kanyang motor sa kaliwang bahagi ng daan.

"Kahit ako nga na walang motor eh, kailangan ko ring maging maaga kasi alam kong matraffic na ang syudad", napatawang saad ni Tullips kay Kael.

"May baon ka ba?", tanong ulit ni Kael nung napahinto ang kanyang motor sa kasagsagan ng traffic.

"Oo naman, araw-araw nga akong nagbabaon para naman makatipid rin. di naman ako magastos pagdating sa akin eh, mas inuuna ko pa yung mga kakailanganin ng Tatay ko.", napaisip niyang tugon sa kanyang kaibigan.

"Di kaba gumagastos para sa sarili mo? Oo nga pala, di mo na kailangang mag ayos, nasa lahi niyo na ang maganda", napangising saad ni Kael habang dahandahang nawawala ang traffic.

"HAHAHA! hindi naman sa ganun, ang mahal ng makeup, ang mahal maging babae at ang mahal mahal ng mga bilihin sa ngayon. Ayokong gumastos kung di naman importante", mapaklang tugon ni Tullips kay Kael nang napahinto na ang kaibigan sa tapat ng gusali na pinagtatrabahoan niya.

"Sa bagay, ganyan naman talaga ang buhay. Nandito na nga pala tayo."

"Salamat sa paghatid Kael ah, ang bait mo sa'kin, siya nga pala mag-iingat ka", sabay bigay ng helmet pabalik kay Kael.

--------------------------------------------

3 Days later

--------------------------------------------

"Monique Versantes?"

Napalingon si Tullips sa kanyang kaliwang likuran, hindi niya kilala ang babae, hindi naman matao ang lugar at hindi rin niya alam kong sino ang tinatawag ng Ginang na ito kaya ipinagpatuloy niya nalang ang kanyang paglalakad. "Monique!" napagtanto na niyang sa kanya dumidirekta ng tingin ang babaeng ito at hindi na niya maiwasang mapatingin pabalik. "Monique! alam mo bang nagkakagulo na sa mall kanina kasi nawala kana naman matapos ang fansign? ikaw na bata ka talaga ang sakit mo sa bitoka!", humihingal na sabi ng babaeng kinapa pa ang dibdib matapos siyang kausapin.

"Kanina pa kita tinatawag at halos gumewang-gewang na yung heels ko dahil sa mga pinanggagawa mo!", saad nito habang kinukuha ang fan mula sa kanyang bag.

"Pasensya na po pero-hindi po ako si Monique, Tullips Survarial po ang pangalan ko" maagap na tugon niya sa babae.

Tsaka na napagtanto ng babaeng ito na hindi talaga siya ang babaeng hinahanap nito. chineck niyang maayos ang anggulo ng mukha niya at ang hugis ng kanyang katawan, mula paa hanggang ulo at mula ulo hanggang paa. Lumaki ang mga mata ng babae nang binasa nuito ang company ID niya sa kadahilanan ay napako ang mga kamay nito sa bibig. "Hala, hawig na hawig mo talaga ang alaga ko, hindi ko lubos maisip na hindi ikaw si Monique, kahit nga sa paglalakad ay hindi ko mawari na hindi ikaw ang hinahanap ko." tungangang sabi nito sa kanya.

"Kailangan ko na po umuwi baka wala na po akong masasakyan", ipinagpatuloy na niya ang kanyang paglalakad nang-"Sandali!".

"Bakit po?", napalingun niyang sabi.

May papel na inabot sa kanyang kamay ang babae, "Kontakin mo ako dito, may bagong job opening kami sa mga aspiring artists baka makakapunta ka. Oh siya, aalis na ako at kailangan ko ng hanapin si Monique." paalam ng babae habang nakatalikod narin ito at nglakad.

"Business card, Kerry Lamdup-Talent|Head manager", nakatala rin dito ang contact number nito.

--------------------------------------------

5 DAYS LATER

--------------------------------------------

"Hello Monique Versantes!" bati ni Jam nang magviral ang bagong actress na si Monique Versantes sa isang talk show na kung saan inisiwalat nito ang talambuhay ng artista.

"Ano'ng feeling ng napagkamalan? HAHAHA! ang ganda mo talaga girl."Batid ni Bea habang nagtatype ito ng kanyang reports.

Ilang araw na din siyang binubuhusan ng ilang komplimento mula sa kanyang Itay hanggang sa mga tao ng kanilang barangay na kahawig niya talaga ang artistang ito. Minsan hindi siya kumikibo at minsan ngumingiti na lamang siya sa mga ito. Minsan narerealise niyang nagiging maayos ang pakikitungo ng ibang tao sa kanyang Ama dahil sa kanyang angking ganda.

Sa pagkakatanda niya noon ay hindi maayos ang pakikitungo ng mga taong ito sa kanyang Ama dahil isa ang kanyang ama sa mga mayayamang negosyante na tao sa lugar noon ngunit nalugmok ang negosyo nito at may maraming taong naapektohan at pinagkakautangan. 10 taon na ang nakalipas at lubog parin ang kanyang Ama sa utang. 50% ng kanyang sweldo ay napupunta sa bayad ng utang at kahit nagtitinda ng baked cakes at munchkins ang Ama niya ay parang hindi parin sapat.

--------------------------------------------

1 WEEK LATER

--------------------------------------------

Napaaga ang dating ni Tullips sa office kaya naisipan niyang pumunta muna ng banyo.

"Huwag kanang umiyak Jona, okay lang yan."

"Bakit ano'ng meron?", tanong ni Tullips kay Minami na pinatahan si Jona sa pag-iiyak nito.

"Isa siya sa mga natanggal Tullips.", saad ni Minami sa kanya.

"Ano?", napaisip si Tullips habang nakatingin sa dalawa at dali-daling pumunta sa cubicle niya at may papel na nakapatung sa kanyang mesa.

Binasa niya ito ng taimtim:

"Dear Employee:

It is with regret that I inform you that you are being laid off from your position as VIP Attendant effective 04/9/27. Lack of fund(and/or lack of work) necessitates this layoff. This layoff action is indefinite in duration and should be considered permanent.", at di na niya ipinagpatuloy ang pagbabasa. Matamlay na napaupo siya sa kanyang upoan at nakatitig sa harap ng kanyang computer na para bang walang emosyon.