webnovel

"Identity"

"Aziel, please lang naman oh, kelangan ko lang talaga 'to sa trabaho eh", pasang-awa ni Monique kay Aziel.

"Ano ba kailangan kong gawin ha Nique?

Kalalapag ko lang sa eroplano kung ano-ano na naman yang mga gusto mong ipagawa sa'kin? Bakit ba?", kalalabas niya lamang sa arrival area at buong akala niya ay naghihintay na ang kanyang sasakyan ngunit hanggang sa mga oras na yaon ay wala parin.

Nakikinig siya kay Monique habang naglalakad papunta sa may bench. Alam niya na sa sarili niya na andami talagang humahanga sa kanyang taglay na kagwapohan. Andaming napatingin sa kanya habang naglalakad at andaming mga matang nakasubaybay sa kanyang pag-upo.He's 170 kaya lahat talaga ng mga taong nakikita siya ay para bang napapako lahat sa kanya ang tingin. Napaupo na nga siya at natapos narin ang kanilang pag-uusap ni Monique.

"Only Nique knows what my true color is", sambit niya ng palihim na tanging ang sarili lamang ang kanyang tanging kausap sa mga panahon na iyon.

He was at the age of 12 when he realized he was not "straight", pero sa kadahilanan ng kanilang angkan ay alam na niyang malabo talaga ang kanyang pag-bubukod tangi. Monique was there when he was judged and bullied by some kids that he was not a real man, she even fought against them till the end of the day. There are several things she did just to cover the real him from those trying times before. His dad has the most expansive business around the world while his mom is a Supreme creative director of the well known company in the U.S. In the meantime, he just went to the place where his cousin badly needed his help and that was to become an artist and to play the role"As her Boyfriend".

"Welcome back to the Pearl of the Orient Sir Aziel" ani ng baritonong lalaki.

"Oh, thank you and you're Tatang right? How are you po all these years Tatang?", bati ni Aziel sa may edad na Ginoo.

Tatang was there when he is still a child at mabait naman ito at mapagkakatiwalaan sa lahat ng panahon. Batid niya na may pamilya na ito sa ngayon at nailagay niya na sa maayos ang kanyang pamilya dahil narin sa benepisyo at sa tulong ng magulang niya.

"Tatang iuwi mo ako sa bahay ni Monique at ilagay mo nalang sa hacienda ang ilang bagahe ko.", aniya habang abala siya sa kanyang cellphone matapos nilang mag usap tungkol sa mga bagay at sa mga nakaraang taong hindi na sila nagkita.

"Sige po sir Aziel, masusunod."

--------------------------------------------

Monique's House

--------------------------------------------

"Shrimp? Crabs? Sea urchins? Marami akong seafood stocks dito sa fridge na alam kong namiss mong kainin Aziel!", masayang bati ni Monique sa kanya na animo'y magfifiesta ang dalaga sa dami ng niluto ng kanyang katulong. May lechon belly, calamaris at kung ano-anong dessert ang inihanda para sakanyang pagdating.

"Gusto mo yata akong bangungutin sa mga inihanda mo Nique, sa dami ba naman niyan kaya ko kaya? para ka namang magpapakain ng baboy at hindi tao", napakawit ang kanang kamay niya sa ulo.

Napahagalpak ng tawa ang dalaga sabay sabi, "Sinong may sabi na ikaw lang ang kakain ha? may inimbitahan akong tao dahil apat tayo. "

"Huh? sino ba sila?", napakunot noong tanong niya.

"Yung boyfriend ko at si Mr. Delmundo, siya ang acting manager na hahawak sayo sa industry, alam ko madali kalang makapasok since may potential ka naman talaga. And then the roleplay will be implemented as soon as your career goes up.", batid nito sa kanya ng walang preno preno at straight to the point kung magsalita.

Sasabak na siya sa karera ng pag-A-acting? Kakayanin kaya niya ang trabahong ipinagawa ni Monique sa kanya?Sa bagay, kinaya nga niya na ilihim ang kanyang tunay na kasarian kaya walang sinoman ang nakakaalam nito maliban na lamang kay Monique.

"So what's the beef?", tanong na ni Aziel habang papalapag ang mga pagkain sa mesa na inihanda ng dalawang katulong.

They are all gathered in the table matapos silang nagkamustahan at may kunting ngitian at tawanan. si Mr. Rey Delmundo, Si Aziel, Si Monique and her byfriend Shawn sets in.

"You will be under my house hijo, don't worry, all you need to do is act like some normal people do in their own life but infront of the camera.", Rey added in a mannered way.

"Tsaka nakasaad na din sa kopantrata na ikaw ang magiging boyfriend ko for 1 year.", mainam na paliwanag ng pinsan niya.

"What? Why a year? Bakit hindi si Shawn, Nique?", naguguluhang tanong ni Aziel sa mga plano ng mga ito.

"I apologize for this, kahit nga ako eh, naaapektohan na sa mga pinanggagawa ng pinsan mo. Monique will be attacked by many and it might cause disruption sa media pati narin sa kanyang papausbong na career. I am a back officer employee in the same company as her. We employees got the same contract that we need to follow, and if we break the rules on it. Everything will be gone.", Shawn explained.

"Isa din sa contract na bawal makipagkasintahan sa kapwa employee, Aziel. Shawn and I have been together for 5 years at 2 years palang ako sa industry. I helped Shawn to find a better job na hindi na kailangang magkalayo kami sa isa't-isa.", paliwanag ni Monique.

"What can you do for Love nga naman. Ikaw ba Aziel? nagkagusto kana ba? o may iniwan ka sa lugar niyo?", tanong ni Mr. Rey sa kanya.

"I had it for a year, when I was in my college years. He's a good man for me"

"He is????", napasabay tanong nina Mr. Rey at Shawn habang nakatingin sa kanya na para bang nalilito.

"Well, he was and 4 na taon na ang nakaraan, hindi na ako nagtry ulit.", aniya na napainum na ng wine. hanggang ngayon ay nasa stage pa siya ng kanyang identity crisis.

"You're gay. But sana maitago mo yang pagkatao mo for a year only. Marami kang magiging fans niyan kapag aakalain nilang totoong lalaki ka. Nevertheless, youre putting a lot of money to your bank accounts.", saad ni Mr. Rey na tila naiintindihan siya nito ng walang panghuhusga sa kanyang pagkatao.