webnovel

My Saturday Girl

Teenage boy who hates worms and a Teenage girl who hates basketball player. The girl is tutoring the boy every saturday. Can love be formed between two troubled hearts.

wackymervin · Teen
Not enough ratings
32 Chs

Chapter 24

Chapter 24

Vinson's POV 

"Thanks bro." text ni Seth sa akin. 

8:30pm na siya nagtext. Iniwan ko sila ng alas dos tapos ngayon lang siya nagtext? Saan pa ba sila pumunta? 

"Kakauwi niyo lang?" tanong ko sa kaniya. 

"Oo, umalis pa kasi kami. Pumunta kami sa park, tapos naglakad-lakad, nagkwentuhan. She's so nice to talk to."

"Talaga?" kunwari naniniwala ako sa kaniya. 

"Yes. Bro. I think I'm in love."

"Ah? In love kaagad," 

"Oo, at sa tingin ko she felt the same way." 

"Talaga?" 

"Bakit parang hindi ka naniniwala?" 

"No. I mean, naniniwala naman ako. Is just that, parang ang bilis naman ng lahat ng pangyayari." 

"Wala e, tinamaan ako." iyong boses niya, halatang halata na masaya siya. 

"Pumayag nga ulit siya na makipagdate sa akin next week." proud pang sabi niya sa akin. Sagot ko naman, na masaya ako for him. For them.

Masaya nga ba ako? 

Kinabukasan nakasalubong ko si Andrea binati ko siya pero tinignan niya lang ako, akmang lalapit pero akala ko ako iyong lalapitan niya si Seth pala. Kinuha nito ang gamit ni Andrea at sabay silang naglakad papasok sa loob ng campus. Napansin ni Paulo na sinundan ko sila ng tingin kaya inasar ako ng loko. 

"Ang bagal mo kasi." pailing iling pa nito. 

Practice game. Laking pagtataka ko ng bigla kong nakita si Andrea sa may bench. First time ko siyang nakitang nanood. Biglang inabot sa akin ni  Seth ang bola at lumapit siya kay Andrea at tila nagusap ang dalawa. Napansin naman ni Oliver na nakatingin ako sa dalawa, kaya inalaska ako nito. 

"You like her too?" kuminot ang noo ko tapos binato ko siya ng bola. 

"Bro. You know the code, right." tumango ako. 

May code kasi kaming magbabarkada. Once na may niligawan ang isa sa amin na isang babae hindi na pwedeng ligawan ng iba sa grupo. At kapag nagkahiwalay naman sila, bilang respeto sa bawat isa, hindi niya ieentertain ang ex ng bawat isa. Parang anino na ito sa kanila. 

Actually, hindi ako pabor sa ganoong set up, paano kung talagang nagmamahalan ang dalawa? Dahil lang sa usapan, hindi na niya maaaring maipakita ang pagmamahal niya sa taong iyon? Pero, wala e. Hindi ko rin gets kung bakit ako nakapayag. Hindi. Pinilit lang pala ako ni Seth. 

"Ang bagal mo kasi." asar pang sabi ni Paulo. 

"Bakit hindi nalang si Jade ang ligawan mo?" suwestyon naman ni Ethan. 

"Oo nga, 'di hamak na mas maganda iyon sa probinsyan na iyan." sagot pa ni Oliver. Napatingin ako ng masama sa kaniya, ewan ko pero parang naginit ang ulo ko at naibato ko sa mukha niya ang bola. Sinugod niya ako pero pinigilan ako ni Ethan. Habang nakaharang naman si Paulo kay Oliver, tapos lumapit si Seth. 

"Ano bang nangyayari?" pagtataka nito. 

"Bakit hindi mo tanungin iyang bestfriend mo?" inis na sabi ni Oliver saka siya nagwalk out. Umupo ako sa bench at kinuha ko na rin ang bag ko pero nilapitan ako ni Seth at tinanong parin ako nito. 

"Bro. Ano bang nangyari?" pinaharap ako ni Seth ng minutong iyon. Saka ako humarap. Bumuntong hininga muna ako saka ako sumagot. 

"Wala iyon. Masama lang kasi pakiramdam ko. Pwede na ba akong umuwi?" tanong ko sa kaniya. 

"Sure ka lang na okay ka?" 

"Don't worry about me, I'm okay." saka ako napatingin sa direksyon ni Andrea nagtama ang aming mga mata pero iniwasan ko siya kaagad. 

"I'll tell coach na masama ang pakiramdam mo. Okay, text mo ako kapag nakauwi ka na." saka niya tinapik ang braso ko't nagpaalam na ito at pumunta na ito kay Andrea. 

I feel so sorry for what i did kay Oliver. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon nalang ang reaksyon ko. Hindi naman madaling uminit ang ulo ko at isa pa, sanay na ako sa mga biro nila pero hindi ko maintindihan kung bakit ganoon nalang ang reaksyon ko? 

Ano bang nangyayari sa iyo?