webnovel

Never Leave You Again

Paano nga ba ang sakit na mararamdaman mo kapag iniwan ka? Hindi lang basta-bastang tao kundi yung mahalaga pa sa buhay mo? Yung kaibigan mo pa na halos apat na taon mo ng kasama. Eh paano kung yung kaibigan mong iyon ay may malaking lugar na diyan sa puso mo? Oo, masakit yun. Napakasakit lalo pa at wala siyang pasabi. Wala man lang paalam. Paano naman kapag bumalik ulit siya after a year? Matatanggap mo pa ba siya gayong bago siya nawala sa iyo eh may espesyal ng pagmamahalan sa pagitan ninyo at ngayong bumalik siya eh ikakasal na pala? Paano mo ba maibabalik sa dati ang lahat?

mlcstrvlls · Others
Not enough ratings
1 Chs

The News

[ Mel Lhionnie's POV  ]

"Ateee~ Hurry na! Nandyan na sa labas si kuya Fiel." sigaw ng kapatid kong si Cleo galing sa baba. Well, first day of school pa naman ngayon so I don't wanna be late.

"Pababa na ako!" sigaw ko naman pabalik. Paglabas ko, nag hihintay na nga si Fiel sa labas sakay sa kotse niya. He's my cousin, by the way.

"Hop on, Mel." he said then I get into his car.

"Errr~ new car huh?" sabi ko habang umaandar na ang car niya to school.

"Yep! Black Porsche, as usual. D'you like it?"

"Yeah. Anyway, how's Tita and Tito? I've heard na dumating na sila kahapon from Japan." I ask to him.

"Umm~ they're fine. Nakakayamot nga eh coz ngayon lang nila pinagamit itong car ko."

"Lakwatsero ka kasi! Magtino ka na nga. Kaya ka hindi nagkaka girlfriend eh!"

"Aba at nagsalita ang NBSB! Bakit ba kasi hinihintay mo pa siya?" kaswal na pagkasabi ni Fiel. Hindi ako nakasagot. Tsk! Pinapaalala na naman sa akin ang lalaking iyon. Mukhang nahalata naman agad ako ng mokong na ito.

"Oh! Sorry cous'! My bad. I didn't mean to mention it." 

Buti naman at nahalata niyang nailang ako dun kaya di na siya muling nagsalita hanggang makarating na kami sa tapat ng gate sa school.

"Oh cous', dito na lang ako  bababa sa gate. Thanks!" sabi ko noong nag stop ang car at lumabas nako agad.

Pumunta muna akong restroom at tinext si Lex, one of my bestfriends.

[. .hey Lex Blythe Garcia Amarone! Where art thou??!]

Nag reply naman agad siya.

[whoa! at tlgang full name ko tlga eh nu -_-.. an2k pa ako Mel. puntahan mo nlng aq d2 sa student cnter]

Yan ang reply niya. Ang jeje talaga ng babaeng ito eh. Buti nalang at sanay na ako sa kanya. Tsk! Nag punta na naman siguro ng bar kagabi itong si Lex... palagi na lang.

Oh well, dahil love ko naman siya kaya pinuntahan ko na.

"Hoy, Lex! Bumangon ka nga dyan!" 

Pambihirang babae talaga oh. In-occupy ba naman ang pagka haba-habang upuan dito sa student's center. Nakakahiya talaga 'to. Minsan ang sarap balewalain netong babaeng 'to. Hayyyst! Buti bumangon naman siya at nakipag beso sa akin.

"I've already texted Quiara, sabi niya on the way na sila dito ni Gabb." sabi ni Lex kahit na halatang inaantok pa yung boses.

" How about Myrtle and Maui?" tanong ko naman pertaining to our other friends.

"Over here!" biglang sabat ng dalawang boses galing sa likuran ni Lex. Nagbebeso-beso naman kaming magkakaibigan. Kamustahan at kwentuhan kung anong nangyari noong summer break. 

I really missed this girls.

Bigla namang may sumigaw from behind my back.

"Mel Lhionnieee~"

Sa boses pa lang, alam ko na talaga talaga kung sino iyon kahit di pa ako lumingon. Dumampa na lang siya bigla sa likod ko. I miss this girl, too.  It's Quiara Scherz. Ang pinaka bestfriend ko sa lahat ng kaibigan ko.

"Ikaw ha! Sa Japan ka pala nag bakasyon noong summer at hindi mo man lang sinabi sa aking bruha ka! Kaya pala hindi ka namin mahagilap sa mansyones nyo! Si Cleo lang lagi naming naabutan doon! Hmp!" Pagmamaktol sa akin ni Quiara.

"Ang OA mo! Ang dami mo pang sinabi eh pwede namang diretsuhin mo nalang na nami-miss mo na ako!" Natatawa kong sabi. Natawa na lang din sina Maui, Myrtle at Lex.

"Hehehe na miss nga kita. Pa hug nga!" Niyakap naman ako nitong si Quiara. Asus! Mga kadramahan talaga niya eh. Tsk!

"Teka nga, nasaan na pala iyong magaling mong boyfriend? Yung Gabb talagang yun!" Tanong ko na lang para maiba naman.

"Nauna na sa room niya with his bandmates. Magkaklase na naman sila." Sagot niya na mukhang hindi sang-ayon na magkaklase na namn ang magka banda.

"Aba! That means nag architech din yung mga ka bandmates niya?" hindi makapaniwalang tanong ni Maui sabay tawa. 

"Hoy mga babaita! Speaking of rooms, tara na guys! Eight minutes to go nalang magsa-start na ang class. We better get hurry." Paalala ni Myrtle sa amin.

So ayun nga. Pagdating namin sa classroom namin ay nagpapakilala lang naman.  Ano pa bang aasahan ko eh lagi naman talagang ganito tuwing first day of school.

"Hey guys! I'm Lex Blythe Amaron, 17 years of age and came from Baimbridge International High School." Pagpapakilala ni Lex.

"I am Myrtle Clyde Hilton. 17 and came from Baimbridge International High School." Pagpapakilala din ni Myrtle.

"Wazzup! Quiara Scherz here and 18 years old. I'm from Baimbridge International High School." Cool na pagpapakilala naman a si Quiara.

"Good day to all! Nice meeting you guys. Uhmm.. My name's Mel Lhionnie Hiraishi, 18 years old and also came from Baimbridge International High School." Pagpapakilala ko naman sa sarili ko at naupo narin.

"Oh! How interesting. Are you guys friends? The professor asked.

"Yes, we are, Sir!" We answered in unison naman.

"Mel! Where is Maui??" Mahinang tanong nila sa akin and take note, sabay pa sila! Ayaw naman nilang magsabay ng tanong sa lagay na iyan"Lumabas eh. Tinawag siya nung cousin niya." Sagot  ko nalang.

"You mean, Aldon? As in Aldon Drake Smith??! Tanong ni Lex na mukhang di makapaniwala.

"Ang OA ah! At bakit ka naman ganyan maka react??" Tanong ko.

"Crush niya kasi yun! Yung Aldon ang dahilan kung bakit puyat yang babaeng yan ngayon. Sinusundan niya kasi the whole summer si Aldon sa bar namin!" Pagsusumbong naman nitong si Quiara habang tumatawa kaya mukhang nahiya pa etong si Lex at nag blush.

(dismissal time)

Sa student center muna kami nag aantay ng mga sundo naming magkakaibigan. Nagkwentuhan lang ulit kaming lima ng...

"Uhmm guys, I think I need to leave na kasi nag text na sa akin ang pinsan kong si Aldon. Hinihintay na niya ako sa parking lot." Pagpapaalam ni Maui sa amin at umalis na nga siya.

Kwentuhan galore pa rin kami ng biglang may nagtititili sa hallway.

"KYAAA~ Ang gwapo talaga ni fafabol Fiel!"

Hay nako po! Unang pasok pa lang may fans na agad si Fiel. Sabagay kilala din naman siya dahil sa pagiging model niya. 

Pinagkaguluhan siya kaya noong  nakita na niya kami ay agad ng tumakbo papunta sa kinaroroonan namin. Ayan! Death glares overload na naman natatanggap ko galing sa mga fans niya.

"Mel! Tara na. Nag text pala si Cleo na daanan nalang daw natin siya sa school niya. Doon sa Baimbridge. May importante lang daw siyang sasabihin sayo eh." Pambungad sa akin ni Fiel.

"Aba! Ang galing mo ng mag tagalog Fiel ah!" Puri naman ni Quiara sa pinsan kong hapon pero marunong ng mag tagalog.

"Ahmm.. ti-tinuturuan kasi a-ako ni Mel eh. Thanks anyway." Sagot ni Fiel na nahihiya kay Quiara. At nag blush pa siya ah! 

Nanligaw kasi yang pinsan ko kay Quiara noon pero love na kasi ni Quiara noon si Gabbrielle kaya basted ang kawawa kong pinsan. 

"Oh good to here that!" Sabi na lang ni Quiara.

"Well guys, we need to go na. Susunduin pa namin si Cleo sa Baimbridge eh. Alam niyo naman na yun, mainipin. Geh ha. Bye!" Pagpapaalam ko sa kanila.

"Okay! Take care... bye~"Sabi nina Myrtle.

Noong na sundo na namin si Cleo sa Baimbridge, sa front seat ako at sa likod naman si Cleo.

"Ano ba yung text mo kanina na may sasabihin kang importante sa ate Mel mo, Cley? Tanong ni Fiel kay Cleo while still driving. Cley tawag namin minsan kay Cleo. Ako naman ay nag aabang na lang sa isasagot ni Cleo since I'm also curious din naman.

"Ahh, ano kasi ate. Uhmm ano.. classmate ko si..."

"Sino?" Tanong ko.

"Si Theo." Sagot niya then she gave me a a worried face. Natigilan ako. Parang hindi ko alam anong ire-react. 

That means nandito na sila. Nakauwi na sila dito sa Pinas. Akala ko ba sa States na sila titira for good?! 

Parang maiiyak na naman ako. Nabalewala ang pag babakasyon ko sa Japan para makalimot sa sakit na idinulot niya.

"Nag-usao din kami ate..." Pagpatuloy ni Cleo. Still worried pa rin ang tono ng kanyang pananalita. Well Theo, si Theo Xanti Harriet, isa sa mga kapatid niya.

"Ano namang napag-usaoan ninyo?" Wala sa sariling tanong ko.

"He said that kuya Elorick was under fixed marriage that's why he leave without you knowing the whole story." Pag-aalalang sagot sa akin ng kapatid ko.

What?! Paanong fixed marriage? This is impossible!

"Fixed marriage? Ghaad! Why is it that he never let me know?!"

Any moment now, I feel like crying.

"He left me hanging tapos mababalitaan ko na lang na ikakasal na pala siya? What the heck!" Umiiyak natalaga ako. 

"I think he just don't want you to get hurt cous'."

"Don't want me to get hurt?? Eh ano bang nangyari sa akin noong umalis siya na wala akong ka alam-alam?? Hindi ba ako nasaktan noon?! Alam niyo at saksi kayo kung gaano ako nasaktan noon sa pag-alis niya!"

Hindi na sila nagsalita pa at hinayaan na lamang akong umiyak hanggang nakauwi na kami.

Sobra akong nasaktan sa ginawa niya. Wala naman akong naaalalang maling nagawa ko sa kanya pero iniwan niya parin ako na walang pasabi.

Hindi ko na alam kung mapapatawad ko pa ba siya ngayong nagbalik na sila. Ngayong nagbalik sa siya.