webnovel

My Prince Is Masungit (Webnovel Ver.)

Serenader 1: WILLIAM CRAWFORD

AriadneWP · Teen
Not enough ratings
12 Chs

Chapter 15-16

[RISSEY'S POV]

Nakatulala ang mga lalaki habang tinitignan ako. Bakit kaya? May dumi ba ako?

"HOY! ANO ANG TINITINGIN-TINGIN NIYO DIYAN?" sigaw ni Satanas sa mga lalaki.

Ang sungit talaga nito. Pero pagdating kay Danielle ay goodboy siya. May gusto yata 'to kay Danielle.

"Hoy! Kunin mo ang bag ko sa leisure room." utos sa 'kin ni Fred.

-____-

Sumunod naman ako sa utos niya. Syempre, slave niya ako eh.

[FRED'S POV]

Fuck! Bakit grabe makatingin ang mga lalaki sa kanya? Parang naiinis ako.

"Heto na po ang bag niyo Master." sabi ni Rissey sabay bigay sa 'kin ang bag ko.

I admit that she's beautiful kapag nag-aayos siya.

[THIRD PERSON'S POV]

Sa isang room ay napagdesisyunan ni Danielle na lumabas muna since wala pa yung Prof nila.

Si William naman, tulala pa rin dahil sa kagandahan ni Danielle.

"Brad, ayos ka lang?" tanong ni Ezekiel kay William.

Pero tulala pa rin si William.

"Anyare diyan?" tanong ni Fred kay Ezekiel.

"I dunno." sagot ni Ezekiel.

Mas natulala pa si William dahil sa nakita niya kaya napalingon din sina Fred at Ezekiel sa tinitingnan ni William at pati na rin ang buong klase.

Biglang nagkaroon ng slow motion nang makita nila sina Lauren, Rissey at Danielle. Natulala si William sa ganda ni Danielle. Same to Fred and Ezekiel. Kay Ezekiel ay kay Lauren habang kay Fred naman ay kay Rissey.

"Ang ganda ni Danielle." ang nasa isip ni William.

"Ang ganda talaga ng fiancé ko. Kaya nga mahal ko siya eh." ang nasa isip ni Ezekiel.

"Kahit naiinis ako sa kanya. Aaminin kong maganda siya." ang nasa isip ni Fred.

"Ang ganda naman nila. Sino kaya ang liligawan ko sa kanila?" ang nasa isip ng mga lalaking estudyante.

"Che! Mas maganda pa rin ako." ang nasa isip ng mga babae at beking estudyante.

"Syntax Error." ang nasa isip ni Author.

Bwahahahaha! Calculator lang ang peg.

Nang maka-upo na sina Rissey, Lauren at Danielle ay back to normal na ang pag-iisip ng mga estudyante except kina Fred, Ezekiel at William. Tulala pa rin.

[DANIELLE'S POV]

"Hi girls." bati sa 'min ng isang grupo ng mga kalalakihan.

"Hi boys." bati ni Lauren sa kanila.

"Ang ganda niyo namang tatlo." sabi ng isang lalaki. Mukha itong manyakis.

"Thanks." tugon ko.

"Pwede bang makuha ang number niyo?" tanong sa 'min ng lalaki.

Ano raw?

"Wala akong phone eh." sagot ni Rissey sa lalaki.

"Sige na." pangungulit sa 'min ng lalaki na makuha ang number namin.

"Hindi pwede." Nagulat kami nang may nagsalita mula sa likod namin.

Napalingon kami sa nagsalita.

O_____O

Si William kasama sina Fred at Ezekiel. Biglang may lalaking umakbay sa akin. Nagpumiglas ako pero malakas ang pagkakaakbay sa akin ng lalaki.

"Hey dude, girlfriend ko 'yang inaakbayan mo. Kung ayaw mong ma-kick out sa school ay tanggalin mo 'yang braso mo." sabi ni William sa lalaking umakbay sa 'kin.

Biglang natakot yung lalaki kaya inalis niya ang pagkakaakbay niya sa akin. Ano ka ngayon ha! Girl...

O_____O

Teka, ano ang sinabi ni William? Girlfriend niya? Sino? Ako?

*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*

Waaaaaa! Ba't kinikilig ako?

Nagsi-alisan na yung mga lalaki dahil sa takot at lumapit sa amin sina Fred, William at Ezekiel.

"Hoy slave. Kunin mo ang pizza na nasa cafeteria." utos ni Fred kay Rissey.

"Fred, wag ka namang ganyan kay Rissey. Babae 'yan, dapat maging gentleman ka." suway ni Lauren kay Fred.

"Wala akong pakialam kaya 'wag kang makialam!" sigaw ni Fred kay Lauren.

"Hoy Fred! Wag mong sisigawan ang fiancé ko." suway ni Ezekiel kay Fred.

Ano raw? Fiancé?

"Wag mo nga akong tawaging fiancé. Nakakairita kasi lalo na kapag ikaw ang tumatawag." sabi ni Lauren sabay yakap sa braso ni William.

Ouch! Ang sakit naman no'n.

- LEISURE ROOM -

[RISSEY'S POV]

"Ito na po master." sabi ko sabay lapag ng 10 box na pizza na sobrang bigat.

Ang sakit ng mga braso ko. Huhuhu!

"Good slave." sabi sa 'kin ni Satanas sabay pat sa ulo ko.

Hindi ako aso Satanas ka! Grrrrrrrr!

"Hoy Fred, hindi aso si Rissey. Wag mo siyang i-pat sa ulo." pagtatanggol sa 'kin ni Danielle.

Bumuntong hininga naman si Fred. "Sorry Princess." tugon ni Fred kay Danielle.

Buti naman at napakalma ni Danielle si Satanas.

- FAST FORWARD -

[DANIELLE'S POV]

Hayyyyyy! Ang boring naman dito sa kwarto. Ano kaya ang pwedeng gawin?

Napatingin ako sa cellphone ko.

"Alam ko na!" ang nasabi ko.

Kinuha ko ang phone ko at nag-login sa facebook.

***

logging in...

***

Nang ma-login ko na ang facebook account ko...

***

Facebook is free

facebook search

Home Profile Friends(47) Messages Notifications(8) Chat(81)

***

...ay pinindot ko ang chat para makita ko kung sino ang online.

***

Active:

Lauren Gomez - mobile

Fred Dela Cruz - web

Dyosa Bacarra - mobile

Annie Mae Calda - web

Erica Uy - web

Sairene Gallegar - mobile

***

Chinat ko sina Lauren at Fred.

[WILLIAM'S POV]

(WARNING: Rated SPG - Striktong Patnubay at Gabay ng magulang ang kailangan.)

Geez, pinagpawisan ako do'n ah. Nag-basketball kasi kami nina Fred at Ezekiel.

Pumunta ako sa banyo para mag-shower.

Hinubad ko ang aking mga suot hanggang sa wala ng matira.

Binuksan ko ang shower at nagsimula na akong maligo.

Kinuha ko ang sabon sa lalagyan at sinabon ko ang aking katawan.

Habang naliligo ako ay nagulat ako nang may naramdaman akong yumakap sa akin mula sa likod.

"Hi William." sabi ng isang pamilyar na boses.

O_____O

I know that voice.

Nagpumiglas ako sa yumakap sa akin at napatingin ako sa likod.

O_____O

Si Danielle? Paano siya nakapunta rito sa shower room? She's naked. Nakakagat-labi siya.

"Wow! Ang laki naman niyan." sabi niya at...

***

"AAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!"

Bigla akong napabangon sa kama ko. Fuck! Akala ko totoo ang nangyari sa amin ni Danielle. Panaginip lang pala 'yon.

Tumingin ako sa alarm clock.

5:45 AM

Umaga na pala.

Bumangon ako mula sa kama at pumunta sa CR.

A/N: Oh ayan, mahaba-haba na ang POV ni William. Ngayon lang 'yan mangyayari. Hahaha! Just kidding.

AriadneWPcreators' thoughts