webnovel

Reception

Jungkook's Pov

Pagtapos ng kasal namin ay tuloy na sa reception. Sinerved na ang mga food habang nagpoprogram. Alam kong mga gutom na sila.

"Ladies and Gentlemen, lets all welcome the bride and the groom." sabi ni Namjoon. Si Namjoon kasi ang host.

"Habang nakain tayo iimbitahin ko muna ng isang sayaw ang ating bagong kasal." sabi pa ni Namjoon. Nagpalakpakan naman ang lahat.

Pumunta kami sa gitna at sinayaw ang kantang God gave me you.

"Masaya ka ba mahal ko?" tanong ko.

"Oo naman mahal ko. Masayang masaya." sagot nya sa akin.

Nag uusap pa kami ng kung ano ano habang nasayaw. Medyo nalibang kami sa pakikipag usap sa isat isa, di namin namamalayan na tapos na ang kanta.

"Kala ko hindi na kayo titigil sa pagsasayaw hahaha. Sige maupo muna kayo Jk at Lisa. Isusunod naman natin ang isang mensahe ng ating maid of honor na si Ms. Jennie Kim." sabi ni Namjoon. Nagpalakpakan naman ang mga tao.

Tumayo si Jennie at pumwesto sa gilid namin. Tumingin muna sya samin bago nagsalita.

"Bago ang lahat gusto kong batiin ang bagong kasal ng congrats sa inyong dalawa. Gusto ko lang sabihin sa inyo na napakaswerte mo Jk at napangasawa mo ang isang napakabait na si Lisa. Hindi ko sinasabi to dahil bestfriend ko sya. Sinasabi ko ito dahil yun ang totoo. Natulong yan sa iba nang walang hinihiling na kapalit dahi pagnatulong yan hindi pinapaalam sa iba." sabi ni Jennie.

"Tama!!!" sabay na sabi nung Agent Gold at isang babae na di ko kilala.

"Akala mo Lisa hindi namin alam? Nagkakamali ka. Nakita namin kung pano mo tinulungan ang isang bata na may cancer sa pagpapagamot. Pati na rin nung highschool tayo. Inako mo ang kasalanan ng iba para lang hindi matanggal ang scholarship nung isang schoolmate natin. Napakabait mo Lisa kaya naman kahit itinitulak mo kami palayo eh nde kami sumusuko sayo." sabi pa ni Jennie.Napansin ko na natulo na naman ang luha ni Lisa. Pinunasan ko ito.

"Pakiusap ko lang Jk lagi mong mamahalin ang kaibigan ko at wag mo sanang lolokohin. Naku di ka uubra jan hahaha. Pero seriously ipagdarasal ko ang magandang pagsasama ninyong dalawa. Un lang love you best friend." sabi pa nya. Nagpalakpakan naman ang mga tao.

"Ngayon naman pakinggan natin ang best man ni Jk. Tinatawagan ko para pumunta sa harap si Mr. V." sabi ni Namjoon. Pumunta naman sa harap si V.

"Congrats pala sa inyo. Haist! Di ako sanay na magseryoso. Hahaha. Lagi nyo lang tatandaang dalawa na nandito lang kami para sa inyo. Tama na nga drama. Bigyan nyo na lang kami ng pamangkin hahaha." sabi ni V. Loko loko talaga tong alien na to.

Natapos na ang pagcut ng cake, may kumanta, may mga nagmessage pa. Nagpaalam pumunta ng cr si Lisa. Ang tagal nya di pa sya bumabalik. Tatayo sana ako nang biglang magsalita si Namjoon.

"Ipagpatuloy natin ang programa. Wag kang tatayo jan sa upuan mo Jk." banta ni Namjoon. Sinunod ko naman sya.

"Ang susunod natin ay ang presentasyon ng ibang grupo. Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang mga ito." sabi ni Namjoon.

Pumalakpak naman ang mga tao. Namatay ang ilaw maliban sa sentro nito. May apat na nakatalikod na babae. Nagsimula na ang tugtog at humarap ang apat. Syete si Lisa. Sinayaw nila ang Bitch better have my money remix ni Rhianna.

Sumunod na sinayaw nila ang partition ni beyonce. Grabe ang galing sumayaw ni Lisa.

Ang sexy ng asawa ko. Hindi ko naisip na magaling sya sumayaw. Sa kanilang apat sya ang pinakamagaling.

"Ngayon naman ay magbibigay ng mensahe si Ms. Jisoo Kim sa bagong kasal." pagpapakilala ni Namjoon.

"Para sa bagong kasal congrats sa inyo. Alam nyo matagal ko nang hinihintay tong pagkakataon na to. Ung makita si Lisa na masaya. Lahat kami natulungan mo. Nung mga panahong kailangan kong magkaroon ng club at dance club na lang natitira. Nakita mo ako nung naiyak kasi babagsak ako dahil walang gustong maging kagroup ako. Matigas kasi ang katawan ko hahaha. Pero inaya mo ako nun pati si Jennie. Tapos sumali ang pinsan ko na si Rose kaya nabuo tayong apat." sabi ni Jisoo habang naiyak.

"Hindi ko na papahabain pa. Sana ngayon matutunan mo na kaming tanggapin sa buhay mo. Mahal ka namin bilang kaibigan. At Jungkook wag mo lolokohin ang kaibigan namin dahil hindi lang ako makakalaban mo kundi lahat kami. Ipagdarasal ko na lumigaya kayo habang buhay." sabi pa ni Jisoo.

Tumango ako sa sinabi ni Jisoo. Nilingon ko ang asawa ko at niyakap dahil naiyak sa sinabi ata ni Jisoo.

"Ok ka lang mahal?" tanong ko kay Lisa.

"Oo naman ok lang ako. Ang tagal na panahon kasi na hinayaan ko na may pader na nakaharang sakin. Hindi ko sila tinatanggap sa buhay ko. At yun ang pinanghihinayangan ko kaya ako naiyak ng ganito. Isa pa kung nakikita ako ni Errol sana maging masaya at mapanatag na sya." sabi ni Lisa.

Kung nasan ka man Errol mapanatag ka na gaya ng hiling ni Lisa. Dahil hindi ko papabayaan si Lisa. Mamahalin ko at iingatan.