webnovel

My Saturday Girl

Teenage boy who hates worms and a Teenage girl who hates basketball player. The girl is tutoring the boy every saturday. Can love be formed between two troubled hearts.

wackymervin · Teen
Not enough ratings
32 Chs

Chapter 23

Chapter 23

Andrea's POV 

Nagulat ako. Siyempre hindi ko ineexpect na sinet up pala ako ni Vinson para makipagkita kay Seth. No offense ah, hindi ibig sabihin hindi ako papayag na lumabas kasama si Seth is just that mas kilala ko na kasi si Vinson compare kay Seth, though sabi ko nga noon akala ko masama ang ugali ni Seth pero okay rin naman pala. Medyo palyful lang at habulin ng mga girls sa school pero normal naman iyon kasi nga heartthrob at kilala siya kasi part siya ng basketball team. At siyempre hindi maikakaila na gwapo rin naman si Seth. 

He apologised sa nangyari raw. Nahihiya lang raw talaga siya na kausapin ako at natatakot siya na baka hindi raw ako pumayag once na yayain nga niya akong lumabas kami kasi nga raw sa pagkatao niya. Baka raw iniisip ko na dahil habulin raw siya ng mga babae e, hindi ko raw siya ientertain. Or seyosohin. Natawa ako, though ganoon naman talaga ang iniisip ko pero hindi iyong part na hindi ako papayag, kung kakain lang naman sa labas why not, basta hindi ako ang magbabayad, besides ikaw ang nagyaya, ikaw ang magbayad pero alam ko na hindi issue iyon sa kaniya kasi nga mayaman siya. 

Ramdam ko parin ang hiya ni Seth ng minutong iyon kaya sabi ko sa kaniya magrelax lang siya, okay lang ako. Pinaramdam ko naman sa kaniya na okay ako, though medyo upset lang ako kasi akala ko totoo iyong mga ipinakita ni Vinson sa akin. Hindi pala, pero okay naman si Seth.

Pagkadating ng pagkain namin ay nagpaalam ako sa kaniya na pupunta lang ako sa washroom at pumayag naman siya. Kinuha ko ang cellphone ko pero iniwan ko na iyong wallet ko at maliit na slingbag. At pumunta na ako sa washroom. Tinatry kong tawagan si Vinson pero hindi niya ako sinasagot, inulit ko pa pero maya-maya naging unattended na siya. Inoff ni gago ang phone. Naghugas nalang ako ng kamay at napatingin sa pwesto namin ni Seth, aarte pa ba ako? Si Seth na iyan at isa pa, friendly date lang naman ito. Mag enjoy ka nalang, Andrea. 

Bumalik ako na may ngiti sa aking labi, tapos sabi ko kay Seth na kumain na kami, pero bago kami kumain, i told him na siya ang maglead ng prayer. Napatingin siya sa akin, i know na hindi niya ito ineexpect. Pero, laking gulat ko nang ipinikit niya ang kaniyang mga mata at he started to pray. 

Pagkatapos ni Seth na magpray ay nagsimula na kaming kumain. He seems nervous kaya sabi ko chill lang kami. If he needs to ask me about something or anything, sasagutin ko. Siyempre kapag ako naman ang nagtanong kailangan niya ring sagutin. 

Pinauna niya ako. Habang kumukuha ako ng isang slice ng pizza at nahihirapan ako, tumayo si Seth at siya ang nagslice nito at inilagay niya sa plato ko. I thank him for that. Saka siya bumalik sa upuan niya. 

Tinanong ko siya kung bakit niya ako gustong i-date. Mabilis niya akong sinagot na para raw mas makilala pa niya ako. Well, so ibig bang sabihin nito, interested siya sa akin? Hwag mag assume Andrea, masasaktan ka lang. 

After niyang sumagot, siya naman ang nagtanong. Tinanong niya ako kung anong tingin ko raw kay Vinson. Mabilis ko siyang sinagot na he is a nice person. Medyo, mahina lang pero functioning pa naman. Natawa siya. Infairness kasi dito kay Seth unlike sa iba niyang mga teammates, isa siya sa matatalino. Kapag nga may quizzes kami hindi siya naaalis ss top 5. Siyempre, top 1 ang kapatid niyang si Jade. 

So, ako naman. Tanong ko bakit ganoon nalang ang galit ni Jade sa akin. Na tahimik siya, pero sabi ko okay lang naman kung ayaw niyang sagutin, its totally fine. Pero sinagot niya parin, sabi niya dahil raw kay Vinson. Napakunot ang noo ko. Anong kinalaman ni Vinson dito? 

Sabi niya, matagal ng may lihim na pagtingin si Jade kay Vinson, pero hindi naman ito pinapansin ni Vinson. Akala nga raw nila dati bading si Vinson kasi wala pa siyang nagugustuhang babae sa school. Focus lang raw talaga sa basketball si Vinson. So, anong kinalaman ko? Bakit ako na damay? 

Kasi raw, una siyang nagpropose kay Vinson tungkol sa pagtulong nito na itutor siya kaso mas pinili niya raw ako. So, ayun lang pala iyon? Nalungkot naman ako bigla. At the same time naging masaya kasi ngayon alam ko na. Hindi na ako clueless at least may idea na ako at kapag nagkita na kami makakausap ko na siya ng maayos. 

"Gusto mo bang kausapin ko siya para sa iyo?" sabi ni Seth, humindi ako. Hindi ibig sabihin ayaw ko ng tulong niya. Masaya ako na gusto niya akong tulungan pero kaya ko na itong isolve. Thankful lang ako na ngayon alam ko na. Alam ko na kung paano ko siya iaaproach. 

Sabi ko sa kaniya, change topic na. Ako naman ang sunod na nagtanong. Tinanong ko siya kung anong type niya sa babae. Sabi niya, hindi katangkaran. Mahaba ang buhok. Maliit ang mukha. Maayos magdala sa sarili. Simple at may personality. Masiyahin, kasi siya sa totoo lang kapag nasa labas lang raw siya masaya pero sa loob hindi raw, punong puno raw siya ng kalungkutan. Bigla naman akong nalungkot. Marahil dahil hindi parin niya makalimutan iyong Daddy niya tapos magpahanggang ngayon ay nagaadjust parin siya sa pamilya niya at sa mga tao sa paligid niya. Tumayo ako at nilapitan siya at niyakap ko siya ng mahigpit, tumawa lang siya at tinapik niya ang braso ko. Sabay sabing, okay lang raw siya, pero napansin kong tumulo ang luha niya at kaagad naman niya itong pinunasan. 

Hindi mo talaga dapat hinuhusgahan ang isang tao lalo na kung hindi mo pa ito lubusang kilala. 

Nang oras naman niya para magtanong. Tinanong niya ako if willing raw ba ako na makipagdate sa kaniya sa pangalawang pagkakataon? Mabilis ko siyang sinagot na, yes.